Professional Documents
Culture Documents
Batayang Salik Sa Pagkakaroon NG Kabihasnan
Batayang Salik Sa Pagkakaroon NG Kabihasnan
WEEK 2-3
Kabihasnang Indus
Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng Ilog Tigris at
Euphrates ay umaapaw din ito taon-taon dahil sa pagkakatunaw ng yelo sa Himalayas na nag-
iiwam din ng banlik na nagpapataba sa lupain agricultural nito. Bago pa man umunlad ang
kabihasnang ito ay may pamayanan nang naitatag noong panahon ng Neolitiko. Ito ay ang
pamayanang Mhergah (3500 BCE) na nasa kanluran ng Ilog Indus. Masasabing sedentaryo at
agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa nahukay na ebidensya.
May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harrapa at Mohenjo-Daro.
Planado at organisado ang mga lungsod na ito na ipinakita sa mga lansangang nakadisenyong
kwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Patunay ito na
magaling sa matematika ang mga nanirahan dito.
Pinamunuan ang kabihasnang ito ng mga naghaharing uri sa lipunan tulad ng Haring-
Pari. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao dito. Natuto rin silang makipagkalakala sa mga
karatig lungsod. Pinaniniwalaan na ang mga mangangalakal na ito ang unang gumamit ng
sistema ng pagsulat (Pictogram) ng Indus.
Kabihasnang Sumer
Ang Mesopotamia ang kinilala bilang Cradle of Civilization dahil dito umusbong ang
unang sibilisasyong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na
tinawag na Fertile Crescent (Iraq), isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng iba’t-
ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea. Sa
lugar na ito matatagpuan ang Ilog Tigris at Euprates kung saan umusbong ang kabihasnan.
Noong panahong Neolitiko naitatag ang ilang pamayanan sa labas ng rehiyon ng Mesopotamia
tulad ng Catal Huyuk na pawing mga pamayanang agrikultural. Subalit hindi rin nagtagal ang
mga naturang pamayanan dahil sa salat ang kapaligiran upang mapunan ang pangangailangan ng
mga pamayanan. Tanging ang kasagutan sa mga suliranin na ito ng pamayanan ay ang matabang
lupa ng Tigris at Euprates kung saan umusbong ang Kabihasnang Sumer.
Dito nagsimula ang pag-usbong ng iba’t-ibang lungsod tulad ng Ur, Uruk, Eridu, Lagash,
Nippur at Kish. Dahil sa pinagsanid na kakayahan at paniniwala sa Diyos ay naitatag ang templo
na tinatawag na Ziggurat, ang pinakamalaking gusali sa Sumer.
Paglaon ay natuklasan ang sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform kung saan ay
naitatala ng mga scribe sa mga clay tablet ang mga mahahalagang pangyayaring nagaganap.
Nagkaroon din ng pag-unlad sa kanilang sining at naitala ang mahahalagang tradisyon at epiko
tulad ng Epic of Gilgamesh na katibayan na kanilang kabihasnan.
Kabihasnang Shang
Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River
dahil sa tuwing pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito. May mga pamayanang umusbong
dito bago pa ang Shang. Ito ang Yangshao (3000 BCE-1500 BCE) at ang Lungshan (2500 BCE-
2000 BCE). Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito. Isa sa pangunahing gawain ng
Yangshao ay paggawa ng mga tapayan na mas nahigitan at napaunlad naman ng Lungshan sa
pamamagitan ng pagtuklas ng potter’s wheel. Calligraphy ang sistema ng pagsulat ng mga
Tsino.
Dinastiya ng China
1. Hsia/Xia – ang maalamat na dinastiya. Dahil sa kakulangan ng ebidensya, hindi matiyak
kung kalian ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya.
2. Shang – sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamiit ng bronse, ang mga
naiwang kasulatan na naiwan ng panahong ito ang sinasabing pinakamatanda sa mga
panulat ng Tsino na matatagpuan sa mga oracle bones.
