Professional Documents
Culture Documents
Module in GNED 09. One 4th Part
Module in GNED 09. One 4th Part
Module in GNED 09. One 4th Part
Ang modyul na ito ay inihanda ng may akda,para sa kapakinabangan nang lahat na mag-aaral ng
Sekundarya man o Tersyarya na may hangaring mapalawig ang kanilang kaalaman tungkol sa “Buhay at mga
Ginawa” ng ating dakilang bayani ng lahing kayumangging ,si Dr.Jose P.Rizal,mula sa kaniyang pagsilang,
hanggang sa huling yugto ng kaniyang buhay.Marami sa ating kabataan, nag-aral man,o hindi,na kilala lamang
ang ating bayaning si Jose Rizal,bilang Pambansang bayani ng Pilipinas,at may akda ng mga aklat na “Noli Mi
Tangere,at El Filibusrerismo” maliban doon ay wala na.
Sino nga ba si Jose Rizal? At bakit kailangan pa nating paulit-ulit na isali sa ating mga kurikulum,ang
tungkol sa kaniyang kasaysayan na mahigit nang dantaon ang nakalipas.Ano ba ang implikasyon nito sa kasulu-
kuyang panahon,lalo na sa buhay ng mga mag-aaral?May maitutulong pa ba ang mga pangyayaring naganap
noon sa kanyang buhay, sa buhay ng mga mag-aaral natin ngayon?Masasagot lamang ang mga katanungang
‘yan,kung pag-uukulan mo ng panahong basahin ang mga nilalaman ng modyul na ito.
Ang ideyalismo ni Rizal na siyang nagpabangon sa kaniyang nagugupiling na bayan noon,ay siya ring
uri ng ideyalismong kailangan,nang kasalukuyang lipunan sa pagtatag-bansa.Ang uri,nang pagka-makabayan ng
bayani ay siya ring uri ng pag-ibig sa bayan,na hanggang sa ngayon ay nararapat maging salamin ng mga
Pilipino.
Ang tunay na kadakilaan ni Rizal ay nasa kaniyang mga kaisipan,at pilosopiya na siyang gumising sa
bayan;nagka-anyo,nang damdaming kayumanggi ang lipi ng Pilipino.Ang kaniyang mga akda sa panahon ng
kaniyang kasibulan,at nang ang nagising na bansang ito ay bumangon,upang ipagtanggol ang kaniyang
karapatan,pinagpilitang putulin ang ugat na pinagmumulan ng mga kaisipang nagsilbing gabay ng mga Pilipino
sa dilim.
Sa lahing Pilipino,ang kahalagahan ni Rizal,ay walang katapusan.Ang pangangailangang ito ng bansa sa
kaniya ay higit na nadarama,mula noon,hanggang sa kasalukuyang panahon.
Magtututuro sa iyo ang modyul na ito,nang mahahalaga, at mga dakilang pangyayari sa buhay ng ating
bayaning si Jose Rizal.Bagaman,ginawa ko ang araling ito sa pabuod na sistema,makatutulong pa rin ang mga
nilalaman nito,upang mahawi ang lambong na tumatakip sa isipan ng mag-aaral,upang mabatid ang kadakilaang
ginawa ng idolo ng mga lahing kayumanggi.
Tatalakayin sa babasahing ito ang labing-apat na mahahalagang paksa tungkol sa mga naganap sa buhay
ni Jose Rizal,mula sa kaniyang pagsilang,noong taong isang libo,walong daan at animnapu’t isa,hanggang sa
huling yugto ng kaniyang buhay,noong isang libo walong daan at siyamnapu’t anim,kung saan ay nagwakas ang
kaniyang makulay na buhay sa napakabatang edad.
Bawa’t umpisa ng sub-module na nakapaloob dito ay may nakahandang katanungan na kailangan mong
sagutin,bago ka pumalaot sa nilalamang aralin. Ang sagot ay maaaring sarili mong nalalaman,o kaya naman ay
galing sa sarili mong pananaliksik,na pinagtiyagaan mong hanapin sa ilang mga babasahin na may kaugnayan
sa module na ito.Huwag kang magulumihanan ,kung hindi mo magampanan,nang buong husay ang mga
pagsubok sa unahan,sapagka’t sa bandang huli,,matapos mong mabatid ang buong nilalaman,ang kaganapan ng
iyong tagumpay
“KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” Kasabihang namutawi sa bibig ng ating bayaning Jose
Rizal na hindi dapat masayang ,kahit na siya’y isang alaala na lang,nang kasalukuyan. Lagi nating isiping tayo
ay Pilipino at mamamatay tayong Pilipino..kagaya ni Rizal
1
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Pambungad:
Kung may news reporter tayo na maaaring ipadala natin sa nakaraan sa isang kathang science
fiction na may dalang laptop computer na may kakayahang magpadala ng isang blog posting, para sa
atin dito sa taóng 2020, mahahanap kaya niya si Jose Rizal bilang isang bata sa alam nating
kinalakhan niyang bayan?Kung simple lang na makabalik siya sa mga taong 1866, na dapat ay bata
nga si Rizal sa bayang iyon ng Calamba, Laguna, di ba magugulat talaga tayo, kapag iniulat niya na
wala siyang mahanap na batang Jose Rizal? Di ba’t magugulat tayong lalo, kapat iniulat niyang wala
siyang mahanap roon na nakakakilala sa sinumang may apelyidong “Rizal”??? Ano???
Walang nakakilala sa sinumang may apelyidong Rizal, samantalang sa pagkakaalam nga natin
ay malaking pamilya sina Jose Rizal na isa pa ngang prominenteng pamilya sa Calamba,noong kahit
musmos pa ang superstar nilang si Dr. Jose Rizal? Paaanong mangyayaring walang mapagtanungan
ang reporter natin na nakakakakilala sa sinuman sa kanila?Pero totoo, bakit kaya? Paanong naging
“never heard”ang Rizal sa Calamba,noong 1860s?Ang mga ito ang dapat mong alamin sa
pagpapatuloy sa module na ito.
