Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Magandang hapon sa inyong lahat lalong lalo na sa ating pinakamagandang guro miss orsal at

sa minamahal kong kapwa estudyante. gusto ko lamang mahingi ang inyong mga tainga at
mata. syempre bago ko simulan ang aking talumpati gusto ko lamang makarinig ng palakpakan
at sigawan ( maraming salamat)

Ako nga pala ang bagong luklok na pangulo na si Andrew Caparas


Alam kong maraming mga problema na kailangan solusyunan sa ating bansa kaya hayaan
ninyong mapakinggan ang aking hinain..

Iisa isahin ko ang mga problema sa ating bansa isa narito ang korapsyon,droga at sex
education at lalong lalo na ang kahirapan.

Unahin natin sa korapsyon Maraming mga politiko na abusado dahil sa kanilang pwesto at
kapangyarihan
Ano nga ba ang dapat gawin para mapigilan natin ito. Syempre una Maiiwasan ang korapsyon
sa bansa kung magiging matalino tayo sa pagpili ng mga uupo sa pwesto. At aking ipapatupad
na batas ay kung sino man ang magkasala sa kasong korap ay hahatulan ng habang buhay na
pagkakakulong at kamatayan dahil ang mga taong nangungurap sa ating bansa ay dina dapat
nabubuhay pa sa mundo.charr..

At ikalawa naman ay droga o ipinagbabawal na gamot. Ang aking solusyon ay magpapatayo


ako ng programang about sa droga at magpapadagdag ako ng kapulisan sa mga barangay. At
magtatayo din ako ng programa para sa mga kabataan para hindi na nila naisin pa na gamitin
ang mga ipinagbabawal na gamot at

At ikatlo ay ang sex education alam naman natin na mahirap wakasan ang ganitong problema
pero kaya natin itong solusyunan kung sama sama tayong makikiisa. Sa mga pang
programang gobyerno. Magbibigay ako ng programang sa mga barangay tungkol sa sex
education para matigil at mawakasan o umunti na ang mga gumagawa nito. malaking tulong ito
sa mga kabataan lalo na ngayong face to face class na.

At last but not the list ang KAHIRAPAN Ang kahirapan ay isang katayuan, ito din ay isang
matinding problemang kinakaharap ng ating bansa. Sabihin man nating nakakasabay tayo sa
pag-unlad pag dating sa teknolohiya, di natin maikakaila na maraming pamilya ang nagugutom
at naghihirap sa ating bansa at marahil ito sa kanilang iba’t ibang kadahilanan. Kaya ang aking
solusyon para sa ikabubuti ng lahat ay syempre simulan mo sa iyong sarili kumilos ka wag
mong iasa sa gobyerno lahat at ikalawa naman ay mag aral ka nang mabuti sapagkat yan
lamang ang daan patungo sa magandang kinabukasan mo para sa sarili mo at huli ay may free
education ang ginawa para sa mga walang kakayahang mag aral kaya magsumikap at
matiyaga para makaahon ka sa kahirapan.

Yun lamang maraming salamat sa pakikinig.

You might also like