Aimie Demolp

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

ISABELA STATE UNIVERSITY


Garita Heights Cabagan Isabela

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino VIII


ni Bb. Aimie Fe G. Ramos

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naibibigay ang kasingkahulugan ng mga salita at nagagamit ito sa
pagbuo ng pangungusap;
b. nababasa ng malinaw at may pang-unawa ang tula;
c. nailalahad at naibabahagi ang aral na nais iparating ng tula;
d. naiuugnay sa tunay na buhay ang mga aral na napulot sa tula.

II. PAKSANG-RALIN
PAKSA: PANITIKAN Florante at Laura(Stanza 21-26) “SAWING KAPALARAN”
SANGGUNIAN: Florante at Laura ni Ramos, Susan Helig, pahina 37-39, Florante at
Laura ni Ponciano B. P. Pineda pahina 42-46
KAGAMITAN: Palutang na gawa, Aktibiti Kit, Biswal Eyds
ISTRATEHIYA: Interaksyon, Pabuod at Integratib na Pamamaraan

III. PAMAMARAAN
GAWAING-GURO GAWAING-MAG-AARAL
a. Paghahanda
Magandang hapon klas.
Magandang hapon din po Bb. Ramos.

Napakaganda ng araw hindi ba? Kaya


naman nais kong tumayo tayong lahat
at Vincent pamunuan mo ang
panalangin.
Mapagmahal po naming Ama sa Langit,
lahat kami ay nariritong muli nagsama-
sama para s aming pag-aaral. salamat po
sa araw-araw na biyayang ipinagkakaloob
ninyo sa amin, mangyari pong sa araw na
ito ay gabayan at bigyaan niyo po kami ng
lakas at talino para sa aming talakayan.
Bigyan niyo po kami ng lakas ng loob at
pagtitiwala sa isa’t-isa upang kami ay
aktibong makilahok sa loob ng talakayan.
Maayos at maunawaan po namin ang ang
lahat ng ibabahagi ng aming guro.
Patawarin po ninyo kami sa aming
nagawang kasalanan. Ang lahat ng ito ay
buong puso naming hinihiling sa matamis
na pangalan ni JesuKristo. AMEN.
Ako’y natutuwa sa ating napakalinis na
silid-aralan. Panatilihin ito Klas.
Maaari na kayong umupo.

Maraming salamat po ma’am.


May lumiban ba sa ating klase?
Wala po ma’am.
Mabuti kung ganun. Sino ang bibong-
bibo na makapagbabalik-aral sa aralin
na ating tinalakay noong tayo’y huling
nagkita.

Tungkol po sa Pamamayani ng Karahasan


ma’am.
Magaling! Sa araw na ito kayong lahat
ay masasaksihan ang bago nating
aralin.

b. Pagtuklas

Pagganyak

Klas! May ipapakita akong mga


larawan sa inyo at Pagkatapos damhin
ang awitin na naglalarawan sa mga
larawan. (Pagpapakita at pagpaparinig ng isang
awitin)

Anu-ano ang inyong mganakita?


Mga trahediya sa buhay ma’am.
Gaya ng ano?
-Pagsalanta ng Bagyong Yolanda
-Pagbaha
-Pagkakaroon ng sunog
-Kahirapan ng buhay
Tama! At ano naman ang awitin na -Matinding aksideente
inyong narinig?
Maghintay ka lamang ma’am.
Tama! Nadama niyo ba ang diwa ng
awiting maghintay ka lamang?

Opo ma’am.
Mabuti kung ganun.

Paglalahad

Ngayon paano ninyo mailalarawan ang


buhay ng mga nakita ninyong mga
larawan?
Mga Kassawian ma’am.

Magaling! Nakikita niyo ba ang


dalawang ibon sa pisara?

Opo ma’am ito ay isang uwak.

Ano kaya ang sinisimbolo ng mga


ibong ito?
Kamalasan o kasawian ma’am.

Tama. Tignan nga natin kung ano ang


kanilang dala. Hilain ang nasa sobreng
nasa pisara. Hihilain at makikita ang paksa.
SAWING KAPALARAN.

Nakaramdam na ba kayo ng kasawian


sa buhay?
Opo ma’am.

Ako rin klas ay nakaranas na ng


kasawian sa buhay. Ngunut mayroon
akong natunghayan na talaga namang
kinakikitaan ng kasawian sa buhay.

