Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Abstrak

Hezron P. Tan Gas 12-A

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang mga pananaw at iba’t ibang saloobin ng
mga kabataan hinggil sa panganib na dulot ng ipinagbabawal na gamot. Ito ay para na rin mas
maintindihan at maunawaan ng mga kabataan ang tamang impormasyon tungkol sa droga at
maiwasan ang pagkalulong dito. Tinatawag na kwantitatibong impormatibong pananaliksik ang
gagamitin sa pag-aaral na ito. ang mga mananaliksik ay gumagamit ng paraan ng paghahanap ng
mga datos sa pamamagitang ng paggamit ng talaan ng mga tanong o questionnaire, kung saan
nakapaloob ang mga tanong na makakatulong sa pananaliksik. Nakakuha ang mananaliksik ng
mga ideya at opinyon ng mga respondente sa dokumentasyon. Naghanap din ng datos sa internet
para mas lalo pang mapalawak ang paksang tinalakay. Malaking tulong ito sa pagbibigay ng
impormasyon at maunawaan ang paksang napili. Ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral ay mga
kabataan na babae at lalaki na hindi gumagamit ng ilegal na gamot na nasa ikasampung-baitang
sa Mataas na Paaralan ng Muntinlupa. Kukuha kami ng apatnapung respondente sa pag-aaral na
ito. Dalawampu (20) dito ang mga babae at dalawampu (20) ang mga lalaki. Ang lumabas na
resulta ay Kung ang isang tao ay gumagamit ng droga mahahalata mo ang mgapagbabago sa
katawan niya at sa pagiisip niya. Ang mga galaw ng isangaddict ay naiiba din sa normal. Isa sa
mga sintomas ng mga bata atteenagers ay ang depression, stress, nawawalan ng interest sa
skwelahan at mag aral, hindi na pumapasok at sila ay nagiging emosyonal. At para naman sa
mga matatanda ay depression, stress, moody,negatibo, may sariling mundo, gusto lagging mapag
isa hindi nakakapagconcentrate, hindi makatulog, lagging napapaaway, namumula ang mgamata
at nababawasan ng timbang.

You might also like