Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Bugtong, Johann Paul L.

February 29, 2022

Panitikan/Crim (2:00-3:00)

Panuto: Ano ang nais ipahiwatig ng kwentong bayan na “Ang Bobong


Prinsipe”? (10pts.)

Ang nais ipahiwatig ng kwentong bayan na ito ay minsan mahirap kalabanin ang klase ng taong tulad
ng bobong prinsipe, dahi meron silang mga kapilyohan o kalokohang mga paraan tulad na lamang ng
pagpilosopo ng prinsipe sa kanyang amang Hari. Nais din ipahiwatig nito na kahit ang isang bobong tao
tulad ng prinsipe ay may kahusayan rin ngunit sa kapilyohan o ibang paraan.

Gawain 2. Ipaliwanag ang mga Salawikain. (10pts.)

1. Walang lumurang patingala


Na di sa mukha niya tumama.
2. Ang namamali’y aralan
Huwag pag-upasalan.
3. Gumagapang ang kalabasa
Naiiwan ang bunga.
4. Ang gawaing kamihasnan
ay mahirap malimutan.
5. Pag-aasawa’y di kaning isusubo
Na iluluwa pag napaso.

Paliwanag:

1. Wag ugaliin ang pamimintas sa kapwa, dahil ang pinipintas mo ay


maaring bumalik ng doble sa sayo.
2. Ang pagkakamali natin ay wag nating hayaang ito ang sumira sa atin o
sa iba, bagkos gawin natin itong aral sa atin at sa iba.
3. Kagaya na lamang sa politiko, puro pangako sa mga tao sa ibat-ibang
lugar pero iniiwan lang din ang mga pangako kung saan-saan.
4. Ang mga gawaing ating nakasanayang ginagawa ay mahirap kalimutan,
sapagkat ito ang pang araw-araw nating ginagawa at ito an gating
nakaugaliang ginagawa.
5. Ang pag-aasawa ay hindi laro, kailangan natin itong pag-isipan ng
mabuti dahil malaki ang responsibilidad na ating gagampanan dito.
Siguradohin natin na tama ang tao na ataing napili bago pakasalan
upang maiwasan ang pagsisisi sa bandang huli.

2. Ano ang kulturang nakapaloob sa kwentong bayan na “Ang Ignorante,


Pobreng Lalaki at ang Pari” (10pts.)
-Ang kulturang nakapaloob sa kwentong bayan na ito ay ang pagiging
madasalin, subalit ang pagdadasal na ipinakita sa kwentong bayan na ito ay
mali at kulang. Magdasal tayo at humingi ng pangangailangan pero gumawa
tayo ng paraan at tayo’y gagabayan ng ating panginoon. Dahil hindi nabibigay
ng diretsahan an gating dasal lalo na kung pera.

3. Ibigay ang implikasyon ng akdang si Pilandok at ang Batingaw sa ating


lipunan. (5puntos

- Sa ating lipunan ay may mga taong kagaya ni pilandok, mga taong


tamad maghanapbuhay na ang pagloloko ng kapwa nila ang siyang
ginagawang pagkakakitaan. Gaya ni pilandok na niloko si Somusun
dahil sa isang sakong ginto na kanyang makukuha. Maihahalintulad
natin si pilandok sa ating lipunan kung saan maraming mga tao o
politiko ang niloloko ang kapwa upang makuha ang mga bagay na
gusto nila, kagaya ng pera.

PAGSASANAY

1. Talakayin ang mga sumusunod na akda: (15pts.)


A. Doctrina Cristiana
- Doctrina Christiana isang maagang aklat ng Romano Katoliko katesismo,
isinulat ni babagan Juan de Plasencia, at ay pinaniniwalaan na isa sa
pinakamaagang mga libro na nakalimbag sa Pilipinas, noong 1593. Ang
Doctrina Christiana ay kapansin-pansin na hindi lamang para sa pagkakaroon
ng pag-naka-print sa tulad ng isang maagang edad sa isang elaborated Gothic
font ng wikang Espanyo ngunit din para sa mga kopya na ginawa sa Tagalog
bersyon, parehong sa Latin script at angkaraniwang ginagamit na script
Baybayin ng natives sa oras, kasama ang pagsasalin ng isa pangginawa sa
tradisyonal na Tsino wika.Sa pre-Espanyol na teksto ng wika
pangharap:"Doctrina Christiana en Lengua Espanola Y Tagala corregida Reglos
por Los Religiosos de lasOrdenes Impressa salungat Licencia en (San) Gabriel
de las Orden de (Santo) Domingo. EnManila, 1593. "Sa wikang
Ingles:"Christian doktrina sa Wika Espanyol at Tagalog, na may tamang mga
panuntunan para saRelihiyosong Order. Naka-printa na may lisensiya sa Saint
Gabriel ng Banal Dominican Order. Sa Manila, 1593."May ilang kontrobersya
tungkol sa kung aling ng mga bersyon ay ang unang aklat ng
EspanyolPilipinas, na may ilang mga iskolar na paniniwalang na Tsino na
bersyon ng wika na maypamagat na Doctrina Christiana en letra y lengua
China (Wuchi t'ien-chu Cheng-chiao Chen-Chuan shih- Lu) sa pamamagitan
ng babagan Miguel de Benavides, op ay naka-printa sa 1590 sa1592 ng mga
Intsik Keng Yong printer sa Manila bago ang Espanyol at Tagalog bersyon.Isa
sa pinakamaagang mga sanggunian sa parehong mga bersyon ay mula sa
Gómez Pérez Dasmariñas, ang ikapitong gobernador-pangkalahatang ng
Pilipinas, na nagsulat ng sulat sa Philip II ng Espanya sa Hunyo 20, 1593.

