Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Diocesan Schools of Urdaneta

SAINT ANTHONY ABBOT ACADEMY


Villasis, Pangasinan
SY:2022-2023

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


IKALAWANG MARKAHAN-PERFORMANCE TASK

Pangalan: Marka:
Pangkat:
PAGSUSURING PAMPELIKULA

 Pamagat
Muro - Ami

 Mga Tauhan
Cesar Montano bilang Fredo
Pen Medina bilang Dado
Jhong Hilario bilang Botong
Amy Austria bilang Susan
Rebecca Lusterio bilang Kalbo
Jerome Sales bilang Filemon
Teodoro Penaranda Jr. bilang Tabugok
Walter Pacatang bilang Tibo
Ranilo Boquil bilang Kokoy
Cris Vertido bilang Albularyo
Gigi Agustin bilang Aurora
Erwin Sevilla bilang Dante
Policarpo Araula bilang Kanor

 Tagpuan
Ang tagpuan ng pelikulang “Muro-Ami” ay makikita sa mga ilang parte ng Bohol at mas lalong nakikita ang
mga eksena sa karagatan.

 Buod ng Pelikula:
A. Simula

Ipinakita ang kagandahan ng karagatan ng Bohol at ang mga isdang nakatira dito. Panahon na naman ng
muro – ami, Si Fredo, isang mangingisda, tinatawag siyang Maestro, ay nagpapa-ensayo at
nagpapasabak ng mga tauhan at karamihan ay mga kabataan dahil sa kahirapan sila ay nagtatrabaho at
iyon ay ang pangingisda kasama sina Dado, ang ama ni Fredo, at si Botong, ang matalik na kaibigan at
katrabaho ni Fredo sa pangingisda. “Aurora” ang tawag sa barko na pagmamay-ari ni Fredo na galing
mismo sa pangalan ng kanyang asawa na yumao na si Aurora. Ang kanilang layunin ay kailangan nilang
maghuli ng napakaraming isda para makabenta at para may pangtustos ang kaniyang mga trabahador
para sa kanilang pamilya para maka-uwi sa pasko. Kabilang ang mga kabataan na nagtatrabaho para sa
kanilang buhay.

B. Pagtaas ng Aksyon (Rising Action)

Marahas ang pamumuno ni Fredo. Ang paraan ng kanilang pangingisda ay hindi tama. Ang kanilang
ginagawa ay sinisira nila ang mga coral reefs na nagsisilbing mga tahanan ng mga isda. Sa pamamagitan
ng pagsira ng mga coral reefs ay upang lumabas ang mga isda at isa rin itong paghihiganti dahil ang
karagatan ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang asawa at anak. Araw-araw ay walang tigil ang
kanilang trabaho. Walang mangyayaring hapunan hanggang sila ay makarami ng huli ng mga isda at sa
gabi lamang ang kanilang pahinga.

C. Kasukdulan (Climax)

Si Botong at Fredo, inayos ang makina ng barkong Aurora. Kinabukasan, lumusog sa dagat so Fredo
upang masuri ang problema sa barka. May roong nakasabit sa propeller at habang sinusubukang
tanggallin ang nakasabit na iyon, ay nagkaroon ng aksidente. Si Fredo ay nasugat,nawalan ng malay, at
nalunod sa tabi ng barko. Kinabukasan, bumalik sina Fredo sa isla upang mapagamot ng isang albolaryo.
Habang naglalakad nag-uusap sila ng kaniyang ama na si Dado tungkol sa babae na gustong pakasalan ni
Fredo, at siya ay si Susan, isang prostitute. Habang pinapagamot si Fredo, ang mga isda na kanilang
ibinibenta ay ipinamahala muna ni Botong. Pagkatapos magpagamot ni Fredo, sinundo ni Fredo si Susan
at nakarating sa barkong Aurora, nagkaroon ng matinding away ang mga kabataan sa barko. Inawat at
pinarusahan ang lahat ng mga tao sa barko. “Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat!” Nang gabi na iyon,
nagtangkang tumakas si Susan sa barko at saktong nakasalubong niya si Botong, habang nag-aayos ng
makina ng barko. Nais na tulungan ni Botong si Susan pero, sa isang kondisyon. Nagawa naman ang
kondisiyon na iyon at pinatakas na nga ni Botong si Susan. Kinabukasan, nagtataka si Fredo kung bakit
bigla nawala si Susan. Naayos na rin ni Botong ang makina ng barko. Sinusupetsyahan ni Fredo si
Botong at bigla niyang sinuntok si Fredo. Patuloy pa rin ang trabaho at sa hinding inaasahang
pangyayari, Si Dante ay namatay, isang tauhan nila sa barkong Aurora, ang kapatid ni Filemon, isa sa
mga batang mangingisda. Sila ay bumalik at inilibing si Dante sa isla. Biglang umalis ang iba nilang
kasamahan sa barko sa pamamagitan ng pagsakay ng bangka at hinayaan na lamang ni Fredo. Patuloy pa
rin ang trabaho, hinding-hindi pa rin sila susuko at ganon pa rin ang kanilang paraan ng pangingisda. Sa
gabing iyon, nag-uusap sina Fredo at Filemon. Dahil sa sobrang marahas ni Fredo, walang awa na hinila
ni Fredo si Filemon papunta sa dagat dahil hindi gusto ang sagot ni Filemon kay Fredo na ipinakalat ang
kaniyang tunay na ugali. Naawa si Dado at hinila paakyat sa barko si Filemon. Kinaumagahan, lumapit
si Fredo kay Filemon upang humingi ng patawad sa nangyari nang gabi na iyon at nagkabati ang dalawa.
Patuloy pa rin ang kanilang trabaho at ganon pa rin ang kanilang pamamaraan ng pangingisda.

