Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Joe Bryan E.

Bellen BSBAMM 2-4

Gawain 3:

Matapos mabasa ang tala ng buhay ng pambansang bayani, bumuo ng


sariling tala ng buhay at ihahambing ito sa pinagdaanan ni Rizal sa
kaniyang kabataan.

Simula nung bata ako palaging tinuturo ni Mama na magdadasal ako


bago matulog at bago kumain, tanda daw iyon ng pasasalamat sa Diyos
sa araw araw na biyaya at buhay na ibibigay nya saatin sa tuwing
gumigising tayo sa umaga. Palagi rin akong sumasama kela mama
noon para magsimba tuwing linggo, dumadayo pa kami nun sa
Landayan, San Pedro dahil dun kami dinadala nila lola pag magsisimba.
Hanggang ngayun nagsisimba parin ako at nagdadasal palagi dahil sa
mga itinuturo ni Mama sakin. Noon din nung maliit pako mahilig din ako
maglaro ng mga laruan, palagi akong nagpapabili kay Mama at Papa
noon sa tuwing pupunta kami sa mall at sa paglabas ng school dahil
meron bilihan ng mga laruan sa tabi ng gate. Dahil sa mahilig ako
maglaro minsan nalilimutan kong gumawa ng mga takdang aralin kaya
minsan napapagalitan din ako ng guro ko noon pero bumabawi rin
naman ako kapag ganun ang nangyayare. Sinabihan din ako ni Mama
noon na wag kong pababayaan pagaaral ko para makakuha ako ng
matataas na marka at magpatuloy ang pagaaral ko hanggang sa
makapagtapos ako. Nakakuha ako ng mataas na marka na nagresulta
sa pagiging top 1 ko noon, eto nga pala ay nangyare noong grade 1 ako,
pagtapos nito ay lumipat na kami rito sa Balibago Santa Rosa dahil
nandito ang mga magulang ni mama at masa maganda ang buhay dito
at makukuhang trabaho ng mga magulang ko, di parin nawala sa isip ko
ang paglalaro pero di ko rin nakakalimutan na magaral ng mabuti.
Hanggang sa dumating na naghiwalay ang Mama at Papa ko noon,
Nanantili ako sa Mama ko. Ilang araw na hindi ako naging aktibo sa
lahat ng mga gawain, sa bahay, sa eskuwelahan at sa iba pa. Ilang
araw bago ako bumalik sa masayang ako dahil sa hindi ako sanay ng
wala ang papa ko.

Mula noon na naghiwalay sila, mas pinagbutihan ko pa lalo ang


pagaaral ko at pagtulong ko kay Mama dahil ako na lang maaasahan
nito sa araw araw dahil ako ang panganay amin magkakapatid. Di parin
naman din nawawala yung oras na naglalaro ako kahit malaki nako,
ginagawa ko tong libangan kapag napapagod ako.

Kung ikukumpara ko ito sa buhay ni Rizal, masasabi ko na meron


naman kaming kaunting pagkakapareho at eto ay ang sa pagiging
madasalin at pagiging palasimba kahit bata palang kami.
Pinagbubutihan ko rin ang pagaaral ko katulad ni Rizal pero di ko
ipagkakaila na mas magaling at mas pinagbubutihan nya ang pagaaral
nya kesa sakin, isa syang henyo mula noon at ako ay isang simpleng
estudyanteng pinagbubutihan ang pagaaral upang makatulong sa aking
magulang. Malungkot ang sinapit ko dahil nagkahiwalay ang mga
magulang ko ngunit mas masakit at malungkot ang naging buhay ni
Rizal dahil sa murang edad pa lamang ay namatayan sya ng
nakababata nyang kapatid at pinakamamahal nyana si Concha,umalis
din sya sa kanilang tahanan upang magaral sa ibang lugar, diko maisip
kung gaano kalungkot ang mawalay sa mismong mga magulang,
pasalamat na lang ako at hindi ko kailangan pagdaanan ang mga iyon.
Lahat tayo ay mga pagsubok na pinagdadaanan sa buhay, ngunit kung
ihahambing ito sa pambansang bayani natin, mas mapait at masakit
ang mga pinagdaanan nya kesa sa atin.

Gumawa ng isang Family Tree at itala ang pamilya ng pambansang


bayani mula sa kanyang ninuno at ilahad ang pagkakakilanlan sa mga
ito.

