F10 1st Grad ANG TUSONG KATIWALA Module 3 LAS 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

MODYUL sa FILIPINO 10

Markahan: UNANG MARKAHAN


Pamagat : PARABULA MULA SA SYRIA
Paksa : ANG TUSONG KATIWALA
Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral Pahina 47-53

I.ALAMIN:
Kasanayang matatagpuan sa MELC’s
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang F10PN-lb-c-63
parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal
2. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa F10WG-lb-c-58
pagsasalaysay(pagsisimula, pagpapatuloy,
pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas)

Magandang buhay! Muli na naman tayong maaaliw at matututo sa araw na ito, kaya tara na!
Umpisahan na natin ang mga gawaing magtuturo sa atin sa nilalaman ng parabula. Kaya, ikaw ay
inaasahang…
1. Makakapagsuri ng nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga
ibinigay na tanong at binasang parabula.
2. Nakagagamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay

II SUBUKIN
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Basahin natin

Talasalitaan

PANUTO: Pag – aralan ang mga salitang magkakasingkahulugan na nasa loob ng kahon.

Makasanlibutan – makamundo
Nilulustay – sinasayang; inuubos
Tapayan – tumutukoy sa isang uri ng banga na maaaring paggamitan ng iba’ ibang gamit
Kaban – taguan ng yaman o mahalagang gamit; kabuoang bigat na 25 salop o 75 litro at
Katumbas ng isang sako ng bigas
Trigo – alinman sa damong (genes Triticum) may uhay na puno ng butil; buto ng mga
damong ito na ginagamit sa paggawa ng arina
Kamumuhian – kinagagalitan

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?


Panimulang Pagsubok
PANUTO: Basahin ang pahayag sa kahon. Unawaing mabuti ang mensahe, at pagkatapos isulat ang
kaisipan, pamantayang moral at mensahe na napulot mula sa pahayag. Isulat ang iyong sagot sa iba’t
ibang hugis ng presentasyon.

PAHAYAG at IPALIWANAG
Maging mapagkakatiwalan sa lahat ng oras sa mga bagay na sa iyo ay iniatang. Tandaang
ang anuman nasirang tiwala ay di na muling maibabalik sa dating anyo kahalintulad ng
salaming nabasag na mahirap nang mabuo muli at mananatili na ang lamat.
PAMANTAYANG
KAISIPAN MORAL
MENSAHE

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok. Saang antas ka nabibilang?


_____5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY _____3-4 tamang Sagot – MAGALING
_____1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA_____0 walang tamang sagot – KAYA MO ‘YAN
III. BALIKAN
Muli nga nating sariwain ang ating nagdaang araling “ALEGORYA NG
YUNGIB”.
Naaalala mo pa ba ang iniwang aral nito sa iyo?
Ngayon naman ay dadako naman tayo sa mga parabulang nasa bibliya.

Sige nga, alin sa mga babanggitin ko ang mga parabula. Bilugan ang bilang ng
inyong sagot.

MGA PARABULA
1. Ang Alibughang Anak 6. Parabula ng 10 Dalaga
2. Parabula ng Nawawalang Tupa 7. Ang Mabuting Samaritano
3. Talinghaga Tungkol sa 3 Alipin 8. Ang Mabuting Balita
4. Parabula ng 10 Binata 9. Pinagaling ni Hesus ang 10 Ketongin
5. Pinatigil ni Hesus ang Bagyo sa Lawa 10. Pinagaling ng Diyos ang 10 Lumpo

Salamat ‘nak, Sana alam mo na rin ang mga kwento at aral ng mga napili mo ha.