Panubay: Isulat mo ang alam mong sagot sa nakalaang puwang sa unahan nang bawat tanong,kung hindi mo pa
alam,iwan mo lang ,nang walang sagot;
A. Identificasyon:
_______________1. Dalawang salitang pinanggalingan ng bayan ni Rizal na Calamba.
_______________2. Ano’ng araw sa kalendaryo ang Hunyo 19,1861,na kapanganakan ni Dr.Jose Rizal.
_______________3. Pinakamataas na opisyal na namumuno sa Pilipinas,nang isilang si Rizal.
_______________4. Ano’ng uring pamahalaan mayroon sa Pilipinas sa panahon ni Rizal.
_______________5. Ano ang orihinal na apelyido ng lolo ni Rizal na galing sa Chongchaw;Fukien,China?
_______________6.Ano’ng apelyedo ang hindi tunay na pag-aari ni Donya Teodora,ang nanay ni Rizal
_______________7. Kahuli-hulihang angkan ng mga raha sa Tondo na pinagmulan ng ina ni Rizal.
_______________8. Ano’ng buwan ipinapanganak ang mga batang kinukuha ang pangalan sa kalendaryo.
_______________9. Miyembro ng pamilya Mercado na nagbigay,nang malaking sakit ng ulo sa mga Kastila.
_______________10.Sa bayang ito nag-aral si Jose ng Elementarya.
_______________11.Kaalamang itinuro ni Maestro Leon Monroy sa kay Jose Mercado.
2
_______________12. Karunungang sinanay ni Pepe sa Binyang sa ilalim ni G.Justiniano Aquino Cruz,na siyang
nagpapawasto sa pangungusap sa tamang tungkulin at ugnayan ng mga sangkap nito.
_______________13.May isa pang asignaturang kinuha si Rizal sa “Entrance Exam” sa San Juan de Letran,maliban sa
Matematika,at Pagbasa.
_______________14.Dating pangalan ng Ateneo De Manila ngayon na ipinagawa noon para sa kalalakihan ng
Maynila.
_______________15.Kursong tinapos ni Rizal sa Ateneo,na nagkamit siya ng 5 medalyang ginto noong 1877.
_______________16.Eksaktong petsa,buwan,at taon nang patayin sa garote ang “GOMBURZA”.
_______________17.Unang akda ni Rizal na inihandog niya sa kaarawan ng ina habang siya’y nag-aaral sa Ateneo na
may salin sa Tagalog na “Anu kong Salamisim”,taong 1874.
_______________18.Kauna-unahang inukit ni Rizal,bilang manlililok sa Ateneo.
_______________19.Sa pamantasang ito nag-umpisang kumuha ng Medisina si Rizal, na tinapos niya sa ibang Bansa.
_______________20. Sa Pamantasan ito,unang ginamit ni Jose ang Apelyidong RIZAL.
B. Enumeracion: Ibigay ang mga hinihiling,kung lubos na batid ang kasagutan;
A. Unang dalawang malungkot na pangyayari sa buhay ng batang Rizal,bago siya mag-aral sa Ateneo.
1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________.
B. Dalawang abogadong nagtanggol sa kaso ng kanyang ina sa sala ng “ Royal Audiencia”
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
C. Tatlong kursong kinuha ni Rizal sa Ateneo,kung saan ay tinanghal siysng pinakamahusay.
5. _____________________________________________________________________
6. _____________________________________________________________________
7. _____________________________________________________________________
D. Tatlong dahilan kung bakit hindi nagustuhan ni Rizal sa Pamantasan ng Sto.Tomas.
8. ______________________________________________________________________
9. ______________________________________________________________________
10. _____________________________________________________________________
C. Pagpili: Bilugan ang piniling tamang sagot sa hanay ng pamilian sa ilalim ng pangungusap/mga
pangungusap;
3
19. Isagani ng El Filibusterismo
a. Faciano Mercado
b. Jose P. Rizal
20. Sa kanya ni Rizal ipinagkaloob ang orihinal na sipi ng Noli;
a. Valentin Ventura
b. Maximo viola
Bigyan mo nang paliwanag ang ilang katanungang inilaan ko sa ‘yo.Baka mula sa ‘yo ay
mabigyan nang linaw ang mga katanungang mas madalas na napagtatalunan, kapag si Rizal na ang
napaguusapan:
A. Maipaliliwanag mo kaya sa iyong sarili para sa kapakanan nang mambabasa, kung ilang taon kinuha ni
Rizal ang kanyang pag-aaral sa Primarya________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
B. Ano ang pinaglaanan ni Rizal nang higit niyang panahon,at pati ang kaligayahan ng kanyang sariri ay
naga wa niyang maisakripisyo,gayung nakaririrwasa naman sila sa Buhay?_____________________
__________________________________________________________________________________
.
__________________________________________________________________________________
C. Sa paanong mga pangyayari napatunayan ni Rizal,ang kaniyang sinabi na “ Mas Mahapdi ang Sugat na
ilalatay ng Talim ng Panulat,Kaysa sa hiwang magagawa ng Espadang Matalas”________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
KUMUSTA KA NA? Nagampanan mo ba nang buong husay ang mga inilaan kong mga tanong?
Kung oo,mainam, kung hindi naman,huwag kang mag-alala,dahil tutulunga ka ng module na ito na masagot
mo sa susunod na pag-atake mo sa nakaraang mga tanong.Magiging madali na sa’yo ang kasagutan sa mag
tanong na yaon,kapag nabasa mo nang lahat ang nilalaman nito.Umpisa pa lang ‘yan nang marami pang pagsu-
Subok na haharapin mo sa pagtalakay mo nito..Goodluck sa ‘yo,maaari ka nang magpatuloy…..
Ang petsa at lugar nang kapanganakan niya ay mahalaga naman, para matandaan, kasama na ang
ilang batayang impormasyon ukol sa Mag-anak at Pagsilang ng isang Pilipinong itinuturing nating
isang tampok na “Pambansang Bayani.”Ipagpatuloy mo ang pagbabasa at makakasalubong ka ng “clue
o kaya naman ay dagdag pang misteryo
4
Mga Datos na Sikapin mong Matandaan:
A. PAGSILANG NG BAYANI
Ama: Francisco Mercado (hmm!Baka narito ang maaaring pinagmulan ng “misteryo” na nasa itaas.
Ina: Teodora Alonso y Realonda. Realonda ang “maternal surname” niya, apelyido ng nanay niya.
Bayang Pinagsilangan ng ina: Calamba,Laguna (doo’y prominenteng pamilyang may lupa ang pamilya)
Mga kapatid: Mula panganay hanggang sa bunso,na binubuo ng siyam na babae at isang lalaki
1. Saturnina (1850-1913) may palayaw na Neneng,asawa ni Manuel T.Hidalgo ng Tanuan,Batangas
2. Paciano (1851-1930) nag-iisang kapatid na lalaki ni Rizal na sumali sa rebolusyon matapos na
bitayin si Rizal noong 1896.na naging heneral,naging magbubukid pagkatapos ng
rebolusyon na Namatay sa edad na 79,Abril 13,1930..Dalawa ang naging anak..sina
Decena at Severena.