Ang libro ay binubuo ng 38 dahon at 74 na mga pahina ng teksto sa


Espanyol, Tagalogtransliterated sa roman titik, at Tagalog sa Tagalog character
(Baybayin Script), sa ilalim ngtabas ng kahoy ng St. Dominic, gamit ang
kaliwang pahina ng aklat na orihinal na blangko,bagaman sa
kontemporaryong bersyon bear manuskrito inskripsyon, "Tassada en dos
reales",sign Juan de Cuellar.Literal na isinalin mula sa Espanyol bilang
"Kristiyano doktrina" ang pangunahing layunin ngaklat ay upang palaganapin
ang Kristiyano aral sa buong kapuluan ng Pilipinas. Mga KaraniwangKatoliko
vocal panalangin ay kasama sa libro. Pagkatapos pantigan ay ang pater Noster,
nasinusundan ng ang Ave Maria, kredo, pamahid na pomada Regina, Artikulo
ngPananampalataya, Sampung Utos, Utos ng Banal na Iglesia, Sakramento ng
Banal ang Iglesia,Pitong mortal kasalanan, LABING-APAT Works ng
Charity, Pangungumpisal at katesismo .Misyonero ama inilagay ang Doctrina
kabilang ang mga aklat na kinakailangang magkaroon sanaka-print sa mga
banyagang lupain. Dahil dito, ang mga Pilipino na aklat ay pareho sa naka-
print sa Mexico sa 1539 sa Espanyol at mga lokal na Mexican tungkol sa
katutubong wika, nasinusundan ng St Francis Xavier "Doutrina Christão" sa
Malay wika na naka-print ng mgaHeswita pindutin sa Goa, sa Indya, sa 1557.
Isa pang Doctrina ay naka-print sa Espanyol at mgakatutubong wika sa Lima
noong 1584.Pisikal na katangianAng libro ay nakalimbag sa papel na ginawa
mula sa halaman ng malberi papel. [3] Ang laki ng
volume, na walang balat, 9 ⅛ sa pamamagitan ng 7 pulgada, bagaman ang
mga indibidwal na
dahon ay nag-iiba medyo dahil sa Chipping. Ang ilan sa mga dahon ay naging
pinaghihiwalaymula sa kanilang mga Papuri, ngunit sapat na mananatili sa
orihinal na stitching upangipahiwatig na ang libro ay orihinal na ginawa sa
apat na pagtitipon, ang unang ng labindalawangdahon, ang pangalawang ng
sampung, sa ikatlong ng sampung, at ang ika-apat ng anim. Kahitna ang libro
ay ng laki na tinatawag na kwarto, ang paraan ng pag-print ay dapat ayon
sapahina, kaya ito ay nagdududa na ang bawat sheet ay nakatiklop nang
dalawang beses sakaraniwang paraan ng kwarto, ngunit mas malamang
mangyari na ito ay naka-print na apat na
mga pahina sa isang sheet ng papel tinatayang 9 ⅛ ng 14 pulgada, na kung
saan ay sabay-sabay na nakatiklop.

B. Pasyon

Ang pasyón ( pasion) ay tulang pasalaysay ng buhay, kamatayan, at


muling-pagkabuhay ni Hesukristo. Sa kabuuan, ang pasyon bilang isang
likhang pampanitikan ay pangunahing nagtatampok sa salaysay ng paghihirap
ni Hesus. Bilang isang tula, ang anyo ng saknong ng pasyon ay binubuo ng
limang taludtod, katulad ng quintilla ng mga Espanyol, ngunit may isahang
tugma at bawat taludtod ay may sukat na wawaluhin. Nakabatay sa pasyon
ang dulang senákuló na itinatanghal din kung Mahal na Araw.

