Executivesummaryimradibayreymarka Mae-Fil

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/348349990

Kakayahan ng mga Guro sa Filipino: Susi sa Pagpapayaman ng Kaalaman sa


Gramatika ng mga Mag-aaral

Article · January 2021

CITATIONS READS

0 38,899

1 author:

Rey Mark Ibay


DepEd Pampanga
2 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Kabisaan ng mga KAN (Kontekstwalisadong Akdang Naratibo) sa Pagkatuto ng mga Pokus ng Pandiwa ng mga Mag-aaral View project

All content following this page was uploaded by Rey Mark Ibay on 09 January 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


1

KAKAYAHAN NG MGA GURO SA FILIPINO: SUSI SA PAGPAPAYAMAN NG

KAALAMAN SA GRAMATIKA NG MGA MAG-AARAL

ni:
Rey Mark A. Ibay
Bulacan State University
2020

Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang antas kakayahan ng mga guro
sa Filipino at kung paano ito nagiging susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika
ng mga mag-aaral. Konteksto ng pag-aaral ang mga ginagawa ng mga guro sa pagtuturo
ng Filipino at ang mga pagtugon sa pangangailangang kakayahan sa Gramatika.
Isinagawa ang pag-aaral sa mga paaralan ng ika-7 Klaster ng Sangay ng
Pampanga. Ginamit ang talatanungang pagsusulit sa pagtukoy sa kakayahan ng mga guro
sa Morpolohiya at Sintaks, at ang talatanungang sarbey sa paglikom ng datos hinggil sa
mga kaparaanang ginagawa at mga pagtugon sa pangangailangan ng mga guro sa
pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral at sa pagpapataas
ng kanilang kakayahan sa Gramatika.
Natuklasan sa pag-aaral na nasa katamtamang husay ang antas ng kakayahan ng
mga guro sa Gramatika. Sa kabila man ng kahirapan nila sa Sintaks, nagiging maparaan
sila at madalas na nagsisikap upang matugunan ang kaalamang panggramatika ng
kanilang mga mag-aaral maging ng kanilang kakayahan rito.

Maikling Panimula
Pangunahing tungkulin ng mga guro sa pagtuturo ng wika ay ang balarila o
gramatika. Ito ay ang pangangalaga sa kawastuhan sa malinaw na pagpapahayag. Ang
isang mag-aaral ay dapat marunong sa mga tuntuning pangwika sa pagpapahayag upang
magamit nang wasto ang wika, pasalita o pasulat man. Samakatuwid, kailangang
malinang ang kanyang kakayahang panggramatika tungo sa pagkakaroon ng kakayahang
komunikatibo. Ang kaalaman ng mga mag-aaral ay maaaring may kinalaman sa
kakayahan din ng mga guro.
Samantala, isang malaking hamon para sa mga guro sa pagpapalaganap at
pagpapahalaga sa wikang Filipino ang lumabas na Commision on Higher Education
(CHEd) Memorandum blg. 20, serye ng 2013. Itinatakda nito ang pagpapatanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo upang makisabay sa kahingiang pandaigdig ang mga
Filipino na naaayon sa mga dapat matutuhan sa tinatahak na kurso ng mga mag-aaral.
Dahil dito, lumabas sa pag-aaral na ang pag-alis ng nasabing asignatura ay
maaaring makaapekto sa kaalamang pangwika ng mga mag-aaral na magbibigay
hangganan sa pag-aaral dito at magbubunga ito ng kawalan nila ng interes na payabungin
ito. Ito ang mga dahilan ng hindi pag-sang-ayon ng mga mag-aaral ukol sa isinasaad ng
memorandum (Inocencio, Amurao, Felomina, Francisco, Gubatan, Geuvarra, Holgado,
Hongco, Honda, Tenorio, 2017).
Maraming pamamaraan sa pagpapayaman ng kakayahang panggramatika ng mga
guro sa Filipino. Marami nang mga naglabasang mga sanayang aklat na makatutulong sa
2

paglinang ng kakayahang pangwika na magagamit sa kani-kanilang pagtuturo. Hindi


sapat na umasa sa mga natutunan sa kolehiyo bagkus lubos pang mapauunlad ang sarili
kung dadalo sa iba’t ibang mga pagsasanay, palihan, pagtamo ng antas gradwado at iba
pa.
Sa katunayan, kahit ang gurong hindi medyor sa Filipino ay may kakayahan ding
ituro ito sa kani-kanilang mga klase sa kadahilanang nagkaroon na ng karanasan at
kaalamang pangwika sa dami ng bilang ng taong itinuturo ito. Ngunit, hindi pa rin sapat
ang kaalamang nakukuha ng mga mag-aaral. Ang kakulangan sa mga dalubwika o guro
sa Filipino ang nagiging dahilan ng paglaganap ng ganitong sitwasyon sa mga paaralan
ngayon sa DepEd.
Ang mga nabanggit na mga kalagayan sa mga pampublikong paaralan ang mga
naging sandigan at batayan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral. Maaaring
hindi na mapababago ang polisiya ng DepEd sa pagtanggap sa mga aplikanteng guro at
ang mismong pagbibigay ng asignaturang dapat ituturo batay sa kanilang pinag-aralan
dahil ang layon ng ahensya ay maparami ang bilang ng mga guro na makapagtuturo sa
patuloy na pagdami ng bilang ng mga mag-aaral. Marami man ang nakakakitang
suliranin ito ng kagawaran subalit isa pa rin itong solusyon sa pagtugon sa pangangailang
guro ng bansa.
Nilalayon ng mananaliksik na matukoy ang antas ng kakayahan ng mga guro sa
Filipino at kung paano ang mga ito nagiging susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa
Gramatika ng mga mag-aaral. Tutuklasin ang mga paraan ng pagtuturo ng mga guro at
ang mga pangangailangan nila tungo sa pag-abot ng kahusayan sa pagtuturo at pag-aaral
ng Gramatika.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang pangunahing tanong na:
“Paano nagiging susi sa pagpapayaman ng kaalamang panggramatika ng mga mag-aaral
ang kakayahan ng mga guro sa Filipino?
Sinikap na matugunan ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:
1. Ano ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Filipino batay sa:
1.1. Morpolohiya
1.2. Sintaks?
2. Ano ang mga suliranin ng mga guro sa Gramatika batay sa:
2.1. Morpolohiya
2.2. Sintaks?
3. Ano ang mga kaparaanang ginawa ng mga guro sa Filipino sa
pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral?
4. Paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga guro sa kakayahan
sa Gramatika?

