Professional Documents
Culture Documents
Primarya at Sekundaryang Batis.
Primarya at Sekundaryang Batis.
Primarya at Sekundaryang Batis.
Primaryang Batis
Talaarawan- Tinatawag din itong diaryo journal . Ang mga ito ay naratibo
ng mga kaganapan na inakda ng mga tao na mismong nakaranas at
nakasaksi sa mga pangyayari.Kadalasan na ito ay isinusulat ng may-akda
araw-araw. Isang halimbawa nito ay ang diary ni Hen. Gregorio del Pilar
na naglalarawan ng kanyang karanasan sa pakikibaka samga
Amerikano. Nagtapos ang kanyang pagsusulat nang siya ay mapaslang
ng mgaAmerikano sa Pasong Tirad.
Awtobiograpiya- Tinatawag din itong talambuhay na isinulat ng may-
akda na pumapatungkol sa kanyang sarili. Mahahalagang mga
kaganapan, lugar, tao at mga pangyayari ang kadalasang paksa ng
nasabing akda.
Liham- Ito ay ang mga sulat ng may-akda na naglalaman ng mensahe,
pananaw o damdamin na nais niyang iparating sa taong kinauukulan.
Halimbawa nito ay ang Lihamni Rizal sa Kadalagahan ng Malolos na may
petsang Pebrero 22, 1889. Dito pinapurihanni Rizal ang kagitingan at
katapangan na ipinamalas ng kadalagahan ng Malolos naumalpas mula
sa pagkaalipin ng kamangmangan sa pamamagitan ng paghiling nila
sagobernador-heneral na makapagtayo ng isang paaralan na
magtuturo ng wikangEspanyol.
Diyaryo/Pahayagan- Isang dokumento na inilathala at inilimbag
kaalinsabay ng mgaisyung panlipunan na tinatalakay sa mismong
pahayagan. Maaari rin itong maglaman ngulat ukol sa mga
kaganapang pulitikal, pang-ekonomiko at panlipunan. Tumatalakay
dinang mga pahayagan sa mga opinyon at pananaw ng mga eksperto
sa isang partikular na isyu. Isang halimbawa ng pahayagan ay ang
Diariong Tagalog, na pinamatnugutan niMarcelo H. del Pilar. Ito ang
kauna-unahang bilingguwal na pahayagan na nasusulat sawikang
Tagalog at Espanyol (Almario, 2015). Isiniwalat ng nasabing pahayagan
ang pang- aabuso ng mga prayleng Kastila at ang pagmamalabis ng
mga opisyal nggobyernong kolonyal.
Memoir- Isa itong uri ng primaryang batis na naglalarawan ng mga
pangyayari habang bumabanggit ng kanyang sariling kuro-kuro ang
may-akda. Ipinapaliwanag ng may-akdaang isang kaganapan sa
paraang naratibo gayundin ang paglalahok niya ng kanyangopinyon
base sa kanyang paniniwala. Isang sikat na memoir ay ang The
Philippine Revolution o ang La Revolucion Filipina na inakda ni Apolinario
Mabini. Tinalakay niyarito ang pagtatagumpay ng Himagsikang Pilipino
laban sa mga Espanyol gayundin ang pagtatatag ng isang Republika na
kinikilala ng mga bansa sa Asya at sa Europa noong1899.
Mga Ulat- Kadalasang mga opisyal na dokumento ang mga ulat na
nanggaling sa isanggrupo ng tao na naglalayong maghatid ng
impormasyon ukol sa isang partikular nakaganapan. Ginagamit ang mga
ulat sa mga imbestigasyon o sa mga pagdinig upangmagamit na
basehan ng hakbangin ng pamahalaan. Halimbawa ng ulat ay ang
dokumentona inilabas ng Agrava Fact-Finding Commission na nagsiyasat
sa mga kaganapan ukol sa pagpaslang kay dating Senador Benigno
Aquino Jr. noong 1983. Ginamit ang ulat ngKomisyong Agrava sa
pagsasampa ng kaukulang asunto sa Sandiganbayan laban sa
mgaopisyal na pinaniniwalaang sangkot sa nasabing pagpaslang. Ilan
pang halimbawa ng ulatay ang mga ulat ng lupon na ginagamit ng mga
mambabatas sa pamahalaang lokal bilang basehan ng mga ordinansa
at gawaing lehislasyon.
