Formative Test Ekwilibriyo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FORMATIVE TEST #_____

1. Sa anong punto nagkaroon ng ekwilibriyong presyo at ekwilibriyong dami? C


2.Sa anong punto nagkakaroon ng pinakamalaking shortage ang pamilihan?A
3. Sa anong 2 punto kung saan nagkakaroon ng surplus sa pamilihan? D and E

REVIEW :2ND DAY


GAWAIN 1; KOREK KA OH!
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o notebook.
1.Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay tumutukoy sa sitwasyon kung
saan ang presyo ay __________________.
A. tataas sanhi ng kompetisyon ng mga sellers.
B. nasa antas kung saan walang surplus o shortage.
C. mataas, sapat para sa mga kompanya na magkaroon ng sapat na tubo
D. mababa, sapat upang mabili ng mga konsyumers ang kanilang gusto.
2. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami kaysa sa quantity
demanded.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus
3. Ang kalagayan ng pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus
4. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas kaunti kaysa sa quantity
demanded.
A. Shortage B. Surplus C. Ekwilibriyo D. Disekwilibriyo
5. Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto o serbisyo?
A. Mananatili B. Bababa ang presyo
C. Mawawala ang halaga D. Tataas ang presyo
2ND DAY
FORMATIVE TEST # ____
Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay
nagsasaad ng surplus, shortage, o ekwilibriyo. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.
_____ 1. Kailangan ni Sheila ng isang dosenang rosas para sa kaarawan ngkaniyang ina ngunit
siyam na rosas lamang ang natitira sa flowershop.
_____ 2. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php50 at sa dami na 30.
_____ 3. May 100 sako ng palay si Mang Tomas ngunit 70 sako lamang ang handang bilhin ng
kaniyang mga suki.
_____ 4. May 36 na panindang payong si Bengie. Dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan, naubos
lahat ang kaniyang paninda.
_____ 5. Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Aling Nery dahil sa suspensiyon ng klase
kaninang umaga.
_____ 6. Naubos kaagad ni Mang Kiko ang kaniyang paninda nang bilhin lahat ng mga turista ang
mga ito.
_____ 7. Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang benta ng lugaw ni Jerry.
_____ 8. Isandaang kilo ang supply ng sibuyas sa Zamboanga City Public Market at isandaang kilo
rin ang demand para rito.
_____ 9. May 50 lapis ang kailangan ng mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng San Roque
ngunit 30 lamang ang natirang supply sa Rose School Supplies.
_____ 10. Biniling lahat ni Franco ang mga tindang biko ni Clara.
ALAM KO TO NOH!
1. Kung mas mataas ang demand kaysa sa supply o mababa ang supply kaysa sa demand,
tataas ang presyo ng mga kalakal o produkto. (D>S) = ↑P) o (S<D) = ↑P)
2. Kung mas mababa ang demand kaysa sa supply o mas mataas ang supply kaysa sa
demand, bababa ang presyo ng mga kalakal o produkto. (D<S = ↓P) o (S>D = ↓P)
3. Kung ang demand at supply ay pantay o may ekwilibriyo, walang pagbabago o mananatili
ang presyo ng mga kalakal. (D = S = →P)

You might also like