Pinagsamang mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Ayon sa DepEd Order blg. 7, serye ng 2015, pinaniniwalaang higit na nakasalalay
sa kakayahan ng mga guro ang tagumpay ng anumang sistema ng edukasyon. Kaya
naman, isa sa mga pangunahing isinasaalang-alang nito sa pagpapalaganap ng
malawakang pagpapatupad ng K-12 kurikulum ay ang pagkuha at pagpili ng mga guro
3

para sa mga pampublikong paaralang primarya at sekundarya. Tatayahin at pipiliin ang


mga guro batay sa pamantayang:
Talahanayan 1
Pamantayan sa Pagpili ng mga mga Guro (DepEd Order blg. 7, serye ng 2015)

Pamantayan Puntos
Edukasyon 20
Karanasan sa Pagtuturo 15
Markang Natamo sa LET/PBET 15
Mga Dinaluhang Seminar at Pagsasanay 10
Panayam 10
Pakitang-Turo 15
Kasanayan sa Pakikipagtalastasan 15
Kabuuan 100

Dahil dito, makikita na hindi basta-basta kumukuha bagkus ay sistematiko at


obhektibo ang pagtanggap sa mga aplikanteng guro. Bukod pa rito, masasabing matatasa
ang kakayahan sa komunikasyon at sa pagtuturo ng mga guro at masasabing sila’y
mayroon ng kahandaan na daraan sa proseso ng pagtanggap ng kagawaran sa mga guro
saan mang pampublikong paaralan.
Sa kasalukuyang pag-aaral, ang mga guro na magsisilbing respondente ay mula sa
mga pampublikong paaralan na natasa mula sa nasabing pamantayan sa pagpili at
pagtanggap ng aplikenteng guro sa DepEd, Sangay ng Pampanga. Ang mga nabanggit na
pamantayan ay kinakailangan ng mahusay na kakayahang panggramatika ng guro sa
pagkakaroon ng kaalamang panggramatika ng mga mag-aaral.
Kung pag-uusapan ang mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino, ito ay
nakabatay sa salik-pangguro na nakaaapekto sa mabisang pagtuturo at ito ay ang mga
sumusunod: Nagtuturo ng asignaturang Filipino kahit hindi ito ang medyor, at madaling
naiintindihan ang asignaturang Filipino kaya hindi na nag-aaral nang malalim sa
pagtuturo (Abagon, 2013).
Samantala, inisa-isa ni De Juan (2016) ang ilang mga suliranin ng guro sa
pagtuturo ng wikang Filipino. Una, ang kamalayang makadayuhan sa
pakikipagtalastasan. Ikalawa, kakulangan nila ng kaalaman sa mga teknik o estratehiya sa
larangan ng pagtuturo ng pagsulat. Ikatlo, ang kakulangan ng kaalaman sa istrukturang
gramatikal (pagbabaybay, gamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita). Ikaapat, ‘di
lubusang paglinang sa kahusayang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo. Ikalima,
hirap sa pagtuturo ng mga matatalinhagang salita/pahayag ang guro at mag-aaral, at ang
panghuli, ang kakulangan ng kaalaman sa paggamit ng mga awtentikong kagamitan sa
pagtaya sa kaalaman ng mga mag-aaral.
Sa isinagawang pag-aaral ng mananaliksik, ang ikatlo hanggang ikalimang
suliranin ang tutuklasin at bibigyang solusyon para sa mga guro sa Filipino . Inalam ang
mga suliranin ng mga guro sa pamamagitan ng pagtataya sa kanilang kakayahang
panggramatika. Subalit, ang nasabing unang dalawang suliranin ay naiiba sa pag-aaral
dahil nakapokus ang mga suliranin na ito sa estratehiya sa pagtuturo ng guro sa Filipino.
4

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ni Domingo (2017), bahagi ng kurikulum ang


wikang Filipino sa Unibersidad ng California sa Los Angeles (UCLA). Natuklasan na
kapwa ang mga guro at mag-aaral ay may mga hamon sa pagkatuto ng wikang Filipino at
ito ay ang mga sumusunod: morpolohiya, sintaksis, kaukulan, aspekto, pokus at panagano
ng pandiwa, at ang paggamit ng pang-angkop. Sa madaling sabi, ang pagtuturo ng mga
guro sa ikalawa o ikatlong wika, mga banyaga at mga Heritage language ay
nangangailangan ng masinop, maingat, at sistematikong pagkakasunud-sunod ng mga
paksain sa nilalaman at kultura hindi lamang ng leksiyon sa gramatika upang hindi
malunod sa dami ng maliliit na detalye ng paggamit ng pang-angkop, pagkasunud-sunod
ng ingklitik sa isang pangungusap, mga pananda ng pangngalan, at iba pa na dapat
pagtuunan ng pansin upang kuminis ang wika at epektibong makipagtalastasan sa wikang
Filipino.
Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral ni Cortez (2011), may mga
kwalipikadong guro at may kakayahan sa pagtuturo ngunit mayroon ding mga gurong
mahina ang kakayahan at hindi sapat ang kaalaman sa tiyak na asignatura na kanyang
itinuturo. Subalit, natuklasan na ang mga guro sa Filipino ay itinatama ang mga
nakikitang kamalian sa Gramatika ng mga mag-aaral ngunit hindi pa rin sapat ang
kanilang mga kaalamang naibabahagi upang maging karapat-dapat ang isang mag-aaral
na magtapos sa isang lebel ng sekondarya upang makaakyat sa malawak na mundo ng
antas kolehiyo.
Nilinaw nina Alejo, Balana, at Bas (2015) na magkaiba na ang pokus sa pagtuturo
ng wika. Noon, kaalamang istruktural o kayarian ng wika ang pinagtutuunan ng pansin
subalit ngayon ay paglinang na ng kahusayan sa paggamit nito, kasanayang
pakikipagtalastasan o ang kakayahang komunikatibo.
Kaugnay ang ideya na ito sa pag-aaral ng mananaliksik dahil layon nito na tasahin
ang kakayahan sa Morpolohiya at Sintaks ng mga guro na nasa pag-aaral ng kayarian ng
wika. Bukod dito, upang lubos na masukat ang kakayahang komunikatibo ng mga guro at
mag-aaral ay kailangang matasa ang kanilang kakayahan sa Gramatika gamit ang
pagsusulit na ginamit ng mananaliksik tungo sa komunikatibong kakayahan.
Dagdag pa ni Ferrer (2019), dapat maging aktibo sa pagbabasa ang mga mag-
aaral ng iba’t ibang panitikang Filipino upang mas lumawak ang kanilang nalalaman sa
mga bokabularyo. Mainam din para sa kanila ang pagbabasa ng diksyunaryong Filipino
para sa mas ikauunlad pa ng kanilang bokabularyo.
Pamamaraan ng Pag-aaral
Pangunahing disenyo ng pag-aaral ang palarawang pamamaraan sapagkat
ilalarawan ang kakayahang panggramatika ng mga guro sa Filipino at kung paano ito
nagiging susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga mag-aaral.
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 49 na mga guro sa
Filipino sa ika-7 klaster sa Sangay ng Pampanga sa mga paaralan. Ginamit ang
Convinience Sampling Technique sa pagpili ng mga respondente sapagkat malapit ang
mananaliksik sa mga paaralan ng ika-7 klaster at madaling malilikom ang mga datos
hinggil sa pag-aaral.
Nahahati sa apat na bahagi ang talatanungang gagamitin ng mananaliksik para sa
mga guro bilang instrumento ng pag-aaral. Una, ang talatanungan na tseklis na lumikom
ng datos ukol sa profayl ng mga guro sa Filipino, ang edad, kasarian, pinakamataas na
edukasyong nakamit, medyor, bilang ng taon na nagtuturo ng asignaturang Filipino, at
5

posisyon sa pagtuturo. Ang ikalawang bahagi naman ay isang pagsusulit na nagtaya sa


