Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ferreria,Cindy B.

Bsed 4-2

Trabaho

Sa dinami rami ng mahihirap sa bansang Pilipinas, trabaho ang pangunahing lunas para dito.
Ngunit walang oportunidad na bumubukas para sa bawat mahihirap na Pilipino kaya’t ang tanging paraan,
mangibang-bansa.

Migrasyon ang tawag sa paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa iba pang pook upang doon
manirahan nang panadalian o pang matagalan. Ang Pilipinas ay may mataas na bilang ng mga migrante,
tinatayang 8.9 milyong Pilipino ang naninirahan sa iba’t ibang bansa noong 2018 lamang. Tiyak na higit na
mas mataas na ang bilang nila ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa ibang bansa na nakapang-
aakit sa maraming Pilipino at dahil na rin sa pag-asang makababangon sa kahirapan. Ang panganib, pang-
aabuso, at pagsasakripisiyo ng mga migrante para sa kapakanan ng minamahal na pamilya. Kung patuloy
ang palobo ng bilang ng mga migrante, patuloy din ang pagbawas ng bilang ng lakas paggawa ng bansa na
makapagdudulot ng paglubog ng ekonomiya nito.. Subait, kung titingnan ang kabilang bahagi ng
sitwasyon, hindi lamang masamang epekto ang dulot ng migrasyon, hindi lamang karahasan ang
nararanasan ng bawat migrante, maraming pamilya rin naman ang nakakaahon sa hirap dahil sa laki ng
kinikita bilang OFW.

You might also like