FIL 12 (Akademik)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

Modyul sa Filipino

Unang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 1:
Akademikong Pagsulat at Mga
Halimbawa nito
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Akademikong Pagsulat at Mga Halimbawa nito
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Mary Ann F. Vidallo at Mary Rose Anne D. Gerundio

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba at Rene Jhon C. Carumba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Nakagawa ka na ba ng isang papel-pananaliksik? O kaya naman ay isang

pananaliksik lamang sa iyong takdang-aralin? Sa paggawa mo ba ng mga ito ay malinaw
ba sa iyo na ito ay mga halimbawa ng sulating akademik? Ano ba ang kahulugan ng
sulating akademik? Ano-ano ba ang mga layunin, katangian, gamit, at anyo ng isang
sulating akademik?

Ang sulating akademik ay isa sa pinakamabisang paraan para matutuhan kung

paano magiging malaman ang iyong pagsusulat. Tutulungan ka ng modyul na ito para
malinang ang kasanayan ukol dito. Ito ay nahahati sa dalawang aralin: Una ay ang
Pagbigay ng Kahulugan sa Sulating Akademik at ikalawa ay ang Pagkilala sa iba’t
ibang akademikong sulatin ayon sa Layunin, Gamit, Katangian, at Anyo. Handa ka
na ba? Kung gayon, halina at magkasama nating sagutin ang mga gawain at
pagsasanay.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Nasasabi ang ilang pananaw sa pagsulat;
2. Natutukoy ang mga konsepto ng Akademikong Pagsulat; at
3. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin.

Subukin

Gawain 1
Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang letra ng tamang sagot
sa patlang.
1. Ano ang tumutukoy sa artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at
nararamdaman sa paraang nakalimbag?
a. pakikinig B. pagsulat C. pagbabasa D. pagsasalita
2. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng pananagutan sa pagsulat ng akademikong
sulatin?
A. Gumamit ng pormal na salita at iwasan ang balbal at kolokyal.
B. Dapat bigyan ng nararapat na pagkilala ang nakalap na impormasyon o
datos.
C. Dapat ang mga impormasyon ay may sapat na datos upang hindi maging
subhetibo ang sulatin.
D. Kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkasunod–sunod at
pagkakaugnay–ugnay ng mga pangungusap sa sulatin.
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI halimbawa ng akademikong
gawain?
A. Totoong nakagigising ang musikang tinutugtog sa radyo ngayon.
B. Mahilig makinig ang mga mag–aaral sa talakayan ng kanilang mga guro.
C. Pinasusuri ni G. Valenzuela ang pelikula batay sa pamagat, mga tauhan,
buod, at tema.
D. Magkakaroon ng Symposium sa AVR tungkol sa Cancer Awarenes ang mga
mag-aaral ng Senior High School.
4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang katangian ng di-akademikong gawain?
A. Ang di–akademikong gawain ay obhetibong paglalahad.
B. Hindi ito direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay,
ideya, at katotohanan.
C. Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat.
D. Nagbibigay ito ng ideya at impormasyon.

1
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang katangian ng akademikong gawain?
A. Naipahahayag ni Jacob ang kaniyang nararamdaman sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga nonfiction na akda.
B. Isinalaysay ng guro ang kaniyang sariling karanasan sa pag–unlad ng
kaniyang buhay.
C. Pinabasa ni G. Marcos ang “Hindi Ngayon ang Panahon” ni Rogelio Sikat sa
mga mag-aaral at ginawan ito ng mga mag–aaral ng buod.
D. Maraming tumangkilik na mag–aaral sa palabas nina Empoy at Alessandra
na pinamagatang “Kita Kita.”
Gawain 2
Panuto: Punan ng wastong kasagutan ang bawat bilang.

AKADEMIKO DI–AKADEMIKO
6. Layunin Layunin
Magbigay ng sariling opinyon
7. Paraan o batayan ng datos Paraan o batayan ng datos
(magbigay ng isang halimbawa) Sariling karanasan, komunidad,
pamilya
8. Awdyens (magbigay ng isang Awdyens
halimbawa) Iba’t ibang publiko
9. Organisasyon ng ideya Organisasyon ng ideya
Hindi malinaw ang estruktura
10. Pananaw Pananaw
Obhetibo

Aralin
Akademikong Pagsulat at
1 Mga Halimbawa nito
Ang pagsusulat ay isa sa mga moda ng wikang dapat mahubog sa mga mag-
aaral. Ito ang nagsisilbing kadluan ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao sa
pagpapabatid ng mensahe sa kaniyang kinakausap o kakausapin. Sa pamamagitan ng
pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, ideolohiya, at layunin ng
isang tao sa tulong ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa
makabuo ng isang sulatin.
Sa bawat moda ng wika o kasanayan sa komunikasyon, maraming pag-aaral ang
nagsasabi na ang pagsulat ang pinakamahirap na kakayahang matutuhan ng isang
mag-aaral. Hindi na rin bago sa iyo ang senaryo na kapag ang guro ay nagpagawa ng
isang sulatin tulad ng sanaysay ay nakatitig lamang ang mga mag-aaral sa papel o di
nama’y sa screen ng desktop o laptop. Bilang isang mag-aaral, hindi mo lamang ito
suliranin dahil maging ang mga batikang manunulat ay mayroon ding ganitong senaryo
kung papaano nila ilalahad ang kanilang ideya sa mabisang pamamaraan sa
pagkukuwento ng kanilang mga akda.

Balikan

Magmula nang pumasok ka ng akademya ay ang pagsulat na ang naging

lundayan ng iyong pag-aaral. Madalas kang pinagsusulat ng iyong guro sa mga talang
nasa pisara upang mapag- aralan mo itong muli. Magmula elementarya hanggang
hayiskul ay naging malaking pundasyon sa iyo kung paano makasusulat ng isang
awtput. Marahil sa tulong ng mga ito ay marami ka ng mga sulating nabuo. May
inihanda ang modyul na ito na tseklist ng mga natutuhan mo sa pagsulat mula ikaw
ay pumasok ng paaralan.

2
Panuto: I-tsek ang sumusunod na mga salita o parirala kung ito ba ay iyo nang
natutuhan sa moda ng wika ng pagsusulat.
Ikaw ba ay…

1. Nakasusulat nang may 11. Nakasusulat ng simpleng resipi

wastong baybay, bantas, at
mekaniks ng pagsulat

2. Nakasusulat ng isang 12. Nakasusulat ng buod o lagom ng

talata binasang teksto

3. Nakasusulat ng liham 13. Nakasusulat ng talatang may

pangangalakal ugnayang sanhi at bunga

4. Nakasusulat ng talatang 14. Nakasusulat ng mga isyu o

pasalaysay argumento para sa isang debate

5. Nakasusulat ng tugma o 15. Naibibigay ang datos na hinihingi

maikling tula ng isang form o pormularyo

6. Nakasusulat ng talatang 16. Nakasusulat ng sulating pormal

naglalarawan

7. Nakasusulat ng reaksiyon 17. Naisusulat ang mga patunay na

o opinyon tungkol sa ang kuwentong-bayan ay salamin ng
napapanahong isyu tradisyon o kaugalian ng lugar na
pinagmulan nito

8. Nakasusulat ng timeline 18. Naisusulat ang orihinal na liriko ng

tungkol sa mga pangyayari awiting-bayan gamit ang wika ng
sa binasang teksto kabataan

9. Nakasusulat ng sariling 19. Naisusulat ang isang talatang

talambuhay naghihinuha ng ilang pangyayari sa
teksto

10. Nakasusulat ng sariling 20. Naisusulat ang tekstong

kuwento o tula nagmumungkahi ng solusyon sa isang
suliraning panlipunan na may
kaugnayan sa kabataan

Ang mga talaan na inihanda sa gawaing ito ay mula sa gabay-kurikulum noong

ikaw ay nasa elementarya at hayiskul na natutuhan mo bago ka tumuntong sa Senior
High School. Mula bilang 1-20, ilan ang nalagyan mo ng tsek? Bilangin at ilagay ito sa
kahon na nasa ibaba.

20

Tuklasin

Sa mga akademya, madalas mong naririnig ang mga salitang ito, ang academic
activities at non-academic activities. Kung minsan pa nga ang tawag dito ay academic at
extracurricular activities. Sa bahaging ito, nais kong sagutin mo ang mga ibibigay ko.

Panuto: Tukuyin kung ang mga pariralang nasa ibaba ay nabibilang sa

akademikong gawain o di-akademikong gawain. Isulat ang AG (Akademikong Gawain)
at DAG (Di-akademikong Gawain) sa patlang bago ang bilang.

3
___________1. Pagsali sa Singing Contest
___________2. Paggawa ng proyekto sa asignaturang Agham
___________3. Pagguhit ng kartun para sa editoryal
___________4. Pagbigay ng marka ng guro sa proyektong pinasa
___________5. Pag-imbita sa pampasiglang bilang sa isang programa
___________6. Paggawa ng mga poster design sa mga programa ng paaralan
___________7. Pakikipagtalastasan sa diskusyon sa loob ng klase kasama ang guro
___________8. Pagbabasa ng mga aklat na may kaugnayan sa kursong kinuha
___________9. Tagisan ng talino ng mga mag-aaral sa Buwan ng Agham
___________10. Tagisan ng husay ng mga mag-aaral sa basketbol at volleybol

Kumusta ang pagsagot mo sa mga gawain kanina? Naging madali ba ito para sa iyo?
Bilugan ang pinakaangkop mong emosyon para rito. Ipaliwanag.