kakayahan sa Gramatika ng mga guro sa Filipino batay sa morpolohiya at sintaks. Ang
pagsusulit ay binubuo ng 60 puntos para sa mga guro sa Filipino. Ang ikatlong bahagi
naman ay tungkol sa mga pagsisikap na ginagawa ng mga guro sa pagpapayaman ng
kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral, at ang panghuli, ang paglikom ng
datos hinggil sa mga pagtugon sa mga pangangailangan ng mga guro sa pagpapataas ng
kanilang kakayahan sa Gramatika.
Sinikap ng mananaliksik na maghanap ng mabisa at balidong mga tanong para sa
pagtataya bilang instrumento sa pangangalap ng datos sa pag-aaral. Ang bahaging
pagtataya sa talatanungan na ginamit ng mananaliksik ay binubuo ng mga aytem sa bawat
pagsusulit na halaw mula sa internet ngunit upang makitaan nang kabisaan ito,
kinailangan pa ring dumaan sa proseso ng balidasyon kahit na ito ay hango kina Nabbil
Abbas, Leo Ricafrente (2010), Pia Noche (2014) at Anne Sibayan (2014).
Bukod pa rito, bumuo ang mananaliksik ng talatanungang sarbey na nagtaya at
naglalarawan sa kakayahan, mga pagsisikap at mga pagtugon sa pangangailangan ng mga
guro na mga respondente ng pag-aaral sa pagpapataas ng kanilang kakayahan sa
Gramatika. Ang bahagi ng talatanungan na ito para sa mga guro ay inilapit, isinangguni at
ipinasuri sa tagapayo upang maging balido.
Samantala, bumuo ang mananaliksik ng Talaan ng Ispesipikasyon (Table of
Specification o TOS) at nagsagawa ng pilot testing ng dalawang instrumento sa mga guro
mula sa ibang paaralan na hindi bahagi ng pag-aaral upang mapagtibay lalo ang
balidasyon. Bilang pagpapatibay, isinangguni ang resulta nito sa mga eksperto o mga
batikang guro sa Filipino mula sa iba’t ibang paaralan.
Upang maisagawa nang maayos ang pagbibigay ng kahulugan sa mga nakalap na datos,
ang mananaliksik ay gumamit ng istadistikong hinihingi ng isinagawang pagsusulit at
pagtataya upang maging malinaw at makabuluhan ito.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang STATA Program na katumbas din ng resulta ng
SPSS bersyon 24 at ginamit ang mga palarawang istadistiko tulad ng dalas (frequency),
bahagdan (percentage), at promedyo (mean).
Ginamit ang dalas o dami (frequency) at bahagdan (percentage) sa pag-aanalisa
ng datos hinggil sa demograpikong profayl ng mga respondenteng mga guro batay sa
edad, kasarian, pinakamataas na edukasyong nakamit, medyor, bilang ng taon na
nagtuturo ng asignaturang Filipino, at posisyon sa pagtuturo.
Ginamit naman ang promedyo (mean) sa pagtukoy sa antas ng kakayahan sa
Gramatika ng mga guro sa Filipino, mga suliraning panggramatika, mga pagsisikap na
ginagawa sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga mag-aaral, , at ang mga
pagtugon na maaari nilang gawin sa pagpapataas ng kanilang kakayahan sa Gramatika.
Ang Likert na iskala sa ibaba ay ginamit sa paglalarawan sa antas ng kakayahan
sa Gramatika ng mga guro sa Filipino batay sa isinagawang pagtataya o pagsusulit:
Iskala Markang Katumbas Deskriptibong katumbas Interpretasyon
4.20 – 5.00 - 90-100 - Napakataas Napakahusay
3.40 – 4.19 - 85-89 - Mataas Mahusay
2.60 – 3.39 - 80-84 - Katamtaman Katamtamang Husay
1.80 – 2.59 - 75-79 - Di-gaanong Mababa Di-gaanong Mahusay
1.00 – 1.79 - 74 pababa - Mababa Hindi Mahusay
6

Samantala, ang Likert na iskala sa ibaba ay ginamit sa paglalarawan sa pagsisikap


na ginagawa ng mga guro sa pagpapataas ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga
mag-aaral:
Iskala Interpretasyon
4.21 – 5.00 - Sa Lahat ng Pagkakataon
3.41 – 4.20 - Madalas
2.61 – 3.40 - Minsan
1.81 – 2.60 - Di-gaanong Madalas
1.00 – 1.80 - Hindi
Ang isa pang Likert na iskala sa ibaba ay ginamit naman sa paglalarawan sa mga
pagtugon sa pangangailangang kakayahan sa Gramatika ng mga guro:
Iskala Deskriptibong katumbas Interpretasyon
4.21 – 5.00 -Lubhang pangunahin Lubos na Kailangan
3.41 – 4.20 -Pangunahin Kailangan
2.61 – 3.40 -Bahagyang Pangunahin Bahagyang Kailangan
1.81 – 2.60 -Di-gaanong Pangunahin Di-gaanong Kailangan
1.00 – 1.80 -Hindi Pangunahin Hindi Kailangan

Kinalabasan ng Pag-aaral
1. Ano ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Filipino batay sa Morpolohiya at
Sintaks?
Napatunayan sa pag-aaral na ang mga guro sa Filipino ng ika-7 klaster ay
nagtamo ng mataas na marka at mahusay na antas ng kakayahan sa Gramatika sa
bahaging Morpolohiya na may promedyong 4.12, ngunit mababa ang kanilang natamong
marka at mailalarawan na hindi sila mahusay sa Sintaks na may promedyong 1.71.
Gayunpaman, lumalabas na ang kanilang antas ng kakayahan Gramatika ay may
promedyong 2.65 na nasa katamtaman at nangangahulugang may katamtamang husay.
2. Ano ang mga suliranin ng mga guro sa Gramatika batay sa Morpolohiya at
Sintaks?
Lumitaw sa pag-aaral na ito na ang mga guro sa Filipino ng ika-7 klaster ay
nakararanas ng kahirapan sa pokus ng pandiwa wastong gamit ng mga salita, at sa
kawastuhan ng pangungusap. Sa madaling sabi, sila ay may suliranin pagdating sa
Sintaks at batay sa nalikom na datos ay hindi sila mahusay rito. Sa kabilang banda, wala
namang natuklasang suliranin sa Morpolohiya ang mga guro sapagkat ang kanilang antas
ng kakayahan dito ay mataas at nangangahulugang may mahusay na kakayahan.
3. Ano ang mga kaparaanang ginawa ng mga guro sa Filipino sa
pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral?
Ang lahat ng aytem sa talatanungan ay madalas ginagawa ng mga guro sa Filipino
sa Gramatika at ang mga ito ay susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga
mag-aaral na may promedyong 4.11.
4. Paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga guro sa kakayahan
sa Gramatika?
Mahihinuha mula sa datos na ang lahat ng mga pagtugon sa pangangailangan ng
mga guro sa Filipino na nasa talatanungan ay lubhang pangunahin at lubos na kailangan
7

na may promedyong 4.31 at ito ay upang mapataas ang kanilang kakayahan sa


Gramatika.