Oracle – tumutukoy sa mga bagay o lugar na nagsisilbing instrument upang
ipahatid ng mga diyos ang kanilang saloobin (tortoise shell at cattle bone).
Calligraphy – uri ng panulat ng mga Shang.
3. Chou/Zhou – ang tumalo sa mga Shang. Binigyang-katuwiran nila ang kanilang ginawa
batay sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan. Ang dinastiyang ito ay tumagal ng
9 na siglo at ang pinakamatagal na dinastiya ng Tsina.
Confucius – isang guro at pilosopo na nanilbihan din sa pamahalaan ng estadong
Lu. Confucianism – binibigyang-diin nito ang pagkakaroon ng mga Tsino ng
kagandahang-loob, tamang pag-uugali, pagkamakatwiran at pagkamagalang.
Pinahahalagahan ang pamilya
Lao Tzu/Laozi – ang nagpakilala ng Taoism o Tao Te-ching. Taoism – hangad
nito ang balance sa kalikasan at daigdig at ang pikikiayon ng tao sa kalikasan.
Mencius – ang may-akda ng Doctrine of The Mean. May karapatan ang mga
mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping panatilihin ang
kapayapaan dahil walang mabuting ibubunga ang digmaan
4. Ch’in/Qin - ito ay sa ilalim ni Yin Zheng na di lumaon ay kinilalang Shi Huang Di o Shi
Huang Ti. Ang salitang China ay hango sa dinastiyang ito. Sa kanyang panahon naitatag
ang Great Wall of China.
5. Han – ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Conficianism. Ito rin ang nagging
ideolohiya ng mga rehimeng sumunod dito. Ang pagsusulat ng kasaysayan ng China ang
isa sa pinakamalaking ambag nito. Emperador Wudi – ang nagpalawig at nagpalakas sa
Imperyong Han.
6. Sui – muling nabuklod ang China subalit maikli lamang ang pamumuno nito dahil 2
lamang ang naging emperador dito. Nagawa nitong ipaayos ang Great Wall matapos ang
mahabang panahong napabayaan ito at ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga Ilog
Huang Ho at Ilog Yangtze. Ngunit dahil sa sapilitang paggawa, ang mga tao ay
nagsimulang mag-alsa.
7. Tang – ang nagpasimula nito ay si Li Shih-min matapos niyang mag-aklas laban sa
Dinastiyang Sui. Itinuturing na Dakilang Dinastiya ng China o Ginintuang Panahon ng
China. Nalinang ang panitikan at sining. Li Po, Po Chu-I at Tu Fu – mahuhusay na
makata. Civil Service Examination – naging mahalaga sa pagpili ng mga opisyal ng
8. Sung/Song – maraming pagbabagong naganap sa teknolohiya, kultura at kabuhayan.
Nakalikha din ng isang paraan ng paglilimbag. Sa dinastiyang ito naimbento ang gun.
9. Yuan – itinatag ito ni Kublai Khan. Ito ang nang banyagang dinastiya ng China. Marco
Polo at Marco Polo – ang unang dayuhang nakarating sa silangan at sumulat ng aklat na
The Tales of Marco Polo ay isinalaysay niya ang kanyang pagkamangha sa kagandahang
nakita niya sa silangan; ang aklat na nagbigay inspirasyon sa mga nabigador at
manlalakbay upang maghanap ng ruta mula Europe patungong silangan.
10. Ming –Malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa dinastiyang ito at naitayo din ang
Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng mga emperador. Ang sining ay
napagyaman, partikular ang paggawa ng porselana.
11. Qing/Ch’ing – itinatag ng mga Manchu matapos magapi ang Dinastiyang Ming. Sila ay
mga semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na mga
barbarong dayuhan. Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England
(1839-1842) at laban sa England at France (1839-1842) ay malaking dagok para sa
imperyo.