1. Anong bilang ang nahirapan mong tukuyin bilang akademiko at di-

akademikong gawain? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Batay sa pag-unawa sa iyong kasagutan, ano ang pagpapakahulugan mo sa
akademikong gawain at di-akademikong gawain?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Suriin

Ang gawaing akademiko ay may mataas na gamit ng isip upang ipahayag ang
isa o higit pang ideya bilang batayan ng karunungan. Ito rin ay mga gawaing may
kritikal na paghusga o pag-analisa sa mga komplikadong ideya at impormasyon. May
matibay na pagbabatayang datos, na maaaring galing sa mga umiiral na kaalaman o
sa mga eksperimento ng mga siyentipiko. Ang pinakalayunin ng akademikong gawain
ay magbigay ng patunay o pruweba sa mga ideya o impormasyong ukol sa mga
akademikong disiplina. Karaniwang gumagamit nito ay ang mga mananaliksik na
propesyunal at estudyante.
Ang gawaing di-akademiko ay naisasagawa gamit ang malikhaing isip ng tao
ukol sa mga bagay sa kaniyang paligid. Ito ay ang mga gawaing nagpapahayag ng
emosyon, kaisipan o opinyon ng isang tao. Ito ay nakabatay sa mga walang katiyakang
palagay mula sa umaapelang emosyon o pakiramdam ng mambabasa. Karaniwang
tinatalakay sa di-akademikong gawain ang pansariling paniniwala ng tao. Ito ay mula
sa sariling karanasan, pamilya, at komunidad, at ang karaniwang gumagamit nito ay
ang iba’t ibang publiko.
Ang akademiko at di-akademikong gawain ay makatutulong sa atin upang
mapaunlad ang ating bansa. Mahalagang malaman ng isang mag-aaral ang kaibahan
ng dalawa. Subalit parehas itong makapagbibigay sa atin ng kaalamang magagamit
natin lalo na sa pagpili ng larangan.
Ang sulating akademik ay isang pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa
isang akademikong institusyon o unibersidad sa isang partikular na larangang
akademiko. Sa gawaing ito, nababasa mo ang iba’t ibang pormal na sulatin, ulat,
eksperimento, imbestigasyon, pagsusuri o kritisismo, rebyu, pamanahong-papel,
tesis, disertasyon, sanaysay tungkol sa kasaysayan, manwal, at mapanuring
sanaysay.

4
Ang atake sa pagsulat ng sulating akademik ay nasa obhetibong pananaw. Ibig
sabihin, hindi ito direktang tumutukoy sa emosyon o damdamin ng isang tao kundi
sa mga ideya, empirikal na datos, at mga napatunayan ng pag-aaral. Sa pagsulat,
ginagamitan ito ng ikatlong panauhan. Ang isa pang halimbawa nito ay ang
pagrerekord o pagtatala ng mahahalagang impormasyon sa pagsasalita at
pagdidiskurso sa isang simposyum.
Isang kasanayan ang sulating akademik dahil hindi lahat ng nasa paligid mo
ay may kakayahan sa pagsulat ng ganitong klaseng sulatin. Isang halimbawa ay ang
pagsulat ng mga laboratory report na karaniwang isinusulat ng mga siyentista. Sunod
ay ang pagsulat ng mga modyul para sa mga mag-aaral na ginagawa naman ng mga
nasa sektor ng edukasyon. Nakaaangat ang ganitong abilidad dahil ito ay gumagamit
ng talas ng pag-iisip o mataas na antas ng kaalaman. Ang isang manunulat ng
akademikong sulatin ay may mapanuring pag-iisip sapagkat may kakayahan siyang
mangalap ng mga impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip nang
lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri ng isinulat ng iba.
Ang mga halimbawa ng akademikong sulatin ay nahahati sa tatlong bahagi;
Una, Ang Mga Praktikal na Sulatin sa Loob at Labas ng Akademikong Larang tulad
ng Bionote, Abstrak, Sintesis, at buod. Ikalawa, Ang Mga Pagsasanay sa
Organisasyong Gawain tulad ng Adyenda, Memorandum, Katitikan ng Pulong, at
Panukalang Proyekto. Ikatlo, ang mga Pagsulat ng iba’t ibang Uri ng Sanaysay tulad
ng Talumpati, Posisyong Papel, Replektibong Sanaysay, Pictorial Essay, at Lakbay
Sanaysay.

Basahin ang sumusunod na punto sa pagkatuto.

Ngayong alam mo na ang konsepto ng Akademikong Sulatin, palawigin pa natin

ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagkakaiba nito sa ibang anyo.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

Maliwanag
May May
Obhetibo Pormal at paninindigan pananagutan
Organisado

1. Bakit mahalaga ang akademikong pagsulat sa iyo bilang kabahagi ng iyong

strand?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano–ano ang kabutihang dulot nito sa iyong buhay partikular sa hinaharap?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5
Pagyamanin

Gawain 1.1 Venn Diagram

Gamit ang mga konseptong nalaman mo sa modyul na ito, oras na para
pagyamanin mo ang iyong mga natutuhan. Itala sa venn diagram ang pagkakaiba at
pagkakaparehas ng akademikong pagsulat at malikhaing pagsulat.
Akademikong Pagsulat
at Malikhaing Pagsulat

Gawain 1.2 Concept Map

Itinala sa itaas na bahagi ang iba’t ibang katangiang dapat taglayin ng isang
akademikong sulatin. Isulat muli ito sa concept map na nasa ibaba at magsulat ng
maikling paliwanag sa bawat katangian.

1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 1.3 Saliksikin!

Matapos mong tayahin ang mga natutuhan mo sa gawain 1.1 at 1.2., ikaw naman
ang tatarok ng sarili mong pagkatuto sa pagkakataong ito. Nananabik ang iyong guro
sa magiging kasagutan mo sa inyong klase!
Ikaw ay magsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
katangian, at kahalagahan ng napiling tatlong uri ng akademikong sulatin sa tulong ng
graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin:

Kahulugan:

Katangian:

Kahalagahan:

Sanggunian (MLA 7th Edition):

6
Isaisip

Mahalagang isipin ng isang manunulat ng sulating akademik ang kaniyang

pananagutan. Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng pagkilala bilang bahagi ng etika ng pananaliksik.
Ang islogang pinasikat ng GMA–7 na “Think before you click” ay naglalayong
maging responsable ang mga gumagamit ng internet lalong–lalo na sa pagpopost sa mga
social media (socmed) tulad ng Facebook at Twitter. Isinusulong nito ang pagbabalanse ng
mga i-po-post natin upang matiyak ang kaligtasan sa mundo ng internet. Ang ganitong
paalala ay isang bagay na dapat isabuhay ng lahat dahil kapag nagkaroon ng pagkakamali
sa isang post tulad na lamang ng pag–angkin ng gawa ng iba ay maaaring mawalan ng
kredibilidad ang taong iyon.
Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil naniniwala
ang iyong guro na #MEMASASABI ANG KABATAAN
MEMASASABI ANG KABATAAN

Pangalan:
Pangkat:
Petsa:
Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng akademikong pagsulat ay
marapat na magbigay ng mga paraan ng pagpapaalala sa mamamayan lalo
na sa iyong kapuwa mag-aaral.
Paano maging isang responsable at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating
mga isinusulat o ipino-post sa ating social media account?

Isagawa
Palawakin ang Kaalaman!
Ipagpalagay na manunulat ka sa isang pahayagan. Bahagi ng iyong trabaho ang
pagrerebyu ng pelikula. Inatasan ka ng iyong editor na rebyuhin ang isang lumang
pelikulang Pilipino para sa susunod na isyu ng pahayagan.
Ito ang mga gabay na kaniyang ibinigay: isulat ang rebyu nang hindi bababa sa 500
salita at suriin kung napapanahon ang kuwento. Tandaan na ang buod ay hindi rebyu.
Mahalaga sa rebyu ang puna, insight, at realisasyon. Mamarkahan ka batay sa
sumusunod: estilo ng pagsulat, tamang gramátika at baybay ng mga salita, at nilalaman ng
sulatin. Gawin ito sa inyong e-portfolio at ipasa sa iyong guro.

Tayahin
Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy bilang kadluan ng kaisipan at damdaming nais ipahayag
ng tao sa pagpapabatid ng mensahe sa kaniyang kinakausap o kakausapin?
A. pakikinig B. pagsulat C. pagbabasa D. pagsasalita
2. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng Di-akademikong Gawain?
A. Ito ay naisasagawa gamit ang malikhaing isip ng tao ukol sa mga bagay sa kaniyang
paligid.
B. Ito ay gawaing may kritikal na paghusga o pag-analisa sa mga komplikadong ideya at
impormasyon.
C. Ito ay may matibay na pagbabatayang datos