Talahanayan 2
Buod ng Antas ng Kakayahan ng Guro sa Gramatikang Filipino

Antasng Promedyo Standard [95% Interval] Deskriptibong


kakayahan of Error Confidence Interpretasyon
Level
Morpolohiya 4.12 .1764942 3.767584 4.477314 Mataas/Mahusay
Sintaks 1.71 .145803 1.421129 2.007442 Mababa/Hindi Mahusay
Kabuuan Katamtaman/Katamtamang
2.92 .1856937 2.279699 3.026423 Husay

Sa kabuuan, ang mga guro sa Filipino ay nagtamo sa Morpolohiya ng


promedyong 4.12 na may deskripsyong interpretasyon na mataas at mahusay, ngunit
mababa at hindi sila mahusay pagdating sa Sintaks na nagtamo lamang ng promedyong
1.71 na nasa mababa at hindi mahusay. Gayunpaman, lumalabas na ang kanilang antas sa
kakayahan sa Gramatika ay may promedyong 2.92 na nasa katamtaman at
nangangahulugang may katamtamang husay.
Ang pagtatamo ng ganitong kakayahan ng mga guro sa Filipino ay isa na ring
katanggap-tanggap na resulta sapagkat sila ay may katamtamang husay pa rin sa
gramatikang Filipino. Masasabi rito na kailangan pa talagang paghusayan ng mga guro
ang kanilang kakayahan. Ang paglinang ng sariling kakayahan ang makapagpapaunlad at
tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.
Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral ni Meniado (2019), ang mga guro sa kolehiyo
ay nailarawan na may kalayaan na o independent sa paggamit ng wikang Ingles. Ibig
sabihin, batid naman nila ang wastong gramatika subalit natuklasan din na nakararanas
sila ng mga kahirapan dito tulad halimbawa ng pag-unawa sa kahabaan ng teksto,
pagtukoy sa di lantad na kahulugan nito, mabisang pagpapahayag ng sarili.
Sa kasalukuyang pag-aaral, may katamtamang husay naman ang mga guro sa
Filipino subalit may mga kahirapan din silang kinakaharap sa Gramatika, patikular sa
Sintaks. Natuklasan sa kasalukuyang pag-aaral sa Sintaks na hirap ang mga guro unang-
una sa pokus ng pandiwa sa pangungusap, sunod ay sa kawatuhan ng mga pangungusap,
at sa wastong gamit ng mga salita. Sa madaling sabi, sa kabila ng kanilang kahusayan,
kapwa ang mga guro ay nakararanas pa rin ng suliranin sa gramatika ng dalawang wika
gayong batid nila ang mga tuntunin dito.
Batay naman sa buod ng resulta ng pag-aaral ni Gannaban (2012), naobserbahan
sa pangkalahatan na naipakita ng mga guro sa Filipino ang kanilang kahusayan sa wika,
sa nilalaman, at sa estratehiya sa pagtuturo. Napansin din sa tulong ng pagmamasid na
nagpakita ng kahusayan sa pagtuturo ang mga guro mula sa pampublikong paaralan
kaysa sa mga nasa pribadong paaralan. Sa mga nalikom na datos ng mananaliksik, hindi
inobserbahan ang mga guro batay sa kanilang pagtuturo kundi sila’y dumaan sa isang
pagsusulit at natuklasang mahusay sa Morpolohiya ngunit hindi mahusay sa Sintaks.
8

Wala namang tinangkang paghahambing sa pagitan ng mga guro mula sa publiko at


pribadong paaralan.

Talahanayan 3
Pag-analisa sa Aytem ng Pagsusulit sa Sintaks
Pagsusulit sa Sintaks Bilang ng Aytem na may Antas ng
Maling Sagot ang mga Guro Kahirapan o
Difficulty Index
Wastong Gamit ng mga Salita 2 Bahagyang Mahirap
Pokus ng Pandiwa 5 Bahagyang Mahirap
Kawastuhan ng Pangungusap 3 Bahagyang Mahirap
Kabuuan 10 Bahagyang Mahirap

Batay sa datos na nasa talahanayan 3, natuklasang lima ang bilang ng aytem na


bahagyang mahirap o moderately difficult sa pagsusulit sa bahaging pokus ng pandiwa,
tatlo naman sa kawatuhan ng pangungusap at dalawa sa angkop na gamit ng mga salita.
Nangangahulugan lamang ito na ang mga guro sa Filipino ay nakararanas ng bahagyang
kahirapan sa wastong gamit ng mga salita, pokus ng pandiwa at sa kawastuhan ng
pangungusap. Sa madaling sabi, sila ay may suliranin pagdating sa Sintaks at batay sa
nalikom na datos ay hindi sila mahusay rito. Sa kabilang banda, wala namang
natuklasang suliranin sa Morpolohiya ang mga guro sapagkat ang kanilang antas ng
kakayahan dito ay mataas na nangangahulugang mahusay.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Araneta (2017), naitala ang mga karaniwang
pagkakamali sa wastong gamit ng mga salita: nilabag ng mga mag-aaral ng ika-7 baitang
ang tuntunin sa wastong gamit ng mga salita tulad ng: ang /nang/ ay ginagamit bilang
pang-ugnay sa pandiwa at sa pang-abay na pamaraan, ginagamit ito sa bilang pangatnig
sa hugnayang pangungusap, ginagamit ito sa pag-uulit ng mga salita, at nagbuhat sa /na/
na inangkupan ng /-ng/ at ginagamit din bilang pang-abay na pamanahon. Natuklasan din
sa pag-aaral ang mga paglabag sa tuntunin sa wastong gamit ng salitang /may/ at
/mayroon/: Ginagamit ang /may/ kapag ang sumusunod na salita ay pangngalan, pang-uri,
pandiwa at pang-abay. Ginagamit din sa kapag sinusundan ng pantukoy na /mga/ at pang-
ukol na /sa/.
Ang suliranin ng mga mag-aaral na ito ay hindi na nila nabibigyang pansin.
Mahalaga para sa kanila ang magkaunawaan sa mga bagay na kanilang pinag-uusapan
nang hindi tuon ang Gramatika. Ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa wastong gramatika
ay nakasalalay sa kahusayan ng mga guro sa Filipino. Sa kabuuan ng kanilang pagtuturo,
maging sa Panitikan ay isinasanib ang Gramatika at Retorika upang mabigyang halaga
ang pagpapalaganap nito tungo sa pagtugon ng kanilang pangangailangan.
Ang nasabing pag-aaral ay may kinalaman sa mga mag-aaral samantalang ang
kasalukuyang pag-aaral ng mananaliksik ay tuon sa mga guro. Natuklasan sa
kasalukuyang pag-aaral na ang mga guro sa Filipino ay nilabag ang mga tuntunin sa
wastong gamit ng mga salita batay sa resulta ng isinagawang pagsusulit. Kabilang dito
ang wastong gamit ng mga salitang /ng/ at /nang/, /may/ at /mayroon/, at iba pa. Higit na
marami ang kahirapan ng mga guro sa pokus ng pandiwa na kinakailangan ng pagsusuri
sa mga pangungusap.
9

