Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Posisyong Papel

Pagbabalik ng Mandatory ROTC

Kamakailan nga ay ibinalik na ang Reserve Officer’s


Training Corps (ROTC), ngunit handa na nga ba ang bagong
henerasyon ng mag-aaral na mag-aksaya ng oras sa mga ganitong
gawain lalo na’t isa ito sa mga pangangailangan upang
makapagtapos ng kolehiyo?

Noong dekada 80 at 90, mas kilala ito bilang Citizens


Military Training (CMT). Ano ba ang nangyayari sa bawat training
day (TD) na nangyayari tuwing Sabado? May mga lektyur kung paano
maging huwarang sundalo, praktikal na pagsasanay para humawak at
magpaputok ng maikli’t mahabang armas, at, higit sa lahat, walang
katapusang pagmamartsa sa init ng araw habang sinisigawan ng mga
opisyal ng ROTC. Kung minamalas ka, mapaparusahan ka pa sa
pamamagitan ng push-ups. At kung talagang minamalas ka, puwede
kang masampal, mabatukan, masikmuraan o matadyakan, may mabigat
na kasalanan man o wala. Totoong ang habol lamang ng mga
estudyante noon sa CMT ay makapasa, hindi makakuha ng mataas na
grado sapagkat hindi kasama sa komputasyon ng pinal na grado sa
kolehiyo ang mga grado sa CMT kaya hindi ka apektado kahit
pasang-awa ka lang.

Sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 2018, “I


encourage Congress to enact a law that will require mandatory
ROTC for Grades 11 and 12 so we can instill patriotism, love of
country among our youth.” Ngunit para sa akin, hindi naman
kailangan ang ROTC sa mga estudyanteng may mga edad na 16, 17, o
18 para lamang maipakita nila ang pagmamahal nila sa kanilang
bansa at isa pa, hindi dapat nadadamay ang mga kabataan sa
anumang armadong tungalian. Ayon pa nga sa ilang mamamayan ng
ating bansa na sumailalim na noon sa ROTC ay isiniwalat nila sa
publiko na wala naman silang natutunan sa ROTC at dagdag pa nila
na nasayang lamang ang dalawang taong pagsusuot nila ng uniporme
at boots tuwing sabado na mas mahal pa sa kanilang mga damit ang
presyo ngunit wala naman silang natutunan.

This study source was downloaded by 100000841140057 from CourseHero.com on 11-29-2022 21:56:26 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/48405317/Posisyong-Papeldocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like