7
D. Wala sa nabanggit
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang katangian ng di-akademikong gawain?
A. Ang di–akademikong gawain ay nagbibigay ng ideya at impormasyon ayon sa mga
makatotohanang impormasyon.
B. Si James ay nanindigan sa kanilang argumento na ang di–akademikong gawain ay
naglalahad ng mga obhetibong pananaw.
C. Ayon naman sa mga iba pang dalubhasa, ang di–akademikong gawain ay nasa una at
pangalawang panauhan ang pagkakasulat.
D. Si G. Indarapatra ay tinukoy ang di–akademikong gawain bilang hindi direktang
tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay, ideya, at katotohanan.
4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI halimbawa ng akademikong gawain?
A. Nagkakaroon ng webinar discussion ngayon ang paaralan tungkol sa COVID–19.
B. Sadyang nakagigising ang mga musikang Pilipinong tinutugtog sa radyo ngayon tuwing
Linggo.
C. Aktibong nakikinig ang mga mag–aaral sa talakayan ng kanilang mga guro tungkol sa
pagsulat ng Bionote.
D. Nagpapasuri si G. Reyes ng rebyu ng pelikula batay sa puna, insight, at realisasyon ng
kaniyang mga mag–aaral.
5. Alin sa sumusunod ang maituturing na di-akademikong sulatin?
A. Pagsulat ng isang sanaysay ukol sa napapanahong isyu
B. Pagsulat ng isang ulat
C. Pagsulat ng isang eksperimento
D. Pagsulat ng isang nobela
6. Alin sa sumusunod ang maituturing na akademikong sulatin?
A. Pagsulat ng isang rebyu ng pelikula C. Pagsulat ng isang pick-up line
B. Pagsulat ng maikling kuwento D. Pagsulat ng isang flash fiction
7. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng “Maliwanag at Organisado” sa pagsulat ng
akademikong sulatin?
A. Ginagamitan ito ng pormal na salita at iwasan ang balbal at kolokyal.
B. Binibigyan ng nararapat na pagkilala ang mga nakalap na impormasyon o datos.
C. Marapatin na ang mga impormasyon ay naglalaman ng makatotohanang datos upang
hindi maging subhetibo ang sulatin.
D. Kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkasunod–sunod at pagkakaugnay–ugnay
ng mga pangungusap na binuo sa sulatin.
8. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng “Pormal” sa pagsulat ng akademikong sulatin?
A. Ginagamitan ito ng pormal na salita at iwasan ang balbal at kolokyal.
B. Binibigyan ng nararapat na pagkilala ang mga nakalap na impormasyon o datos.
C. Marapatin na ang mga impormasyon ay naglalaman ng makatotohanang datos upang
hindi maging subhetibo ang sulatin.
D. Kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkasunod–sunod at pagkakaugnay–ugnay ng
mga pangungusap na binuo sa sulatin.
9. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng “Obhetibo” sa pagsulat ng akademikong sulatin?
A. Ginagamitan ito ng pormal na salita at iwasan ang balbal at kolokyal.
B. Binibigyan ng nararapat na pagkilala ang mga nakalap na impormasyon o datos.
C. Marapatin na ang mga impormasyon ay naglalaman ng makatotohanang datos upang
hindi maging subhetibo ang sulatin.
D. Kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkasunod–sunod at pagkakaugnay–ugnay
ng mga pangungusap na binuo sa sulatin.
10. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng “May Pananagutan” sa pagsulat ng akademikong
sulatin?
A. Ginagamitan ito ng pormal na salita at iwasan ang balbal at kolokyal.
B. Binibigyan ng nararapat na pagkilala ang mga nakalap na impormasyon o datos.
C. Marapatin na ang mga impormasyon ay naglalaman ng makatotohanang datos upang
hindi maging subhetibo ang sulatin.
D. Kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkasunod–sunod at pagkakaugnay–ugnay ng
mga pangungusap na binuo sa sulatin.

Karagdagang Gawain
Basahin ang mga pahina 3–5 sa artikulong “What Is ‘Academic’ Writing?” ni L. Lennie Irvin.
Mababasa ito sa https://wac.colostate.edu/books/writingspaces1/writing-spaces-readings-on-
writing-vol-1.pdf. Ito ay tumatalakay sa mito ng akademikong pagsulat. Gumawa ng isang puna,
insight, at realisasyon batay sa artikulong nabasa, sa iyong kuwaderno Sang–ayon ka ba sa mga
inilahad nito?

8
Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 2:
Sintesis / Sinopsis
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Sintesis / Sinopsis
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Mary Ann F. Vidallo at Mary Rose Anne D. Gerundio

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba at Rene Jhon C. Carumba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Bilang isang mag-aaral sa senior high school, alam kong nakapagbasa ka na ng

mga dagli, tula, parabula, pabula, maikling kuwento, o nobela. Ilan lamang ito sa iyong
mga nakatagpo noong ikaw ay nasa elementarya at hayiskul. Ngayong ika-21 siglo,
hindi na lamang aklat ang iyong nakadadaupang-palad, nariyan na rin ang mga
pelikula at balitang napanonood mo sa telebisyon samantalang iba naman ay nakikinig
sa radyo ng mga balita o ng mga teleradyo. May natatandaan ka pa bang babasahing
ipinabasa sa iyo noon ng iyong guro? Natatandaan mo pa rin ba ang mga nangyari sa
isang paborito mong pelikula? Maiisip mo ba kung gaano kahaba ang iyong binasa? Sa
panonood naman, tanda mo pa ba kung ilang oras ito? Ilan kaya ang natatandaan mong
bahagi sa mga ito? Mayroon bang pangunahing ideya o isyung nais iparating ang
iyong nabasa o napanood?
Ang pagsulat ng sintesis at sinopsis ang pinakamabisang pamamaraan upang
mailahad mo nang mataman ang mga nabasang teksto o napanood na pelikula.
Tutulungan ka ng modyul na ito para rito. Tatalakayin ng modyul na ito ang
sumusunod sa pag-alam ng kabuuang ideya ng sintesis at sinopsis tulad
ng kahulugan, katangian, gamit, at anyo nito. Handa ka na bang matutuhan ang
aralin sa araw na ito? Halina, sabay nating galugarin at sagutin ang mga inihanda kong
gawain para sa iyo.
Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:
1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo (CS_FA11/12PN-0a-c-90);
2. Nakasusulat nang maayos ng akademikong sulatin (CS_FA11/12PU- 0d-f-92);
at
3. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU- 0d-f-93)

Subukin

Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang letra
ng tamang sagot.
Ang Bahay na Bigla na lang Nawala Isang Gabi
Ni Sandy Ghaz
Nag-iisang anak nina Mang Kanor at Aling Pacita si Jose kung kaya’t ginagawa
nila ang lahat para rito. Nakatira ang maliit na pamilya sa isang baryo sa probinsiya ng
Santo Tomas. Simula noong ipinanganak si Jose ay doon na sila tumira. Hindi
masyadong malaki ang bahay nina Jose pero palaging malinis ang loob nito lalong-lalo
na ang silid ng nag-iisang anak ng mag-asawa. Kahit hindi man marangya ang
pamumuhay nila, masasabing komportable ang buhay na ibinibigay nina Mang Kanor
at Aling Pacita kay Jose. Kaya lang, habang lumalaki ay tumitigas ang ulo ng kanilang
anak. “Wala pa si Jose? Anong oras na,” sabi ni Mang Kanor. Dali-daling nagbihis ang
mag-asawa at naglakad patungong baryo. Wala na kasing masasakyang dyip pag
sumasapit na ang alas diyes ng gabi. Sinundo nila si Jose sa isang tiyangge.
“Nagkukuwentuhan lang naman po kami ng mga barkada ko. Wala namang masama
roon, uuwi ako kung hindi man mamaya, e, bukas pag may dyip na,” sabi ni
Jose. Walang nagawa ang mag-asawa. Hinintay nila si Jose malapit sa tiyangge na
tinatambayan ng grupo niya hanggang magpasiya ang magbabarkada na
umuwi. Padabog pa si Jose noong dumating na sila sa bahay nila habang ang ama’t ina
niya ay pagod kalalakad.
Nagpatuloy ang ganoong ugali ni Jose. Palagi siyang sinasabihan ng mga
magulang niyang umuwi agad pagkatapos ng klase pero wala ito sa kaniya hanggang
isang gabi ay dumating ang hindi niya inaasahan. Mag-aalas onse na ng gabi nang

1
dumating si Jose sa kanila. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang mga ka-baryo nila na
nagsisitakbuhan papunta sa kanilang bahay na may bitbit na balde. “Jose ang bahay
ninyo nasusunog,” sigaw ni Mang Tonyo, ang karpenterong nakatira malapit sa
kanila. Natulala si Jose. Naalala niya ang bilin ng mga magulang niya na umuwi nang
maaga at namimiss na nilang maghapunan kasama siya. Pumatak ang luha niya nang
hindi niya namamalayan. Madaling-araw na nang naapula ang apoy. Halos kusina na
lang nina Jose ang natira. Hindi na rin makilala ang katawan ng mga magulang niya.
Natagpuan ang mga ito sa kanilang hapag-kainan. “Tay, Nay patawad,” ang nasabi ni
Jose sa harap ng mga bangkay ng magulang niya bago siya nagsimulang humagulgol.
1. Ano ang isyung tinatalakay sa binasang teksto?
A. Ang mga kabataang hindi nakapapansin ng kanilang oras
B. Ang pakikipagbarkada o pakikipagkaibigan ng mga kabataan
C. Ang walang hanggang pagmamahal ng magulang sa kanilang anak
D. Ang pagsisisi ng mga anak at pagsasawalang–bahala ng anak sa mga
magulang
2. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
A. Ang pagmamahal ng magulang sa anak
B. Ang pangamba ng magulang sa paglaki ng anak
C. Ang pagsisisi ng anak sa pagkawala ng magulang
D. Ang pagbigay ng atensiyon sa kaibigan kaysa sa magulang
3. Ano ang tesis ng pangungusap?
A. Ang responsibilidiad ng magulang sa kanilang anak
B. Ang epekto ng pakikipagbarkada ng isang kabataan
C. Ang wagas na pagmamahal ng magulang sa kanilang anak
D. Ang epekto ng kakulangan ng atensiyon ng anak sa kaniyang magulang
4. Ano ang nais ipahiwatig ng awtor sa tekstong binasa?
A. Ang kaibigan o barkada ay nakapaghihintay sa lahat ng pagkakataon.
B. Ang magulang ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ng isang anak.
C. Ipadama na ang pagmamahal ng anak sa mga magulang bago pa mahuli ang
lahat.
D. Hindi lamang magulang ang mayroong responsibilidad sa anak bagkus
maging ang anak ay mayroon ding tungkulin sa kaniyang magulang.
5. Ano ang pangunahing layunin ng teksto?
A. manghikayat B. magsalaysay C. mangatwiran D. maglarawan

Aralin

1 Sintesis/Sinopsis

Ang sintesis/sinopsis ay nasasangkot sa pagsasama–sama ng dalawa o higit

pang mga buod. Ang pagsulat nito ay mas mahirap dahil kinakailangan mong gawing
makabuluhan ang pinagsama–samang impormasyon mula sa mga nabasa, napanood,
o narinig ng manunulat gayundin ang pangwakas na bahagi bilang pangkalahatan na
naiuugnay sa tesis ng pangungusap. Sa mga kurso ng komposisyon, ang "sintesis" ay
karaniwang tumutukoy sa pagsulat tungkol sa mga nakaprint na teksto, na pinagsama
ang mga partikular na tema o katangiang naobserbahan sa mga teksto at pag-aayos ng
materyal mula sa bawat teksto ayon sa mga tema o katangian. Minsan, maaaring
hilingin sa iyo na i-sintesis ang iyong sariling mga ideya, teorya, o pananaliksik kasama
ng mga teksto na iyong naatasan. Sa iyong klase marahil ay makikita mo ang iyong
sarili sa pagsisintesis ng impormasyon mula sa mga grap, mga talahanayan, at mga
gawa ng sining din.