3. Narcisa (1852-1939 ) palayaw ay Sisa,asawa ni Antonio Lopez na isang guro sa Morong,Rizal at
pamangkin ni Padre Leoncio Lopez
4. Olimpia 9 1855-1887 ) palayaw ay Ypia, asawa ni Silvestre Ubaldo,telegraph operator sa Manila
5. Lucia( 1857-1919 ) aswa ni Mariano Herboza ng Calamba,pamangkin ni Padre Casañas na
namatay sa kolera noong 1889,ngunit di-pinayagang ilibing sa libingan ng mga kristyano
dahlia bayaw sya ni Rizal
6. Maria ( 1859-1945 ) asawa niDaniel Faustino Cruz ng Binyang,Laguna at may palayaw na Biang
7. Concepcion (1862-1865 ) may palayaw na Concha,namatay sa sakit sa edad na 3 taon,na labis na
ikinalungkot ni Rizal,ang unang pighati sa puso ng bayani
8. Josefa (1865-1945 ) may palayaw na Panggoy,namatay na dalaga sae dad na 80.
9. Trinidad ( 1868-1951 ) namatay rin na isang dalaga sa gulang na 83.
10. 10.Soledad (1870-1929, ang bunso,may palayaw na Choleng at asawa ni Pantaleon Quintero ng
Calamba.
5
Mga Tanong:
1. Ilang kwento tungkol sa pagkabata ni Rizal ang iyo nang narinig o nabasa?
Sa karamihan ba sa mga ito’y ipinakikitang si Rizal ay ibang-iba mula noong siya ay bata pa?
2. Ang pagkabayani ba ng isang tao ay dapat masimulan na sa kamusmusan niya?
3. Ibig bang sabihi’y wala nang pag-asang maging bayani ang mga batang baluktot?
Anim Na Kuwentong Madalas Na Naisasama, Kapag Pinag-Aaralan Ang Pagkabata Ni Rizal.Hindi
naman nakabatay sa mga dokumentong pang-kasaysayan ang bawat isa sa mga ito, ngunit hindi rin na-
man nila napapatunayang haka-haka, o kaya’y inimbento lamang. May mahalagang mga aral ang bawat
isa, na maaaring talakayin ‘di man mapatunayang ang kuwento mismo ay totoo. Ang anim na kuwento
ay narito:
A. Gamu-gamo at ang Lampara
Pinagbasa ang batang siRizal ng kaniyang ina mga kwento mula sa aklat na Kaibigan ng mga bata,
nguni’t ang atensiyon ni Rizal ay wala sa binabasang aklat kundi sa mga gamu-gamong naakit sa ganda
ng apoy sa lampara at lumipad nang masyadong malapit sa nakaayang maliwanag na apoy. Nagbabala
sa anak ang inang gamu-gamo na huwag lalapit nang gaano sa napakainit na apoy, ngunit hindi siya
sinunod nito,hanggang sa madarang sa apoy ang kanyang munting mga pakpak ,at sa pagliyab ng mga
ito, siya ay nasunog din at tuluyang namatay.Tumatak nang husto sa isipan ng batang Rizal ang
ikinuwento ng ina tungkol sa pagsuway ng gamu-gamo sa saway ng ina..Naisip niya na tama lamang
ang ginawa ng batang gamu- gamo,nasabi niya sa sarili na iyon ay pagsasakripsyo ng sariling
buhay,para sa ikabubuti ng iba.Pagpapakamartir,na kung hindi ka magpapakahirap ay hindi mo
malalaman ang kabuluhan ng iyong buhay sa mundong ito.
Karaniwang bata ba siya o sadyang ibang-iba sa ibang bata sa kuwentong ito? Ipaliwanag nang
lubusan ang iyong kasagutan.Ano’ng sa palagay nio ang natutuhan ni Rizal sa kuwento ng kanyang
ina?
B. Mga Tsinelas sa Ilog
Minsa’y naglalakbay si Rizal, at bumabaybay sa Ilog Pasig ang sinssakyan nilang malaking
bangka. Bigla na lamang nahulog sa tubig ang kabiyak sa suot niyang tsinelas at mabilis na tinangay ng
agos papalayo sa sasakyan. Sa halip na umiyak at ipakuha ang nahulog na tsinelas sa mga kasama niya
sa bangka, hinubad niya ang kaparis ng tsinelas na naiwan sa kanyang paa, at ihinagis ito, upang maka-
abot sa kaparis na unang nahulog. Tinanong siya ng mga nakakita kung bakit niya ginawa iyon. Paliwa-
nag niya:Kung may makapulot ng kabiyak ng tsinelas na nahulog niya ay di ito mapapakinabangan,
dahil wala itong kaparis. Wala na ring silbi ang iisang tsinelas na naiwan sa kanya. Kaya pinagsasama
ang isa’t isa, para may pakinabang sa makakapulot sa kanilang dalawa, sinuman siya.. Humanga sa
katalinuhan ng batang Rizal ang mga kasakay niya sa Bangka. Karaniwang bata ba siya o sadyang I
bang-iba sa ibang bata sa kuwentong ito? Ipaliwanag nang lubusan ang iyong kasagutan..Ano
ang kaulugan ng isang pares na tsinelas?
C. Ukol Sa Tula
May patimpalak noon sa Calamba sa mga mag-aaral na makasusulat ng pinakamagandang tula sa
wikang Tagalog, at lumahok dito ang batang si Rizal ,na wawalong taong gulang pa lamang
Nagwagi nang unang gantimpala ang tula niyang “Sa Aking mga Kabata” na nagtataglay ng mga linyang
“Ang
hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop,at malansang isda.”ipinahayag
niya sa tula na ang taumbayan na tunay na nagmamahal sa sariling wika,ang siyang
makikipaglaban sa
kalayaan ng kanyang bayan.Saglit nating tunghayan ang nilalaman ng tulang kinatha ni Rizal sa gulang
walong taon
6
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Nagkaroon ba ng bisa ang akda sa iyo batay sa layon, at
nais sabihin nito? Nasiyahan ka ba sa mensahe nito?Ang binasa mong akda ay isang tula na siyang
pinakamasining na akda sa alin mang wika.Likas na makata na masining sa kanilang pagpapahayag.Hu-
mahabi sila nang mga mabulaklak na tula na siyang pinakamabisang tagapagpahayag ng tagulaylay ng
kanilang isipan,at damdamin.Isipin mo na lang na ang isang batang edad walong taong gulang ay maka-
bi nang ganito kalalalim na pag-iisip,kung siya’y ordinaryong bata lamang.
