Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Pamahiin sa Patay, Burol at Libing

1. Ang sinumang magnakaw ng abuloy o anumang bagay na para sa patay ay magiging magnanakaw sa habambuhay.
2. Bawal magpapakuha ng larawan na tatlo lamang dahil mamamatay ang isan.
3. Bawal magpatay ng manok kung hindi pa nakakapagbabang luksa.
4. Bumibisita ang yumao kapag ayaw umalis ang isang kulay tsokolateng paruparo.
5. Hindi dapat magwalis kapag may patay sa bahay.

Mga Pamahiin sa Buntis at Panganganak


1. Ang babaing buntis na mahilig kumain ng kambal na saging ay mag-aanak ng kambal na sanggol.
2. Ang balat ng isang sanggol ay palatandaang ang kanyang ina ay mayroong pinaglihiang hindi niya nakain. Kailangang hipuin ng isang buntis ang
kanyang puwit upang sa puwit din ng bata mapunta ang magiging balat nito.
3. Ang isang punong kahoy na maraming bunga ay malalanta at titigil sa pamumunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntis.
Kailangang ihian ng kanyang asawa ang puno upang bumalik ito sa dating sigla.
4. Ang sinumang lalaki ay maglilihi kapag nahakbangan ng kanyang asawang naglilihi.
5. Huwag tumambay sa pintuan ang bisita ng buntis. Sa halip ay agad na pumasok sa loob ng bahay ang bisita upang hindi mahirapang manganak
ang buntis.

Mga Pamahiin sa Bahay


1. Hindi sinusuwerte ang bahay na ang front door ay hindi nakaharap sa kalye.
2. Kapag ang hagdan ng bahay ay mayroong labintatlong baitang, ang may-ari ng bahay ay maagang mamatay o kaya ay maghihirap.
3. Kapag magpapagawa ng bahay, ilagay ang pinto sa gawing silangan para masikatan ng araw, sa gayon ay maghahatid iyon ng suwerte sa mga
nakatira doon.
4. Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa
iyo.
5. Kapag mayroong rocking chair sa inyong bahay, iwasang iwanan ito nang umuugoy sapagkat malamang sa sakyan ito ng masamang espiritu.

Mga Pamahiin sa Kasal


1. Ang bagong kasal na misis ay magtahi/magdikit ng swan’s feather sa unan ni Mister upang maging tapat siya palagi.
2. Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod na mag-aasawa.
3. Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas para sa bagong kasal.
4. Ang sinumang babeng sumunod sa dinaanan ng bagong kasal habang papasok sa simbahan ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling panahon.
5. Bigas at asin ang unang dapat na ipasok ng mga bagong kasal sa titirhan nilang bahay.

Mga Pamahiin sa Binyag


1. Isang mabuting palatandaan kapag ang bata ay umiiiyak habang binibinyagan sapagkat ito ay nangangahulugang itinataboy ng agua bendita ang
masamang espiritu sa bata.
2. Kapag ang anak na bibinyagan ay panganay, kailangang ang lolo o kaya ay ang lola ang siyang pumili ng ipapangalan sa bata upang magkaroon ito
ng mahaba at masaganang buhay.
3. Kapag sabay na pabibinyagan ang anak na babae at lalaki, kailangang maunang binyagan ang lalaki sapagkat kapag nauna ang babae ay hindi
tutubuan ng balbas ang lalaki paglaki samantalang magkakabalbas naman ang babae. Malamang din na magkabaligtad ang kanilang ugali.
4. Makabubuti kapag pabibinyagan ang bata sa parehong araw rin na siya ay ipinanganak.

Mga Pamahiin sa Sanggol at Bata


1. Ang ama ang dapat magputol ng pusod ng sanggol para maging maganda ang relasyon nila ng anak.
2. Ang isang sanggol ay magiging maka-ama kapag dinamitan ito ng damit na ginamit na ng ama. Kabaglitaran naman kapag damit na nagamit na ng
ina ang isinuot dito.
3. Ang kutis o hitsura ng sanggol ay depende sa pinaglihian ng kanyang ina. Kapag mga mapuputi at magagandang bagay ang napaglihian ay ganun
din ang magiging hitsura ng sanggol.
4. Ang sinumang bagong silang na sanggol na umiyak nang malakas ay magkakaroon ng mahabang buhay.
5. Ang sinumang batang mayroong dalawang puyo ay matigas ang ulo paglaki.

Mga Pamahiin sa Bagong Taon


1. Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon.
2. Buksan ang mga pinto at mga bintana sa pagpasok ng bagong taon para pumasok ang mga biyaya.
3. Huwag gastusin ang perang papasok sa bagong taon.
4. Huwag maliligo sa Araw ng Bagong Taon.
5. Kapag malungkot sa araw ng bagong taon ay magiging malungkot sa buong taon.

Mga Pamahiin sa Pasko


1. Ang batang isinilang sa araw ng Pasko ay may naghihintay na magandang kapalaran.
2. Diretso sa langit ang sinumang mamatay sa araw ng Pasko dahil bukas ang pinto ng langit.
3. Iwasang magsuot ng bagong sapatos sa araw ng Pasko.
4. Magdadala ng suwerte kapag mahangin ang araw ng Pasko.
5. Magiging maganda ang ani kapag maraming bituin sa langit sa araw ng Pasko.

Mga Pamahiin sa Engkanto at Duwende


1. Bago magtapon ng mainit na tubig sa lupa, magbigay muna ng hudyat sa mga duwende. Kapag sila ay nasalanta, sila ay maaaring maghiganti sa
pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng sakit.
2. Bago tumapak sa isang bundok ng mga langgam, manghingi muna ng paumanhin. Kung hindi, ikaw ay papaglaruan ng isang espiritu.
3. Baligtarin ang damit kapag naliligaw dahil pinaglalaruan ng mga engkanto.
4. Huwag iihi sa punso at gaganti ang mga engkanto.
5. Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto.

You might also like