IV. TUKLASIN

ANG TUSONG KATIWALA, ISANG PARABULA


MULA SA BANSANG SYRIA. (Lukas 16:1-15)

TUSO – mapanlinlang o mapanlamang


KATIWALA – inatasang mangasiwa sa sambahayan o pag-aari ng
iba
Noong unang panahon, may isang katiwala na gusto ng paalisin ng kanyang amo dahil
diumano ay hindi maganda ang pamamalakad nito sa mga ari-arian. Kaya bago siya pinaalis
ay hiningan muna siya ng ulat ng pangangasiwa. Nag-alala ang katiwala dahil wala naman
siyang ibang alam gawin maliban sa pangangasiwa kaya't tinipon niya lahat ng nagkautang
sa kanyang amo at ginawan ng kasulatan ang mga utang nito ngunit sinigurado niyang mas
maliit ang utang na nakatala sa kasulatan kaysa sa tunay na utang nito para kung
matanggal man siya sa trabaho ay may iba pang tatanggap sa kanya. Natuwa naman ang
kanyang amo sa mga natanggap na ulat mula sa kanya. Ang ipinahihiwatig ng parabulang
ito ay ang pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. Mas higit kang pagkakatiwalaan
sa malalaking mga bagay kung naipakita mong mahusay ka kahit sa maliliit lamang.
Buod ng “Ang Tusong Katiwala”
May isang katiwala na naglulustay ng ari-arian ng kanyang amo , Sa di kalaunan ay
nalaman ng kanyang amo ang kanyang panlulustay na ginagawa, Sinabihan siya ng
kanyang amo na aalisin na sa kanyang posisyon ngunit bago siya umalis ay kaylangan
muna niyang gumawa ng pag-uulat tungkol sa kanyang pangangasiwa.Naging problema
iyon ng katiwala sa dahilang totoo ang panlulustay na ginawa niya sa ari-arian ng kanyang
amo.mawawalan siya ng trabaho at ang tanging trabaho lamang na gusto niya ay ang
maging katiwala ayaw na niyang bumalik sa pagbubungkal ng lupa. Kaya naman nakaisip
siya ng tusong paraan. Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo at
pinapirma ng kasulatan na nakasaad na ang kanilang utang sa mas maliit kaysa sa aktwal
na utang nila upang kung sakali man na masisante siya ay mayroon man lamang na
tatanggap at magpapatuloy sa kaniya.At natuwa naman ang amo sa ulat na ginawa ng
katiwala.
Pahiwatig ng “Ang Tusong Katiwala”
Ang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo,maging ang mga taong may
pagkakautang dito ay idinamay pa niya,marapat lamang na hindi sya tularan siya ay isang
masamang impluwensya.
Ang Tusong katiwala ay isang Parabula sapagkat ang kuwento ay hango sa banal na
kasulatan, Ang mga detalye maging ang mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na
kahulugan ang binibigyang diin ay ang aral sa kuwento.Ito ay naglalahad at naglalarawan sa
tunay na nagyayari sa mundo.
Ang mensahe ng parabulang pinamagatang "Ang Tusong Katiwala" ay tungkol sa
pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. Ang tiwalang ipinagkaloob sa'yo ng ibang
tao lalo na ng iyong amo ay dapat alagaan kahit sa pinakamaliit na bagay o utos man. Mas
higit kang pagkakatiwalaan sa malalaking mga bagay kung naipakita mong mahusay ka
kahit sa maliliit na bagay lamang.

Mahalaga na maging matapat tayo sa lahat ng bagay at aspeto ng ating buhay. Kung
sasanayin nating hindi maging tapat kahit sa gatuldok na bagay, magiging malaki ang
posibilidad na sa mga susunod na panahon ay hindi na rin tayo magiging tapat sa mga mas
lumalaki na bagay kung saan nakaapekto na sa iba.

V. SURIIN:
Ang iyong binasa ay isang Parabula.
Alam mo ba na…. • Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan
• Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.
• Ang mensahe ng isinulat ay nasa patalinghagang pahayag
• Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao
• May tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo
• Ito ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat taglayin kundi binubuo rin ito ng ating
moral at
espiritwal na pagkatao.
. Sa pagsusuri ng parabula kailangang bigyang-pansin ang mga sumusunod:
Nilalaman – tungkol saan ang parabula
Elemento – nagtataglay ng pamantayang moral, at makatotohanang pangyayari
Kakanyahan – mensahe at aral na ipinahahatid gamit ang talinghagang pahayag
Salamat sa iyong pagbabasa, Tara, ready ka na ba?
PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod ayon sa iyong pagkakaunawa sa binasa mong parabula.

