RIZAL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kaugnay nito, gumawa kayo ng 2-3 page essay na tinatalakay ang:

1. Karakteristik ni Rizal bilang mag-aaral na KATULAD or TAGLAY n'yo rin ngayon.

Si Rizal noong mag-aaral ay hindi nagging Madali ang kanyang mga naranasan, hindi dahil sa mga
tinuturo, kundi dahil sa mga taong nakakasalamuha niya. Dahil sa pisikal niya at dahil siya ay isang
Pilipino madals na minamaliit siya ng mga estudyanteng Espanyol at Propesor. Ang pangyayaring ito
ay may pagkakatulad sa mga estudyante ngayon na nabubully dahil sa pisikal o panlabas na anyo ng
isang tao. Ngunit sa kabila nito tulad ni Rizal ay hindi siya nagpatalo at lumaban siya.

Isa pa ay mapapansin natin na paiba-iba siya ng kursong kinukuha, na sa aking palagay katulad ko
bilang isang mag-aaral ay naguguluhan sa kung ano ang gustong kunin na kurso.

Si Rizal ay nag-aral ng Medisina upang gamutin ang lumalalang pagkabulag ng kaniyang in ana sanhi
ng katarata. Ngunit hindi niya natapos ang Medisina sa Pilipinas kaya pinilit niyang makapag-aral sa
ibang bansa at dito ay nakapagtapos siya ng Opthalmology at nagamot ang sakit ng mata ng
kaniyang ina. Masasabi ko na itong karakteristik na ito ni Rizal ay taglay din namin ngayon na kung
saan ay nag-aaral kami ng Mabuti upang makapag-tapos ng pag-aaral para pagdating ng panahon ay
matulungan at mairaos sa kahirapan ang aming pamilya.

2. Karakteristik ni Rizal bilang mag-aaral na #SANAOL o WISH N'YO RIN MAGING o GAYAHIN.

Sa kanyang pag-aaral sa Ateneo noong siya ang first year nanalo siya sa isang patimpalak at nakakuha
siya ng isang religious picture para sa kanyang gantimpala. Upang mas mapalawak pa niya ang kanyang
kaalaman sa wikang Espanyol ay nagpaturo pa siya ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng
kanyang pamamahinga sa tanghali. Makikita natin ang dedikasyon ni Rizal na matuto at ito ay isa sa
katangian ni Rizal na gusto kong gayahin.

Habang nag-aaral si Rizal sa kursong Pilosopiya at Sulat sa kanyang unang taon sa UST, ay nagpatala rin
siya para sa isang kusong bokasyonal sa dati niyang kolehiyo sa Ateneo. Dahil noong panahong iyon, ang
mga kolehiyong panlalaki ay may mga kursong bokasyonal tulad nalamang ng agrikultura, komersiyo,
mekaniko, at pagsasarbey. Si Rizal ay kumuha ng kursong pagsasarbey sa paniniwala niyang
makatutulong ito para sa pag-unlad ng maliit nilang taniman sa Calamba. Kasabay nito hindi lamang siya
nangunguna sa larangangan ng akademiko, namumuno rin siya sa iba’t ibang kolehiyo. Siya ay nagging
Pangulo ng Akademya ng Literaturang Espanyol, Kalihim ng Akademya ng Likas na Agham at kasabay din
nito ay aktibo rin siya sa pagiging miyembro at Kalihim ng Kongresyon ni Maria. Makikita natin na
napakadaming responsibilidad at posisyon na dapat gampanan ni Rizal at bilang isang mag-aaral na tulad
niya hindi ito Madali. Mapapasanaol ka nalang talaga sa kakayahan na mayroon si Rizal dahil ako, sa
aking palagay ay hindi ko kakayanin na pagsabay-sabayin ang ganoong responsibilidad kasabay pa ng
hindi birong pag-aaral sa kolehiyo.

You might also like