Mga Talumpati- Isa ring uri ng primaryang batis ang mga talumpati. Ito ay
ang mga pahayag na binigkas sa mga mahahalagang okasyon,
pagtitipon, gawaing panrelihiyono pulitikal. Kinakailangan na malathala
ang mga nasabing talumpati bago mauri bilang nasusulat na primaryang
batis. (de Viana, n.d.) Sa bisa ng Artikulo 2 ng Kodigong Sibilng Pilipinas,
minamandato ang paglalathala ng mga mahahalagang talumpati sa
OfficialGazette, ang opisyal na pahayagan ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ilan sa mga nalathala ayang mga talumpati ng Pangulo sa ilang
mahahalagang pagdiriwang. Maaari ring isama samga talumpati ang
mga privilege speech ng mga mambabatas na nailalathala naman
samga dokumento ng Kongreso na tinatawag na journal.
Opisyal na mga Dokumento- Bahagi ng gampanin ng pamahalaan ang
maglathala ng mga opisyal na dokumento na naglalaman ng mga
mahahalagang kalatas, anunsyo omandato. Dahil dito, nagagamit ang
mga opisyal na dokumento bilang primaryang batis.Ilan sa mga ito ay
ang mga orihinal na kopya ng mga batas na ginawa ng Kongreso
at pinirmahan ng Pangulo gayundin ang mga desisyon ng hudikatura, kal
atas ng mgaadministratibong ahensya ng gobyerno, at iba pang mga
katulad nito. Halimbawa ng mgaopisyal na dokumento ay ang Acta de
la Proclamacion de la Independencia del Pueblo Filipino na inakda ni
Ambrosio Rianzares Bautista at binasa kaalinsabay ng deklarasyonng
kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Isa ring primaryang batis ang
Proclamation No. 1081 ni dating Pangulong Marcos na nagdedeklara na
ang buong bansaay nasa ilalim ng Batas Militar.
Mga Kasunduan- Kinokonsidera ring primaryang batis ang mga
kasunduan na nilagdaanng mga pinuno ng pamahalaan o ng mga
samahan. Isang halimbawa ng kasunduan ay ang Kasunduan sa Biak-na-
Bato na nilagdaan ng mga kinatawan ng pamahalaangrebolusyonaryo
at gobyernong kolonyal ng mga Espanyol.
Ang mga primaryang batis naman na inuuri bilang „di –nakasulat ay yaong
mga hindimatatagpuan sa anyong pasulat. Ito ay mga bagay o gamit na
naiwan ng isang kaganapan nanaging saksi sa mga pangyayari. Ito ay
maaaring ginamit ng mga tao sa isang particular na panahon at mga
ebidensya ng pag- iral ng isang tao at pangyayari. Ang mga halimbawa nito
ayang mga sumusunod:
Sekundaryang Batis
Sa kabilang banda, angmga sekondaryang batis naman ay mga lathalain
nanakaangkla sa mga tala at impormasyon halaw sa primaryang batis.
Binibigyang-diin dito ang pagsangguni ng mga sekondaryang batis sa mga
primaryang batis bilang pinagmulan ng mga ito. Karaniwan na ang mga
batayang aklat, brochure at magazine ay halimbawa ng sekondaryang
batis.Dagdag pa rito ang mga nalathalang artikulo sa internet. Nakakatulong
ang mga sekondaryang batis upang makilala ng mga mananaliksik ang mga
primaryang batis. Nakakaambag sa paunang kaalaman ng mga mananaliksik
ang pagkakilala nila sa mga sekondaryang batis upang mas maunawaan ang
nilalaman,konteksto at naratibo ng mga primaryang batis (Navarro, 2000).
REPOSITORYO NG MGA SANGGUNIANG BATIS
Intramuros Administration
Ang mga dambana ay lugar kung saan nakahimlay ang mga labi ng mga
kinikilalang bayani ng bayan. Kadalasanna may mga museo rin na
matatagpuan sa mga ito. Isang halimbawa ngdambana ay ang Dambana ni
Gat. Marcelo H. del Pilar na matatagpuan saBrgy. San Nicolas, Bulakan,
Bulacan. Dito ang pook-kapanganakan ni delPilar na ipinasunog ng mga
Espanyol, muling ipinatayo at ipinaayosng pamahalaan, at kinalalagakan ng
kanyang mga labi na buhat pa saBarcelona,Espanya.