PARABULA – ANG TUSONG KATIWALA


1.TANONG: Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala sa kanyang amo?
SAGOT:
2.TANONG: Tama ba o mali ang ginawa ng katiwala sa kanyang amo. Patunayan ang sagot.
SAGOT:
3.TANONG: Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang mga utang ng mga
taong may obligasyon sa kanyang amo?
SAGOT:
4.TANONG: Kung ikaw ang amo, ano ang gagawin mo pag nabalitaan mong nalulugi ang
iyong Negosyo dahil sa paglusfay ng iyong katiwala?
SAGOT:
5. TANONG: Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?
SAGOT:
Okey, hihirit pa ako ‘nak ng isa pa ha.
UGNAYANG PANGYAYARI: PANUTO: Magsulat ng mga pangyayari sa Parabula na iyong nabasa na
maaaring maiugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay.
PANGYAYARI SA PARABULA PANGYAYARI SA SARILING KARANASAN
1.
2.
3.

Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita sa mga gawaing ito. Ang susunod mo naming babasahin ay
isang tekstong nagsasalaysay. Unawain ang nilalaman nito at bigyang-pansin ang mensahe upang
mapahalagahan ito bilang isang akdang pampanitikan.

VI. PAGYAMANIN: Muli, magbasa uli ha. Maganda ang nilalaman na mensahe ng kwentong,
“MENSAHE NG BUTIL NG KAPE”, isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

BUOD NG “MENSAHE NG BUTIL NG KAPE”


Ang parabulang ito ay tungkol sa mag - amang magsasaka. Nagpasya ang ama na kausapin ang anak
matapos na mamasdan nito ang pagmamaktol ng kanyang anak kasabay ng paghahayag ng kanyang
mga hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng lupa sa bukid. Upang bigyan
ang anak ng pag - asa at tuldukan ang tila pagrereklamo nito nagpasya itong magsalang ng tubig sa
tatlong magkakaibang palayok. Ang unang palayok ay nilagyan niya ng carrot, ang ikalawa ay itlog, at
ang ikatlo ay butil ng kape. Ipinakita ng ama ang nangyari sa carrot na matapos mailagay sa bagong
kulong tubig ay lumambot. Inihalintulad ito ng ama sa isang taong dumaan sa pagsubok na nung una
ay matigas ngunit hindi nagtagal ay biglang lumambot. Sa umpisa ay matatag ngunit hindi nagtagal
ay biglang nadaig ng mga problema.
Sa ikalawang palayok ay ipinakita ng ama ang itlog na matapos mapakuluan ay naging matigas. Ito naman ay
inihalintulad niya sa taong matapos na dumaan sa mga pagsubok ay nagkaroon ng matigas na damdamin. Ang
ikatlong palayok ay nilagyan ng butil ng kape na matapos mapakuluan ay nalusaw ngunit nagdulot ng ibang
amoy, lasa, at kulay sa pinakulong tubig. Sinabi ng ama na ito ay ang mga taong matapos makaranas ng
pagsubok ay naging matatag at nagdulot ng pagbabago sa kanyang paligid. Matapos ang pagpapakita ng
tatlong palayok, tinanong ng ama kung alin sa mga ito ang kanyang anak at tumugon ito na siya ay tulad ng butil
ng kape.
O, nasiyahan ka ba sa nilalaman ng kwento? Halina’t sagutan mo ang mga sumusunod.
PANUTO: Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging kalagayan ng mga
tauhan sa binasang kwento. Magtala ng natutuhang mensahe sa pangyayari sa buhay.
Gamitin ang kasunod na presentayon sa pagsasalaysay ng mga pangyayari.

AKO, BILANG….