Balikan

Noong nakaraang aralin ay tinalakay sa unang modyul ang akademikong sulatin.

Bilang pagbabalik–tanaw ay bigyan mo ng pagpapaliwanag ang mga termino kaugnay sa
huling pagtalakay tungkol sa akademikong 2 pagsulat.
Akademikong Obhetibo Pananagutan
Sulatin
____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Suriin ang mga larawan.

Ang tinaguriang weirdest project in the

world ayon sa post ni Nick Rejas na
naging viral sa social media, ang mini
footbridge na matatagpuan sa Quirino
Grandstand.

https://www.instagram.com/p/SB7rWELt4s/?fbclid
=IwAR0qvtCLNA6knClEk5TmU9mdLltW0XmM54bTz
dKE-oH6c_WS3-Fb2tsx1u0

Ito ang adbokasiya ng DOH noon pa man

at mas lalong pinaigting ang kampanya sa
wastong paghuhugas ng kamay dahil sa
COVID–19 na nararanasan sa Pilipinas.
Sinasabi ng kagawaran na ang mabisang
paraan para makaiwas sa anomang sakit
ay ang wasto at regular na paghuhugas ng
kamay.
shorturl.at/gNS48al media, ang mini footbridge na
matatagpuan sa quirino grandstand.
http://www.melardenio.com/2014/09/mini-foot-
bridge-inside-quezon-circle.html

Isang halimbawa ng social distancing na

nangyari sa isang supermarket sa Maynila
noong March 17, 2020 dahil sa banta ng
COVID–19. Pinabulaanan din dito ang “No
Face Mask, No Entry” na wala naman sa
patakaran ng quarantine.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/
6/66/2576Social_distancing_and_panic_buying_duri
ng_the_COVID-
20_pandemic_in_Baliuag%2C_Bulacan.jpg

9 pm to 6 am
Kids Ang konsepto ay hango sa isang meme na
________________________________ naging viral sa Facebook noong panahon
10:30 pm to 7 am ng ECQ. Ipinapakita rito ang iba’t ibang
Men
________________________________
time frame ng tulog ng mga tao at kung
12:30 am to 9am saang oras ka napabibilang ay iyon ang
Legends tawag sa iyo.
_______________________________
2:30 am to 11:00 am
Ultra Legends
5 am to 2 pm
Ultra Legends PRO

3
Tiyak kong nabasa mo nang mabuti ang nilalaman ng apat na larawan.
Napagnilay-nilayan mo na ba ang nais nitong iparating sa iyo? Kung Oo, ay handa ka na
para sagutin ang mga katanungang inihanda ko sa ibaba. Kung hindi ka pa handa sa
pagsagot, maaaari mo namang balikang muli ang mga larawan para mas mapag-isipan
mo pa ang nais nitong sabihin.
Panuto: Mula sa sinuring larawan, sumulat ng 2-3 pangungusap batay sa ipinakikita
o ipinahihiwatig ng mga larawan. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Ang iyong saloobin ay mahalaga.

Bilang isang mag–aaral:
1. Ano ang ipinahihiwatig sa mini footbridge na tinuguriang “weirdest project in the
world?”
2. Ano ang ipinahihiwatig ng larawang nagpapakita ng social distancing?
3. Ano ang nais ipabatid ng DOH sa kanilang poster sa pagsugpo ng COVID–19?
4. Anong kategorya ka napabibilang? Ano ang nais iparating ng larawan? Tama ba
ang paraan ng pagtulog sa bawat kategorya?

Panuto: Mula sa apat na larawan, tukuyin ang isang salitang mabubuo rito. Isulat
ito sa mga kahon sa ibaba.

Suriin

Basahin ang sumusunod na punto sa pagkatuto.

Ang Sintesis at Sinopsis ay isa sa mga paraan ng pagpapaikli ng mga tekstong

pampanitikan tulad ng dagli, tula, maikling kuwento, parabula, pabula, nobela, at
iba pa. Maaari ring gamitin ang sintesis at sinopsis sa mga artikulo mula sa diyaryo,
dyornal, magasin, at gayundin ang mga napanonood natin sa telebisyon at
napakikinggan sa radyo.

Saan hinahango ang:

Sintesis Sinopsis
Maaaring kinuha ang mga Maaaring kinuha ang impormasyon sa
impormasyon sa panayam, diskusyon, nabasang akda.
nobela, pelikula, blog, maikling
kuwento, tula, at iba pa.
Mula sa dalawang pagkakaibang nabanggit, ano kaya ang nangangailangan ng
iyong sariling ideya, saloobin, at pananaw?
Ang sintesis ay ang pinagsama–samang iba’t ibang ideyang may
magkakatulad at magkakaibang punto–de–bista. Ito ay hitik at pinaikling bersyon ng
mga nabasa upang makabuo ng panibagong ideya. Samantala, ang sinopsis ay
inilalahad lamang nito ang mahalagang punto ng nabasa. Ito ay pinaikling bersiyon
subalit hindi nangangailangan ng bagong ideya, opinyon, o tesis ukol sa nabasang
akda.

4
Subukin Natin!

Ano kaya ang pangangailangan ng inyong sariling ideya, saloobin, at

pananaw?
A. Sintesis
B. Sinopsis

Bakit mahalaga ang Sintesis at Sinopsis?

Ang Sintesis at Sinopsis ay mahalaga upang:
• higit na maunawaan ang kahulugan ng binasa o pinakinggang panayam o
sulatin
• maging organisado ang pagkakaunawa sa isang sulatin
• matiyak ang mga akademikong institusyon na nabasa at naunawaan ng mga
mag-aaral ang kanilang binasa
• matiyak at higit na maunawaan ng mag–aaral ang kanilang binasa para sa
sariling pagrerebyu sa panahon ng pagsusulit

Gaano ba kahaba ang Sintesis at Sinopsis?

DEPENDE
Nakasalalay sa kahingian ng nagpapabuod o nagpapasintesis ang haba nito.
Ngunit ang tiyak, higit ang haba ng mga sanggunian o pinagkunang batis ng
kaalaman kaysa isusulat na buod o sintesis. Hindi maaaring mangyari na higit na
mas mahaba ang buod kaysa sa materyal o akdang pinagkuhaan nito. Maaaring sa
isang nobelang may habang 400 pahina, hihingin ng nagpapabuod na gawin ito sa
loob ng dalawampung pahina o kaya ay sampung pahina. Maaari ring ipasintesis sa
isang tagapagdaloy o moderator ang unang bahagi ng kumperensiya na tumagal ng
apat na oras (na may walong papel na binasa) sa loob ng 20 minuto. Ibig sabihin,
nakasalalay rin ang haba o ikli ng buod o sintesis sa husay ng taong nagbubuod o
nagsisintesis na makuha ang mahahalagang punto ng binasang papel o ng akdang
sinaliksik.

Paano Sumulat ng Sintesis at Sinopsis?

Kung natatandaan mo noong ikaw ay nasa elementarya at sekundarya,
madalas na gawin mong proyekto ay book report sa asignaturang Ingles at Filipino.
Batid kong ikaw ay nahirapan noon sa pagsulat kung ano ba ang ilalagay mo sa
bahagi ng buod. Ang ginagawa pa nga karaniwan ng mga mag-aaral na tulad mo ay
babalikan muli ang ilang mahahalagang pangyayari sa pelikula o kaya naman
maghahanap ng halimbawa ng buod sa internet. Sa tingin mo, ito ba ay isang
epektibong pamamaraan sa pagsulat ng buod? Ang sagot ko ay HINDI, mas mainam
na ikaw mismo ang makagagawa ng sarili mong sintesis nang hindi umaasa sa ideya
ng ibang tao. Sa bahaging ito, itatala ko kung ano-ano ba ang pamamaraan sa
pagsulat ng dalawang akademikong sulating tinatalakay natin.
Ang pagsulat ng sintesis ay mga pinagsama-samang talaan ng mga akda. Ibig
sabihin, higit sa isa ang iyong babasahin para makabuo ka ng panibagong ideya
mula rito. Ang babasahin mo o panonoorin mo ay hahanapan mo ng kaugnayan sa
isa't isa. Mula roon, isipin mo, ano kaya ang pangunahing tinatalakay sa mga
napanood ko o sa mga binasa ko? Laging tatandaan na ganito ang una mong iisipin.
Parati bang pangunahing ideya? Hindi naman, maaari ka namang makabuo ng
paksa kahit hindi naman ito ang pangunahing tinatalakay rito. Kung tutuusin, sa
isang palabas, hindi lang naman iisa ang sentro ng paksang ipinakikita.

5
Kapag naisip mo na ang paksa mula sa mga nabasa o napanood mo, saka ka
pa lamang makabubuo ng tesis. Ang tesis ng pangungusap ay ang pinakabuod na
nagpapahayag ng ubod o katas ng ideya. Halimbawa: ang paksa mo ay tungkol sa
Isang Pagsusuri sa Mass Housing Projects ng Pamahalaan. Kung titingnan,
mukhang pamagat na ng isang pag-aaral. Ngunit nagkakamali ka, unawain mong
mabuti, ang paksang iyan ay sadyang napakalawak pa. Maaari mo pa yang hatiin o
bigyan pa ng mas tiyak na paksa para mas magkaroon ng malinaw na patutunguhan
ang iyong pagsusuri. Maaaring ang halimbawa ng tesis ng pangungusap sa paksang
iyan ay Nagiging Dahilan ng Labis na Kahirapan ang Mass Housing Projects ng
Pamahalaan sa maraming Pilipino. Ibig sabihin, dito na iikot ang iyong pagsusuri.
Iminumungkahi kong bumuo ka ng balangkas para mas makita mo ang tutunguhin
ng iyong bubuodin. Ang mga kaugnay na literatura na iyong hahanapin ay patungkol
sa tiyak na paksang iyan.