Subukin ko nga ang lalim ng iyong pag-unawa sa binasa mong tula. Kung masasagot mo nang
buong husay ang mga katanungang inilaan ko, para iyo,hinggil sa tulang ito ni Rizal,Sa edad mo ngayon
hindi ba’t dapat lang na mas mahusay kang mag-isip kaysa sa batang si Rizal.
Simulan mo na!
Lapatan nang pansariling interpretasyon ang bawat saknong ng tula batay sa ipinahihiwatig na
kaisipang nakapaloob dito. Pagkatapos, piliin mo ang titik ng kahong angkop na interpretasyon na nasa
ibaba.
Kumusta ka na? Nasagot mo ba nang tama ang interpretasyong inilaan ko sa iyo?Kung oo,ma-
galing!! Kung hindi naman, ‘wag ka mag-alala basahin mo lang nang ilan pang ulit ang bawa’t
saknong ng tula ni Rizal at mauunawaan mo nang lubos ang nais niyang ipahiwatig sa bawa’t
saknong…
D. Iskulturang Luwad
.
Minsa’y naglalaro ng luwad ang batang si Rizal, at naghuhubog siya ng mga maliliit na
monumento o pigurin. Napansin ng kanyang mga kapatid,na ang binubuo niya’y sarili niyang maliliit na
monumento, at tinudyo nila ang batang si Jose,na mas mahabang oras ang ginugugol sa iskultura,kaysa
paglalaro Ngunit sinabi niya sa kanyang sarili” Sige pagtawanan ninyo ako ngayon, balang araw, kapag
patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monument, para sa akin..Tunghayan ang
kuwentong ito sa tala ng kayang kasaysayan sa gulang na anim na taon na pinamagatang” Iskulturang
Luwad”
Ang hindi pa napagkakaisahan ng mga dalubhasa ay kung natsambahan lang niya ito, o may
kakayahan talaga siyang tumanaw sa hinaharap. Ngayon nga’y may mga monumento siya sa harap ng
munisipyo sa lahat ng bayan sa buong kapuluan.
8
Ganap ang paghanga ng batang si Rizal sa kuya niyang si Paciano, at masasabing idolo nga niya
ito. Ngunit ang idolo niyang si Kuya Paciano ay may sarili pang idolo. Labis-labis din ang paghangang
iniukol ni Paciano Mercado sa isang paring mestiso na namumuno noon sa pagpoprotesta ng mga paring
Pilipino sa trato sa kanila ng Simbahang Katoliko na pinamumunuan ng mga Obispo at paring Kastila
Segunda-klaseng mga pari raw ang mga pari sa Pilipinas isinilang at nag-aral, dahil ang mga Pilipino
raw ay Segunda-klaseng mga tao. Bunga ng kanyang mga isinusulat na naggigiit sa pagkakapantay ng
lahat ng mga pari anuman ang kulay ng balat, pinag-initan ng mga opisyal na Kastila si Padre Jose
Burgos, kura-paroko ng San Pedro Makati. At nang magrebelde ang mga sundalo sa Cavite, idiniin at
isinangkot si Padre Burgos at dalawang iba pang paring Pilipino na sina Padre Gomez at Padre Zamora.
Kulang-kulang labing-isang taong gulang si Rizal, nang patayin sa sakal ng garote ang tatlong
paring “Gom-Bur-Za” sa utos ng malupit na gobernador . Galit na galit ang kanyang kuya sa ginawang
pagpatay sa kanyang kaibigang Pari,guro,at kasama sa bahay,at pati ang mga Pilipinong malapit sa
kanila ay minanmanan at pinag-initan ng awtoridad. kaya’t bago pumasok sa Ateneo Municipal sa
Intramuros, Maynila ay binago ni Jose ang kanyang apelyido. Sa kauna-unahang pagkakataon ay
nagkaroon ng apelyidong “Rizal” sa Calamba, Laguna. Ininda ni Rizal ang ginawang pagparusa ng
kamatayan sa mga paring Gom-Bur-Za.
Naipaliwanag sa kanya ng kanyang kuya, ang dahilan nito at nagpupuyos ang kanyang
damdamin sa kawalang-katarungan ng pangyayari. Paglaon, nang matapos niya ang ikalawang nobela
niyang El Filibusterismo, iniaalay niya ang nobelang ito sa alaala ng tatlong pari.
KUMUSTA KA NA? Marami ka na bang natutuhan sa pagtalakay mo sa modyul mo? Masasagot mo na kaya
nang buong husay ang mga inilaan kong mga tanong hinggil sa anim na aralin na nilalaman ng bahaging ito.
Kung oo, Magaling!! Pero kung pa..muli mong balik-aralin ang anim na kuwento,upang hindi ka na magkamali.
Subukin mo ito!!
______________________ 1. Sa anong pamilya ng mga hayop na lumilipad kabilang ang mga gamu-gamo.
______________________ 2. Ano’ng uri ng kuwento ang binasa ng kanyang ina tungkol sa gamu-gamo?
_______________________3. Ano ang tawag sa bangkang sinakyan nina Rizal sa pamamangka sa ilog Pasig.
_______________________4. Ilang pares na tsinelas ang inihulog ni Rizal sa ilog?
_______________________5. Saang pagmamahal inahalintulad ni Rizal ang kanyang tulang” Sa Aking mga Kabata”?
_______________________6.Ano ang kahulugan ng “ Masahol pa sa hayop.
_______________________7. Ano,ng uring materyales ang luwad na ginamit ni Rizal sa mga munting rebulto.
_______________________8. Ano raw ang gagawin ng mga taumbayan kay Rizal kapag siyay namatay?
_______________________9.Kanino nakipagsabwatan ang kanyang ina kaya nahatulang makulong.
_______________________10 Ano ang kabisera ng Santa-cruz na pinagkulungan kay Donya Teodora.
_______________________11.Ano’ng sangay ng pamahalaan ngayon ang katumbas ng Royal Audencia de Manila?
_______________________12.Sino sa tatlong pari ng GOMBURZA ang nabaliw sa sobrang parusang nakamit?
_______________________13.Anong klaseng parusa ang iginawad sa tatlong paring Martir.
_______________________14.Sino ang malupit na gobernador nan a humatol ng kamatayan sa GOMBURZA?
_______________________15, Kailan ipinapatay ang talong paring martir, buwan,araw at taon.
Sa palagay mo kaya ay nasagot mo nang walang mali ang mga tanong na inilaan ko sa u? Anu-anong
paraan ang ginawa mo upang masagot mo nang wasto ang mga tanon. Nag-research k aba sa ibang
mga babasahin tungkol sa buhay ni Rizal,dahil kung oo,seguradong,lahat na isasagot mo ay wasto.
