Professional Documents
Culture Documents
Boud Starla
Boud Starla
Sa Baryo Maulap nakatira ang Pamilya nina Teresa o mas kilala sa tawag na Tere.
Mahirap ang kanilang pamilya, pagsasaka lang ang pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay. Nang
mamatay ang kanyang ina, saka lang napadpad si Tere sa Maynila. Inampon siya ng mayamang
pamilya, doon siya lumaki, nakapag-aral, at nagkaroon ng trabaho.
Isang araw, nagkaroon ng problema ang mga magsasaka sa Baryo Maulap sa pagdating
ng mga peste sa kanilang sakahan.
“Mang Greggy, anong gagawin natin?” anang ni Mang Kulas.
“Sa salot na ito, lahat tayo’y walang kawala! Mauuwi lang sa wala ang pinaghirapan at
pinuhunan natin dito” dagdag pa ni Mang Kulas.
Naririnig nina Buboy at Starla ang usapang iyon ni Mang Greggy at mga kasamahang
magsasaka. “ Starla, ano ang pwede nating maitulong kina Mang Greggy?” tanong ni Buboy.
“Hindi ko rin alam sa ngayon Buboy.” saad ni Starla.
Habang nag-iisip ng solusyon sina Buboy at Starla, nagpadala ng tao si Tere sa Baryo
Maulap para alukin ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang lupain kapalit ng malaking
halaga.
“Mga tao, gusto ninyo bang makabangon? Ako ang solusyon!” pagmamayabang ni
Dexter sabay sulyap sa may nag-uumpukan. “Simple lang, ibenta ninyo sa akin ang inyong mga
lupain kapalit ang malaking halaga” muling pangungumbinse niya. Nagkatinginan ang mga
taong naroron, mayroong parang natukso subalit naguguluhan, mayroon ding hindi natitinag sa
malakimng halagang inalok ni Dexter. Nakarating sa pandinig ni Mang Greggy ang mga
pangyayari at ito’y galit na galit.