Magbigay ng ‘di bababa sa tatlong aklat na binasa at bigyang–pansin ang tema o

tanong na ibig mong bigyan ng tuon. Sunod, basahin nang mabuti ang bawat
sanggunian at lagumin ang mga pangunahing ideya. Isipin at ilista ang mga susing
ideya.
Halimbawa:
I. Mga Varayti ng Filipino sa Katagalugan
A. Varayti ng Filipino sa Quezon
B. Varayti ng Filipino sa Batangas
C. Varayti ng Filipino sa Cavite
Pagkatapos nito, isaayos ang mga paglalahat sa lohikal at
may kaisahang paraan. Ang ilang batayan sa pagsasaayos ay ang kronolohikal,
heograpiya, at uri/perspektibo/anyo.
Halimbawa ng kronolohikal:
I. Kasaysayan ng Pananakop sa Pilipinas
A. Panahon ng Kastila
B. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapon
Halimbawa ng heograpiya:
I. Varayti ng Tagalog
A. Tagalog Bulacan
B. Tagalog Nueva Ecija
C. Tagalog Rizal
D. Tagalog Laguna
Halimbawa ng uri/perspektiba/anyo
I. Kabuluhang naidudulot ng laser sa iba’t ibang larangan
A. Sa larangan ng medisina
B. Sa larangan ng edukasyon
C. Sa larangan ng siyensya
Matapos gumawa ng balangkas, bigyang–pansin ang mga ideya at hindi ang
manunulat ng mga ideya. Tandaan, sa pagsulat ng sintesis ay bumubuo ka ng sarili
mong ideya. Nagiging gabay mo lamang ang iyong mga akda o babasahin, ikaw pa
rin ang kapitan ng sarili mong barko. Kung sakaling may nais kang kuhaning sipi,
mas mainam ito sapagkat nirerekomendang gumamit ng mga tuwirang sipi. Sa
paggamit ng mga tuwirang sipi para suportahan ang iyong ideya, siguraduhin na
hindi naman ito masyadong marami. Kung ang tuwirang-sabi ay tatlong linya
lamang o mas mababa pa, huwag nang gawing indented manapa, isama na lamang
ang teksto ng iyong papel. Hangga’t maaari ay gumamit din ng makatotohanang
halimbawa na sumusuporta sa iyong pangkalahatang argumento. Sa huli, sa
kongklusyon, lagumin ang iyong pangunahing tesis at mga binalangkas na tanong
na mananatiling bukas o isyu na maaari pang saliksikin. Huwag mong isasara ang
mga posibilidad dahil bilang isang manunulat, maaaring may mga ideya ka na kaiba
sa mga manunulat din.
TANDAAN: Makatutulong ang PAGBABALANGKAS
• Ang balangkas ay talaan ng mga aytem na isinaayos batay sa konsistent na
simulain.
• Ito ay ginagamit upang ilahad ang mga pangunahing punto o paksa ng isang
asignatura.
• Ang paghahanda ng balangkas ay pangunahing hakbang sa proseso ng
pagsulat ng iskolarling papel-pananaliksik, rebyu, tesis, o disertasyon.

6
Ano ang dapat tandaan sa Sintesis at Sinopsis?
1. Tama ang impormasyon mula sa pinaghanguan o sanggunian.
2. Organisado ang teksto.
3. Napagtitibay ang mga nilalaman at napalalalim ang pag-unawa ng nagbabasa.
4. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi.
5. Mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang
gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.
6. Gumamit ng ikatlong panauhan.
7. Gumamit ng angkop na pang-ugnay.
8. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
9. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o
kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

1. Ano ang halaga ng sinopsis at sintesis? Higit kayang nakatutulong ang sintesis
kaysa sinopsis sa pag–aaral, pagsusulat, at pagpapalawak ng kaalaman?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Karaniwan bang pasulat o pasalita ang ginagawang sintesis o buod? Bakit?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________

Pagyamanin

Gawain 1: Pumili ng paboritong nobela. Isulat ang sintesis sa limang kabanata. Gawing
gabay ang pormat na ito. Ilagay sa inyong e-portfolio.

Pangalan:
Pangkat

PAMAGAT

Isaisip

Mahalagang isipin ng isang

nagsisintesis at nagsisinopsis ang
pagiging matiisin o pagiging
matiyaga. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay pinadadali o
pinasisimple ang mga bagay–bagay.
Sa gawaing ito, nais malaman sa
modyul na ito ang iyong saloobin sa
mga bagay sa iyong buhay na
maaaring madaliin at sa mga bagay
sa iyong buhay na hindi
minamadali dahil naniniwala ang
iyong guro na #MEMASASABI ANG
KABATAAN

7
Isagawa

Palawakin ang Kaalaman!

Panuto: Basahin ang sumusunod na halimbawa ng akda. Suriin at isulat sa kahon
ang mahusay na katangiang taglay ng mga binasa.
1. Mga Susi sa Paglalakbay sa Tagumpay Mahahalagang Prinsipyo mula kina
Stephen Covey at Nathaniel Branden
2. //drive.google.com/file/d/180MmUEmbglTJpYoJwBQNc03JVnRIpj6l/view?usp
=sharing
Pamagat ng Lagom: _____________________________________________________________
Sanggunian: _____________________________________________________________
Pagsusuri:
___________________________________________________________________________________

Panuto: Basahing muli ang tekstong “Ang Bahay na Bigla na lang Nawala Isang
Gabi”
ni Sandy Ghaz at sagutin ang mga tanong ukol dito.
1. Isa sa akademikong sulatin na isa sa mga paraan ng pagpapaikli ng mga tekstong
pampanitikan, mga artikulo, mga napanood sa telebisyon, at napakinggan sa radyo.
A. Bionote B. Sintesis at Sinopsis C. Abstrak D. Talumpati
2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng Sinopsis?
A. Pagtiyak sa kawastuhan ng gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit
B. Paggamit ng sariling opinyon sa pagbubuod ng akda
C. Pagsulat ng sangguniang ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi
D. Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan
3. Ano ang pinagkatulad ng Sintesis at Sinopsis?
A. Parehong may pinagkukunan ng higit sa isang datos o batis ng kaalaman
B. Iisa lamang ang pinagkukunan ng datos
C. Parehong malikhaing sulatin
D. Parehong akademikong sulatin
4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang sulating nilikha ay Sintesis?
A. Ang buod ay mula sa orihinal na maikling kwentong “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual
B. Ang buod ay mula sa orihinal na nobelang “Timawa” ni Agustin Fabian
C. Ang buod ay mula sa mismong pelikula, interbyu, at rebyu ng pelikulang “The
Pursuit of Happiness”
D. Lahat ng nabanggit
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang sulating nilikha ay Sinopsis?
A. Ang buod ay mula sa orihinal na akda at panayam mula sa may-akda ng “Taguan”
B. Ang buod ay mula sa orihinal na nobelang “Lalaki sa Dilim” ni Benjamin Pascual
C. Ang buod ay mula sa mismong pelikula at review blog ng pelikulang “Heneral Luna”
D. Wala sa nabanggit

Karagdagang Gawain
Basahin ang akda. Suriin at isulat sa kuwaderno ang mahusay na katangiang taglay ng
mga binasa. Ibigay rin ang synopsis ng aklat. Gawin ang pagsasanay sa kuwaderno.
1. The 7 Habits of Highly Effective People
https://drive.google.com/file/d/1eGOOHBTqeQ2Amcr5KEkEHB7pwDqw8_pJ/view?
usp=sharing

8
Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagsulat ng Talumpati
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pagsulat ng Talumpati
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Mary Ann F. Vidallo at Mary Rose Anne D. Gerundio

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba at Rene Jhon C. Carumba

1
Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Marahil nalalapit na ang pagsulat mo ng iyong kauna–unahang talumpati, at

nauunawaan kong ikaw ay hindi sigurado at may agam–agam sa pag-iisip ng
paghahanda at paghahatid ng unang talumpati. Ang mga bagong nagsasalita ay
madalas na nasosobrahan sa proseso ng pagsasama-sama ng mga ideya sa pagsusulat
nito mula simula hanggang katapusan. Saan ka magsisimula? Paano mo malalaman
kung aling paksa ang pinakamahusay na ipahahayag mo sa madla o awdiyens? Gaano
karaming impormasyon ang sapat? Maaari ka bang magkaroon ng maraming
impormasyon sa mga tagapakinig?
Huminga ka muna! Hindi kita pagsusulatin at pagsasalitain ng iyong talumpati
sa puntong ito. Ituturo sa iyo ng modyul na ito ang mga pangangailangan sa pagsulat
ng isang talumpati upang maging matagumpay ang unang talumpati na iyong isusulat
at kalauna’y bibigkasin mo sa harap ng iyong mga kaklase.

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang makabuo ng sariling talumpati.

Handa ka na ba sa iyong bagong aralin?