.Paalala : mag-iwan ka ng komento,o suhestyon base sa naranasan mo sa pagtalakay sa babasahing ito bago ka
magpatuloy sa susunod pang mga pahina,_________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_____________________________________.
Mga Tanong:
Masasagot mo ba ang mga katanungang inilaan ko sa iyo bago mo tuluyang bashin ang
binuod kong kuwento sa magiging karanasan niya sa pagbibinata?
1. Bakit kaya sa Maynila ginustong mag-aral si Rizal ng kanyang ama,gayong ayaw ng kanyang ina?
2. Kung ikaw si Rizal,hindi k aba matatakot na mapalayo sa iyong mga magulang sa panahong alam
mo na ang Maynila ay nasasakupan nang kalupitan ng mga Espanyol?
3. Ano ang matayog na dahilan at nagsumikap si Rizal na maging marunong sa murang edad?
Ang pag-aaral sa antas na primarya (una hanggang ikaapat na baytang) sa elementarya ay nakuha ni
Rizal sa kanyang sariling ina na siyang tumayo bilang pinakaguro niya. Ang katumbas naman ng antas na
intermedya (ika-5 at ika-6 na baytang) ay kinuha niya sa paaralan ng kaniyang tiyo sa kalapit-bayang Biñan,
sakop pa rin ng lalawigan ng Laguna. Para makapag-aral nang katumbas ng high school natin ngayon, lumipat
siya mula sa Laguna patungong Intramuros, Maynila na kinaroroonan ng Ateneo Municipal , isang paaralan na
ang mga nangangasiwa ay mga espanyol na paring Heswita.
Ang kolehiyo ay mahigpit na karibal ng kolehiyo ng San Juan de Letran na ang mga nangangasiwa
naman ay mga paring Dominiko. Escuela Pia ang dating pangalan ng Ateneo Municipal ( paaralang ng
Kawanggawa) para sa kalalakihan ng Maynila na itinatag noong 1817. Nang ang mga heswita ay mapaalis sa
maynila noong 1768,ibinigay sa kanila ang pamamahala sa escuela pia noong silay bumalik sa maynila, 1859,na
naging Ateneo Municipal,at kalaunan ay naging Ateneo de Manila.Dahil mahuhusay na edukador ang mga
heswita,ang Ateneo de Manila ay naging “Prestiyosong kolehiyo para sa kalalakihan.”
Si Padre Jose Bech,ang unang naging guro ni Rizal sa Ateneo, na ayon kay Rizal ay mukhang
asetiko,seryoso at inspirado.Sa Carthagena napabilang na grupo si Rizal dahil sa labas ng paaralan sya
nangangasera.dahil napakatalinong mag-aaral,matapos lang ang isang buwan ay naging Imperador na agad
siya.Siya ang pinakamahusay na mag-aaral kaya,t siya,y binigyan ng ganimpala na isang LARAWANG
RELIHIYOSO.Ang kauna-unahang gantimpalang napanalunan ni Rizal sa Ateneo. At upang lalong maging
mahusay na mag-aaral sa Wikang Espanyol ay kumuha siya ng pribadong aralin sa Kolehiyo ng Santa
Isabel,kapag may bakateng oras sa tanghali nagbabayad siya ng tatlong piso,para sa mga aralin sa wikang
espanyol.
Sa iklawang hati ng taon ay nawala sa emperador si Rizal, hindi siya nagpursige sa pag-aaral dahil sa
hindi magagandang puna sa kanya ng kaniyang ng mga propesor,dagdag pa rito ang dalahing suliranin sa
pagkakakulong ng kanyang ina, kahit pa nga ang mga marka niya ay panay pinakamahusay.Pagbakasyon niya
sa Calamba noong Mayo 1873 ay dinalaw niya ang kanyang ina na noon ay nakakulong pa rin sa Santa Cruz.
Pagbalik niya sa Maynila,sa ikalawang taon niya sa Ateneo,ay nagpursige na ulit si Rizal sa pag-aaral,kaya’t
nanguna ulit siya sa lahat ng asignatura at nabawing muli ang dating posisyon na Emperador.sa pagtatapos ng
klase,si Rizal na naman ang tinanghal na pinakamahusay at tumanggap siya ng Medalyang Ginto.Pangalawang
gantimpala na natanggap niya sa Ateneo.Masayang umuwi si Rizal sa Calamba sa pagtatapos ng klase noong
1874
Habang bakasyon noong 1874,nahilig sa pagbabasa ng aklat ang ating henyo,naging una niyang pabori-
tong basahin ang The Count of Monte Cristo” ni Alexander Dumas, Tungkol sa isang bilanggong si Edmond
Dantes na tumakas mula sa Bartolina ng Chateau D’If,pagkatuklas niya sa nabaong yaman sa Monte Cristo,at
ang paghihiganti nito sa mga nagkasala sa kanya.
Binigyan si Rizal ng kanyang ama ng isang aklat na kumple-tong tomo ng sinulat ni Cesar Cantu,ang “
Universal History Binasa rin ni Rizal ang “travels in The Philippines” ni Dr.Feodor Jagor,siyentipikong Aleman
na bumisita sa Pilipinas noong 1859,Matalas ang obserbasyon nito sa mga pagkukulang ng Kolonisasyon ng
Espanya,at Hinulaan nito na balang araw ang Pilipinas ay mawawala sa Espanya at ang papalit na kolonisador
ay ang Amerika…na siya namang nangyari
11
Sa ikatlong taon ni Rizal sa Ateneo,ay nakalaya na rin ang kanyang ina at dinalaw siya nito,sinabi nito
na nagkatotoo ang hula sa kanya ni Rizal na hindi matatapos ang tatlong taon at lalaya na siya.Kahit naging
masaya na ang pamilya,ay hindi pa rin naging maganda ang ipinakita ni Rizal sa pag-aaral,kahit matataas ang
kanyang grado,isang medalya lamang ang nakuha niya ,at iyon ay sa asignaturang latin.
