Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

MGA MATERYALES SA MODYUL

Talaan ng mga Modyul

Blg. CODE NG
Pamagat ng M odyul
M ODYUL
Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas
1. Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa FIL 223-1

PAGPOPROSESO NG IM PORM ASYON PARA SA


2 KOM UNIKASYON FIL 223-2

3 Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino FIL 223-3

4 Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal FIL 223-4

5 Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon FIL 223-5

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 1 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
Pagpoproseso
ng
Impormasyon
Para sa
Komunikasyon

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 2 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
NILALAMAN NG MODYUL

PAMAGAT NG KURSO: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

PAMAGAT NG M ODYUL: Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa


Komunikasyon

BILANG NG ORAS: 3

M GA TIYAK NA LAYUNIN NG PAGKATUTO:

Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang
na sanggunian sa pananaliksik.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal atmodernong midyang akma sa kontekstong Pilipino. 3. Makagawa
ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na
akma sa iba’t ibang konteksto.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitangideya.

PANGALAW ANG PAKSA


• Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
• Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon
• Pagbubuod at Paguugnay-ugnay ng Impormasyon
• Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa ImpormasyoN

PAM AM ARAAN NG PAGTATASA


 Oral naPagsusulit
 Pagsasanay
 Pagradong Talakayan

SANGUNIAN:
https://www.scribd.com/document/398698619/Kontekstwalisadong-
komunikasyon-sa-akodemikong-Filipino

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 3 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
Mga ImpormasyonFIL 223-2
Pagpoproseo ng Impormasyon Para sa Komunikasyon

M GA LAYUNIN SA PAG-AARAL:
Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang
na sanggunian sa pananaliksik.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal atmodernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na
akma sa iba’t ibang konteksto.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitangideya.

Pagpoproseo ng Impormasyon Para sa Komunikasyon

 PAGPILI NG BATIS NG IM PORM ASYON


Kategorya ng Sanggunian

Makatutulong sa lalim ng isang argumento ang mga sangguniang


gagamitin ng isang mananaliksik, mananalumpati at tagapagsalita. Narito
ang gabay sa pagpili ng tamang sanggunian o batis ng impormasyon.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 4 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
1. Primaryang datos – nagmula sa mga dokumentong isinulat sa panahon
na isinagawa ang aktwal na pananaliksik o orihinal na dokumento kung
saan ito nakabatay. Halimbawa: talumpati, liham, birth certificate,
diaries, transkripsyon ng live news feed, balita, record ng korte,
panayam, sarbey, akademikong dyornal at sangguniang aklat.
2. Sekondaryang datos – nanggaling sa mga dokumentong isinulat
matapos ang isang kaganapan o in terpretasyon ng may-akda sa
naturang impormasyong hindi niya naabutan tulad ng diksyunaryo,
ensayklopedya, artikulo, rebyu at sintesis.
3. Tersyaryang datos – hinalaw sa mga dokumentong naglalarawan sa
primary at sekondaryang sanggunian tulad ng indexes na binigyang
pagkakakilanlan kung saan nagmula ang impormasyon, abstrak at
databases.

 PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IM PORM ASYON


Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y
mas lalo pang maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga salita (Anderson, 1998). Ayon naman kay Huffman
(1998) ang pagbasa ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at
pagbabasa na may pangunawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay
masagot. Samantala ang pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuh a ng
mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong maintindihan ang bawat
bagay.
M GA LAYUNIN SA PAGBASA:
1) Nagbabasa upang maaliw.
2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.
3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.
5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad
at pagkakaiba sa kulturang kinagisnan.

Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S.
Gray na siyang kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag -
unawa, Reaksyon at Assimilasyon at Integrasyon.

Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 5 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
Ito ay ang:
1) Bottom-up
Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga
ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa
paglinang ng komprehension sa pagbasa.
2) Top-down
Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay
dahil napatunayang maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi
nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto.
3) Interaktib
Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga
proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang
bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang
4) Iskema.
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman
ng mambabasa. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang
mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto
mula sa kanyang iskima sa paksa.
Pagpapaunlad ng Pagbasa
Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at
naglalayong umunlad ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang
mga kaayusan ng pangungusap ay kontrolado at sumusunod sa takdang
criterion para sa pagkasunod-sunod.

Iskiming

Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang


materyales ay isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito
ba ay naglalaman ng impormasyon.

Overviewing
Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw.
Survey

Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng


materyales.
Iskaning

Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan


hanapin ang mga impormasyon na kanyang gusting malaman.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 6 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
Previewing

Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan. Kaswal Ito ay isang uri


ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na tinitingnan ang
bawat salita na ibinibigay.
Pagtatala

Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya
maintindihan o napakahirap na salita.
Re-reading o M uling Pagbasa
Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang
pagbasa upang sa ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan.

Ngayon dumako naman tayo sa pananaliksik.

Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong


impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan
ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napagalaman na. Matatanggap ang
karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala
(teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Ang isang pananaliksik ay
mag iba’t-ibang katangain, ito ay ang pagiging:

 Sistematiko
 Empirical
 Mapanuri
 Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda
 Akyureyt na imbestigasyon
 Matiyaga at hindi minamadali
 Nangangailan ng tapang
 Maingat napagtata at pag-uulat

Ito ay nagagamit sa pakikipag komunikasyon at ito’y isang hakbang


upang ang bawat tao ay magkaintinhan at mapalawak pa ang kaalaman.
Nakakatulong rin ito upang matukoy ang at malaman ang pamamaraan ng
pagbasa at pananaliksik sa komunikasyon.

 PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-UGNAY NG IM PORMASYON

Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng papapaikli ng


anomang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang
impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o
hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong
opinyon o palagay tungkol sa paksa. Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 7 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
Kailangang panatilihin ang mga binanggit nakatotohanan o mga puntong
binigyang-diin ng may-akda (The Silent Learner, 2017).

Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto.Kung


maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.Hindi dapat padampot-dampot ang pagpapahayag
ng mga bahagi.Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag.Kung ang
teksto naman ay isang ekspositori, maaaring ilahad ang mga dahilan at
katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad (The Silent
Learner, 2017).

Halimbawa: Buod ng Rama at Sita

Nakatira ang mag-asawang Rama at Sita kasama si Lakshamanan sa


gubat noong ipinatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. At kaya hindi
maiwasan ang mga higanteng tulad ni Surpnaka, ang kapatid ni Ravana na
hari ng mga higante at demonyo, na nagpanggap bilang babae at tinukso si
Rama. Ngunit hindi siya nagtagumpay at nahagip pa ni Lakshamanan ang
kanyang tenga at ilong. Nagsinungaling si Surpnaka kay Ravana tungkol sa
nangyari sa kanya upang makapaghiganti kay Rama at ito ay sa pamamagitan
ng pagbihag kay Sita ni Ravana upang gawing asawa. Pinatawag niya si
Maritsa, na may galing na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis,
upang maging parte ng patibong upang mabihag si Sita. Nagpanggap na isang
gintong usa si Maritsa at nasilaw naman sa patibong si Sita. Biglang tumakbo
ang gintong usa at hinabol naman ito 7 Rama ngunit sina Sita at
Lakshamanan ay naghintay lang dahil ang bilin sa kanya ay bantayin si Sita.
Nangamba si Sita ng tumagal ng hindi pa bumabalik si Rama kaya pinilit niya
si Lakshamanan na hanapin si Rama. Ngunit hindi siya pumayag kaya nagalit
pinaratangan ni Sita si Lakshamanan na sakim at gusto niya lang mamatay
ang kanyang kapatid upang siya ang maging hari. Nasaktan si Lakshamanan
sa narinig niya kaya hinanap niya si Rama at iniwan si Sita. Biglang lumabas
si Ravana at nagpanggap bilang isang matandang paring Brahmin ngunit hindi
siya nakapagpigil kay Sita at inalok siya na limang libong alipin at gagawing
reyna ng Lanka kaya biglang natakot at tinulak niya si Ravana. Bumalik sa
anyong higante at isinakay si Sita karwahe na may mga kabayong malalapad
ang pakpak. Nasundan naman sila ng isang agila ngunit pinagtataga lang ito
ni Ravana. Bumagsak ang duguang agila sa lupa at nakita nila ito kung saan
sinabi ng agila ang nangyari. Humingi ng tulong si Rama sa hari ng mga
unggoy at naghanda upang salakayin ang Lanka. Nagkaroon ng labanan kung
saan maraming kawal na unggoy ang namatay ngunit mas maraming higante
ang bumagsak na pugot ang ulo. Matagal na naglaban naman sina Rama at
Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Umiiyak na