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

• Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.
(CS_FA11/12PN-0g-i-91)

Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa isang proseso ng pagpapahayag ng ideya sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang isyu?
A. posisyong papel C. talumpati
B. replektibong sanaysay D. bionote

2. Anong bahagi ng talumpati ang responsibilidad sa pagkuha ng atensiyon ng mga

tagapakinig?
A. simula C. ideya o punto
B. katawan D. kongklusyon

3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kaluluwa, buod, at pahayag na nais ipahatid

ng mananalumpati?
A. katawan C. pamagat
B. tesis sa pangungusap D. pansuportang detalye

4. Anong bahagi ng talumpati ang nangangailangan ng kawastuhan ng impormasyon

at nangangailangan ng masusing pananaliksik para maging kapani–paniwala ang
susulating talumpati?
A. simula B. katawan C. ideya o punto D. kongklusyon

5. Anong bahagi ng talumpati ang nagbibigay ng hamon o tanong sa mga tagapakinig?

A. simula B. katawan C. ideya o punto D. kongklusyon

1
Aralin

1 Pagsulat ng Talumpati

Ibibigay ng modyul na ito ang mga pangangailangan mo sa pagsusulat ng isang

talumpati. Ang paghahanap ng isang paksa ay maaaring maging pasanin kaya
iminumungkahing ikaw ay mag-isip ng isang paksang aakma sa personal mong interes.
Maaaring isaisip ang mga katanungang ito: Ano ang gusto kong gawin? Ano ang mga
libangan at kasanayang mayroon ako na maaari kong ibahagi? Mayroon ba akong
pinagkakadalubhasaang isang partikular na field o area? Ang pagbabahagi ng iyong
libangan ay maaaring maging isang mahusay na paraan upang matukoy ang isang
paksa. Ngunit hindi ka lamang titigil doon. Tandaan, mahalaga na sa paksang pipiliin
mo ay himayin pa ito upang mas maging tiyak ito sa iyong pagsusulat.

Balikan

Sa paglipas ng mga linggo ay natutuhan mo ang maayos na pagsulat ng mga

akademikong sulatin tulad ng bionote, sintesis, abstrak, at panukalang proyekto. Nais
kong alalahanin mo ang isa sa mga ito.
Mula sa mga nabanggit, mamili ng isang akademikong sulatin at sagutin ang
tanong sa ibaba.

Bumuo ng isang talatang mayroong 5 pangungusap. Ano–ano ang mga tagubilin sa

pagsulat ng akademikong sulating iyong napili?
________________________________
(Akademikong Sulatin)
__________________________________________________________________________________

Nakarinig ka na ba ng bumibigkas ng talumpati? Inaabangan mo ba kung ano

ang sasabihin ng mga nanalo sa isang gabi ng parangal? Isinasapuso mo ba ang sermon
ng pari sa misa o ng pastor sa isang prayer service? Isa ka ba sa mga tumututok sa
telebisyon habang nagtatalumpati ang isang pinuno ng pamahalaan?

2
Ano na ang mga talumpating iyong narinig at tumatak sa iyong kamalayan? Itala ang
mga ito sa ibaba at ibahagi ang katangiang naibigan mo sa bawat talumpati. Kung wala
pa, maaaring panoorin sa link na ito ang halimbawa ng isang talumpati ni dating
Pangulong Benigno Aquino III: https://youtu.be/WyBQfH8aFfE (Pambasang Kongreso
sa Wika (Speech) - 08/19/2013)

Tagapagsalita Layunin ng Talumpati Saan o Paano

Natutunghayan

Halimbawa: Christian Bables Pagtanggap ng parangal Napanood sa telebisyon

bilang Best Supporting
Actor sa gabi ng parangal
ng MMFF

1.

2.

Kumusta ang pagsagot mo sa mga gawain? Naging madali ba ito para sa iyo? Bilugan
ang pinakaangkop mong emosyon para dito. Ipaliwanag.

Nahirapan ka ba sa pagsagot sa unang gawain? Ipaliwanag ang iyong sagot.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Suriin

Alam mo ba?

Sa pagsulat ng talumpati ay mahalagang malaman mo ang mga bahaging nito.

Ang unang bahagi ng talumpati ay ang simula (introduksiyon). Kinakailangang
dito makuha ng mananalumpati ang atensiyon ng kanyang tagapakinig at umisip ng
estratehiya upang makuha kaagad ang atensiyon ng madla. Sa bahagi ng introduksyon
ay kinakailangang banggitin ang pangunaging pangungusap ng gagawing talumpati o
ang tesis nito. Mahalaga ang nagiging papel ng tesis ng pangungusap dahil ito ang
pinakakaluluwa, pinakabuod, at pahayag na nais ipaabot sa tagapakinig. Karaniwang
inilalagay ito sa huling bahagi ng introduksiyon bilang simula sa pagtalakay ng
nilalaman ng talumpati.

3
Ang ikalawang bahagi na dapat lamanin ng iyong binubuong talumpati ay ang
katawan (nilalaman). Sa pagsulat ng bahaging ito, kinakailangang isaalang–alang ang
mga wastong impormasyon. Huwag lang basta kuhanin ang nilalamang makikita sa
mga elektronikong sanggunian. Mahalagang tingnang mabuti ang kredibilidad ng
pagkukuhanang impormasyon upang hindi magkamali. Karaniwan sa mga aklat at
dalubhasa sa pagtatalumpati, iminumungkahi nilang magkaroon ng dalawa hangggang
tatlong punto at sa bawat punto ay nangangailangan ng paliwanag upang mas
mapalawak pa ang tinutumbok ng talumpati. Mahalagang maging sistematiko at
organisado ang paglalatag ng mga punto, ideya, at iba pang nais sabihin. Halimbawa:
unang punto at paliwanag, ikalawang punto at paliwanag, at ikatlong punto at
paliwanag. Kalimitan ganito rin ang ginagawa sa mga paligsahan sa pagtatalumpati.
Maaaring gumawa ka ng balangkas upang mas magabayan ka sa pagbuo ng talumpati.
Isa rin sa mga hinihintay ng madla ay ang mga panayam mula sa ibang tao upang
mapatotohanan ang mga ipinahahayag mo sa iyong tagapakinig. Isa ring puntos sa mga
tagapakinig ang paghahayag ng iyong sariling karanasan bilang materyal sa
isasagawang talumpati.
Ang huling bahagi ng iyong talumpati ay ang kongklusyon. Dito mo muling
uulitin ang mga naging punto at dito rin ilalagay ang mahahalagang ideyang nais mong
bigyang–diin sa iyong mga tagapakinig. Maaari mo rin ilagay sa bahaging ito ang tesis
ng pangungusap na sinabi mo sa introduksiyon upang maipaliwanag mo nang husto at
hindi makalimutan ng mga nakikinig. Sa pag–ulit mo ng tesis ng pangungusap ay
mailalarawan mo rin nang husto ang iyong pinupunto. Batay rin sa mga dalubhasa sa
larangan ng pagtatalumpati ay mahalagang sa nilalaman ng talumpati sa bahagi ng
kongklusyon ay ang pag–iiwan mo ng hamon o tanong sa madla o di naman ay mag–
imbita o manghikayat sa madla na kumilos tungo sa pagbabago.
Narito ang ilan pa sa mga tagubilin sa pagsulat ng talumpati:
• Alamin ang magiging tagapakinig at okasyon.
• Alamin kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas ng talumpati.
• Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may natatanging halaga sa iyong buhay,
o mayroon kang sapat na kaalaman.
• Tukuyin ang mga layunin ng pagsusulat at paghahanda ng talumpati at ng
isasagawang pagbigkas.
• Kumalap ng datos at mga kaugnay na babasahin.
• Alamin ang magiging halaga ng isusulat na talumpati.
• Ibalangkas at suriin ang mga nakalap na datos.
• Itala ang tatlo hanggang pitong mahahalagang punto.
• Talakayin, pagyamanin, at paunlarin ang mga ideya.
• Ihanda ang mabisang kongklusyon.
• Huwag kalilimutang kilalanin ang sanggunian sa talumpati.
• Kapag nasulat na ang unang borador, basahin ang teksto nang ilang ulit.
• Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang pinal na borador, mag–imprenta ng
kopya.

Pagyamanin

Gawain 1 Pagbuo ng Balangkas

Gamit ang mga konseptong nalaman mo sa modyul na ito, oras na para

pagyamanin ang iyong mga natutuhan. Maaari mo ring balikan ang modyul sa sintesis
o sinopsis bilang gabay mo sa gawaing ito. Basahin ang halimbawa ng talumpati ni Dr.
Jose V. Abueva na pinamagatang “Pambansang Wika at ang Isyu ng Intelektwalisasyon”
Bumuo ng isang balangkas upang matukoy ang pangunahing pangungusap o
tesis ng pangungusap ng teksto. Alamin din ang mahahalagang ideya o punto mula sa
teksto at tukuyin ang ideya ng kongklusyon sa talumpati ni Dr. Jose V. Abueva.
Sundan ang balangkas:

4
Pamagat: _________________________________________________

I. Pangunahing ideya/Tesis
_______________________________________________________________________
II. Mga Mahahalagang punto/ideya
A. (unang punto)__________________________________________________
1. Isulat ang kabuuang nilalaman ng unang punto
B. (ikalawang punto)___________________________________________
1. Isulat ang kabuuang nilalaman ng ikalawang punto
C. (ikatlong punto)_____________________________________________
1. Isulat ang kabuuang nilalaman ng ikatlong punto
III. Kongklusyon
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 2 Pagbasa ng Teksto

Basahin ang isang halimbawang talumpating isinulat ni Onofre Pagsanghan na
pinamagatang “Sa Kabataan.” Suriin at kilalanin ang mga katangian ng mahusay na
talumpati sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Maaaring maakses sa link na:
http://filipinolibrarian.blogspot.com/2006/08/talumpati-onofre-pagsanghan.html. Isulat
ang mga sagot sa iyong kuwaderno o e-portfolio.