Handa na ba kayo? Opo ma’am.

c. Pag-alis ng sagabal

Talasalitaan

Ngunit bago iyan nais kong ilabas


ninyo sa inyong enbelop nakalagay
diyan ang mga salita o bokabularyo
Pagkatapos inyo itong sagutin. Opo ma’am.
Maliwanag ba?

Opo ma’am.
Tapos na ba klas?

Ngayon klas atin itong iwawasto.


Sino ang may pinakamaraming Unang grupo ma’am.
puntos?

Magaling! Kayong mga ikalawang


grupo gamitin sa pangungusap ang Luhog! Itigil na ang pag-aaway.
mga talasalitaan. Ang higanti ay ibulusok sa mga
masasamang loob.
Iyong tinitunghay ano’t natitis?

Gabay na Tanong

Bago tayo magpatuloy atin munang


basahin ang mga gabay na tanong.
Basahin ito ng sabay-sabay. GABAY NA TANONG:
1. Ano ang ipinakikiusap ni Florante sa
Diyos?
2. Bakit ayaw dinggin ng Diyos ang
pakiusap ni Florante?
3.Ano-ano ang mga saknong na
nagpapakita ng unti-unting nawala ang
tiwala ni Florante sa Diyos?

Pagbasa sa Teksto/tula

Sa pagbasa ng tula, bawat grupo ay


tatayo,Babasahin ang tula ng may
angkop na pagbigkas. Basahin ang RUBRIKS:
rubrics para sa pagbabasa. Kalinawan ng pagbabasa 25%
Kooperasyon 50%
Kagadahan ng pagbabasa 25%
Kabuuan: 100%

SAWING KAPALARAN
Unang pagbasa
Ikalawang pagbasa
Ikatlong pagbasa
Ikaapat na pagbasa

d. Pagtatalakay

Pagtalakay Pangkaisipan

Ngayon naunawaan na ba ang


tungkol sa tula? Ano ang inyong Ang mga kahilingan ni Florante sa Diyos.
natunghayan?

Hinihiling niya na ibagsak na lang ang


Tama! Ano ang ipinakikiusap ni parusa sa albanya dahil sa pamamayani ng
Florante sa Diyos? kasamaan.

Parang ayaw pagbigyan ng ating


Anong nangyari sa kahilingan ni Panginoon ang kaniyang mga kahilingan.
Florante? Dahil parang hindi siya naririnig ng
Diyos.

Tama! Dahil alam niyang tanging


Diyos lamang ang makatutulong sa
kaharian ng albanya. Ngunit gayon
nga ay hindi siya naririnig ng ating
Panginoon. Banggitin nga ang mga
saknong na nagpapakita ng uti-unting Ay saan ako ngayon mangangapit?
pagkawala ng tiwala ni florante sa Saan ipupukol ang tinangis-tangis,
Diyos. Kung ayaw na ngayong dinggin ng langit,
Ang sigaw ng aking malumbay na boses!

Paano mo nasabing ang saknong na


ito ay nagpapakita ng kawalang ng Sapagkat nagtatanong siya kung kanino
pag-asa? siya hihingi ng tulong.

Mahusay ang iyong pangangatwiran. Hindi ma’am.


Ngunit sa kabuuang, tuluyan bang
nawalan ng pag-asa si Florante?
Sapagkat napag-isip-isip niya na ang lahat
ng nangyayari sa balat ng lupa ay
Paano mo nasabi? kagustuhan ng Diyos at siya lamang ang
tanging nakaaalam.

Mahusay! Hayan natunghayan na


natin ang sawing kapalaran ni
Baltazar sa kanyang obra maestrang
Florante at Laura.

Pagtalakay Pangkagandahan

Ayon sa Banal na Aklat, ang Diyos


ay pinagmulan ng kabutihan. Ngunit,
bakit pinapayagan ng Diyos na Dahil alam niya na kaya natin ito at sa
magkaroon ng iba’t-ibang pagsubok pamamagitan nito nagiging matatag tayo
ang mga tao? sa lahat ng hamon sa buhay. Dahil sa mga
pagsubok nagiging malakas tayo na
harapin muli ang paparating na unos.

Magaling! Napakahusay ng iyong


pangangatwiran.

Pagtalakay Pampanitikan

Sa tulang ating binasa ay gumamit


ang may-akda ng mga tayutay.
Magbigay nga ng isang uri ng tayutay
na ginamit sa tula. Anu-anong
saknong ito? Stanza 21 

"Ang lahat ng ito'y maawaing Langit,


Iyong tinutungha'y ano't natitiis?
mula Ka ng buong katuwira't bait,
pinapayagan Mong ilubog ng lupit.

