Dordas, Jona Mae Ulat Fil 204

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Mga Isinagawang

Pananaliksik at Pag-aaral
sa Filipino

Jona Mae D. Dordas

Taga- ulat

Dr. Mary Jean Apuhin

Guro
Colegio de la Purisima Concepcion
The School of the Archdiocese of Capiz
Roxas City

School of Graduate Studies

I. Layunin:

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Makaalam ng kahulugan ng pananaliksik.
b. Makatukoy ng iba’t ibang bahagi ng abstrak
c. Makabuo ng isang panukalang pamagat sa pananaliksik

II. Paksa
Mga Naisagawang Pananaliksik at Pag-aaral sa Filipino
III. Talakayan
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang
malutas ang isang particular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.

Kahalagahan ng Pananaliksik sa Larangan ng Edukasyon

 Makatuklas ng panibagong pamamaraan, konsepto at materyal sa pagtuturo

 Makatukoy ang relasyon at epekto

 Makapagpaliwanag ng umiiral na phenomena

 Makalutas ng suliranin na kinaharap sa larangan

 At marami pang iba

Abstrak -uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel

tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.

Mga bahagi ng Pananaliksik na makikita sa Abstrak

 Pamagat

 Layunin

 Pokus
 Metodolohiya

 Resulta

 Rekomendasyon at Implikasyon
Epekto ng Modernisasyon ng Wikang Filipino sa Pag-aaral ng mga Senior High School sa
Unibersidad ng Pangasinan. (2017)

Jonalyn Albay

Abstrak

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan.

Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nagkaka-intindihan ang bawat

mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at

kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang

kadahilanan ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang pananaliksik na ito ay

patungkol epekto ng modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School

sa Unibersidad ng Pangasinan. Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming

napapansin na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na ginugugol ang karamihan

ng kanilang oras sa pagbababad sa mga social networking sites. At napuna din ng mga

mananaliksik na dahil sa social networking sites na ito ay tila ba maraming bagong salita ang

lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng modernisasyon ng wikang Filipino. Natuklasan sa

pag-aaral na ito na malaki ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at

maipalaganapang wikang Filipino at sa tulong ng iba’t ibang social media networking sites ay

napapayabong ang wikang Filipino. Malaking bahagdan din ng mga respondente na bilang isang

Senior High Shool ayresponsible at maayos nilang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral"

pakikisalamuha" at paglalabas ng saloobin o opinion sa social media at maging sa realidad.

PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA PAARALAN
Batangas Country Club (2018)

ALVIN METRILLO

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa paaralan.

Isinagawa ang pananaliksik upang matukoy kung paano ginagamit at kung paano nahihikayat ng

mga mag-aaral sa gawaing pampaaralan ang mga kapwa mag-aaral, magulang at opisyales ng

barangay. Nilayon din na mabatid ang mga salik na nakahahadlang sa kalagayan ng paggamit ng

wikang Filipino. Nakaangkla ito sa palarawang disenyo at random sampling. Talatanungan ang

pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos at tiniyak na kompidensyal ang

mga impormasyon at mga naging kasagutan ng mga kalahok. Sa isinagawang pagsusuri, ginamit

ang payak na istadistika upang mapagtibay at maging balido ang datos na nakalap. Natuklasang

paminsan-minsang ginagamit ang wikang Filipino ng mga mag-aaral sa paaralan sa iba-ibang

paraan. Sa pamamagitan ng paggamit ng naturang wika, hinihikayat ang pakikilahok ng mga

mag-aaral, magulang at lokal na opisyales ng barangay. Ang mga salik na nakahahadlang sa

paggamit ng wikang Filipino ay panghihikayat ng paaralan sa paggamit ng wikang Ingles sa

pakikipag-usap, pagsusulat sa wikang Ingles ng mga ulat-pasalaysay (narrative reports),

dokumento at iba pa. Ang mga naging kalahok sa pananaliksik ay 224 na mga mag-aaral sa SHS,

224 na magulang at 16 na opisyales ng barangay Bayorbor. Naniniwala ang mga mananaliksik

na mahalaga ang pag-aaral na isinagawa sapagkat ang paggamit ng wikang Filipino ay isang

paraan upang pahalagahan at mapayabong ang sariling atin. Gayundin, ito ay magisisilbing

pundasyon upang malinang ang kultura ng komunikasyon sa loob at labas ng paaralan.