Ang mga halimbawa ng paglabag na ito ng mga guro ay inaasahang maitatama ng


mga guro sa susunod na pagkakataon at maisabuhay ang mga ito sa pagtuturo. Patunay
lamang ito na sa bawat pagkakamali, ang mahalaga ay maitutuwid ito nang tama alang-
alang sa ikatatagumpay ng pagtuturo at katatasan sa paggamit ng wikang Filipino.
Sa pag-aaral ni Alviz (2019), natuklasang ang mga gurong sa asignaturang Ingles
ay mahusay sa bahaging pagsusulit sa pag-unawa sa binasa ngunit may kahirapan sa
pagpapayahag ng sarili nang pasulat. Sa pagsusuri ng kanilang kasanayan, mababa ang
kanilang kakayahan sa paggamit ng mga pantukoy at anyo ng pangngalan, pagbibigay-
kahulugan sa mga salita, at paghihinuha. Ang nasabing pagsusulit para sa mga guro ay
nagtataya sa kakayahan ng mga guro sa Gramatikang Ingles.
May kaugnayan ang nasabing datos sa kinalabasan ng kasalukuyang pag-aaral sa
bahaging kapwa ang mga guro ay suliranin din ang wastong gamit ng mga salita o ng
mga pantukoy sa pangungusap. Subalit, naging kaiba naman ito sa bahaging magkaiba ng
sakop ng istruktura ng wika. Tuon lamang ng mananaliksik ang kakayahan sa Gramatika
ng mga guro sa Morpolohiya at Sintaks na at hindi na saklaw ang Ponolohiya at
Semantika.
Laganap man ang mga karanasang ito sa anumang pag-aaral ng wika subalit
maaaring makagawa ng mga pamamaraan kung paano matutugunan ang mga kahirapang
ito ng mga guro. Inaasahan na higit pang malilinang ang mga kakahayan at kasanayan
kung pagtutuunan ng pansin ang proseso at pedagohiya ng pagtuturo ng gramatika.

Talahanayan 4
Mga Pagsisikap ng Guro sa Morpolohiya
Morpolohiya Dami Promedyo Deskriptibong
5 4 3 2 1 Interpretasyon
Tinutukoy ko ang kayarian ng 12 33 3 1 0 4.14 Madalas
mga salita.
Lumilikha ako ng mga salita at 10 21 14 3 1 3.73 Madalas
ginagamit ko ito sa
pakikipagtalastasan.
Tinutukoy ko ang salitang-ugat 19 21 9 0 0 4.20 Madalas
ng mga salita.
Nagbibigay ako ng mga 21 26 1 0 1 4.35 Sa Lahat ng
kasingkahulugan at kasalungat na Pagkakataon
salita ng mga salitang Filipino.
Nilalapatan ko ng angkop na 20 18 9 1 1 4.12 Madalas
panlapi ang mga salitang aking
ginagamit sa pakikipag-usap.
Nagbabasa ako ng diksyunaryong 5 20 24 0 0 3.61 Madalas
Filipino.
Pinababasa ko ng diksyunaryong 7 11 25 5 1 3.37 Minsan
Filipino ang aking mga mag-
aaral.
Nililinang ko ang mga 20 22 7 0 0 4.27 Sa Lahat ng
matatalinhagang salita na Pagkakataon
mababasa sa mga akdang
pampanitikan..
Kabuuan 3.97 Madalas/Susi
10

Makikita sa talahanayan 4 na susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng


mga mag-aaral ang madalas na pagsisikap na ginagawa ng mga guro sa Filipino sa
Morpolohiya na promedyong na 3.97. Sa lahat ng aytem, sinisikap sa lahat ng
pagkakataon ng mga guro na maibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga
salitang Filipino na may promedyong na 4.35 at nililinang din nila ang mga
matatalinhagang mababasa sa mga akdang pampanitikan na may promedyong 4.27. Ito ay
dahil sa mga panitikan at lunsaran na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng wika at
panitikan. Kapansin-pansin din na madalas sinisikap ng mga guro na matukoy ang
kayarian ng mga salita na may promedyong 4.14, ang paglikha at paggamit ng mga salita
sa pakikipagtalastasan na may promedyong 3.73, ang paglapat ng angkop na mga panlapi
na may promedyong 4.12, at ang pagbasa ng diksyunaryong Filipino na may 3.61 na
promedyo. Ngunit, mababatid din na minsan, sinisikap ng mga guro na ipabasa sa
kanilang mga mag-aaral ang diksyunaryong Filipino na may promedyong 3.37.
Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng guro sa Morpolohiya katuwang ng
kasipagan nitong ginagawa sa lahat ng pagkakataon sa pagpapataas ng kaalaman sa
Gramatika ng kaniyang mag-aaral ay isang ganap na tagumpay. Higit na mapauunlad ang
kaalaman ng mga guro at mag-aaral sa mga salita kung gagamitin ang mga ito sa
pakikipagtalastasan. Higit na malilinang hindi lamang ang kakayahan ng mga guro kundi
maging ang wikang Filipino.

Talahanayan 5
Mga Pagsisikap ng Guro sa Sintaks
Sintaks Dami Promedyo Deskriptibong
5 4 3 2 1 Interpretasyon
Tinutukoy ko nang wasto ang 17 25 7 0 0 4.20 Madalas
mga bahagi ng pananalita sa
pangungusap.
Ginagamit ko nang wasto sa 28 12 9 0 0 4.39 Sa Lahat ng
pangungusap ang mga bahagi Pagkakatao
ng pananalita.
Iwinawasto ko ang mga 22 26 1 0 0 4.43 Sa Lahat ng
pangungusap na may maling Pagkakataon
gamit ng mga salita.
Ginagamit ko nang angkop 24 21 4 0 0 4.41 Sa Lahat ng
ang mga salita sa bawat Pagkakataon
pangungusap.
Natutukoy ko ang ayos at 15 24 10 0 0 4.10 Madalas
anyo ng mga pangungusap.
Natutukoy ko nang wasto ang 11 22 16 0 0 3.90 Madalas
mga pokus ng pandiwa sa
pangungusap.
Nagagamit ko nang wasto ang 16 18 15 0 0 4.02 Madalas
mga pantukoy sa
pangungusap.
Nakabubuo ako ng isang 24 20 5 0 0 4.39 Sa Lahat ng
malinaw at wastong Pagkakataon
pangungusap.
Kabuuan 4.23 Sa Lahat ng
11

Pagkakataon
Batay sa talahanayan 5, sa lahat ng pagkakataon ay sinisikap ng mga guro na
maiwasto ang mga pangungusap na may maling gamit ng mga salita na may promedyong
4.43, magamit ang angkop na salita sa pangungusap (4.41), magamit nang wasto ang mga
bahagi ng pananalita sa pangungusap at ang makabuo ng isang malinaw at wastong
pangungusap na may parehong promedyong 4.39. Sa ibang paraan, madalas na sinisikap
ng mga guro na: matukoy nang wasto ang mga bahagi ng pananalita sa pangungusap na
may promedyong 4.20, matukoy ang ayos at anyo ng pangungusap (4.10), magamit nang
wasto ang mga pantukoy sa pangungusap (4.02), at ang matukoy nang wasto ang pokus
ng pandiwa sa mga pangungusap (3.90). Sa kabuuan, ang mga guro sa Filipino ay
nagsisikap na linangin ang kanilang kakayahan sa sintaks sa lahat ng pagkakataon na may
promedyong 4.23.

