Isa ang paglalakbay sa mga bagay nag nakapagbibigay ng magagandang ala-ala sa
ating buhay.Marami akong lugar na napuntahan ngunit di talaga mawala sa aking isip ang magandang resort na napuntahan ko sa bacolod at ito ay ang Campuestohan Highland Resort.Sabay sa mga magagandang tanawin, ang kanilang swimming pool ,ziplines , bubble baths, at mga malalaking sculptures ng mga dinosaurs.Matatag puan ito sa pinakatuktok ng bundok kung saan malamig ang klima doon at matatanaw mo ang buong paligid mula sa itaas.Maari itong maging perpektong lugar upang mag bakasyon ang buong pamilya at magsaya sa lugar na ito. Marami pang mga lugar ang magandang putahan ngunit inererekomenda ko na puntahan ang resort na ito dahil sa magaganda din ang mararanasan at ang mga bagay na makikita dito. Sa aming pagpunta ay nag renta kami ng isang bus kasama ang buong pamilya.Dalawang oras ang biyahe dahil masyadong matarik ang daan papunta sa resort.Habang nag babyahe naman ay nag uusap kami ng aking pinsan kung gaano kami ka exited makita ang magandang resort.Nakarating kami dito ng ligtas at walang problema salamat sa mamang driver na nag hatid samin. Bago ang lahat, nagbayad muna kami ng entrance fee sa kahera upang makapasok,nag renta ng cottage at nag simulang magsaya sa malamig na tubig sa resort.Sinubukan din naming mag-ikot sa resort kasama ang aking pinsan, kumuha ng mga litrato,sumakay sa kanilang ziplines at mag tampisaw sa kanilang bubble bath. Masayang karanasan ang makapunta sa lugar na iyon , pagkatapos nito ay sabay sabay kaming kumain at patuloy na maligo hanggang magdamag dahil sa malamig na tubig,iniida lang ang ginaw para makapag tampisaw at lubos-lubusin ang natitirang oras.Bago umuwi ay kumuha kami ng litrato ng isang malaking elepante bilang isang memorabilia sa pagpunta namin sa resort. Sadyang masaya talaga ang paglalakbay.Hindi kalang makakapunta sa iba’t-ibang lugar,kundi mararanasan din ang mga magagandang karanasan na talagang masarap balik balikan.Maraming mga bagay ang makapagbibigay saya sa atin sabay na ang mga ala- alang hindi malilimutan.Marapat lamang na tayo ay maglaan ng panahon at mag lakbay upang makita ang iba’t -ibang lugar at maranasan ang iba’t-ibang mga bagay.