Itinuturing na unang patulang pasyon sa Filipinas ang Mahal na Passion


ni Jesukristong Panginoon Natin na Tola (1703) Gaspar Aquino de Belen, isang
makatang taga-Rosario, Batangas na naglingkod sa imprenta ng mga Heswita.
Inilathala ito karugtong ng salin niya sa Recomendacion del alma, isang
manwal hinggil sa paghahabilin ng kaluluwa ng naghihingalo. Ito ang dahilan
kung bakit maikli ang pasyon ni Aquino de Belen at sumasaklaw lámang sa
huláng yugto ng sakripisyo ni Kristo sa Kalbaryo. Ang naging popular at
mahabàng pasyon ay ang Casaysayan nang Pasiong Dapat Ipag-alab nang
Sinomang Babasa (1882) na kilala rin sa tawag na Pasyong Pilapil at Pasyong
Henesis. Itinuring itong Bibliya ng mga Kristiyano sa panahong nakalimbag
lamang ang Bibliya sa Latin at hindi ipinababasa sa mga katutubong
binyagan. Inaawit ito tuwing Kuwaresma at kayâ naisasaulo noon ng marami.

C. Awit at Korido

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang
madalingmapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan
naman angkanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na
awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga
manunulat at mambabasa.Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at
nakakatuwang libangan.Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong
ng mga ito ay maynatatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga
pantig. Ang Korido aysalaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang
malabayani na punung-puno ngkababalaghan. Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at
pakikipagsapalaran ngunit ang mgatauhan at walang sangkap na kababalaghan.Sa
kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar.
Siyamarahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang
kaniyangsubversive work ay sa anyong Florante at Laura.

Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga


mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgascensura dahil nagbalat-kayo na ang mga
unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoongmambabasa ito'y may maraming
tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa imespanya.Isa sa mga halimbawa ng
korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito aytumatalakay sa mga
pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral satotoong buhay.
Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na
kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulatnito.
Sinasabing ito ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil
dito,ang Ibong Adarna ay tinawag na sanaysaying-bayan.

PAGSASANAY

I. Maglahad ng lima sa mga payo ni Urbana na iyon daw ang nararapat na


maging gawi ng kanyang kapatid na lalaki. (10pts.)

1. Kung may papasok na pari o punong-bayan, mahal na tao, o matanda ay


tumindig, magbigay galang at huwag mauupo kung hindi pinag-uutos.
Ang galang na ito ay hindi dapat ikahiya sapagkat ang kagalangan ay
kapurihan ng gumagalang at hindi ang iginagalang.

2. Kung tinatanong ng maestro ang ibang bata, huwag sasagot at kung


natatanong nama’y tumindig muna at saka sumagot.

3. Pagbilinan mo na mag-aral siyang huwag managhili sa maririkit na


gayak, karunungan, kayamanan, kamahalan ng kapwa bata sapagkat
kapintasan sa kanyang asal. Pagbilinan mo ring huwag magsalita ng
nangyari sa bahay, ng ikamumura sa kapwa tao, at huwag ipapanhik
ang nakikita sa paaralan, sa lansangan, sa kapwa bata lalo pa’t ang mga
ito ay nauuwi sa paninira ng puri.

4. Kung siya ay nagsasalita at ayaw paniwalaan ng kausap, ay huwag


patutuhanan ng sumpa, sapagkat ang manumpa ay walang kabuluhan
at tanda ng kabulaanan.
5. Sa anumang utos ng maestro o maestra na naaayon sa matuwid ay
huwag, di umalinsunod at kung sakali’t maparusahan ay huwag
magbubugnot at matamisin sa loob ang parusa at nang huwag makitaan
ng kapalaluan.

PAGSASANAY

Palawakin ang Kaalaman

1. Sa inyong palagay, ano ang nais ipahatid ni Francisco Baltazar nang


talakayin niya sa “Florante at Laura” ang pagtulong ni Aladin na isang
Muslim kay Florante na isang Kristiyano? Magbigay ng konkretong
halimbawa (10pts.)

1. Lapatan ng mga salawikain ang mahahalagang pangyayari sa “Florante


at Laura”. (10pts.)

2. Anong uring anak si Donya Maria? May mga anak pa bang katulad niya
sa kasalukuyan? Patunayan. (5pts)
3. Suriin ang kulturang nakapaloob sa koridong Buhay na pinagdaanan ni
Maria sa Ahas ihambing sa mga kuwentong bayan. (30points.)

4. Ano ang nais iparating ng akdang si Barlaan at Josaphat? (20points.

You might also like