Stanza`22

"Makapangyarihang kanan Mo'y ikilos,


papamilantikan ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanya'y kusang ibulusok
ang Iyong higanti sa masamang-loob.

Stanza 23
"Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin,
ang tapat kong luhog ay hindi Mo
dinggin?
diyata't sa isang alipusta't iring,
sampung tainga mo'y
ipinangunguling?

Stanza 25

"Ay! di saan ngayon ako mangangapit!


saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinigin ng
Langit
ang sigaw ng aking malumbay na
boses!

Anong uri ng tayutay ang ginamit


dito?

Apostrophe o pagtawag.

Mahusay ano na ulit ang apostrophe o


pagtawag?

. Ang pagpapahayag ay ginagawa sa


pakikipag-usap sa mga bagay na
karaniwan na maaring sa mga buhay o
wala na parang kaharap niya ngunit sa
katotohanan ay wala naman ito
Akoy napahanga sa iyong mga
sinabi.Naagpapatunay lamang na
ikaw ay natuto sa ating mga
tinalakay.

e. Pagpapahalaga

Ngayon sa inyong buhay pag-ibig,


pag-aaral,buhay pamilya at marami
pang uri ng ating buhay kung may
nangyayaring trahedya, dapat ba nating
sisihin ang Diyos?

Hindi ma’am, sapagkat Diyos ang tanging


nakaaalam sa lahat ng nangyayari sa ating
buhay. At dapat nating isipin na Mahal
tayo ng Diyos sa lahat ng pagsubok may
kalakip na magandang buhay kailangan
lamang nating magtiwala at maghintay.
Sabi nga sa awitin kanina.
Napakahusay ng iyong
pangangatwiran, binabati kita.

f. Paglalahat

Ngayon klas, anong gintong-aral ang


napulot ninyo batay sa paglalarawan ng
may akda sa kanyang sawing
kapalaran.
Ilahad ito sa pamamagitan ng pagbuo
ng islogan. Bawat grupo ang
pagsasagawa.
Isasagawa ang aktibiti.

Naunawaan na ba ang nais iparating ng


tula?
Opo ma’am.

IV. EBALWASYON

Ngayon, magkakaroon tayo ng isang laro.


Bubunot ng isa saating bunutan at kanya
itong sasagutan.

Paramihan ito ng puntos kaya mag-ingat sa


pagbunot. Maliwanag po ba?

Opo ma’am.
Ok simulan na natin.

MGA TANONG:
1. Sino ang nagsasalita sa tula? -Florante
2. Saan niya gustong ibagsak ang kanyang
higanti? -Reynong Albanya
3. Sa saknong 21, ano ang nadarama ng
nagsasalita? -Naninisi
4. Sa saknong 22, ang nagsasalita ay galit
nag alit na ________. -Nakikiusap

5. Sa saknong 24, ang tanong ng ginoo


kung saan siya pupunta upang makiusap
sapagkat ayaw na siyang dinggin Diyos ay -Kalituhan
nagpapakita ng kaniyang_________.
6. Sa saknong 26, ang pagsasabi ng
nakatali na handa niyang pagdusahan ang
gustong ipabalikat sa kanya ng Diyos ay
nagpapakita ng _______. -Pagpapakumbaba

7. Ano ang ginamit na tayutay sa saknong -Apostrophe


21?

8. Kanino humihingi ng tulong si Florante? -Sa Diyos

9. Ano ang pamagat ng awitin na ating


-Maghintay ka lamang
napakinggan?

10. Ano ang pakiusap ni Florante sa -Ibagsak ang kaniyang higanti sa Albanya.
Diyos?
V. TAKDANG-ARALIN

Bilang inyong takdang-aralin basahin na


ang nasa pisara.

1. Isulat ang itinuturing mong


pinakamahirap na pagsubok na iyong
naranasan at kung paano mo ito tinanggap
sa iyong buhay? Ilahad ito sa pamamagitan
ng pagsulat ng sanaysay.

2.Basahin ang susunod nating aralin, sa


pahina 42-46.

May mga katanungan pa ba? Wala na po ma’am.

Kung gayon, paalam na klas! Paalam at salamat po Bb. Ramos.

Binigyang-Puna ni:

You might also like