CARROT EGG COFFEE


PANGYAYARI SA BUHAY: PANGYAYARI SA BUHAY: PANGYAYARI SA BUHAY:

MENSAHE MENSAHE MENSAHE

Magaling! Batay sa mga naunang gawain, napaunlad mo ang iyong pag-unawa kung bakit mahalagang unawain
ar pahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan. Higit na magiging madali ang pagsasalaysay ng mga
pangyayari kaugnay ng mensaheng natutuhan sa binasang akda kung mabisa mong magagamit ang mga pang-
ugnay.

PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA


 Sa pagsasalaysay, gumamit ng pang-ugnay na nagdaragdag o nag-iisa-isa ng mga impormasyon o
pangyayari. Bigyang-pansin ang mga salitang may saungguhit upang higit itong maunawaan.
 Kabilang din sa pasasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring kinalabasan ng pangyayari.

Unang lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga kaawa-awang taga-Maguindanao. Sa


dakong huli si Indarapatra ang nagwagi sa laban ng mga halimaw. Sa madaling sabi, nailigtas nina
Indarapatra at Sulayman ang mga taga-Maguindanao.

Alam mo ba na… ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang


pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito.

A. PAGDARAGDAG AT PAG-IISA-ISA NG MGA IMPORMASYON


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka,
unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa at gayon din

B. PAGPAPAHAYAG NG MGA KAUGNAYANG LOHIKAL


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin,
paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay
sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta
ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.
PAGSASANAY: PANUTO: Basahin ang sariling pasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa
loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay. Isulat ang inyong sagot
sa sagutang papel.
1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-
arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.
3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
4. (Gayon din, Dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang
trigo.
5. (Dahil sa, Upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
VII ISAISIP: PANUTO: Ngayon naman, bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong gamit ang inihandang presentasyon.

1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula? Nakakatulong ba ang pag-unawa sa
mensahe sa pagkilala sa bansang pinagmulan nito?
PARABULANG

NABASA
KAHALAGAHAN PAG-UNAWA

NG NABASANG SA
NILALAMAN
PARABULA
NG MENSAHE

VIII. ISAGAWA: PANUTO: Magsulat ng lsampung(10) pangungusap na ginagamitan ng mga


PANG-UGNAY na napag-aralan. Bilugan sa sagutang papel upang mas madaling mawastuan.
Paunawa: Hanggang dalawang(2) beses lang maaaring ulitin ang isang pang-ugnay
MGA PANGUNGUSAP NA GINAMITAN NG PANG-UGNAY.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
IX. TAYAHIN: Ngayon ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng sinagutan mong mga gawain. Higit
sa lahat, batid kong nakatulong ang araling ito upang tumibay ang inyong pag-unawa sa konsepto a mga
element ng parabula. Gayundin ang pagpapahalaga dito bilang isang akdang pampanitikan.
PANUTO: Maghanap ng isang nasa Filipinong lathalain sa internet(copy paste)/pahayagan(gupitin at idikit.
Salungguhitan kahit lima(5) lang na makikitag pang-ugnay na ginamit. Ilagay ito kahit sa likuran ng sagutang
papel).

INTERPRETASYON PUNTOS
Napakahusay 4
Mahusay 3
Katamtaman 2
Kailangan pa ng pagsasanay 1
Inihanda ni:

FLORENTINA A. MANIKAD
Dalub-guro I

Binasang nilalaman ni: NATUNGHAYAN NI:

FE U. CONCIO SANDY T. CABARLE


Ulong-guro I Punong-guro III
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Tanggapan ng Paaralang Panlungsod
Distrito I-A
Lungsod ng Olongapo
NEW CABALAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Panuruang Taon 2021-2022

PANGALAN ______________________ Baitang at Sek._Grade 10-_____________ Petsa _________

UNANG MARKAHAN
Kwarter I – Ikatlong Linggo
SHEET NG PAG-AARAL NG AKTIBIDAD/LEARNING ACTIVITY SHEET
SAGUTANG PAPEL/ANSWER SHEET
I. PAGTALAKAY:
Basahin ang ating aralin na parabula na “ANG TUSONG KATIWALA”
mula sa bansang Syria. At ang kwento na “MENSAHE NG BUTIL NG
KAPE” sa akda ni Willita A. Enrijo.