Magsisilbing batayan ang mungkahing gawaing pangmag-aaral na binuo ng mga mananaliksik.

Batay sa resulta ng pananaliksik, ang mga mungkahing gawain ng mgamananaliksik ay ang

pasasagawa ng mga pampaaralang paligsahan sa

spokenword poetry , pagsulat ng sanaysay, paggawa ng islogan, pagsasaling-wika,dagliang

talumpati at balagtasan. Gayundin ang pagsasalin ng mga kalatas atpaskil ng paaralan sa wikang

Filipino.

2.Iminumungkahi rin na isagawa ang binuong gawaing pangmag-aaral gaya ng

Symposium,spoken poetry, dagliang talumpati, pagsasaling-wika at epektibongpagpapahayag

upang mas magamit sa mas madalas na pagkakataon angwikang Filipino.

Pagsasa-Filipino ng modyul pang-awtomasyong industriyal: tungo sa modernisasyon ng
wikang Filipino (2005)
Amelita M. Madrid

Abstrak

Ang pag-aaral na isinagawa ay pinamagatang ang Pagsasa-Filipino ng Modyul Pang-

awtomasyong Industriyal: Tungo sa Modernisasyon ng Wikang Filipino. Ang modyul ay pinili

sapagkat ito ay isa sa mga kagamitang panturo gamit sa makabagong kursong panteknolohiya

(awtomasyon) na maraming kabataan ang gustong mag-aral at matuto. Maganda ang kursong ito

sapagkat ito ang napapanahong kursong dala ng modernong panahon na nakikipagsabayan sa

kalakaran ng globalisasyon. Ang modyul ay naglalaman ng mga kasangkapang pang-

awtomasyon, panserbisyo at panrepair kasama ang mekanikal na proseso na sumasaklaw sa antas

ng mga awtomatikong kontrol. Ang mga kaalamang nakapaloob dito ay nagsisilbing tulong para

sa mga estudyante at mga kabataang nagsasanay, nagnanais na maging matagumpay na

manggagawa sa kinabukasan. Inihahanda ng kursong ito ang mga estudyante at mga kabataan sa

uri ng hanapbuhay na maaari nilang pasukan pagdating ng araw. Ang mga kabataang ito ang mga

magiging manggagawa sa pagawaan, opisina at pabrika na may mga makabagong kagamitan,

mga kabataang magmementina ng mga makina, magiging programmer ng kompyuter, opereytor

at iba pang gawaing may kaugnayan sa mga gawaing pang-awtomasyon. Sa mga bagay na ito,
ang mga estudyante at kabataan ang inihahanda ng mga paaralan/pamantasan at mga sentro ng

pagsasanay na maging ekspert sa larangang tulad nito. Malaki at may mahalagang

kapakinabangang maidudulot ang mga kasangkapang automated sapagkat ito ang mga

modernong kasangkapang nakapagpapabilis ng produksyon at trabaho, gayun din ng kalidad ng

produkto. Ang mga kasangkapang ito ay may mataas na antas ng produksyon kumpara sa ibang

uri ng paggawa na pinagagana ng mga kasanayang pantao. Ang pagtaas ng produksyon ang

dahilan kung bakit kailangan at dapat pahalagahan ang pag-aaral ng kursong ito. Sa

kasalukuyang panahon, hindi dapat isa-santabi ang pag-aaral ng kursong ito sapagkat ito ang

bagay na pilit na nakikisabay sa hamon ng panahon.

PAGGAMIT NG ANIMATION FILM BILANG KAGAMITANG PANTUROSA
PAGTUTURO NG KUWENTONG-BAYAN AT ALAMAT SA BAITANG 7 SA
CALAUAG, QUEZON (2020)
Joana Marie J. Alday