Talahanayan 6
Mga Iba pang Pagsisikap ng Guro
Mga Iba Pang Pagsisikap ng Dami Promedyo Deskriptibong
mga Guro sa Filipino 5 4 3 2 1 Interpretasyon
Masusi kong inihahanda at 29 15 5 0 0 4.49 Sa Lahat ng
isinaalang-alang ang mga Pagkakataon
simulain sa pagtuturo ng wikang
Filipino.
Inaalam ko ang mga teknik o 26 20 3 0 0 4.47 Sa Lahat ng
istratehiya sa pagtuturo ng Pagkakataon
wikang Filipino.
Gumagamit ako ng kompyuter o 26 17 6 0 0 4.41 Sa Lahat ng
teknolohiya sa pagtuturo ng Pagkakataon
gramatikang Filipino.
Pinupukaw ko ang interes ng 25 21 3 0 0 4.45 Sa Lahat ng
aking mga mag-aaral sa Pagkakataon
pagtuturo gamit ang mga
kakaiba at nakawiwiling mga
gawaing panggramatika.
Nakikilahok ako sa mga palihan 23 12 14 0 0 4.18 Madalas
at mga pagsasanay ukol sa wika
o asignaturang Filipino.
Lumilikha ako ng inobasyon sa 8 24 15 2 0 3.78 Madalas
pagtuturo ng gramatikang
Filipino.
Nagsasagawa ako ng 16 20 13 0 0 4.06 Madalas
pangkatang gawain kapag ang
paksang tinatalakay namin ay
ukol sa gramatika.
Gumagamit ako ng mga 12 25 10 2 0 3.96 Madalas
awtentikong kagamitan sa
pagtataya ng pagkatuto ng
gramatika ng mga mag-aaral.
12
Pagpapatuloy ng Talahanayan 6…
Nagsasagawa ako ng lektyurang 15 21 10 2 1 3.96 Madalas
pamamaraan sa pagtuturo kapag
ang paksang tinatalakay namin
ay ukol sa gramatika.
Ginagawa kong sistematiko at 19 22 6 2 0 4.18 Madalas
sunud-sunod ang mga paksa sa
nilalaman ng gramatikang
Filipino.
Nakikipagtalastasan ako sa 6 30 12 1 0 3.82 Madalas
ibang tao gamit lamang ang
wikang Filipino.
Wikang Filipino lamang ang 14 27 6 1 1 4.06 Madalas
gamit kong wika sa pagtuturo ng
gramatika.
Pinababasa ko ang mga akdang 12 28 7 1 1 4.00 Madalas
pampanitikan sa klase nang
malakas.
Gumagamit ako ng mga soap 12 24 10 3 0 3.92 Madalas
opera at mga pelikulang
Filipino bilang lunsaran sa
pagtuturo ng gramatika.
Itinatama ko ang mga 27 21 1 0 0 4.53 Sa Lahat ng
pagkakamali ng mga mag-aaral Pagkakataon
sa pagbuo ng mga pangungusap.
Gumagamit ako ng mga 19 27 3 0 0 4.33 Sa Lahat ng
karagdagang batis ng Pagkakataon
impormasyon o kagamitang
panturo sa pagtalakay ng mga
paksa sa gramatika.
Nakatuon ako sa gramatikang 12 32 3 2 0 4.10 Madalas
Filipino maging sa pagsulat.
Hinahayaan ko ang mga mag- 30 14 5 0 0 4.51 Sa Lahat ng
aaral na makapagpapahayag ng Pagkakataon
kanilang sarili gamit ang wikang
Filipino.
Sinusunod ko ang alituntuning 24 20 5 0 0 4.39 Sa Lahat ng
pambalarila sa wikang Filipino Pagkakataon
sa pagtuturo.
Nagpapakadalubhasa ako sa 14 12 7 1 15 3.18 Minsan/Kata
asignaturang Filipino sa mta-man
pamamagitan ng pagkuha ng
Master’s degree sa isang
unibersidad.
Kabuuan 4.14 Madalas
13

Mapapansin sa talahanayan 6 na madalas ay sinisikap gawin ng mga guro sa


Filipino ang lahat ng aytem at ang mga ito ay susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa
Gramatika ng mga mag-aaral dahil mayroon itong promedyong 4.14.
Kung iisa-isahin, sa lahat ng pagkakataon ay sinisikap na maitama ng mga guro sa
Filipino ang mga pagkakamali ng kanilang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga
pangungusap na may promedyong 4.53, na makapagpahayag ng kanilang sarili gamit ang
wikang Filipino (4.51), masusing maihanda at maisaalang-alang ang mga simulain sa
pagtuturo ng wikang Filipino (4.49), malaman ang mga teknik at estratehiya sa pagtuturo
nito (4.47), mapukaw ang kanilang interes gamit ang mga kakaiba at nakawiwiling mga
gawaing panggramatika (4.45), na magamit ang kompyuter o teknolohiya sa pagtuturo ng
Gramatika (4.41), masunod ang alituntuning pambalarila sa wikang Filipino sa pagtuturo
(4.39), at magamit ang mga karagdagang batis ng impormasyon o kagamitang panturo sa
pagtalakay ng mga paksa sa Gramatika (4.33).
Kadalasan, sinisikap ng mga guro sa Filipino na makilahok sa mga palihan at mga
pagsasanay ukol sa wika o asignaturang Filipino, at gawing sistematiko at sunud-sunod
ang mga paksa sa Gramatika na may parehong promedyong 4.18, pagtuunan ng pansin
ang Gramatika sa pagsulat (4.10), na wikang Filipino lamang ang gagamiting wikang
panturo at magsagawa ng pangkatang gawain sa Gramatika na parehong may
promedyong (4.06), maipabasa nang malakas sa klase ang mga akdang pampanitikan
(4.00), na gumamit ng mga awtentikong kagamitan sa pagtataya ng pagkatuto ng
Gramatika ng mga mag-aaral at makapagsagawa ng lekturang paraan sa pagtuturo ng
Gramatika na parehong may promedyong (3.96), na magamit ang mga soap opera at mga
pelikulang Filipino bilang lunsaran sa pagtuturo ng gramatika (3.92), makipagtalastasan
sa ibang tao gamit lamang ang wikang Filipino (3.82), makalikha ng inobasyon sa
pagtuturo ng gramatika (3.78). Minsan, ang mga guro sa Filipino ay nagpapakadalubhasa
sa asignaturang Filipino sa pamamagitan ng pagkuha ng yunit sa antas Gradwado sa
isang unibersidad (3.18).