Sa ikaapat na taon ni Rizal sa Ateneo ( 1875-1876 ) ay naging Interno na siya noongHunyo 16,1875.Na-
ging propesor niya si Padre Francisco de Paula sanchez na ayon kay Rizal ay isang mahusay na edukador at
iskolar.naging inspirasyon niya sa pag-aaral at pagsulat ng tula.naging tagahanga at kaibigan din niya ang
pari.Inilarawan ni Rizal ang pari bilang” huwaran ng pagkamakatwiran,pagkamaagap,at pagmamahal para sa
pag-unlad ng kanyang mga mag-aaral. Dahil sa pari,nagpursige nang husto si Rizal sa pag-aaral,kaya nang
muling bumalik siya sa Calamba. Nagkamit siya ng limang medalyang ginto sa pagtatapos ng klase noong Mar-
so 1876 at inihandog ang limang medalya,at matataas na grado sa kanyang ama.Ito raw ang kabayaran niya sa
pagsasakripisyo ng kanyang ama.
Bumalik na muli si Rizal sa Maynila ( 1876-1877 ), para sa huling taon ng kanyang pag-aaral.Naging
pinakamahusay na naman siyang mag-aaral ng Ateneo na ipinagmamalaki ng mga Paring Heswita.Nakamit niya
ang pinakamataas na mga grado sa mga asignaturang…Pilosopiya,Pisika,Biolohiya,kemika,Mineralohiya,wika
atbp.Nagtapos siya nang may pinakamataas na karangalan sa Ateneo mula 1872-1877.Para kay Rizal ang
pagtatapos ay isang panahon ng Pait,Tamis Saya at lungkot.
Noong 1876;
Huling taon niya sa Ateneo ay sinulat niya ang mga tulang ito.
1. El Heroismo de Colon : ( Ang kabayanihan ni Columbus ) pagpupuri kay Columbus sa
pagkakatuklas niya sa Amerika.
2. Colon Y Juan II ( Columbus at Juan II ) tungkol sa pagkawala ng yaman at katanyagan ni Haring
Juan II ng Portugal,dahil hindi niya napiyansahan ang mga panukalang ekspedisyon ni Columbus sa
bagong daigdig.
3. Gran Consuela en la Mayor Desdicha (Dakilang konswelo sa dakilang kamalasan ) alamat na patula
tungkol sa trahedya ng buhay ni Columbus.
4. Un dialogo alusico a la despedida de los Colegiales ( isang dayalogo ng pamamaalam ng mga mag-
aaral) pinakahuling tula na sinulat ni Rizal sa Ateneo.makabagbag-damdaming pamamaalam sa
kanyang mga kaklase.
Module 4 :SANTO TOMAS : Pag-aaral ng Medisina ( 1877-1882 ) at mga akdang ginawa ng bayani….
Subukin mo munang sagutin ang mga inihanda kong katanungan,bago ka magpatuloy sa pagtugpa
sa nilalaman ng yugtong ito,hinggil sa sa pag-aaral ng bayani.
13
MGA TANONG:
1. Bakit mapait ang naging unang pag-ibig ni Rizal,nakaapekto ba ito sa kaniyang pag-aaral sa
Uninbersidad ng Sto. Tomas?
2. Bakit kinailangan pang lumipat ni Rizal sa UST,gayong sabi niya ay higit na maganda ang turo sa
Ateneo.?
3. Mas magagaling ba ang mga guro ng Medisina sa Sto. Tomas kaysa sa Escuela Pia? Kapag nasagot
mo ang mga katanungang ito sa sarili mong mga palagay,maaari ka,nang sumalunga sa kasunod na
aralin..Kung hindi naman maaaring kinulang ka sa pagre-resarch?
Kahit na nag-aaral na sa Sto. Tomas,nanatili pa ring tapat sa Ateneo si Rizal.Marami pa rin siyang sina-
lihang gawain sa dating paaralan, at ipinagpatuloy niya ang kursong Pagsasarbey sa
Ateneo.Bilang isang Tom-asino,nanalo rin siya nang maraming gantimpala sa Literatura,nagkaroon
nang iba’t-ibang pag-ibig at nakipag-laban sa mga estudyanteng espanyol na mapang-insulto sa
kakayahan ng mga mag-aaral na Pilipino.Noong pa- nahon ng Espanyol,ang Batsilyer sa Sining ay
katumbas lamang ngayon ng Mataas na paaralan,at mga unang taon sa kolehiyo.Kwalipikasyon lamang
ng isang nagtapos para, ,makapasok sa isang Unibersidad.
Tanging si Paciano lamang, at ang kanyang ama ang may nais na makapag-aral si Rizal sa
Kolehiyo.tutol na tutol ang kanyang ina na mag-aral siya sa nasabing paaralan dahil sa nangyari sa
tatlong paring martir,may kutob daw kasi ang kanyang ina na baka mapahamak din si Rizal sa mga
Kastila dahil kapatid ito ni Paciano……Maging si Rizal ay nagulat sa pagtutol ng ina.
Abril 1877,Pumasok si Rizal sa Santo Tomas para sa mga kursong Pilosopiya at sulat.Bakit ito
ang mga kursong kinuha niya ay samantalang dapat ay Pang-medisina?Sa unang taon pa rin niya sa
Unibersidad ay kumuha siya ng Kosmoholiya,Metapisika.Teodisiya,,Kasaysayan at Pilosopiya.
Ang malungkot niyang karanasan sa pag-ibig ang nakatulong upang matutuhan niyang maging
matalino sa larangang ito.Hindi ba’t si Segunda Katigbak ang nagdulot kay Rizal ng kabiguan ito.
Muling umibig ang bayani sa isang dalagang taga-Calamba na isang guro.Ito kaya ang tinawag ni Rizal
na Bnibining “ L” sa kaniyang Talaarawan.Hindi naman ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsuyo kay Bb.
L,dahil nagbago ang isip niya,Iniibig pa rin niya si Segunda Katigbak at pangalawa..ayaw raw ng
kanyang ama sa pamilya ni Bb. L.
Pangatlong umakit sa puso ng bayani ay isang nangangalang Leonor Valenzuela,dito ni Rizal
ginamit ang galing niya sa pagawa ng liham,mula sa tintang hindi nakikita na gawa sa ordinaryong asin
at tubig.Si Leonor Valenzuela ang babaing tinawag ni Rizal na Orang,na humanga sa galing niya sa
salamangka, ngni’t hindi rin nagtagal ang kanilang pag-iibigan.
14
Isa pang Leonor ang sumunod na pagsuyo ng bayani,habang nag-aaral sa Sto.Tomas.Subalit ang
pagsintang namamagitan sa kanilang dalawa ay labis na tinutulan ng kanilang mga magulang dahil sila
ay mag-pinsan,Noon ay nasa ikatlong taon na si Rizal sa kolehiyo.Hindi niya sinasadyang umibig sa
anak ng kaniyang Tiyo Antonio Rivera ,nang tumira siya sa bahay nito sa Intramuros.Si Antonio Rivera,
ang tatay ng kaniyang pinsang si Leonor Rivera.Nagkaibigan ang dalawa sa palihim na paraan.