1. Ang mga kabataan nga lang ba ang dapat na makinig o magbasa ng

talumpating ito? Ipaliwanag ang kasagutan.
2. Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating ito?
3. Nakapukaw ba kaagad ng iyong interes sa simula pa lamang ang talumpati?
4. Taglay ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati gaya
ng kawastuhan, kalinawan, hindi maligoy, at iba pa? Ilahad ang iyong sagot.
5. Maayos ba ang pagkakalagom o kongklusyon nito kaya’t mapakikilos kang
gawin ang nakasaad dito?
6. Masasabi mo bang nakikilala mo na ngayon ang katangian ng isang mahusay
na talumpati batay sa halimbawang iyong sinuri? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 3 Awtput
Mula sa nabasang talumpati, pumili ka ng isang paksang nais mong gawan ng
talumpati. Sumulat ka ng isang talumpating nanghihikayat sa kabataaang Pilipino.
Hikayatin mo silang makinig at maniwala sa iyong ideya, pananaw, at paniniwala.
Isaalang–alang sa pagsulat ang lahat ng tinalakay sa araling ito. Isulat ang iyong
talumpati sa maikling short bond paper at ipasa sa iyong guro.
Pamantayan sa pagmamarka

Pamantayan Puntos
Naisagawa nang mataman ang mga 5
hakbang sa pagsulat ng talumpati
Nakasulat ng organisado, malikhain, at 5
kapani-paniwalang talumpati
Nakasulat ng talumpating batay sa
maingat, wasto, at angkop na paggamit 5
ng wika
Nakabuo ng talumpating may batayang
pananaliksik ayon sa pangangailangan 5
Kabuuang puntos 20

5
Isaisip

Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil
naniniwala ang iyong guro na #MEMASASABI ANG KABATAAN.
Ano ang iyong repleksiyon sa pagsulat mo ng iyong kauna–unahang talumpati?
Ano–ano ang mga suliraning naranasan mo sa pagsulat ng iyong talumpati? Ibahagi mo
ito sa modyul na ito.
Pagnilayan…
Ang mga talumpati ay may layunin din kung bakit sila naisulat at bibigkasin sa
harap ng madla. Magturo, magpaliwanag, magbigay-impormasyon, manghikayat,
magpaniwala o manlibang ang ilan sa mga layunin ng isang talumpati. Mayroon ding
tinatawag na talumpating pinaghandaan kung saan nangangailangan ito ng oras,
pananaliksik, at impormasyong naibalangkas bago ito bigkasin sa harap ng madla.
Samantalang mayroon naman tayong dagliang talumpati kung saan ang pagtatalumpati
ay agaran at di pinaghandaan o isinaulo. Nasusukat ang lawak ng kaalaman at diskurso
ng nagtatalumpati sa uring ito dahil ang mga salita at pahayag na sasabihin niya ay
hango sa kaniyang malawak na kaalaman, kasanayan, at karanasan sa paksang
kaniyang tinatalakay.

Isagawa

Palawakin ang Kaalaman!

Ihanda ang iyong sarili sa pagsulat ng talumpati. Magbigay ng dalawang paksang
sa palagay mo ay magandang gawan ng talumpating makatutulong sa inyong
henerasyon upang mas maging responsable sa pagpapahayag ng saloobin at paggamit
ng social media at mga makabagong teknolohiya. Maglahad ng tigdalawang paraan
kung paano ito makatutulong sa iyo. Tandaang dapat na nakabatay sa pananaliksik
ang talumpating isusulat kaya’t isaalang–alang ito sa pagbibigay ng magandang paksa.

1
Paksa

1
Paksa

6
Tayahin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang letra ng tamang sagot.
1. Sa anong bahagi ng talumpati kabilang o saan makikita ang mahahalagang punto o
kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig?
A. Panimula/Introduksiyon C. Konklusyon
B. Katawan/Diskusyon D. Haba ng Talumpati
2. Anong bahagi ng talumpati nakasalalay kung ilang minuto o oras ang ilalaan upang
bigkasin ito?
A. Panimula/Introduksiyon C. Konklusyon
B. Katawan/Diskusyon D. Haba ng Talumpati
3. Anong bahagi ng talumpati inhahanda ng mananalumpati ang kaniyang mga
tagapakinig patungkol sa nilalaman ng talumpati?
A. Panimula/Introduksiyon C. Konklusyon
B. Katawan/Diskusyon D. Haba ng Talumpati
4. Anong bahagi ng talumpati nilalagom ang mga patunay at mga argumentong nilahad
sa katawang bahagi ng talumpati?
A. Panimula/Introduksiyon C. Konklusyon
B. Katawan/Diskusyon D. Haba ng Talumpati
5. Kung ang mga magiging tagapakinig mo ay mga mag-aaral na kukuha ng kursong
medisina ano ang maaaring maging paksa ng iyong talumpati?
A. Mga dahilan kung bakit magandang kurso ang medisina
B. Mga hakbang sa pag-eenrol sa kursong medisina
C. Mga lugar na maaaring puntahan ng isang nakatapos ng medisina
D. Mga sakit na maaaring gamutin ng isang natapos ng medisina

Karagdagang Gawain

Gawain1 Basahin ang talumpati ni Krisel Mallari sa kaniyang graduation speech

(welcome remarks). Mababasa ito sa
https://drive.google.com/file/d/1N1pXxiTP5c_cEK92PniX_soLcezwMnDs/view?usp=s
haring.
Gumawa ng insight batay sa artikulong nabasa. Bilang mambabasa o
tagapakinig, naging epektibo ba ang paglalahad ng kaniyang talumpati? Batay sa
tinalakay sa modyul na ito, kumpleto ba ang mga bahagi nito? Ano kaya ang layunin
ng kaniyang talumpati? Kanino niya iniaalay ang talumpating ito? Ilagay ang sagot sa
talaan.

Mga Bahagi Layunin Awdiyens Mga Punto

1. Simula

2. Gitna

3. Kongklusyon

7
Gawain 2
Ikaw ay naanyayahang maging panauhing pandangal sa Pagtatapos sa paaralang
pinagtapusan mo noong ikaw ay nasa elementarya. Sumulat ng talumpati hinggil sa
paksa ng pagtatapos na “Sulong Edukalidad: Pagtataguyod sa Kinabukasan ng
Bayan.” Gawing gabay na balangkas ang pamantayan sa Gawain 1. Gumawa muna ng
balangkas bago buuin ang talumpati. Ipasa sa iyong guro bilang bahagi ng iyong e-
portfolio.

Balangkas ng Talumpati

_________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Mahusay na Mahusay Kainaman

mahusay (5) (4) (3)
Mga Bahagi -Naipakita sa -Naipakita sa -Naipakita sa
1. Simula talumpati ang mga talumpati ang talumpati ang isang
2. Gitna o katawan bahagi nito dalawang bahagi bahagi nito
3. Kongklusyon o nito
wakas
Mga punto -Malinaw, -Malinaw, -Maligoy, hindi
organisado, may bahagyang masyadong
pagkakaugnay- organisado at organisado ang mga
ugnay ang mga magkakaugnay ang kaisipan at pahayag
pahayag at kaisipan mga pahayag at
kaisipan
Gamit ng Wika -Naayon sa paksa, -Di gaanong napili -Di kinakitaan ng
wasto ang gamit at at nagamit ang mga mahusay o maayos
paglalapat ng mga salita sa pagtalakay na paglalapat ng
salita at angkop ang ng mga punto. wika sa pagtalakay
gramatika sa sa mga punto
pagtalakay ng mga
punto.
Kabuoan

8
Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagsulat ng Bionote
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Pagsulat ng Bionote
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Mary Ann F. Vidallo at Mary Rose Anne D. Gerundio

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba at Rene Jhon C. Carumba

1
Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval

Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng

Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo

City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Naalala mo ba noong ikaw ay pinasulat ng talambuhay ng iyong guro sa klase?

Ano–ano ang mga karaniwang isinulat mo sa iyong unang talambuhay? Nakapagsulat
ka na rin ba ng talambuhay ng isang kilalang personalidad o persona?

Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan ang wastong pagsulat ng isang

akademikong sulating bionote. Sa kursong iyong kinukuha, higit mong kakailanganin
ang kasanayan sa pagsulat ng bionote lalong–lalo na sa mga panahong ikaw ay
maiimbitahan sa mga programa sa hinaharap.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Nakasusulat nang maayos ng akademikong sulatin. (CS_FA11/12PU- 0d-f-92);
at
2. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
(CS_FA11/12PU- 0d-f-93)

Mga tiyak na kasanayan:

1. Natutukoy ang mga konsepto ng Bionote;
2. Nakikilala ang anyo, layunin, katangian, at kahalagahan ng Bionote; at
3. Nakasusulat ng isang bionote batay sa teknikal na pangangailangan nito.

Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay isang maikling tala ng personal na impormasyon tungkol sa isang awtor na

maaaring makita sa likuran ng pabalat ng libro.
A. Bionote B. Panukalang Proyekto C. Talumpati D. Sintesis o Buod

2. Inatasan si Mariah na kunin ang bionote ng mga inampalan para sa pagdiriwang ng

Buwan ng Wikang Pambansa 2021. Anong katangian ang dapat isaalang – alang sa
pagkuha ng impormasyon ng hurado?
A. Maikli ang nilalaman
B. Gumagamit ng pangatlong panauhan
C. Nakatuon sa angkop na kasanayan o katangian
D. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon

3. Alin sa sumusunod ang HINDI layunin at gamit ng isang bionote?

A. Maipaalam ang mga buong impormasyon sa isang tao sa pamamagitan ng
maikling talata.
B. Makita ang kredibilidad ng isang awtor.
C. Malaman ang kaniyang personal profile at academic career.
D. Ipagmayabang ang narating sa kaniyang propesyon.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI ginagamitan ng bionote?