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang mabatid ang paggamit nganimation filmbilang

kagamitang panturo sa pagtuturo ng kuwentong-bayan at alamat sa baitang 7. Layunin nitong

malaman ang demograpikong profayl ng mga tagasagot, malaman ang epekto ngpaggamit

nganimation filmbilang kagamitang panturo sa pagtalakay ng kuwentong-bayan atalamat, at

malaman ang lebel ng pagtanggap ng mga guro sa paggamit nganimation film. Ito ay isang

deskriptibong pag-aaral na gumamit ng kwantatibong paraan ng pananaliksik na ginamitanng

talanungang tseklist at maikling pagsusulit para sa 342 na mag-aaral mula mababa at mataasna

pangkat at 15 guro sa Filipino mula sa baitang 7 na kalahok sa isinagawang

pananaliksik.Gumamit ang mananaliksik ngpurposive samplingsa pagpili dahil ang mga

tagasagot sagagawing pananaliksik ay mga guro at mag-aaral lamang sa baitang 7 na walang

pinipilingkasarian at edad. Mula sa pagsusuring isinagawa sa mga datos na nakalap sa

pananaliksik na ito,karamihan sa mga naging tagasagot ay babae; ang mga mag-aaral ay

karaniwang nasa edad 13-14; ang mga guro ay karaniwang nasa edad 20-25 at serbisyong 1

hanggang 5 taon. Nabuo angkongklusyon na ang nabuonganimation filmay nakatutulong ng

malaki upang mapanatili angkawilihan ng mga mag-aaral sa pagtalakay ng kwentong-bayan at

alamat tungo sa pagkaunawanito. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral iminungkahi ng

mananaliksik na magdebelop pa ng mgakagamitang pampagtuturo na makalilinang sa

pagkaunawa ng mga mag-aaral tulad ng animation film.

IV. Mga Gawain

Panuto: Basahin nang mabuti ang pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot.

Abstrak: Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagpapayabong na magagamit na mga pamamaraan sa

pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino sa panahon ng pandemya. Sa patuloy na pakikibaka sa
distance learning, maraming umusbong na pagbabago, hindi lamang sa paraang ng pagkatuto ng
mga mag-aaral gayundin sa paraan ng pagtuturo ng mga guro. Dahil dito, ang paggamit ng iba’t
ibang pamamaraan sa pagtuturo ang susi sa pagtamo ng mas mataas na antas ng kaalaman at
masasabing may malaking kapakinabangan sa mga tagpagbigay-kaalaman at maging sa pag-
aaral
ng mga mag-aaral. Nilayon ng mananaliksik na maging matagumpay ang makabuluhang pag-
aaral
sa tulong ng mga detalyadong datos batay sa ibinigay na paksa: (1) Ako bilang guro sa
asignaturang filipino, (2) ang pagtuturo ng wika [at gramatika], (3) ang pagtuturo ng panitikan, at
(4) Ang pagtataya ng pagkatuto sa asignaturang filipino. Ang paglalakbay ang naging daan
upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito, na inangkop sa mahuhusay sa pagbigay na mga naangkop
at
sinuring impoormasyon nakuha sa pinag-aralan ng mga mananaliksik. Matapos maisagawa ang
pag-aaral, kinakitaan na ang pagkakaroon ng kalidad sa pagtuturo, ay kung mapagyayaman ang
mga pamamaraan na makatutulong sa lahat ng aspekto; face-to-face class o sa paraan paggamit
ng
teknolohiya --- ang makabagong klasrum, upang makamit ang layunin bilang isang epektibo at
mahusay na guro.

mahusay na gu
1. Ito ay  sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak
na paksa o suliranin.
a. Abstrak
b. Pananaliksik
c. Pagtuturo
d. Akademikong sulatin
2. Makabagong pagsunod sa pagsulat at pagsasalita ng isang wika.
a. Conyo
b. Pormal
c. Modernisasyon
d. Industriyalisasyon
3. Tawag sa lagom ng isang pag-aaral na makikita sa unahan.
a. Pamagat
b. Abtrak
c. Layunin
d. Metodolohiya
4. Alin sa sumusunod HINDI makikita sa abstrak na bahagi ng pananaliksik
a. Pamagat
b. Layunin
c. Resulta
d. Batayang konsepwal
5. Ito ay isang makabagong balbal na uri ng pagsasalita na paghahalo ng wikang  Filipino at
Ingles upang maging sosyal.
a. Conyo
b. Jejemon
c. Lingua Franca
d. Ikalawang Wika
6. Ang pananaliksik ay maaaring magpaliwanag patungkol sa umiiral na penomena.
a. Tama b. Mali
7. Isa sa mga kahalagahan ng pananaliksik ay ang makatuklas ng panibagong pamamaraan,
konsepto at materyal sa pagtuturo.
a. Tama b. Mali
8. Dito makikita ang dahilan kung bakit isinagawa ang isang pananaliksik.
a. Pamagat
b. Layunin
c. Pokus
d. Resulta
9. Makikita sa bahagi na ito ng abstrak ang mga kasangkot sa pag-aaral.
a. Pokus
b. Pamagat
c. Metodolohiya
d. Rekomendasyon
10. Sa bahaging ito ng abstrak matutukoy ang ginamit na instrumento at metodo ng
mananaliksik.
a. Resulta
b. Pamagat
c. Rekomendasyon
d. Metodolohiya

