ESP 9 - Mahabang Pagsusulit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF CAVITE
NAIC INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
HALANG, NAIC, CAVITE
MAHABANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

I. Multiple Choice
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan, piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng pinaka tamang sagot.

1. Ang mga mamamayan ng Halang ay naglagay ng tatlong uri ng basurahan sa bawat tahanan upang maiayos ang pagtatapon
ng mga basura bilang pakikiisa sa programa ng pamahalaan ng Naic. Ang sitwasyon na ito ay nagpapakita ng ________.
a. Pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity sapagkat mula sa pamahalaan ang proyekto na sinusunod ng mga mamamayan.
b. Pag-iral ng Prinsipyo ng Proportio dahil may pantay na pagkilos ang mga mamamayan at pamahalaan.
c. Pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa sapagkat may pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan.
d. Pag-iral ng Prinsipyo ng Kabutihang Panlahat dahil ito ang nais na tunguhin ng pamahalaan.

2. Ang pagkakaroon ng kaalaman at kamalayan sa lagay ng ekonomiya ay mahalaga. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng katangian ng mabuting ekonomiya?
a. Nakabili si Brando ng pinakabagong modelo ng Iphone sa kabila ng mataas na halaga nito dahil sa pagtatrabaho ng
kaniyang Mama sa Amerika.
b. Tumaas ang kita ni Aling Teresita sa kaniyang grocery dahil sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
c. Maraming foreign investors ang namuhunan sa bansa kaya naman nakalikha ito ng mga oprtunidad na
makapaghanapbuhay ang mga mamayan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
d. Hirap sa pagbabadyet si Aling Maria dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kahit pa tatlo silang may
hanapbuhay sa pamilya.

3. Patuloy na nakikipagpulong si Pangulong Marcos sa iba’t ibang bansa upang matalakay ang mga negosyong maaaring
makatulong upang muling maibangon ang ekonomiya dahil sa pagtamlay nito dulot ng pandemyang covid-19. Alin sa mga
sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng mabuting dulot ng maayos na kalagayan ng ekonimiya?
a. Sa gulang na labinglima, mas pinili ni Yuki na magtrabaho upang makatulong sa kaniyang mga magulang.
b. Matapos mamili ng kanilang pagkain para sa buong linggo, namasyal ang mag-anak nina Aling Roxanne sa mall.
c. Habang bakasyon ay nagtitinda si Yesha ng mga kakanin sa pabahay upang makaipon ng perang pambili ng gamit sa
pasukan.
d. Natanggap ang magkaibigang sina Harvey at Arvin sa bagong bukas na kompanya sa EPZA na dayuhan ang
mamumuhunan.

4. Ang lipunang sibil ay kusang-loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isat-isa.
Ibinubunsod nito ang pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang pangangailangan na bigong tugunan ng
pamahalaan. Isang halimbawa nito ay ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ). Ano ang nilalayon o adbokasiya nito bilang
isang lipunang sibil?
a. Magkaroon ng mga programang panrelihiyon
b. Magkaroon ng isang pananampalataya o paniniwala
c. Magtakda ng mga panuntunan sa pagkakaisa ng bansa
d. Palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim at mga
Katutubo

5. Ang pakikibahagi ng bawat mamamayan sa mga pagsisikap na na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan o bansa, lalo na
sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan ay nagpapakita ng anong uri ng
Prinsipyo sa Lipunan?
a. Prinsipyong Pang-ekonomiya
b. Prinsipyong Politikal
c. Prinsipyong Solidarity
d. Prinsipyong Subsidiarity

6. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
a. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
c. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.

7. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:


a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
8. Ang samahang nagsasagawa ng __________ ay maituturing na isang lipunang sibil.
a. pagsali sa dance contest
b. pagtatanim ng mga puno
c. pagmamasid sa mga ibon
d. paliligo sa ilog

9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng maunlad na ekonomiya sa lipunan?


a. Paghingi ng tulong ng mga nasalanta ng bagyo gamit ang facebook.
b. Paglaki ng kabuuang kita ng Pamilya Rosario dahil sa pagtaas ng minimum wage.
c. Pagliban ng mga estudyante dahil walang kakayang magpabaon ang kanilang magulang.
d. Ang Pamilya Capinpin ay napilitang mamuhay sa probinsya sa mahal ng gastusin sa siyudad.

10. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa…


a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao.
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan.

11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng lipunang politikal?


a. Pangunguma ng mga barangay official sa patas na pamimigay ng ayuda sa kanilang nasasakupan.
b. Pangongopya ng mga takdang-aralin ng mga mag-aaral sa isang pribadong paaralan ng Barangay Halang.
c. Paglalagay ng malaking tubo ng mga negosyante sa kanilang paninda na sobra sa suggested retail price.
d. Pagsasagawa ng clean-up drive ng mga kabataan sa Villa de Adelaida.

12. Maraming kababaihan ang nagiging biktima ng pang-aabuso. Alin sa mga halimbawa ng lipunang sibil ang dapat na
lapitan ng mga kabataang naapektuhan nito?
a. Compassion International
b. Gabriela
c. Couples for Christ
d. Peace Advocates Zamboanga

13. Ang pagpapatupad ng istriktong pagsusuot ng faceshield at facemask sa buong lalawigan ng Cavite bilang pagsunod
sa patakarang inilunsad ng IATF sanhi ng pagkalat ng covid-19. Ang sitwasyon na ito ay nagpapakita ng _______.
a. Pag-iral ng Prinsipyo ng Proportio
b. Pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa
c. Pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity
d. Pag-iral ng Prinsipyo ng Kabutihang Panlahat

14. Ang paggawa ng isang mamamayan ayon sa kanyang pansariling interes at kagusutuhan lamang ay nagpapakita ng
anong uri ng mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
a. Indibidwalismo
b. Panlalamang
c. Pagrespeto sa kapwa tao
d. Pagpapa-unlad ng bawat isa.

15. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagrespeto sa kapwa tao maliban sa . . . .
a. Pakikiisa sa mga gawaing panlipunan.
b. Pagsuporta sa pagkakaroon ng parusang kamatayan sa Pilipinas.
c. Pagkakaroon ng mga batas na kumikilala sa buhay at mga karapatang pantao.
d. Pagbubuo ng mga organisasyon na makatutulong sa pamumuhay ng mamamayan

II. Identification
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap, piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

Adbokasiya Lipon Lipunang Pangekonomiya


Lipunang Sibil Lipunan
Prinsipyo Lipunang Politikal Oikosnomos

__________16. Ito ay tumutukoy sa mga indibidwal na bumubuo ng grupo o organisasyon na may iisang adbokasiya.
__________17. Ito ay salitang-ugat na pinagmulan ng lipunan na nangangahulugang pangkat o grupo ng mga tao.
__________18. Ito ay uri ng lipunan kung saan ang gobyerno ay tumutulong sa pangangasiwa ng likas na yaman ng
bansa upang pantay na pakinabangang ng bawat pamilya.
__________19. Ito ay uri ng lipunan kung saan makikita ang paggabay ng mga namumuno sa kanyang nasasakupan sa
mga isyu, programa o plano na kinakaharap.
__________20. Ito ay nangangahulugang kahalagahan, katuturan, o paniniwala na umiiral sa lipunan.

You might also like