Nagkasundo sila sa mga palayaw na Pepe kay Rizal,at Taimis naman ang kay Leonor,upang
maitago sa mga magulang nito ang kanilang relasyon,subali’t nabunyag din sa mga magulang ni Leonor
ang kanilang patagong relasyon.Kinasapakat pa ng ina ni Leonor ang tagapangasiwa ng koreo sa
kanilang bayan,upang siya (ang ina) ang makakuha ng anumang liham sa pagitan ni Rizal at Leonor.
Paglaon ay sumulat ng mga nobela si Rizal, at ang pangunahing tauhang si Maria Clara ay ibinatay niya
sa pagkatao ni Leonor Rivera. Paglaon pa, ipinagkasundo ng ina si Leonor na maipakasal sa isang
dayuhang inhinyero.
Maraming hindi magagandang karanasan si Rizal sa Sto.Tomas na hindi niya gaanong naranasan
sa Ateneo.Sa mga unang taon niya sa nasabing kolehiyo ay naging biktima rin siya ng diskriminasyon
hindi lamang,mula sa kaniyang mga kamag-aral na espanyol,kundi pati na rin sa mga paring Dominiko
na nagtuturo sa Sto. Tomas University,,na mababang uri ang tingin sa Pilipinong mag-aaral sa UST.
Walang malayang mga talakayan, at pati ang pagkakaroon ng mga instrumentong gaya ng
microscope ay pakitang-tao lang at ‘di ipinagagamit sa mga mag-aaral. Dahil sa mga kadahilananag ito,
hindi nagustuhan ni Rizal ang pag-aaral niya sa UST, kadalasan siya ay napag-iinitan ng mga paring ito.
Bilang isang mahusay na mag-aaral ng Ateneo,ay hindi nagustuhan ni Rizal ang atmospera ng
Edukasyon sa Sto,Tomas University, na bukod nga sa lantarang diskriminasyon,hindi maganda ang
pagtingin sa kanya ng mga Paring Dominiko,sinauna at mapang-api ang sistema ng pagtuturo.
Matapos ang apat na taong pagtitiis sa kolehiyo de Santo Tomas,nagpasya ang matalinong si
Rizal na ipagpatuloy at tapusin ang pag-aaral ng medisina sa Espanya.dahil kung sa UST lamang siya
mamamalagi kahit pa siya ang nangunguna sa lahat na asignatura,hindi siya magiging mahusay na
manggagamot sa ilalim ng pagtuturo ng mga paring Dominiko ng Unibersidad ng Sto Tomas. Ipinasya
niyang lalayo,mula sa pamilya,upang mabigyan,nang katuparan ang kaniyang pangarap, na sa ibang
bansa lamang matutupad..
Ito ang unang pangingibang-bayan ni Rizal na bitbit sa kaniyang pag-alis ang isang pangakong
magbabalik sa Pilipinas na isang matagumpay na manggagamot.Taglay rin niya sa kanyang paglisan ang
dalawang lihim na misyon na bibigyan niya ng katuparan sa ibang bansa.Hindi mangingabang bayan si
Rizal,para lamang magpatuloy ng pag-aaral,magbabalik siya sa Pilipinas na taglay ang kasagutan sa mga
suliraning hinaharap ng kaniyang bayan sa kaniyang pagbabalik.
Hindi rin ipinaalam ni Rizal ang lihim niyang pag-alis patungong Espanya sa kasintahang si
Leonor,bata pa ito romantika at hindi makapagtatago ng lihim.Tanging si Paciano,ang kanyang ate
Saturnina at ate Lucia ang kaniyang kasapakat.nakipagkasundo siya sa kanyang kuya Paciano na,
magtutuon, nang husto sa pag-aaral,at pagtataguyod sa interes ng Pilipinas,at hindi siya mag-aasawa.
SUBUKIN MO ITO!
Lagyan mo nang tamang sagot ang mga patlang na nasa unahan ng hanay A,Isulat ang letra ng
Sagot, mula sa pamilian sa hanay B. teksto,walang pag-aalinlangaKung binasa mo nang husto ang
nilalaman nitong teksto,walang pag-aalinlangan na masasagot mo ang ilang katanungang kasunod nito
15
A B
_____1, Kabuuang antas sa Primarya A—Unibersidad ng mga Paring Dominiko
_____2. Paaralang pinamum un uan ng mg paring B—Paraang ginagamit ng mga pari sa Ateneo sa pag-
Heswita tuturo ng kanilang mga estudyante.
_____3.Colegio de Sto.Tomas C—Pinakamatalinong mag-aaral sa bawat grupo
_____4. Padre Jose bech D—Una hanggang ika-anim na antas
_____5. Disiplina at Instruksyong Pang-rerelihiyon E—Senturyon
_____6. Imperyo Carthagena F—Escuela Pia
_____7. Mga mag-aaral ng Ateneo na nangangasera sa G—Dekuryon
loob ng pamantasan. H—Uniporming yari sa abaka ng mga Atenista
_____8. Tawag sa mga miyembro ng grupong I—Sa grupong ito napabilang si Rizal,dahil isa siya
nangangasira sa loob ng paaralan ng Ateneo sa mga eksternos,nang pumasok sa Ateneo.
_____9. Imperyo Romano J—Ang paring naging guro ni Rizal sa Ateneo na
_____10.Tawag sa pang-apat na miyembro ng bawa’t matangkad,matangos ang ilong,at mahaba ang leeg.
Emperyo sa pamantasan ng Ateneo. K—Unang gantimpalang nakamit ni Rizal sa Ateneo
_____11. Emperador bilang pinakamatalinong Emperador
_____12. Rayadillo L—Sa kaniya inihalintulad ng ina si Jose,dahil
_____13. Padre Francisco de Paula Sanchez nabibigyan nito ng kahulugan ang mga panaginip.
_____14. Joseph M—Paring hinangaan ni Rizal sa pagiging mahusay
_____15.Larawang Relihiyoso na Edukador,at Iskolar.
N—Grupo ng mga estudyanteng nangangasera sa
labas ng pamantasan.
O—Internos
Kung tumpak lahat na sagot na naisulat mo sa Kolum A..Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na
tapik..
Nais mo bang malaman ang mga pangyayari sa pag-ibig n gating bayani habang siya ay nag-aaral,
Tunghayan mo ang inihanda kong maikling Anekdota para sa iyo.
Anekdota : Makukulay na karanasan ni Rizal,habang nag-aaral ng Medisina sa
Unibersidad ng Sto.Tomas.