Ikalawang Bahagi. Sagutan ang tanong .5 puntos

1. Bakit kailangan nating magsagawa ng pananaliksik sa larangan ng edukasyon?
Magbigay ng patunay.

Offline Activity- 10 puntos bawat bilang.

1. Magbigay ng isang panukalang pag-aaral na nakikita mong nangangailangan
ng pananaliksik sa pagtuturo.
2. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa edukasyon? at sino-sino ang
makikinabang nito?

Susi sa pagwawasto:

Pagsasanay 1.

1. b 6. a
2. c 7. a
3. b 8. b
4. d 9. a
5. a 10. d

Pamantayan Puntos

10 7 5 3

Nilalaman Naipapakita ang Naipapakita ang Naipapakita Hindi nasuri at walang

pagsuri at may pagsuri subalit ang pagsuri interpretasyon
malinaw na di- malinaw na subalit may
pagppahayag naipahayag ibang bahagi
na hindi
nabigyan ng
diin
Gramatika at Wasto ang baybay at Kakaunti ang May ilang mali Karamihan ay mali ang
Gamit ng Wika maayos ang mga mali sa baybay, sa baybay, baybay at di maayos ang mga
pangungusap, at pangungusap, at pangungusap, pangungusap, at di angkop
angkop ang gamit ng gamit ng wika at gamit ng ang gamit ng wika
wika wika
V. Sanggunian

Dominguez, Liticia F.(2004).Hiyas ng Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Makati

City.Groundwater Publication and Research Corporation

Pineda, Ponciano B. P.(2004).Metamorfosis ng Wikang Filipino. Makati City:Grandwater

PublicationsUlit, Perla G. (2003).

Sining ng Komunikasyon sa Filipino I . Makati City. Groundwater Publication and Research

CorporationBraza et al. (2013).“Pagsusuri ng mga Piling Akda ni Lope K. Santos”.

Di-Nalathalang tesis. Pambansang Pamantasan ng Batangas.De Torrres et al.(2015).

Ang Mother Tounge Sa Bagong Kurikulum : PambansangPamantasan ng Batangas.

Apao, Gavino, Callenero et al.(2014).

Di-Nalathalang tesis. http://filipinotermpaper.blogspot.com

Explorable.com (Jul 13, 2009). Random Sampling. Retrieved Jul 27, 2018 fromExplorable.com:
https://explorable.com/simple-random-sampling

https://www.scribd.com/doc/109042737/Ang-Kahalagan-at-Mga-Kadahilanan-Kung-Bakit-
Wikang-Filipino-Ang-Wikang-Pambansa-at-Ang-Kaugnayan-Nito-Sa-Unlad-Pang-ekonomiya

Paggamit ng Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Paaralan

https://www.academia.edu/33470031/
Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_pag_aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa
_Unibersidad_Ng_Pangasinan
https://www.academia.edu/40167448/
PAGGAMIT_NG_WIKANG_FILIPINO_NG_MGA_MAG_AARALSA_PAARALAN_Batang
as_Country_Club

Pagsasa-Filipino ng modyul pang-awtomasyong industriyal: tungo sa modernisasyon ng wikang

Filipino -https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1356/
PAGGAMIT NG ANIMATION FILM BILANG KAGAMITANGPANTUROSA
PAGTUTURO NG KUWENTONG-BAYAN AT ALAMATSA BAITANG 7 SA CALAUAG,
QUEZON -https://www.coursehero.com/file/68634674/RESEARCH-JOURNAL-ALDAYdocx/

Dokumentasyon sa Ulat

You might also like