Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO

May dalawang mag-asawa na sina Sophia Rodriguez at si Mark Rodriguez silang dalawa ay taga
pilipinas at naninirahan sila sa Quezon City. Isang araw si Sophia ay may nakita sa kanyang
“social media”, at ang nakita lang naman niya ay ang bansang Africa kung saan maraming
magagandang lugar, masasarap na pagkain, at mga nakakamanghang kultura. Nang makita niya
ito ay dali-dali niya itong pinakita sa kanyang asawa na si Mark at sinabi niyang “mahal punta
tayo sa Africa, tignan mo, andaming magagandang lugar at marami pang iba at ang sabi naman
ni Mark sa kanya ay “ napakagastos mo naman, madami naman magagandang lugar sa
Pilipinas“. At nagalit ang kanyang asawa sa kanya at hindi siya kinausap buong araw, at
kinagabihan ay hindi parin sila nag-uusap kaya sinabi ni Mark sa kanyang asawa “kausapin mo
na ko at pupunta na tayong Africa”. At tuwang tuwa naman si Sophia at niyakap niya ang
kanyang asawa. At pumunta na nga sila ng Africa at namangha sila dahil sobrang ganda nito,
hindi nila alam ang mga lugar sa Africa kaya naman naghanap sila ng “tourist guide”, silang
dalawang mag-asawa ay isang turista sa Africa. Nagsimula nilang libutin ang mga lugar sa Africa,
inuna nilang puntahan ay ang Victoria Falls, napakaganda naman dito ang sabi ng Sophia at
tumango naman si Mark sa sinabi ng kanyang asawa. Nagsalita ang kanilang “Tourist guide” na
si Michael at sinabing niyang maganda talaga sa Victorina Falls at sinabi din ni Michael na ang
Victorina Falls ay naka locate sa pagitan ng Zambia North at Zimbabwe South. Ito ay nag
sisilbing border sa pagitan ng dalawang lugar na ito. Namangha naman ulit si Sophia sa sinabi ni
Michael at sumunod naman nilang pinuntahan ay ang Mount Kilimanjaro, nang makita ito ni
Mark ay namangha siya sa taas ng bundok nito at sinabi na “mahal tignan mo, ang ganda ng
bundok na ito” at si Sophia naman ay nakatingin lang sa bundok dahil nagulat siya sa taas ng
bundok na ito. At nagsalita naman ulit si Michael at sinabi na ito ay ang Mount Kilimanjaro ito
ay ang pinakamataas na bundok sa buong kontinente ng africa. Kahit sino ay maaring umakyat
sa bundok na ito kung kanyang kakayanin. “Mahal tara akyatin natin ang bundok na ito” ang
sabi ni Mark habang kumikinang ang mga mata nito at si Sophia naman ay walang patumpik
tumpik na sinabi na“Sige mahal akyat tayo, gusto ko makita ang view pag nasa pinakatuktok na
tayo”. At umakyat na nga sila mag asawa sa bundok Kilimanjaro, nang nasa tuktok na silang
mag asawa ay sila ay namangha at gandang ganda sila sa kanilang nakita at pagkatapos nila sa
bundok ay dinala naman sila ni Michael sa Kruger National Park. Sinabi ni Michael na ang kruger
National Park ay isa sa pinaka malaking lupain sa Africa na tinitirhan ng maraming hayop. Ang
Kruger national park ay ang kauna unahang itinatag na national park noong 1926. Nang
matapos magsalita si Michael, nagsalita naman si Sophia at sinabi nito kay Michael na “Wow!
Michael anlalaki ng mga hayop dito, hindi katulad sa Pilipinas” at ang sagot naman ni Michael
ay Opo, sa Africa po talaga ay malalaki ang mga hayop. “HAHAHAH Mark tignan mo, ayan ata
ang nawawala mong kapatid” ang sabi ni Sophia habang tumatawa ng malakas at at sabi naman
ni Mark ay “Uyy nanay mo ba yun? Kamukha mo kasi eh” sabay turo sa hippopotamus habang
humahalaghak at si Sophia naman ay nainis sa kanyang asawa kaya nanahimik na lang ito. “Hoy
ano ka ba, nagbibiro lamang ako, hindi mo kamukha yun dahil napakaganda mo”. Si Michael
naman ay napatingin lang sa mag – asawa at ngumiti, si Michael ay isang kalahating African at
kahaliting Pilipino. Biglang napasabi si Sophia ng, “Mahal gutom na ako, pwede kumain na
tayo?”, “ahh ganon ba mahal sige, Michael saan ba may malapit na kainan dito? At ang sagot
naman ni Michael ay, “Meron po akong alam na kainan dito malapit”. “O siya sige tar ana,
gutom na daw ang aking asawa”. At pumunta na sila sa kainan at ang pangalan ng kainan ay
“Tina’s meat you to eat”, pumasok sila dito at pagpasok palang nila ay amoy na amoy na nila
kung gaano kabango ang mga pagkain, lumapit ang isang waiter sa kanila at binigyan sila ng
menu. Sinabi ng mag – asawa na si Michael na daw ang pumili sa kanila ng kanilang kakainin,
dahil may mas alam siya dito kaysa sa kanila. Tinawag ni Michael ang waiter, “Isang order nga
po ng Piri Piri chicken at isa na rin pong order ng Jollof rice at egusi soup”. Yun lang po ba? Ang
tanong ng waite, at tumango na lamang si Michael dito, at makalipas ang 15 minuto ay handa
na ang kanilang pagkain at amoy palang ng mga pagkain ay natatakam na ang mag asawang
Sophia at Mark. Unang tinikman ng mag – asawa ay ang Piri piri chicken ng matikman nila ito ay
sarap na sarap sila dito. “Michael ano ba tong Piri kineme na to? Baket ang sarap naman nito”
at sumagot si Michael “Ang piri pri chicken po ay kilala bilang inihaw na manok at ito po ay
tradisyunal na inihahain kasama ng matapa, isang ulam na dahoon ng kamoteng kahoy na
niluto sa isang peanut butter”. “Ay wow bongga naman pala, sobrang sarap niya like legit, diba
mark” ang sabi ni Sophia at si Mark ay tumango na lamang dahil iniisip niya kung gaano kasarap
ang pagkain, at ang sunod naman nilang tinikman ay ang isang inorder ni Michael sa kanila na
ang pangalan ay Jollof rice at egusi soup. Nang tikman naman ng mag – asawa ito ay namangha
sila sa lasa nito.

You might also like