ANG TUSONG KATIWALA, ISANG PARABULA


MULA SA BANSANG SYRIA. (Lukas 16:1-15)

TUSO – mapanlinlang o mapanlamang


KATIWALA – inatasang mangasiwa sa sambahayan o pag-aari ng
iba
Noong unang panahon, may isang katiwala na gusto ng paalisin ng kanyang amo dahil
diumano ay hindi maganda ang pamamalakad nito sa mga ari-arian. Kaya bago siya pinaalis
ay hiningan muna siya ng ulat ng pangangasiwa. Nag-alala ang katiwala dahil wala naman
siyang ibang alam gawin maliban sa pangangasiwa kaya't tinipon niya lahat ng nagkautang
sa kanyang amo at ginawan ng kasulatan ang mga utang nito ngunit sinigurado niyang mas
maliit ang utang na nakatala sa kasulatan kaysa sa tunay na utang nito para kung
matanggal man siya sa trabaho ay may iba pang tatanggap sa kanya. Natuwa naman ang
kanyang amo sa mga natanggap na ulat mula sa kanya. Ang ipinahihiwatig ng parabulang
ito ay ang pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. Mas higit kang pagkakatiwalaan
sa malalaking mga bagay kung naipakita mong mahusay ka kahit sa maliliit lamang.
Buod ng “Ang Tusong Katiwala”
May isang katiwala na naglulustay ng ari-arian ng kanyang amo , Sa di kalaunan ay
nalaman ng kanyang amo ang kanyang panlulustay na ginagawa, Sinabihan siya ng
kanyang amo na aalisin na sa kanyang posisyon ngunit bago siya umalis ay kaylangan
muna niyang gumawa ng pag-uulat tungkol sa kanyang pangangasiwa.Naging problema
iyon ng katiwala sa dahilang totoo ang panlulustay na ginawa niya sa ari-arian ng kanyang
amo.mawawalan siya ng trabaho at ang tanging trabaho lamang na gusto niya ay ang
maging katiwala ayaw na niyang bumalik sa pagbubungkal ng lupa. Kaya naman nakaisip
siya ng tusong paraan. Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo at
pinapirma ng kasulatan na nakasaad na ang kanilang utang sa mas maliit kaysa sa aktwal
na utang nila upang kung sakali man na masisante siya ay mayroon man lamang na
tatanggap at magpapatuloy sa kaniya.At natuwa naman ang amo sa ulat na ginawa ng
katiwala.
Pahiwatig ng “Ang Tusong Katiwala”
Ang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo,maging ang mga taong may
pagkakautang dito ay idinamay pa niya,marapat lamang na hindi sya tularan siya ay isang
masamang impluwensya.
Ang Tusong katiwala ay isang Parabula sapagkat ang kuwento ay hango sa banal na
kasulatan, Ang mga detalye maging ang mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na
kahulugan ang binibigyang diin ay ang aral sa kuwento.Ito ay naglalahad at naglalarawan sa
tunay na nagyayari sa mundo.
Ang mensahe ng parabulang pinamagatang "Ang Tusong Katiwala" ay tungkol sa
pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. Ang tiwalang ipinagkaloob sa'yo ng ibang
tao lalo na ng iyong amo ay dapat alagaan kahit sa pinakamaliit na bagay o utos man. Mas
higit kang pagkakatiwalaan sa malalaking mga bagay kung naipakita mong mahusay ka
kahit sa maliliit na bagay lamang.
Mahalaga na maging matapat tayo sa lahat ng bagay at aspeto ng ating buhay. Kung
sasanayin nating hindi maging tapat kahit sa gatuldok na bagay, magiging malaki ang
posibilidad na sa mga susunod na panahon ay hindi na rin tayo magiging tapat sa mga mas
lumalaki na bagay kung saan nakaapekto na sa iba.