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 8 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
tumakbo si Sita at niyakap ng mahigpit si Rama at muli silang nagsama ng
maligaya.

IBA’T-IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD

Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang
magugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at
Lagom o Sinopsis.

Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang


Griyego na “parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag."

Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto,


kadalasan ng piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.
PAM ANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD
a. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.

b. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at


pinakamahalagang kaisipan ng talata.
c. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
d. Gumamit ng sariling pananalita.
e. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda

KATANGIAN NG PAGBUBUOD
a. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.

b. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili nating
mga salita.
c. Ito ay pinaikling teksto.

Ang pag-uugnay ng impormasyon naman ay ginagawa upang mas


maintindihan ang tekstong nais ipahayag. Dito maaari tayong maglagay ng
sarili nating opinyon. Maari tayong magsadula dito para mas malawakang
maintindihan ang impormasyon na ikinakalap.

Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga


upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng
teksto. Sa Filipino, ang pang-ugnay naito ay kadalasang kinakatawan ng pang-
angkop, pang-ukol at pangatnig.

1) Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 9 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223
Halimbawa: mapagmahal na harimabuting kapatid

2) Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba


pang salita sa pangungusap.

Halimbawa: sa ayonsa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol sa/kay Alinsunod


sa/kay para sa/kay Laban sa/kay tungkol sa/kay

3) Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita,


parirala, o sugnay.
4) Pagbibigay sanhi/bunga
Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil sa kanyang
pagpupursiging mag-aral.
5) Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat:
Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat.

 PAGBUO NG SARILING PAGSUSURI BATAY SA IM PORM ASYON

IBA’T-IBANG URI NG OBSERBASYON

 Natural na Obserbasyon - kalakip dito ang pagmamasid sa mga natural na


paguugali ng obserbasyon sa isang normal na sitwayon.
 Personal na Obserbasyon - may kinalaman sa damdamin at opinyon ng
tagamasid batay sa sariling danas kaugnay ng isinasagawang saliksik.
 Direktang Partisipasyon - nakikita ng taong inoobserbahan ang tagamasid.
 May Estruktura at Walang Estruktura
- May sistematikong patnubay
- Eksploratoryo

URI NG PANAYAM

 Impormal na panayam
- walang nakahandang katanungan
- tila nagkukwentuhn lamang
 Panayam na may Gabay
- gumagamit ng mga gabay ng tanong
- mas may pukos kaysa sa impormal ngunit magaan pa rin ang daloy ng
panayam.
 Bukas o matayang panayam
- malaya ang daloy ng panayam
- malayang nasasagot
 Panayam batay sa mga inihandang tanong at sagot na pinagpipilian
- pare-pareho ang mga tanong at hinahayaang pumili ng sagot ang
kinakapanayam mula sa mga nakalatag na sagot.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 Accounting Information June 2020
Polytechnic Date Revised: Page 10 of 10
System
College July 2020
Kontekstwalisadong Developed by:
Komunikasyon sa Document No. Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
20-Fil 223
Filipino 223

You might also like