Filipino 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

School San Rafael Elementary School Grade Level 3

Teacher Le-Chen B. Cue Kim Dit Learning Area Filipino


Date and Time December 2, 2022 1:30-2:20 pm Quarter 3rd Quarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog

B. Pamantayan sa Pagganap

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Natutukoy ang mga salitang magkatugma.


(Isulat ang code ng bawat F3KP-IIb-d-8
kasanayan)
Makinig nang mabuti

II.NILALAMAN/KAGAMITANG Mga Salitang Magkakatugma


PANTURO
A. Paksa/Nilalaman
B. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Gabay ng Pang-
Mag-Aaral
3. Mga Pahina Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula https://www.youtube.com/watch?v=KMdtbtMNb2Y
sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang pangturo Tarpapel, PowerPoint, Worksheets
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Pagbabaybay
at/o pagsisimula ng bagong aralin Kaibigan
Salamin
Sinturon
Balik-Aral
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Gusto mong dumaan sa dalawang nag-uusap. Ano ang nararapat mong
sabihin?
a. tabi-tabi po b. makikiraan po c. mawalang galang po
2. Nais mong pumunta sa palikuran. Paano ka magpapaalam sa iyong guro?
a. Maam, lalabas muna ako. b. Maam, itatapon ko lang ang basura c. Maam,
maari po bang umihi sa banyo?
3. Gusto mong humiram ng lapis sa iyong kaklase. Ano ang sasabihin mo?
a. Pahiram nga ng lapis mo. b. Aawayin kita pag hindi moa ko pinahiram ng
lapis c. Maari po ba aong makahiram ng lapis mo?
B. Paghahabi ng layunin ng Aralin Pakinggan ang maikling tula.

Ang Batang Munti


Ako ay batang munti
Na ang tanging mithi
Magandang ugali
Mabuti ang gawi
Kahit na batang munti

Itanong:
1. Ano ang inyong napansin sa mga pangungusap?
Pag-aaralan natin ngayon ang mga salitang magkatugma.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ang salitang magkakatugma ay mga salita kung saan magkasing-tunog
sa bagong aralin ang dalumpantig o huling pantig nila.
Kalimitang ginagamit ito sa mga tula, awit o sulatin upang mas kaaya-
ayang pakinggan.
Subalit magkaparehos ang tunog nila sa dulo, ang mga salitang
magkatugma ay magkaiba ng kahulugan sa isa’t-isa.
Halimbawa:
Daga – Nilaga
Alak – Balak
Puso – Nguso
Ganap ang tugma – magkapareho ang tunog o letra ng huling salita.
Halimbawa: laki, pagkasi at pangyayari
Di-ganap ang tugma – magkakapareho lamang ang tunog ng huling salita
ngunit magkakaiba ang letra
Halimbawa: inihandog, nagkupkop, pagod at lagot
D. Pagtalakay ng Bagong konsepto Ang guro ay magbabasa ng maikling kwento. Pagkatapos nito ay sasagutan ng
at paglalahad ng bagong mga bata ang mga tanong sa ibaba.
kasanayan #1
Pamagat ng kwento: Kaibigan ni Maritsu S. Basijan
Mga Tanong:
1. Sino ang matalik niyang kaibigan?
2. Ano ang nangyari sa kaniya? Saan sya dinala?
3. Ano ang kaniyang naramdaman ng araw na iyon?
4. Sino ang nakasagasa sa kaniya?
5. Anong mga salita ang magkakatugma?
E. Pagtalakay ng Bagong konsepto Ang klase ay igugrupo sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang
at paglalahad ng bagong bondpaper upang isulat ang kanilang mga sagot.
kasanayan #2
Panuto: Basahin ang tula at isulat sa bondpaper ang mga salitang
magkatugma. Unang grupo ay sa unang saknong, pangalawang grupo ay isa
panngalawang saknong at ang huli ay sa pangatlong saknong.

Ang Alaga kong Kuting


I.
May alaga akong kuting
Ang pangalan nya ay Muning
Ang kulay ay puti’t itim
Kung tumakbo ay matulin.
II.
Makinang ang kaniyang mata;
Sa dilim ay kitang-kita
Balahibo ay kay haba,
Masdan mo siya’t kay ganda.
III.
Pagulungin mo ang bola,
Ito ay lalaruin niya,
Kung mag palakad-lakad ka,
Hahabulin iyong paa.
F. Paglinang sa kabihasnan (Tungo Panuto: Piliin ang mga salitang magkakatugma na nasa loob ng kahon. Isulat
sa Formative Assessment) sa iyong sagutang papel ang tamang sagot.
H. Paglalahat ng Aralin Ang salitang magkakatugma ay mga salita kung saan magkasing-tunog
ang dalumpantig o huling pantig nila.
Kalimitang ginagamit ito sa mga tula, awit o sulatin upang mas kaaya-
ayang pakinggan.
Subalit magkaparehos ang tunog nila sa dulo, ang mga salitang
magkatugma ay magkaiba ng kahulugan sa isa’t-isa.
Halimbawa:
1. malakas – mataas
2. usok – tuldok
3. daga – nilaga
Ganap ang tugma – magkapareho ang tunog o letra ng huling salita.
Halimbawa: laki, pagkasi at pangyayari
Di-ganap ang tugma – magkakapareho lamang ang tunog ng huling salita
ngunit magkakaiba ang letra
Halimbawa: inihandog, nagkupkop, pagod at lagotPanuto
G. Paglalapat ng aralin sa pang Panuto: Pagtapatin ang tamang salitang magkatugma. Isulat ang letra ng
araw-araw na buhay tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
__1. malakas a. masungit
__2. mahaba b. malikot
__3. marikit c. matagal
__4. malungkot d. maangas
__5. madaldal e. mapalad
f. mababa
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin at kopyahin ang mga salitang magkakatugma.

1. mais, lapis, kanin, ipis, papel


2. katawan, pamilya, silya, tuwalya, kotse
3. bata, bukid, lata, bago, kanta
4. ulam, tanim, asim, basa, itim
5. anak, itak, kuya, alat, balak
J. Takdang-Aralin Panuto: Basahin at unawain ang tula. Hanapin sa kahon ang nawawalang
salitang katugma na tinutukoy sat ula na nasa baba.
Nasimulan bayan masigla
Katawan eskwela matuwa
Ang Batang Malusog
Ang batang malusog ay batang masaya
Katawan ay malakas at laging 1.______
Malinis lagi ang buong 2.________
Malay sa mikrobyo, malusog kailanman.

Masustansyang pagkain ang baon sa 3.________


Pagkaing pampalakas kahit murang-mura.
Ang batang malusog ay yaman ng 4._______
Ipagpatuloy mo ang magandang 5.________
REMEDIATION:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kasabihan. Bilugan ang mga salitang
magkakatugma

REINFORCEMENT:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kasabihan. Bilugan ang mga salitang
magkakatugma.
1. Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.
2. Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
3. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.

ENRICHMENT:
Panuto: Mag bigay ng tatlong pares na salita ng ganap magkatugma at di-
ganap.

Prepared by: Checked by:

LE-CHEN B. CUE KIM DIT MA. LORA V. DERI-ON


Student Teacher Cooperating Teacher

Noted:
MA. CRISTINA A. SERVANDO
Principal I

You might also like