II. MGA GAWAIN:


II. SUBUKIN: Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?
Panimulang Pagsubok
PANUTO: Basahin ang pahayag sa kahon. Unawaing mabuti ang mensahe, at pagkatapos isulat ang
kaisipan, pamantayang moral at mensahe na napulot mula sa pahayag. Isulat ang iyong sagot sa iba’t
ibang hugis ng presentasyon.

PAHAYAG at IPALIWANAG
Maging mapagkakatiwalan sa lahat ng oras sa mga bagay na sa iyo ay iniatang. Tandaang
ang anuman nasirang tiwala ay di na muling maibabalik sa dating anyo kahalintulad ng
salaming nabasag na mahirap nang mabuo muli at mananatili na ang lamat.

KAISIPAN

PAMANTAYANG MORAL

MENSAHE
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok. Saang antas ka nabibilang?
____5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY _____3-4 tamang Sagot – MAGALING
____1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA__0 walang tamang sagot – KAYA MO ‘YAN
III. BALIKAN
Sige nga, alin sa mga babanggitin ko ang mga parabula. Bilugan ang bilang ng
inyong sagot.
MGA PARABULA
1.Ang Alibughang Anak 6. Parabula ng 10 Dalaga
2. Parabula ng Nawawalang Tupa 7. Ang Mabuting Samaritano
3. Talinghaga Tungkol sa 3 Alipin 8. Ang Mabuting Balita
4. Parabula ng 10 Binata 9. Pinagaling ni Hesus ang 10 Ketongin
5. Pinatigil ni Hesus ang Bagyo sa Lawa 10. Pinagaling ng Diyos ang 10 Lumpo

V. SURIIN:
Salamat sa iyong pagbabasa, Tara, ready ka na ba?
PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod ayon sa iyong pagkakaunawa sa binasa mong parabula.

PARABULA – ANG TUSONG KATIWALA


1.TANONG: Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala sa kanyang amo?
SAGOT:_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2.TANONG: Tama ba o mali ang ginawa ng katiwala sa kanyang amo. Patunayan. ang sagot.
SAGOT: _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3.TANONG: Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang mga utang ng mga
taong may obligasyon sa kanyang amo?
SAGOT: _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4.TANONG: Kung ikaw ang amo, ano ang gagawin mo pag nabalitaan mong nalulugi ang
iyong Negosyo dahil sa paglusfay ng iyong katiwala?
SAGOT: _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. TANONG: Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?
SAGOT: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

UGNAYANG PANGYAYARI: PANUTO: Magsulat ng mga pangyayari sa Parabula na iyong nabasa na


maaaring maiugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay.
PANGYAYARI SA PARABULA PANGYAYARI SA SARILING KARANASAN
1.____________________________________
____________________________________ ________________________________________
2. ___________________________________
___________________________________ ________________________________________
3. ___________________________________
___________________________________ ________________________________________
Ang susunod mo namang babasahin ay isang tekstong nagsasalaysay. Unawain ang nilalaman nito at bigyang-
pansin ang mensahe upang mapahalagahan ito bilang isang akdang pampanitikan.
VI. PAGYAMANIN:
“MENSAHE NG BUTIL NG KAPE”, isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

BUOD NG “MENSAHE NG BUTIL NG KAPE”


