Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Face to Face

LESSON Paaralan SAN JUAN NHS Baitang Baitang 8


EXEMPL Guro DENSEL JAMES ABUA Asignatura ARALING
AR SILVANIA PANLIPUNAN
Petsa January 16-20, 2023 Markahan Unang Markahan
Ika-siyam Oras 9:55-10:35 – DIAMOND Bilang ng Araw
5
na linggo 11:15-11:55 - RUBY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nababasa ang teksto tungkol sa kabihasnang Inca;
b. nabibigkas ang mga piling salita ayon sa kahulugan nito; at
c. nasasagutan ang mga tanong tungkol sa Kabihasnang Maya;

II. NILALAMAN Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa,


at mga Pulo sa Pacific
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa Modyul ph. 185
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Paksa: Kabihasnang Inca (1200-1521)
Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa
hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng
Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit
na lungsod-estado. Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.”
Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na
nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang
teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa
kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang
kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina. Noong 1438,
pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni
Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang
hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa
kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na
pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim
naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.
Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca
noong 1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga
sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at
Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at
kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting
humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw ng
Imperyong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa
Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa
ilalim ng kanilang kapangyarihan.
Mga Katanungan
1. Ang salitang Inca ay nagangahulugang?
a. Imperyo
b. Magsasaka.
c. Kasarinlan
d. Pag-usbong
2. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo
hanggang sa masakop nito ang ______________ sa kahabaan
ng baybayin ng Pacific.?
a. 14 kilometro kuwadrado
3,220 kilometro kuwadrado
b.
105 kilometro kuwadrado
c.
45 kilometro kuwadrado
d.
3. Sino ang nagpatatag ng lipunang Inca sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng isang sentralisadong estado.?
a. Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti
b. Andes
c. Yalta
d. Moscow
4. Alin sa mga sumusunod ang pinaka mahigpit na katunggali ng
mga Inca sa baybayin ng Peru?
a. Chimor o Chimu
b. China
c. Assyrian
d. Egyptian
5. Sino ang Espanyol na sumakop sa Inca noong 1532?
a. Francisco Baltazar
b. Francisco Pizarro
c. Francisco Narcisso
d. Francisco Santos
6. Sa ilalim ni _____________________________, pinalawig niya
ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at
Chile.?
a. Francisco Santos
b. Francisco Narcisso
c. Topa Yupanqui (1471-1493)
d. Cleopatra
7. Ano ang dahilan ng unti-unting paghina ng imperyong Inca?
a. Dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang
kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo
b. Dahil sa mga Helot
c. Walang maayos na tirahan
d. Dahil mahirap ang kabuhayan
IV. ASIMILASYON "Bilang isang estudyante, ano ang kahalagahan na malaman o maunawaan
ang mga mahuhusay na gawain at disiplina ng mga Inca? Isulat ang iyong
kasagutan sa sagutang papel.

V. Puna

Inihanda ni :

DENSEL JAMES ABUA SILVANIA


Guro I

Iwinasto ni:

ROSALIE J. MACALOS, Ed. D.


Ulong Guro I

You might also like