Francisco Mercado (1818 - 1898): Si Francisco Mercado, ama ni Jose


Rizal,ay ipinanganak sa Biñan, Laguna. Binuhay niya ang pamilya nila
sa pamamagitan ng pagsasaka ng mga bigas, tubo at iba pa. Nag-aral
siya ng Latin at pilosopiya sa Colegio de San Jose sa Manila at dito
niya nakilalaang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda na doon
din nag-aral. Namatay si Francisco Mercado noong Enero 5, 1898.
Teodora Alonso (1826 - 1911): Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose
Rizal na ipinanganak sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang aling sa may-
kaya na pamilya, nag-aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at
siya ay naging edukado. Dalawampung taong gulang siya nang ikasal
sa tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at tumira sila sa
Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging isang masipag
at dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Bilang nanay
ng kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa loob ng dalawa't kalahating
taon dahil pinagbintangan siyang nilason niya ang asawa ng kanyang
kapatid at iba pang mga pagpapahirap. Namatay si Teodora Aquino
noong ika-16 ng Agosoto 1911 sa Calle San Fernando, Binondo,
Maynila dahil sa kaniyang kahinaan.

Saturnina Mercado (1850 - 1913): Si Saturnin ang panganay sa


kanilang magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1850 at may
palayaw na Neneng. Tinulungan niya kasama ang kanyang
ina makaaral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal
noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. Napangasawa niya si
Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas. Sila ay may limang anak na si
Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.

Paciano Mercado (1851 - 1913): Si Paciano ay ang nakatatandang


kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa
Calamba, Laguna. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya
siyang makarating sa Europa. Nag-aral si Paciano sa Colegio de San
Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos.
Sumali at sinuportahan ni Paciano ang Propaganda Movement for
social refroms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog.
Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro
galing sa Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano
ng Revolutionary Army at naging military commander din ng
revolutionary forces sa Laguna noong Philippine-American War. Dahil
dito, hinuli siya ng mga Amerikano. Namatay si Paciano ng siya'y 79
dahil sa tuberculosis.

Narcisa Mercado (1852 - 1939): Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong


taong 1852. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina,
tumulong si Sisa sa pag-aaral ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang
kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang
matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Si Sisa ang pinakamatulungin
sa kanilang pamilya. Nang ang kanilang mga magulang na sina Don
Francisco at Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang
kumupkop sa kanila. Kinupkop nya rin ang kasintahan ni Jose Rizal na
si Josephine Bracken sapagkat pinaghinalaan sya ng pamilyang Rizal
na espiya ng mga paing espanyol
Olympia Mercado (1855 - 1887): Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa
pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa
niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila
ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang
kamatayan noong taong 1887.

Lucia Mercado (1857 - 1919): Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong


1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa
ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang
mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang mga lupa na
nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan nang nagatulan
na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal.

Maria Mercado (1859 - 1945): Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang


pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay
si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria
daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na
pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.

Jose Mercado (1861 - 1896): Si Jose Protasio Rizal ay ang


Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna
noong Hunyo 19, 1861. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna.
Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong
Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.Noong 1877,
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos
Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. At nakapagtapos siya ng
kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany. Ang
kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”
naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga
katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi
ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito
na “La Liga Filipina.” Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa
Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Noong
Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi
bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa
Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort
Santiago. Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng
kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan
naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang
magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan
Conception Mercado (1862 - 1865): Siya ang binansagang “Concha” ng
kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion Rizal ay ipinanganak
noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865.
Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid. Sinasabing sa lahat ng
kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal
na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at lagging
kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya
naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang
kapatid na babae.

Josefa Mercado (1865 - 1945): Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa


pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin
bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, Nkatanggap sya
ng sulat mula kay Rizal na laman ay puro pagpupuri dahil sa husay mag
ingles ni Josefa. Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa
kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at
maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga
babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng
Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus. Siya ay namatay nang
walang asawa o anak sa taong 1945.

Trinidad Mercado (1868 - 1951): Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa


magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay
noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at
tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal.
Noong Agosto 1893, si Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay
kasama si Jose Rizal sa “casa cuadrada” o “square house” (bahay
kuwadrado). Naitala na minsan ay pinag-isipan o pinagplanuhan ni
Trining na patakasin si Jose Rizal sa pagkakakulong. Bago namatay si
Jose Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang ina sa kanyang
piitan sa Fort Santiago. Tulad ni Josefa at dalawang pamangkin,
sumapi sa Katipunan si Trinidad matapos ang kamatayan ni Jose
Rizal.Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang
magkasama hanggang sila’y namayapa at parehong hindi nag-
asawa.Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng
karamdaman, limang buwan mula Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik
ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng sakit na malaria. Siya ang
pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.
Soledad Mercado (1870 - 1929): Si Soledad Rizal ay ang bunso sa
pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang
Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya
ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Si Choleng din ang
pinakakontrobersyal na anak sa kanilang pamilya. Ang kanyang
napangasawa ay si Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin
ngunit sila’y nagpakasal nang walang permiso sa kanyang mga
magulang. Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na
kontrobersyal dahil sa kumakalat na balita na hindi raw totoong anak ni
Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto
na kapatid ni Teodora. Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng
limang anak na sina Trinitario, Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Ang
kanyang anak na si Amelia ay napangasawa si Bernabe Malvar na
anak ni Gen. Miguel Malvar.

You might also like