Professional Documents
Culture Documents
Filipino Paksa 3
Filipino Paksa 3
Isang maalab na pagbati sa iyo! Iyong nakilala na nga ang mahahalagang terminong pangwikang
tinalakay sa nakaraang aralin tulad ng Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, at Multilinggwalismo.
Tunghayan mo ang iyong sa modyul sa linggong ito. Ang modyul na ito ay idinisenyo upang makilala
ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan. Naglalaman din ito ng kawili-wiling aralin at mga gawain na
lilinang sa iyong kaalaman sa lalo mo pang ikatututo at ikalalalim sa pag-unawa mo sa aralin.
ALAM MO BA ?
Tinatawag na Lingua Franca ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan. Ito ang wikang
ginagamit upang lubos na magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang komunidad. Sa Pilipinas, itinuturing
na Filipino ang Lingua Franca. Batay sa pag aaral na isinagawa ng Unibersidad ng Ateneo sa Manila noong
1989, napatunayan na ang Filipino ay isa nang ganap na Lingua Franca. Sa Pilipinas, 92% ang nakakaunawa
ng Filipino, 51% ang nakakaunawa ng Ingles, at 41% ang nakakaunawa ng Cebuano
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, "Ang Wikang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa Metro
Manila, Pambansang Punong Rehiyon, at sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong
wika para sa iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag"
https://www.coursehero.com/file/43051696/WIKA-Kahulugan-Katuturan-Katangianpptx/
Basahin at Unawain
Ang pinakadiwa ng lipunan ay ang wika. Marami ang mga gamit o tungkulin ang wika sa lipunan. Ang
wika rin ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang
mahalagang gamit nito sa lipunan.
1
Ngayong araw na ito ay pag-aaralan natin ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K.
Halliday. Sino nga ba si M.A.K. Halliday? Si Micheal Alexander Kirkwood Halliday ay isang bantog na iskolar
mula sa Inglatera. Naging malaki ang ambag niya sa mundo ng linggwistika. Siya rin ang nagpanukala ng
systemic functional linguistics.
1. Instrumental - Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
Halimbawa:
a. Liham b. Patalastas
2. Regulatoryo - Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol o sa paggabay ng ugali ng iba.
2
3. Interaksiyonal - Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa.
Halimbawa:
5. Heuristiko - Ang tungkuling ito ay ang pagkuha o ang paghahanap ng impormasyon o datos.
Halimbawa: Pakikipanayam
6. Impormatibo - Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito ang pagbibigay ng impormasyon o datos sa
paraang pasulat at pasalita.
Halimbawa: Pag-uulat
3
Narito naman ang iba pang gamit at tungkulin ng wika ayon kay Jakobson (2003),
Matapos mong malaman ang iba't ibang tungkulin ng wika ayon sa dalawang dalubhasa, marahil ay
naiba na ang pananaw mo sa wika. Hindi na natin ito titingnan bilang isang normal na bagay na
ginagamit pang-araw-araw kundi isang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.