MAPEH-summative-quarter 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Unang Lagumang Pagsusulit sa MAPEH

Ikalawang Markahan

Pangalan: _________________________________________ Grade & Sec. ______________


MUSIC
1-8 . Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa guhit at puwang ng F-cleff.

ARTS
Basahin at unawain ang mga kulay na isa sa mga elemento ng sining sa hanay A at hanapin ang kahulugan nito
sa hanay B. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
A B
________ 9. Dilaw a. dalisay, relihiyoso at simple
________ 10. puti b. misteryoso at hiwaga
________ 11. Violet c. inggit, masaya at apoy
________ 12. Itim d. dalamhati at kapayapaan

Isulat ang mga gamit ng mga sumusunod na kagamitan.


13. lapis _______________________________________________________________________________________

14. bondpaper ________________________________________________________________________________

15. water color/krayola ________________________________________________________________________

PE
Isulat ang sagot sa patlang pagkatapos ng bawat bilang.
_____ 16. Ang ______________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat na bagay o power.
Halimbawa nito ay ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa bahay tulad ng malaking timba ng tubig.
A. lakas ng kalamnan B. coordination
C. tatag ng kalamnan D. katatagan ng kamay at paa
_____ 17. Ang ____________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang na bagay o
power ng paulit-ulit, o mas matagal na panahon
A. lakas ng kalamnan B. coordination
C. tatag ng kalamnan D. katatagan ng kamay at paa
_____ 18. Ano ang sinusubok ng 40 meter Sprint test ____________.
A. balance B. speed C. cardiovascular D. muscular strength
_____ 19. Ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang mailipat ito sa ibang lalagyan ay
halimbawa naman ng ___________
A. lakas ng kalamnan B. tatag ng kalamnan
C. Power D. Coordination
_____ 20. Isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita ng maliksing kakayahan na magpalit-palit o
mag iba-iba ng diresyon.
A. Agility B. Power C. Speed D. Coordination
_____ 21. Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay _________.
A. nagpapalakas ng katawan B. nakatutulong sa magandang pakikipag-kapwa
C. nagpapatatag ng katawan D. lahat ng nabanggit
___22. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain katulad ng laro?
A. nakikipaglaro nang patas sa kalaban B. walang pakialam sa kalaban
C. hinahayaang masaktan ang kalaro D. wala sa mga nabanggit

HEALTH
Basahin ang sumusunod at isulat ang titik ng tamang sagot.
_____ 23. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kalusugang mental, maliban sa isa. Alin dito?
a. may pananalig sa Diyos c. nakikipagkaibigan
b. disiplinado sa sarili d. may positibong pananaw sa buhay
_____ 24. Ang kalusugang __________ ay tumutukoy sa isang tao na kayang malampasan ang mga suliranin sa araw-
araw.
a. Kalusugang Pisikal c. Kalusugang Emosyonal
b. Kalusugang Mental d. Kalusugang Sosyal
_____ 26. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan?
a. pakikipagtawan o pakikipagbiruan
b. magandang relasyon o pakikitungo sa iba
c. pakikipag-usap ng maayo
d. pagkakaroon ng tiwala sa sarili
_____ 27. Si Aldrin ay mahilig sumayaw. Ipinapakita niya ito sa pamamamagitan ng pagsali sa mga paligsahan.
Anong pangkalusugan ang ipinakita ni Aldrin?
a. Kalusugang Pisikal c. Kalusugang Emosyonal
b. Kalusugang Mental d. Kalusugang Sosyal
_____ 28. Si Patricia ay hindi kumakain ng junk foods at lalong hindi uminom ng soft drinks. Ano ang kanyang
ipinapakita?
a. may positibong pananaw sa buhay
b. may respeto sa nararamdaman
c. may saradong puso at isipan
d. may wastong paraan sa pangngalaga sa sarili
_____ 29. Ang mga ito ay nagpapakita ng pagmamahal at pangangalaga sa kalusugang mental at emosyonal maliban
sa isa.
a. hindi sumusuko sa mga pagsubok sa buhay
b. tanggapin ng maluwag sa kalooban ang payo ng guro
c. pagpapakita ng talento sa pamamagitan ng pagsali sa paligsahan
d. sobrang mahiyain kaya walang kaibigan

30-35. Panuto: Isulat sa kahon ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa pagbibinata at pagdadalaga.

Nagbibinata Nagdadalaga

You might also like