Ang parabulang ito ay tungkol sa mag - amang magsasaka. Nagpasya ang ama na kausapin ang anak
matapos na mamasdan nito ang pagmamaktol ng kanyang anak kasabay ng paghahayag ng kanyang
mga hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng lupa sa bukid. Upang bigyan
ang anak ng pag - asa at tuldukan ang tila pagrereklamo nito nagpasya itong magsalang ng tubig sa
tatlong magkakaibang palayok. Ang unang palayok ay nilagyan niya ng carrot, ang ikalawa ay itlog, at
ang ikatlo ay butil ng kape. Ipinakita ng ama ang nangyari sa carrot na matapos mailagay sa bagong
kulong tubig ay lumambot. Inihalintulad ito ng ama sa isang taong dumaan sa pagsubok na nung una
ay matigas ngunit hindi nagtagal ay biglang lumambot. Sa umpisa ay matatag ngunit hindi nagtagal
ay biglang nadaig ng mga problema.
Sa ikalawang palayok ay ipinakita ng ama ang itlog na matapos mapakuluan ay naging matigas. Ito
naman ay inihalintulad niya sa taong matapos na dumaan sa mga pagsubok ay nagkaroon ng matigas
na damdamin. Ang ikatlong palayok ay nilagyan ng butil ng kape na matapos mapakuluan ay nalusaw
ngunit nagdulot ng ibang amoy, lasa, at kulay sa pinakulong tubig. Sinabi ng ama na ito ay ang mga
taong matapos makaranas ng pagsubok ay naging matatag at nagdulot ng pagbabago sa kanyang
paligid. Matapos ang pagpapakita ng tatlong palayok, tinanong ng ama kung alin sa mga ito ang
kanyang anak at tumugon ito na siya ay tulad ng butil ng kape.
PANUTO: Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging kalagayan ng mga
tauhan sa binasang kwento. Magtala ng natutuhang mensahe sa pangyayari sa buhay.
Gamitin ang kasunod na presentayon sa pagsasalaysay ng mga pangyayari.
AKO, BILANG….

CARROT EGG COFFEE


PANGYAYARI SA BUHAY: PANGYAYARI SA BUHAY: PANGYAYARI SA BUHAY:

__________________________ __________________________ ________________________


MENSAHE: MENSAHE: MENSAHE:

__________________________ __________________________ ________________________

PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA


PAGSASANAY: PANUTO: Basahin ang sariling pasalaysay batay sa binasang parabula at BILUGAN
ang nasa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.
1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-
arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
2.(Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.
3.(Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
4.(Gayon din, Dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang
trigo.
5.(Dahil sa, Upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

VII ISAISIP: PANUTO: Ngayon naman, bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa arain sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong gamit ang inihandang presentasyon.
1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula? Nakakatulong ba ang pag-unawa sa
mensahe sa pagkilala sa bansang pinagmulan nito?

_____________________________

PAMAGAT NG PARABULANG
NABASA

_______________________ _________________________
_____ _______________________
_______________________ ________________________
_____ ________________________
KAHALAGAHAN NG NABASANG PAG-UNAWA SA
PARABULA NILALAMAN NG MENSAHE

VIII. ISAGAWA: PANUTO: Magsulat ng sampung(10) pangungusap na ginagamitan ng mga


PANG-UGNAY na napag-aralan. BILUGAN upang mas madaling mawastuan.
Paunawa: Hanggang dalawang(2) beses lang maaaring ulitin ang isang pang-ugnay.

MGA PANGUNGUSAP NA GINAMITAN NG PANG-UGNAY.


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

VI PAGTATASA:

PANUTO: Maghanap ng isang nasa Filipinong lathalain sa internet(copy paste)/pahayagan(gupitin at idikit.


Salungguhitan kahit lima(5) lang na makikitag pang-ugnay na ginamit. Ilagay ito kahit sa likuran ng sagutang
papel).

INTERPRETASYON PUNTOS
Napakahusay 4
Mahusay 3
Katamtaman 2
Kailangan pa ng pagsasanay 1
VII REPLEKSYON: Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain na inilaan
sa mga araling ito. Sa bahaging ito, inaasahan na ang natutuhang mga
konsepto ay makakatulong sa pagtalakay sa kasunod na mga aralin.

Kumopya(maaaring isulat lamang) sa isang babasahin ng isang maikling


balita at salungguhitan ang makikitang/mababasang pang-ugnay na ginamit
sa loob ng pangungusap.

VIII SANGGUNIAN: Filipino 10 – Modyul para sa Mag-aaral pahina 47-53

REPLEKSYON

NAPULOT NA ARAL:
1.

2.

Inihanda ni:

FLORENTINA A. MANIKAD
NCNHS Dalub-guro I

Binasang nilalaman ni: NATUNGHAYAN NI:

FE U. CONCIO SANDY T. CABARLE


Ulong-guro I Punong-guro III

You might also like