Filipinolohiya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagkilala sa Paaralan

Due October 31, 2020 11:59 PM


Instructions
1.      Basahin ang kasaysayan ng PUP at ilahad ang mga tinahak nitong daan bago nakamit ang
kasalukuyan nitong estado.  Maaari ring magtanong-tanong.

Oktubre 19, 1904 ay itinatag bilang Manila Business School sa Calle Gunao, Quiapo,
Maynila. Isa itong business school hanggang taong 1951. Ito ay nasa pangangalaga ni Gabriel
Ambrose O’Reilly. Ang ilan sa mga nasa kurikulum nito at bokasyonal na panteknikal ay ang
pagta-type, pag-iingat ng libro, takigrapya, at telegrapya.
Taong 1908, napag-alaman na karamihan ng mga estudyante sa paaralan ay mga mula pa
sa probinsya kung kaya’t ginawa itong insular o pang-nasyonal na eskwelahan at pinalitan ang
pangalan na naging Philippine School of Commerce. Ngayon ay nadagdagan na ng ika-apat na
taon ang mga bokasyonal na panteknikal nito.
1911 ay inilagay muli sa pangangalaga ng taga-pamahala ng mga paaralang lungsod
ngunit nanatili ang pagiging insular na istatus ng paaralan.
Sa taong 1912 ay inihandog nito ang isang taong kurso sa takigrapiya. Tagumpay at
minahal ng mga estudyante ang handog na ito dahil mabilis silang nakakapasok sa mga trabaho.
1917 ay nagkaroon ng rebisyon ang mga kurso ng paaralan. Mula sa pamumuno ng taga-
pangasiwa na si Luis F. Reyes, patuloy na itinataas ang mga heneral na kahilingan. Nagbukas ng
pang-gabi na klase para sa mga estudyanteng hindi kayang pumasok sa umaga.
Taong 1933 ay nagsama ang Philippine School of Commerce sa Philippine Normal
School at Philippine School of Arts and Trades. Labing dalawang taon ang itinagal ng
pagsasama nito at nasa pangangalaga ng taga-pamahala ng PNS. Ang mga nakapagtapos sa PSC
ay kinokonsidera na nakapagtapos na rin sa PNS. Pinalitan ng PSC and pangalawang kurikulum
nito at ginawang dalawang taon ng junior college kurikulum.
1940 ay nakuha naman ng PSC ang atensyon ng noo’y Pangulong Manuel L. Quezon.
Mula sa isinagawang talumpati nito ay ipinangako niya na magkakaroon ng espesyal na
paglalaan ng gusali para sa PSC upang ang mga nakapagtapos dito ay mabigyang pansin.
Binalak ng noo’y Kongresista Manuel A. Alazarte kasama ang puno ng departamentong
si Luis F. Reyes ang magpasa ng isang panukalang batas sa kongreso ngunit hindi ito natuloy
dahil sa digmaang pasipiko na naganap. PSC ang isa sa mga institusyon ng edukasyon ang
nagdeklara ng pagkawala ng kultura.
Pagkatapos ng paglaya noong 1946, pinagpatuloy ng tagapangasiwa na si Luis Reyes ang
pagpapaayos ng eskuwelahan. Ang apela ay ibinalik na may higit sa walong libo ang inilaang
pondong pang-nasyonal mula sa Kawanihan ng Pampublikong Paggawa para sa pagpapaayos at
pagpapanatili ng mga gusali. Dahil naman sa digmaan ay nasira ang Normal Hall na gusali na
ginawang pansamantalang bahay ng karunungan at noong August 4, 1946, pormal itong
binuksan para sa regular na klase. Ang PSC ay nag-aalok ng isa o dalawang taon na kurso sa
pagbebenta ng mga paninda at kumpletong apat na taon na kurso sa edukasyong pamamahagi ng
sining.
Taong 1947 ay nalaman ng PNS na mahalagang gawing dormitoryo ang Normal Hall na
gusali. Ito ang naging hudyat para humanap ng solusyon ang eskuwelahan para sa siksikan na
klasrum. Dahil dito, dumulog sila sa Philippine Alien Property Administrator. July 31, 1947 ay
napasakamay ang dalawang gusali ng Lepanto Street sa Sampaloc, Manila. Agusto 4 noong
opisyal na lumipat. Hinirang bilang PSC tagapangasiwa si Luis F. Reyes.
Naipasa ang R.A.415 na nagpapatupad ng titser-training na departamento sa mga pang-
gobyernong paaralan. Isa ang PSC sa mga benepisyaryo ng naturang act.
Dahil sa R.A.778 na naipasa ng kongreso at nilagdaan ng dating Pangulong Elpidio
Quirino, napalitan ang PSC at naging Philippine College of Commerce (PCC) noong 1952. Mas
pinalawak ang mga programa nito sa ilalim ng dating Presidente ng eskuwelahan na si Luis
Reyes.
1954 ay ipinagdiwang ang Golden Jubilee ng PCC. Ito ang ika-50 taon ng pagkakatatag
ng eskuwelahan.
Ginawaran ng parangal ang PCC noong 1955. Ang parangal na ito ay “Business College
of the Year”.
Taong 1956 nang maupo si Propesor Pacifico Velila bilang president ng PCC at 1960
naman noong maupo bilang pansamantalang presidente si Atty. Victor dela Torre. Sa taong 1962
naman ay naupo si Dr. Nemesio Prudente at itinayo ang Komite ng Pagkokonsultahan ng
Presidente. Nagkaroon din ng mga panuntunan at regulasyon.
1963 ay naiprinta ang college code at naitatag ang programang public relations.
Nagkaroon na rin ng kauna-unahang isyu ng Faculty Journal ng PCC na naisapubliko.

Idineklara ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang PUP bilang Pambasang
Komprehensibong Unibersidad ng Pilipinas noong sentenaryo ng pamantasan sa kadahilanang
isa sa mga adhikain nito ay maitaguyod ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga Pilipino.
 
2.      Sinu – sino ang mga Pangunahin Opisyal ng PUP sa kasalukuyan?

3.      Isa-isahin ang Vision at Mission ng Sintang Paaralan.


 
4.      Bilang isang Pupian ano ang iyong magiging ambag para sa pagkakamit ng Vision at
Mission ng PUP?
 
Lahat ng sagot ay ilahad sa sariling pagkakaunawa.  Gamitin ang Wikang Filipino.

You might also like