Talahanayan 7
Buod ng mga Kaparaanang Ginawa ng mga Guro sa Pagpapayaman ng Kaalaman sa
Gramatika ng mga Mag-aaral

Mga Pagsisikap ng Guro sa Filipino Promedyo Deskriptibong


Interpretasyon
Morpolohiya 3.97 Madalas/Susi
Sintaks 4.23 Sa Lahat ng Pagkakataon/
Lubhang Susi
Iba Pang Pagsisikap 4.14 Madalas/Susi
Kabuuan 4.11 Madalas/Susi

Sa kabuuan, ang madalas na mga pagsisikap ng mga guro sa Filipino sa


Morpolohiya ay may promedyong 3.97 at sa lahat ng pagkakataon na kanilang sinisikap
gawin sa Sintaks ay may promedyong 4.23 na nangangahulugang susi, at ang kanilang
iba pang madalas na pagsisikap na may promedyong 4.14 ay may kahulugang susi. Sa
madaling sabi, ang madalas na mga pagsisikap na ginagawa ng mga guro sa Filipino ay
14

susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga mag-aaral na may promedyong


4.11.
Pinatutunayan lamang nito na sa kabila ng natuklasang kahirapan ng mga guro sa
sintaks, nagiging maparaan pa rin ang mga guro sa Filipino sa pamamagitan ng kanilang
mga pagsisikap tungo sa pagpaapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga mag-aaral
gayundin sa pagpapataas ng kanilang kakayahan rito.
Tunay na malaki ang gampanin ng mga guro sa Filipino lalo na ang mga hindi
medyor rito. Ang paghahanda, pamamaraan at pagbuo ng isang matagumpay na
pagtuturo ay hindi biro. Mahirap din para sa mga guro ang magturo ng Gramatika sa
magkakaibang klase ng mga mag-aaral. Ang lahat ng ito ay iniaatang sa mga guro na mga
tagapangasiwa ng kanilang pagkatuto. Sa tulong ng kanilang kasipagan at mga
pagsisikap, makakamit lahat ng mga tunguhin sa pagtuturo. Ang pagkatuto ng mga mag-
aaral ay isang maituturing na tagumpay para sa mga guro. Bilang isang guro sa Filipino,
hindi mapapantayan ang tuwang madarama sa yumayamang kaalaman sa Gramatika ng
kanilang mga mag-aaral.

Talahanayan 8
Mga Pagtugon sa Pangangailangan ng Guro sa Gramatikang Filipino
Gramatikang Filipino Dami Promedyo Deskriptibong
Interpretasyon
5 4 3 2 1
Magturo lamang ng 15 18 5 0 1 4.35 Lubhang
asignaturang Filipino. Pangunahin/ Lubos
na Kailangan
Pahintulutan ang mga 33 13 1 0 2 4.53 Lubhang
medyor sa Filipino na Pangunahin/
magturo sa asignatura. Lubhang Kailangan
Magpaturo sa mga batikang 31 14 3 1 0 4.53 Lubhang
guro sa Filipino. Pangunahin/
Lubhang Kailangan
Makipagtalastasan sa mga 24 16 9 0 0 4.31 Lubhang
batikang guro sa Filipino. Pangunahin/
Lubhang Kailangan
Magmasid sa pakitang-turo 30 16 3 0 0 4.55 Lubhang
ng mga batikang guro sa Pangunahin/
Filipino. Lubhang Kailangan
Magkaroon ng pagtataya sa 20 20 9 0 0 4.22 Lubhang
kakayahang panggramatika Pangunahin/
ng mga guro sa Lubhang Kailangan
pampublikong paaralan.
Bumuo ng mga akmang 23 21 5 0 0 4.37 Lubhang
pagsasanay sa gramatika. Pangunahin/
Lubhang Kailangan
Paghiwalayin ang 22 17 7 2 1 4.16 Pangunahin/
pagtuturo ng gramatika sa Kailangan
panitikan.
Baguhin muli ang 9 17 15 5 3 3.49 Pangunahin/
15

kurikulum ng Filipino. Kailangan


Masusing maghanda at 25 21 3 0 0 4.45 Lubhang
isaalang-alang ang mga Pangunahin/
simulain sa pagtuturo ng Lubhang Kailangan
wikang Filipino.
Dumalo at makilahok sa 33 11 2 3 0 4.51 Lubhang
mga iba’t ibang palihan at Pangunahin/
mga pagsasanay pangwika. Lubhang Kailangan
Ugaliing magbasa ng 1 26 18 4 1 4.38 Lubhang
diksyunaryong Filipino. Pangunahin/
Lubhang Kailangan
Linangin ang mga 31 17 0 1 0 4.59 Lubhang
matatalinhagang salita na Pangunahin/
nasa mga akdang Lubhang Kailangan
pampanitikan.
Gumamit ng mga soap 16 20 11 1 1 4.00 Pangunahin/
opera at mga pelikulang Kailangan
Filipino bilang lunsaran sa
pagtuturo ng gramatika.
Magpakadalubhasa sa 22 20 3 1 3 4.16 Pangunahin/
paaralang gradwado ng Kailangan
wikang Filipino.
Kabuuan 4.31 Lubhang
Pangunahin/
Lubhang Kailangan

Makikita naman sa talahanayan 8 ang mga pagtugon sa pangangailangan ng mga


guro sa pagpapataas ng kanilang kakayahan sa Gramatikang Filipino. Mahihinuha mula
sa datos na ang lahat ng mga pagtugon sa pangangailangan ng mga guro ay lubhang
pangunahin at lubos na kailangan na may promedyong 4.31, ito ay upang mapataas ang
kanilang kakayahan sa Gramatika.
Kung pagbabatayan ang mga nakatalang datos, lubos na kailangan ng mga guro
ang paglinang ng mga matatalinhagang salita na nasa mga akdang pampanitikan na may
promedyong 4.59, pagmamasid sa pakitang-turo ng mga batikang guro sa Filipino (4.55),
ang pagpapahintulot sa mga guro sa Filipino na magturo ng Filipino at magpaturo sa mga
batikang guro na parehong may promedyong (4.53), dumalo at makilahok sa mga iba’t
ibang palihan at pagsasanay pangwika (4.51), masusing makapaghanda at maisaalang-
alang ang mga simulain sa pagtuturo ng wikang Filipino (4.45), magbasa ng
diskyunaryong Filipino (4.38), makabuo ng mga akmang pagsasanay sa Gramatika
(4.37), magturo lamang ng asignaturang Filipino (4.35), makipagtalastasan sa mga
batikang guro sa Filipino (4.31) at magkaroon ng pagtataya sa Gramatikang Filipino sa
mga pampublikong paaralan (4.22).
Kailangan din ng mga guro sa Filipino na paghiwalayin ang pagtuturo ng
gramatika sa panitikan, magpakadalubhasa sa paaralang gradwado sa wikang Filipino na
may parehong promedyong 4.16, gumamit ng mga soap opera at mga pelikulang Filipino
bilang lunsaran sa pagtuturo ng Gramatika (4.00), at ang mabagong muli ang kurikulum
ng Filipino (3.49).
16

