Talambuhay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Elias A.

Pampilo III BSA-I KKF (TTH 2:30pm - 4:00)

TALAMBUHAY

Ako si Elias A. Pampilo III o mas kilala sa palayaw na Thirdy. Ipinanganak ako noong
Hulyo 9, 2003 sa Jose Rizal Memorial Hospital sa lungsod ng Dapitan. Ako ay 19 na
taong gulang at kasalukuyang nakatira sa Tabuk-Tulay, Dicayas, lungsod ng Dipolog.
Ako ay may anim na kapatid ngunit sa kasawiang palad ay namatay yung isang babaeng
kapatid ko, ngayon ay anim nalang kami na may tatlong lalaki at tatlong babae.

Noong ako ay bata pa lamang ay nasa katangian ko na talaga ang pagiging masiyahin
at mahiyain. Mahilig din ako maglaro at sobrang napaka-kulit na bata. Ngunit ang lahat
ng ito ay biglang nawala na lamang na parang bula dahil sa paghihiwalay ng aking mga
magulang. Noong ako ay tumungtong ng grade 6 ay may nakilala akong isang babae na
nag balik ng aking pagiging masiyahin. Unang kita ko palang sa kanya ay nabighani na
ako sa tinataglay niyang kagandahan na para bang hindi ko siya maalis saking puso’t
isipan at napatulala nalang sa bawat oras tuwing naiisip siya. Hindi kompleto ang araw
ko noon kapag hindi ko siya nakikita kaya isa ito sa dahilan kung bakit wala akong liban
sa klase, kahit may sakit ako ay sinisikap kong itago para lang maka punta sa skwela at
makita siya. Naging matalik na magkaibigan kami, araw-araw kaming nag-tutuksohan,
nag-hahabulan at magkasama tuwing reses. Isa sa mga hindi ko talaga malilimutan na
araw ay yung araw ng graduation namin dahil tumugma pa ang araw na ito sa kanta ng
Parokya ni Edgar na Alumni Homecoming sa linya ng “graduation natin nung biglang
nag-absent partner ko, tadhana nga naman naging magpartner tayo.” Habang kami ay
naglalakad, masaya kaming nag-kukwentuhan sa mga masasayang alala na aming nabuo
sa isang taong pagsasama at nag-paalam sa isa’t isa na hindi ko man lang naamin yung
aking saloobin ng aking damdamin

Sa ngayon, ay may komunikasyon parin kami sa isa’t isa sa pamamagitan ng internet.


Matalik padin kaming magkaibigan at naipahayag ko na ang aking damdamin sa kanya.
Alam ko naman na malabo ang maging kami pero kahit na anong mangyari ay hinding
hindi ako bibitaw sa pangako ko sa kanya. Kontento na ako sa kung ano man ang meron
sa aming dalawa ngayon. At patuloy parin akong umaasa na baka sakaling mabigyan ako
ng pagkakataon na makita at makasama siya ulit.

You might also like