D. Kakalasan o Pagbaba ng Aksyon (Falling Action)

Kinabukasan, pagkagising ni Fredo, sa gitna ng karagatan ay naligaw sila. Ang mga bata ay nagkasakit.
Walang medisina upang mapagaling ang mga bata. Si Tibo, ay nangangailangan ng pera at humihingi
siya kay Botong. Dahil marami raw siyang kinupit na galing pa sa maestro. Tinanggap naman ito ni
Tibo. Habol na tanong ni Botong kung nais pa niyang kumuha ng maraming pera. Sumang-ayon at
sumama ito kay Botong. Sa masamang palad, si Tibo ay namatay. Pinatay ni Botong ang kaawang-awa
na bata na si Tibo. Nang oras na hinahanap na ni Fredo kay Botong ang mga gamot na para sa mga bata.
Sagot niya’y ay naubusan na raw at galit na galit si Fredo. Sinigaw ni Kalbo ang pangalan ni Fredo.
Daling-dali na umakyat sa ulo ng barko si Fredo at nakita na nakahiga na si Tibo at wala nang malay.
Nalaman lahat ni Fredo ang mga ginawang kalokohan ni Botong. Pagkatapos nang pangyayaring iyon,
may binubuong masamang balak si Botong. Ang balak niya ay gumawa ng away sa mismong barko at
upang maangkin ang barkong Aurora. Iilan ang mga tauhan sa barkong Aurora ay sumang-ayon kay
Botong laban kay Fredo.

E. Wakas

Nagsimula na ang kaguluhan. Nagsusuntukan na sina Fredo at Botong. Ang mga tauhan sa barko ay
nagulat at biglang inaawat ang dalawa. Sa gitna ng laban ng dalawa, binato ni Botong ang lampara na
naging sanhi ang pagkasunog ng barko. Ang mga tauhan sa barko pati na rin ang mga kabataan ay
tumalon papunta sa karagatan at lumangoy. Habang hindi pa nagiging abo ang barko, nagdadalawang
isip si Fredo kung tutulungan niya pa rin si Botong, dahil siya ay nasasaktan sa nangyaring away. Pinili
ni Fredo na iligtas si Botong. Nakarating sila sa isang isla. Ang iba ay namatay kabilang na rin doon sina
Fredo at Botong. Ang mga kabataan ay ligtas sa pangyayaring na iyon.

 Uri ng Pelikula

Aksiyon, Drama, Romansa, at ilan sa mga ekesena ay may unting Komedya.

 Wika na ginamit sa Pelikula

Ang mga wika na ginamit sa pelikula ay Wikang Filipino at Wikang Bisaya

 Kultura na ipinamalas o ipinakita sa Pelikula

Ang kultura na ipinakita sa pelikula ay ang pangingisda.

 Gintong-aral sa Pelikula
Maraming makukuhang gintong-aral sa pelikulang “Muro-Ami”. Una na dito ang pag-aalaga sa ating
kalikasan. Alagaan natin ang ating kalikasan at huwag natin itong abusuhin. Pangalawa, sundin natin ang
mga nakakatanda sa atin dahil alam nila ang mga nakakabuti para sa atin lalong lalo na sa ating mga
magulang. Panghuli, huwag nating hayaan na magtrabaho ang mga kabataan upang mabuhay, dahil isang
oppurtunidad na makapag-aral, makapagtapos, at makahanap ng maganda na trabaho. Tandaan, na sinabi ni
Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.”

You might also like