Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagkuha ng mga Kursong Medisina at Pilosopiya at Sulat sa Unibersidad Central de Madrid

Pagkaraang matapos ang ikaapat na taon ng kursong medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila,
nagpasya siyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng kursong ito sa Europa. Noong Nobyembre 3, 1882, nag-
enrol si Rizal sa dalawang kurso, Medisina at Pilosopiya at Sulat sa Unibersidad Central de Madrid sa
Espanya.

Noong Hunyo 21, 1884, iginawad sa kaniya ng nasabing unibersidad ang digri ng Lisensiyado sa
Medisina. Nang sumunod na taong pang-akademiko (1884-1885), pinag-aralan niya at naipasa ang lahat
ng asignatura para sa digri ng Doktor ng Medisina. Ngunit dahil hindi siya nakapagpakita ng kaniyang
tesis na kailangan ng isang nagtatapos at di pa rin niya nababayaran ang kaniyang mga pagkakautang,
ang diploma bilang doktor ay hindi naigawad sa kaniya (Zaide at Zaide 1997, 92).

Gayunpaman, maliban sa ipagpapatuloy ang pag-aaral ng medisina, kailangan niyang mapag-aralan ang
buhay at kultura, wika at kaugalian, industriya at komersiyo, at pamahalaan at batas ng mga bansang
Europeo nang sa gayon ay makapaghanda siya sa kaniyang dakilang misyon na mareporma ang sistema
ng kolonyal na pamamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas at kung hindi man ay mapalaya ang
kaniyang mga kababayan sa kamay ng mga mapang-aping Espanyol. Ito ang sinasabing lihim na misyon
ni Rizal sa kaniyang pangingibang bansa na kasama sa plano ng kaniyang Kuya Paciano at ng iba pang
makabayang Pilipino (Zaide at Zaide 1997, 68).

Maliban sa Medisina, natapos din ni Rizal ang kaniyang pag-aaral sa Pilosopiya at Sulat sa nasabing
unibersidad nang may matataas na grado. Iginawad sa kaniya ang digri ng Lisensiyado sa Pilosopiya at
Sulat ng Unibersidad Central de Madrid noong Hunyo 19, 1885 (kaniyang ika-24 na kaarawan), na may
antas na “Pinakamahusay” (Sobresaliente).

. Noong Nobyembre 20-22, 1884, ang lungsod ng Madrid ay nayanig ng mga madugong demonstrasyong
pinasimunuan ng mga mag-aaral ng unibersidad. Si Rizal, Valentin Ventura, at ilang estudyanteng
Pilipino ay sumali rito, kasama ang mga estudyanteng Kubano, Mehikano, Peruvano, at Espanyol. Ang
demonstrasyon ng mga estudyante ay dahil sa paunang salita ni Dr. Miguel Morayta, propesor ng
kasaysayan. Ito ang isa sa mga hindi makakalimutang karanasan ni rizal sa Unibersidad Central de
Madrid.

Halos lahat ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo (Batas, Medisina, Pilosopiya at Sulat, atbp.)
ay sumali sa malaking demonstrasyong ito. Sa lansangan, sinisigaw ng mga estudyante ang kanilang
pagtutol: “Mabuhay si Morayta, Ibagsak ang mga Obisbo.” Maraming propesor ng unibersidad ang
lantarang nagpakita ng kanilang suporta para sa hanay ng mga estudyante. Ang Rektor (hindi
napangalanan ni Rizal) na sumuporta rin sa mga estudyante ay napilitang magbitiw sa kaniyang posisyon
at pinalitan siya ni Dr. Creus na ayon sa liham ni Rizal sa kaniyang pamilya noong Nobyembre 26, 1884.

Pagpapakadalubhasa sa Optalmolohiya

• Paris, Pransiya (1885-1886) at Heidelberg, Alemanya (1886) Pagkaraaang matapos ang pag-aaral sa
Unibersidad Central de Madrid, si Rizal na noo’y 24 na taong gulang at isa nang manggagamot ay
nagtungo sa Paris para magpakadalubhasa sa optalmolohiya. Ito ang napili niyang sangay sa medisina
dahil nais niyang gamutin ang mga mata ng kaniyang ina.

Nanirahan si Rizal sa Paris nang apat na buwan, mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886.
Nagtrabaho at nagsanay siya kay Dr. Louis de Weckert (1852-1906), ang nangungunang
optalmolohistang Pranses sa loob ng apat na buwan. Pagkatapos nito, ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagpapakadalubhasa sa optalmolohiya sa Heidelberg, Alemanya. Nagtrabaho siya sa Ospital ng mga
Mata sa Unibersidad ng Heidelberg sa ilalim ng direksiyon ni Dr. Otto Becker, kilalang optalmolohistang
Aleman.

You might also like