Ang unang nagpatibok ng puso ng bayani sa tawag ng pag-ibig ay isang nangangalang Segunda
Katigbak na nakilala niya noong 1876,katatapos lang niya nang ikaapat na taon sa Ateneo,kapatid ng
kaibigan niyang si Mariano Katigbak.Matalik na kaibigan at kamag-aaral ng kanyang ate Olimpia sa La
Concordia College.Masasabing “Pag-ibig sa Unang Tingin” ang namagitan sa dalawa,dahil umibig din
si Segunda kay Rizal..Hindi nagkaroon ng katuparan ang pag-iibigan nilang ito,dahil kahit na
nagpapakita ng motibo ang dalaga na may pagtingin din kay Rizal,Si Rizal naman na ubod nang
mahiyain ay nadudungo, kapag kaharap na ang dalaga.
Datapuwa’t sa una pa lamang ay wala na talagang pag-asa si Rizal,dahil si Segunda ay naipag-
kasundo,nang ipakasal ng kaniyang mga magulang kay Manuel Luz,isang mayamang anak ng kaibigan
ng pamilya Katigbak.Ayon sa kasaysayan.ito raw ang unang pag-ibig at unang kasawian ni Rizal sa lara-
ngan ng pagsinta.Nguni’t mas ibayong kasawian ang natamo ni Rizal sa pag-iibigan nila ng pinsang si
Leonor Rivera, na bukod sa hinahadlangan ang kanilang pagmamahalan ng mga magulang nito,ay hindi
na rin nalaman ni Rizal ang nangyari kay Leonor,habang siya ay nakikipagsapalaran sa ibang
bansa,sapagka’t walang isinagot si Leonor sa napakarami niyang sulat-pagmamahal na ipinadadala sa
kasintahan na dumagdag pa sa mga suliraning kayakap niya sa ibayong dagat.
16
Nagpasyang umuwi si Rizal,kahit na ayaw siyang payagan ng kaniyang mga magulang,at mga
kaibigan,dahil sa kaguluhang idinulot ng kaniyang akdang Noli Me Tangere, na noon ay kumalat na sa
buong kapuluan ng Pilipinas, ay seguradong papatayin siya ng mga Kastila. Subali’t hindi nagpapigil si
Rizal, mas pinili niya ang umuwi,hindi upang harapin lang ang mga ibinibintang sa kaniya tungkol sa
Noli mi Tangere ,kundi,upang malaman din ang tunay na kalagayan ni Leonor Rivera. Gayunpaman,
matapang niyang hinarap ang noon ay Gobernador ng Maynila na si Gob. Heneral Emilio Tererro,na
nagpatawag sa kaniya sa Malakanyang,upang ipaliwanag ang tungkol sa Noli.Hindi na rin siya naghabol
kay Leonor,nang malaman niyang ipinakasal na ito ng kaniyang mga magulang sa isang binatang pinili
nila para kay Leonor.
Sa isang marubdob na nagmamahal,kaya mo kayang mawala sa iyo ang babaing minanamahal
mo,na pinaglaanan mo ng iyong mga pangarap.Tanggapin mo rin kayang tulad ni Rizal ang nangyari?
…Alam mo rin ba ito..na bukod sa napakaraming tulang sinulat ni Rizal,ay napakarami rin
niyang sinulat na mga akda na hanggang ngayon ay buhay na buhay sa mga pahina ng mga aklat ng
Kasaysayan. Ilan nga sa kaniyang mga akda ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga espanyol na
pinuno sa Pilipinas,na lalo pang nagpasidhi sa galit ng mga bangus,ang dalawang mapanghamon ni-
yang mga nobela,ang” Noli Me Tangere,at El Filibusterismo”,upang siya ay hatulan ng kamatayhan.
Itinala ko rin sa mga pahina ng module na ito ang ilan sa mga walang kamatayang obra,o mga
akda ng ating bayani,noong siya ay nabubuhay pa,at nagdudulot ng suliranin sa mga tiwaling pinuno ng
mga Kastila sa Pilipinas.Huwag na nating isama ang mga nauna niyang mga obra,noong siya ay nasa
kabataang edad.Ang pitasin na lang natin ay yaong mga ginawa niya,habang siya ay nasa ibayong
dagat,hanggang sa mga huling sandal niya sa piitan ng Puerza Santiago.
17
Narito Naman Ang Listahan Ng Mga Babaing Nagkaroon Ng Pitak Sa Puso Ng Bayani.Mga babaing
nagdulot ng saya at lungkot sa kaniyang buhay.
1. Julia Celeste Smith, taga Dampalit Pampanga15 taong gulang,si Rizal 15 taong gulang din
2. Segunda Katigbak ng Lipa,Batangas,na sinasabing “Puppy Love” ni Rizal
3. Jacinta Ybardo Laza, taga Pakil,Laguna,isang guro na maaaring ito raw ang binabanggit ni Rizal
sa kaniyang talaarawan,bilang si “ Bb. L”.
4. Leonor Valenzuela, taga Pagsanjan ,Laguna, na tinawag niyang “ Orang”.
5. Leonor Rivera, Pinsang buo ni Rizal,na taga Camiling,Tarlac,anak ng kaniyang Tiyo Antonio
Rivera.
6. Consuelo Ortega Y Rey, nakilala ni Rizal sa Madrid,anak nang dating Alkalde ng Maynila.
7. Getrude “Gettie” Beckett,nakilala ni Rizal sa London
8. Nellie Bousted, na nakilala ni Rizal sa city of Biarritz
9. Seiko Usui, na nakilala ni Rizal sa Japan na tinawag niya sa palayaw ng “O Sei San”.
10. Suzanne “Gettie”Jacoby, nakilala ni Rizal sa Brussels, na pinalayawan niyang Getti
11. Pastora Necesario“Torak” Carreon,nakilala niya sa Dapitan na isang pastora sa simbahan.
12. Josephine Leopaldine Bracken, Isang Irish na palaki ni Dr,George Taufer,na pumunta kay Rizal
upang magpagamot sa mata,Kasama nang nasabing Duktor si Josephine Bracken na
kalaunan ay
nagkagusto kay Rizal,na ayon sa kasaysayan ay bukod tanging babaing pinaksalan ni Rizal
?.Alamin natin ngayon ang mga natutuhan mo, sagutin mo,nang buong husay ang inalaan kong mga tanong sa
ibaba:Piliin mo,mula sa nakalaang pamilian ang tamang sagot at isulat ang titik sa puwang na nakalagay sa
unahan ng mga tanong;