Liham NG Pagpapasalamat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dear Jesus Christ,

Ang buhay ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng gusto mo,


maging mayaman, o para maalala pa ng mga tao. Ito ay isa sa maraming
paraan upang matuto, magmahal, at maniwala. Tulad ng nakikita mo na
mayroong maraming relihiyon sa mundo, mayroong Kristiyanismo,
Budismo, at higit pa. Lahat tayo ay may kanya-kanyang paniniwala,
lahat tayo ay may iba't ibang tao na dapat pasalamatan sa pagbigay sa
atin ng buhay na hindi natin inaasahan. Kaya gusto kong pasalamatan
ang iyo, sa lahat ng biyaya na binigay mo sa akin.

Bilang isang tao na naniniwala sa iyo, gusto kong


magpasalamat sa buhay na iyong binigay sa akin. Hindi ito ang
pinakamaganda o perpekto, ngunit lubos na napakasaya ko. Sa mga aral
na natutunan ko halos araw-araw, at kung ano ang dapat at hindi dapat
gawin. Nagpapasalamat ako sa mga iyon. Pero ako ang pinaka
nagpapasalamat dahil nakakahinga at nakakagising ako tuwing umaga.
Alam kong hindi ako perpekto ngunit ako ay handand magbago at
maging mas mabuting tao upang magkaroon ng magandang
kinabukasan ang mundong ito. Aantayin ko ang tanda at sasalubungin
kita pagkatapos ng dilim at ipapakita mo sa akin ang mga lugar kung
saan binigyan ka ng mga galos ng iba.

Ang buhay ay isang mapa at nakatungo ito sa iyong hangin at


narito ako nagpapasalamat sa pamilyang iyong binigay sa akin. Sa inang
iyong binigay sa akin, siya siya ang pinakamagandang at siya ang
pinakamahusay na babaeng nakilala ko. Sa tatay ko, siya ang
sumusuporta sa akin sa araw-araw, salamat po sa pagbigay mo sa akin
ng tatay. Sa aking mga bunsong kapatid, napakalikot nila ngunit
napapangiti nila ako. Sila ang dahilan kung bakit gusto kong magwagi sa
buhay at mabigyan sila ng maganda at maayos na buhay.

Sa wakas, ang bansa na iyong inilahad sa akin. Itong bansa


na iyong pinili upang aking ipagmalaki. Ako ay lubos na nagpapasalamat
na nabigyan ako ng isang napakagandang bansa upang lumaki, ang
napakarilag at mahiwagang bansa ngunit napakahiwalay sa mundo,
sana hindi ka umalis sa tabi namin, at gabayan mo kami araw-araw.

Sincerely,
Ashlee Samson

You might also like