Sa pag-aaral ni Meniado (2019), lumabas na sa paglitaw ng mga kahirapan ng


mga guro sa Gramatikang Ingles, sinasabing kailangan daw nila ng programang
makapaglilinang tungo sa kanilang kahusayan rito. Inihahain ng pag-aaral na hasain pa
ang kanilang kakayahan sa pagtamo ng mga yunit sa paaralang gradwado, pakikilahok sa
mga worksyap at kumperensya, mga pananaliksik at mga publikasyon.
May kinalaman ang naging resulta ng nasabing pananaliksik sa kasalukuyang
pag-aaral sapagkat parehong inihahain ang mga pangangailangan ng mga guro sa
dalawang magkaibang wika. Ibig sabihin, kinakailangan pa rin talaga ng masusing
paghahanda alang-alang sa ikatatamo ng kanilang pangangailangang kakayahan sa
Gramatika para sa pagpapayaman ng kaalaman ng kanilang mga mag-aaral.
Samantala, inilahad sa pag-aaral ni Panganiban (2020) na ang pagtugon sa
kakulangan ng kaalaman ng mga guro sa istrukturang gramatikal (pagbabaybay, at bahagi
ng pananalita) ay ang pagdalo sa mga palihan at worksyap. Makatutulong din ang internet
sa pagdagdag ng kanilang kaalaman sa pagtuturo ng istrukturang Gramatika.
Sa kaso ng mga guro sa Filipino ng pag-aaral, lubhang kailangan ang pagdalo at
paglahok sa mga palihan at mga pagsasanay upang mapataas ang kanilang kakayahan sa
Gramatika. Ibig sabihin, isa ang mga ito sa mga pagtugon sa mga suliranin nila sa
pagtuturo ng Filipino.
Natuklasan ni Panganiban na isa sa mga pagtugon sa kakulangan sa
bokabularyong Filipino o Tagalog ay ang madalas na pagbabasa ng mga diksyunaryong
Filipino upang lalong mapayaman ang kanilang kakayahan sa katuturan ng mga salita.
Kaugnay naman ito sa naging resulta ng kasalukuyang pag-aaral na lubhang pangunahin
sa mga kailangang gawin ng mga guro upang mapataas ang kanilang kakayahan sa
gramatika ay ang ugaliing magbasa ng diskyunaryong Filipino.
Ang pagbibigay ng ganap na suporta sa mga guro sa Filipino sa kanilang
pangangailangan sa Gramatika ay makapagpapataas sa kaalaman ng mga mag-aaral.
Maaaring matuto nang mag-isa ang bawat mag-aaral subalit marami pa rin sa mga ito ang
natututo sa tulong at gabay ng kanilang mga guro. Ang tagumpay na tinatawag sa
hangarin na ito ng Kagawaran ng Edukasyon ay tungo sa pagkakaroon ng kalidad sa pag-
aaral.
Dahil dito, tatanggapin ang hinuha na ang kakayahan ng mga guro sa Filipino ay
susi sa pagpapayaman ng kaalaman sa gramatika ng mga mag-aaral.

Rekomendasyon
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ng mananaliksik ang mga sumusunod
na rekomendasyon:
1. Iminumungkahi na mabigyan ng Kagawaran ng Edukasyon ng
pagkakataon ang mga aplikanteng guro sa Filipino na makapagturo sa mga
paaralan sa ika-7 klaster.
2. Nawa’y mabigyang pansin ng mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon
ang kakukalangan sa mga guro sa Filipino ng mga pampublikong paaralan, at sa
pangangailangan sa mga estratehiya sa pagtuturo ng Gramatikang Filipino lalo na
sa Sintaks.
3. Bigyan ng kaukulang palihan at mga pagsasanay ang mga guro ukol sa
Gramatikang Filipino at ng mga modyul na magsisilbing gabay ng guro sa
kanyang pagtuturo nito.
17

4. Linangin pa ang kakayahan sa Gramatika ng mga guro sa Filipino sa


bahaging Sintaks upang mapataas ang kanilang antas ng kakayahan at
mapayaman ang kaalaman sa Gramatika ng kanilang mga mag-aaral. Gayunman,
paghusayan pa ang kakayahan sa Morpolohiya at sa iba pang istruktura ng wika
na hindi sakop ng nasabing pag-aaral.
5. Tugunan ng mga mga guro ang kanilang kahirapan sa Sintaks sa tulong ng
angkop na mga pagsasanay rito, pagdalo sa palihan, paghingi ng gabay mula sa
mga kapwa guro at batikang guro sa Filipino at pagpapakadalubhasa rito sa mga
paaralang gradwado.
6. Sa lahat ng pagkakataon, pagsikapan na mapataas ang kakayahan sa
Gramatika ng mga guro lalo na ang pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng
kanilang mga mag-aaral.
7. Iminumungkahi rin na magsagawa pa ng mga kaugnay na pag-aaral sa
paglinang at pagpapahusay ng kakayahan ng mga guro sa Gramatikang Filipino.

Mga Sanggunian
Alviz, A. (2019). The Language Proficiency and Process Skills of Filipino High School
Teeachers. In: Education Quarterly Reviews, Vol. 2, No. 3, 615-628. Nakuha
noong ika-3 ng Marso, 2020 mula sa https://www.asianinstituteofresearch.org/
[DOI: 10.31014/aior.1993.02.03.93]
Araneta, J. P. (2017). Karaniwang Pagkakamali sa Wastong Gamit ng mga Salita: Isang
Pagsusuring Pambalarila. Nakuha noong ika-3 ng Pebrero, 2020 mula sa
https://prezi.com/yg2du0ru5sht/karaniwang-pagkakamali-sa-wastong-gamit-ng-
mga-salita-isang/
Coronel, J.M. G. (2019). Mga Suliraning Nararanasan at Akmang Pagsasanay para
sa mga Gurong Hindi Nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino. (Di-
Nalathalang Tesis, Bulacan State University).
Cortez, A. (2011). Gramatikong Kahinaan at Kamalian sa Wikang Filipino ng mga
Mag-aaral. Nakuha noong ika-3 ng Pebrero, 2020 mula sa
https://prezi.com/_bexxnktlrkv/filipino/

De Juan, G. (2016). Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino. Filipinotek. Nakuha


noong ika-26 ng Setyembre, 2019 mula sa
https://filipinotek.wordpress.com/tag/pagtuturo/
Deped Order No. 7 s. 2015. Hiring Guidelines for Teacher I Positions Effective School
Year (SY) 2015-2016. Nakuha noong ika-26 ng Setyembre, 2019 mula sa
https://www.deped.gov.ph/2015/03/27/do-7-s-2015-hiring- guidelines-for-
teacher-i-positions-for-school-year-sy-2015-2016/
Macfarlane, G. (2015). Investigation into English Grammar Proficiency of Teachers
of English Language. (Di-Nalathalang Tesis, Unibersidad ng Tasmania,
Australia). Araneta, P. (2017). Karaniwang Pagkakamali sa wastong Gamit ng
mga Salita: Isang Pagsusuring Pambalarila.
Meniado, J. (2019). Evaluating the English Proficiency of Fculty Members of a
Higher Education Institution: Using Results to Develop
Responsive Professional Development Program. NalathalangTesis.
International Journal of English Linguistics; Vol.9. No. 2, 2019.
18

Canadian Center of Science and Education. Nakuha noong ika-10 ng


Marso, 2020 mula sa https;//doi.org/10.5539/ijel.v9n2p52
Panganiban, M. (2020). Mga Suliranin ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino: Mga
Posibleng Solusyon sa Bawat Suliranin. Nakuha noon ika-25 ng Pebrero, 2020
mula sa
https://www.academia.edu/40365087/MGA_SULIRANIN_NG_MGA_GURO_S
A_PAGTUTURO_NG_FILIPINO_MGA_POSIBLENG_SOLUSYON_SA_BA
WAT_SULIRANIN_1?fbclid=IwAR1YNbsrWEOkXNvYlWsPJM-
zKNtUSc7CWU0mBjJB7qqZrJsw6lyfgngiOdo

View publication stats

You might also like