Mga Tiyak Na Tuntunin Sa Gamit NG Walong Letra PDF

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8) Letra

1. Letrang C
Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo.
calculus
chlorophyll
cellphone
carbohydrat
es de facto
corsage
Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K
kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may
letrang C.
c→s
 participant →partisipant
 central →sentral
 census →sensus
 circular →sirkular

c→k

 magnetic →magnetik
 card →kard
 cake →keyk
 empirical →empirikal

2. Letrang Q
Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
quo vadis
quotation
quad
quartz
quantum
opaque

Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/, at ng


letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang Q.

q → kw

 quarter →kwarter
 sequester →sekwester
 equipment →ekwipment

q→k
 quorum →korum
 quota →kota
 querida →kerida

3. Letrang Ñ
Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo.
La Tondeña
Santo Niño
El Niño
Malacañang
La Niña
coño
Palitan ang Letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram
na salitang may letrang Ñ.

ñ → ny

 piña →pinya
 cariñosa →karinyosa
 cañon →kanyon
 paño →panyo
 bañera →banyera

4. Letrang X
Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
axiom
wax
export
exodus
xylem
praxis

Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino
ang hiram na salitang may letrang X.
x → ks

 experimental →exsperimental
 taxonomy →taksonomi
 texto →teksto
 exam →eksam

5. Letrang F
Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.

Tofu (Nihonggo) ‘tokwa’ Fraterniti


Futbol Fuddul (Ibanag) ‘maliit
French fries na burol’
Fasiliteytor Foto
Lifeguard Fokus

6. Letrang J
Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
jam sabjek
juice jaket
majahid (Arabic) jornal
‘tagapagtanggol ng objek
Muslim’ bajet
jantu (Tausog) ‘puso’
7. Letrang V
Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.

vertebrate
varayti
verbatim
volyum video
valyu

8. Letrang Z
Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita. zebra
magazin
zinc
bazaar
zoo
bazuka

Source: Coursehero - Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Letra

Ano itong 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra?


Ang 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra ay revisyon ng
tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra—C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z—na nakapaloob
sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na binuo ng Linangan ng mga
Wika sa Pilipinas. Ang ibang mga tuntunin sa ispeling sa Patnubay ay hindi binago nang ganap.
Lubhang nagging masalimuot ang pagpasok ng walong dagdag na letra sa alfabeto ng Wikang
Filipino. Kaya masusi itong pinag-aralan at pinagtuonan sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at
Tuntunin sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Layunin ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra na makabuo ng
mga tuntunin sa ispeling na gagabay sa panghihiram ng mga salita sa pagsasalin ng pasalitang
wika tungo sa nakasulat na anyo. Ang proyektong ito, kung gayon, ay mag-aambag sa
istandardisasyon at elaborasyon ng pambansang wika.

Source: 2001revisyon.blogspot.com – Filipino: 2001 Alphabet Revision and Spelling Guide

Pinasa ni: Edric Angelo E. Bason

You might also like