A. Pagpapakilala sa kaibigan C. Pagpapakilala sa hurado
B. Pagpapakilala sa may – akda D. Pagpapakilala sa kilalang tao

1
5. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang mahusay na bionote?
I. Impormatibo IV. Nasa Ikatlong panauhan
II. Mapaglarawan V. Maiksi
III. Makatotohanan

A. I – II – III – IV – V C. I – II – III – V
B. I – III – IV – V D. II – III – IV – V

Aralin

1 Pagsulat ng Bionote

Maraming iba’t ibang dokumento ang nanghihingi ng iyong personal na

impormasyon tulad ng biodata, resume, liham, autobiograpiya, atbp. Ilan sa mga
hinihinging impormasyon sa mga nabanggit na dokumento ay pangalan, edad,
kasarian, kaligirang pang–edukasyon, buhay–kabataan, o kasalukuyang
pinagkakaabalahan mo.
Karamihan sa atin ay gumagawa ng bionote. Ito ay isang maikling tala na
nagpapakilala sa isang tao sa isang partikular na pangangailangan. Ito ay maituturing
na verbal selfie na makikita sa likuran ng mga aklat, dyornal, at pasalitang–
presentasyon. Ang bionote ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa upang
makilala ka ng iyong awdyens.
Bago ka magpatuloy sa aralin natin ngayon ay magbalik-aral muna tayo sa
nakaraang aralin.

Balikan

Kumusta ang naging pagsulat mo ng talumpati? Tiyak kong hindi ka nahirapan

sa pagbuo ng mga ideya dahil naging malinaw ang paglalahad nito sa iyo.
Nais kong balikan mo ang mahahalagang punto sa pagsulat ng isang mahusay
na talumpati. Ano–ano ba ang mga bahagi ng talumpati? Mula sa mga bahagi nito, ano–
ano rin ba ang kinakailangang lamanin nito? Punan ang grapiko upang mabuod ang
mga konseptong natutuhan sa nakalipas na aralin.

TALUMPATI

2
Tuklasin

#KapareWHO
Sa gawaing ito, hahanap ka ng iyong kapareha. Kilalanin mo ang iyong kaklase
sa pamamagitan ng mga tanong sa ibaba:
1. Ano ang iyong pangalan?
2. Ilang taon ka na?
3. Ano ang mga nakahiligan mong gawin? (hal. magbasa, magsaliksik atbp.)
4. Saan ka nagtapos ng elementarya?
5. Saan ang kasalukuyan mong paaralan?
6. Ano ang mga karangalang iyong nakamit?
7. Ano ang kontribusyon mo sa kasalukuyang paaralan?

Matapos ang pakikipanayam, bumuo ng isang talatang may 100–150 salita mula
sa mga naging kasagutan ng iyong kamag–aral. Isulat ang iyong kasagutan sa kahon
sa ibaba.

Kinapanayam: ______________________________________________________
___________________________________________________________________

#InputNiSir
Ang Bionote ay maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang
awtor na maaaring makita sa likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may
kasamang litrato ng awtor. Ito ay ginagamit para sa personal profile ng isang tao
tulad ng kaniyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa isang tao. Ang
paglalahad ng bionote ay kinakailangang makatotohanan. Karaniwan sa mga
bionote ay maikli lamang. Kadalasan ay binubuo lamang ito ng 100–150 na mga
salita. Kaya’t walang gaanong puwang sa isang akademikong sulating ito na
makipag–usap nang mahaba o marami sa mambabasa. Hindi rin kinokonsidera sa
bionote ang pagiging malikhain nito dahil kinakailangan dito ang pormal na
paglalahad sa isang tao. Ang pagsulat ng bionote ay nasa pangatlong panauhan (hal.
Si Juan Dela Cruz ay isang mananaliksik. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng
Pilipinas.). Isa sa mga responsibilidad ng mga taong sumusulat ng bionote sa
kinakapanayam nila ay ang pakilala nito sa kanilang kinakausap. Sa mga sumusulat
ng sariling bionote at nagsusulat ng bionote para sa iba ay ginagamitan ito ng
baligtad na tatsulok.

3
Ibig sabihin, inuuna nito ang pinakamahalagang impormasyon. Sa pagsulat
ng bionote, dapat itinutuon lamang ang nilalaman batay sa tiyak na
pangangailangan. Kung ang kinakapanayam ay naanyayahan bilang inampalan sa
isang programa sa Buwan ng Wikang Pambansa, ang mga kasanayan o katangiang
dapat ilagay lamang sa kaniyang bionote ay ang lahat ng naging ambag nito sa
kaniyang larangan at iba pang impormasyong magpapatibay na ang taong iyon ay
awtoridad o may kapasidad bilang inampalan sa nasabing programa. Ang pagbanggit
ng digri ay nakatutulong din sa isang mahusay na bionote. Isaalang–alang lamang
na ang digring ilalagay ay akma sa hinihingi ng pagkakataon. Bilang sumusulat ng
bionote, isaisip ang pagiging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon dahil ang
iyong kredibilidad ang nakataya rito.

Ang nilalaman ng bionote ay ang sumusunod:

• Una, ang personal na impormasyon tulad ng pinagmulan, edad, buhay
kabataan, at kasalukuyan.
• Pangalawa, ang kaligirang pang–edukasyon tulad ng paaralan, digri, at
karangalan.
• Ikatlo, ang ambag sa larangang kinabibilangan tulad ng kontribusyon at
adbokasiya.

Halimbawa:
Mapapansin sa bionote na ito ay
siksik, ang mga impormasyon ay
maikli ngunit malaman. Ito ay
tumatalakay sa academic career ni
Gng. Ailene Baisa – Julian.

Pagyamanin

Gawain 1.1 #Payabungin mo!

Panuto: Basahin ang bionote. Tukuyin ang mga bahaging nakasulat dito.

Si Bernadette A. Chu ay nagtapos ng BS Graduate Engineering, MA Sociology at

kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Filipino:Pagsasalin sa UP Diliman. Siya ay
nagtuturo ng panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas at resident fellow ng UST
Center for Creative Writing and Literary Studies. Nailathala ng NCCA ang kaniyang
unang koleksiyon ng tula noong 2013. At noong 2014 nailathala ang kaniyang
ikalawang koleksiyon ng tula.

1. Ano–ano ang mga impormasyong nabanggit sa teksto?

__________________________________________________________________________________
2. Sa palagay mo, naging matagumpay ba ang isinulat na bionote sa pagpapakilala sa
awtor? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Ano–ano ang kalakasan ng binasang bionote?
__________________________________________________________________________________
4. Mayroon bang kahinaan ang binasang bionote? Kung mayroon, ano ito? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4
Gawain 1.2 #Intratadia “Brilyante ng Karunungan, sa Silid–Aralan
Matatagpuan”
Si Juan Dela Cruz ay sumulat ng kaniyang sariling bionote para sa isang
komperensiya sa mga mahuhusay na manunulat sa Pilipinas. Humingi siya ng tulong
sa iyo upang magbigay ng kritisismo sa kaniyang naisulat dahil tiyak niya na ikaw ay
may sapat na kaalaman sa pagsulat ng bionote.
Matutulungan mo ba siya? Basahin ang ginawang bionote ni Juan Dela Cruz.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong ukol dito.

Nagtapos ako ng AB Filipino at MA Psychology, at kasalukuyang kumukuha

ng PhD sa Araling Filipino. Disertasyon na lamang ang kulang ko. Nagtuturo ako ng
Panitikan sa Unibersidad ng De La Salle at kabilang sa samahan ng mga manunulat
sa Writing at Literary Studies. Lagi akong tumatambay sa aming balkonahe upang
magsulat. Nailathala ng NCCA ang unang koleksiyon ko ng maikling kuwento noong
2014. Mahusay raw, ayon sa mga dalubhasa. Nailathala naman noong 2016 ang
kauna-unahang koleksiyon ko ng tula. Pangarap kong manalo sa Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature. Nakapaglathala at nakapagbasa na rin ako ng mga
akademikong papel sa ilang lokal na dyornal at kumperensiya. Interes ko rin talaga
ang pag– aalaga ng halaman at hayop gayundin ang panonood ng Netflix.

Sa palagay mo, naging matagumpay ba ang bionote sa pagpapakilala sa

awtor? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Ano–ano ang kalakasan at kahinaan ng binasang bionote?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Kung ikaw si Juan Dela Cruz, paano mo aayusin ang iyong bionote?
Isulat muli ang maayos na bersyon ng bionote.

Gawain 1.3 #ItamaMo
Panuto: Gamit ang iyong panayam sa iyong kamag–aral sa unang gawain, nais ng
modyul na ito na isulat muli ang bionote ng iyong kamag–aral batay sa natutuhan mo
sa modyul na ito. Isaalaang–alang ang mga dapat na nilalaman ng isang mahusay na
bionote.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip

Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil
naniniwala ang iyong gurong #MEMASASABI ANG KABATAAN.
Ano–ano ang mahahalagang puntong dapat isaalaang–alang sa pagsulat ng isang
mahusay na bionote? Isulat sa call out ang sagot.

Pagnilayan

• Bakit mahalagang matutuhan ang pagbuo ng sariling bionote?

• Paano makatutulong ang kasanayan sa pagbuo ng bionote sa

mahusay na komunikasyon lalo na sa piniling larang?

Dugtungan ang pahayag.

Natutuhan ko sa modyul na ito na _____________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

6
Isagawa

Palawakin ang Kaalaman!

#AkosaHinaharap
Panuto: Lumikha ng iyong sariling balangkas ng pagsulat ng bionote batay sa
tinalakay at nabasang mga halimbawa nito nang sa gayon ay magkaroon ng isang gabay
sa pagsulat nito:
A. ________________________________
B. ________________________________
C. ________________________________
Matapos mong gawin ang balangkas na hinihingi, isulat nang patalata ang iyong
ginawa.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay mga kadalasang kakikitaan ng bionote maliban sa isa. Ano ito?
A. Aklat B. Dyornal C. Websites D. Diyaryo
2. Mga ilang salita lamang ang kadalasang nilalaman ng isang Bionote?
A. 100-150 B. 150-200 C. 200-250 D. 250-300
3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa nilalaman ng isang bionote?
A. Personal na impormasyon
B. Kaligirang pang-edukasyon
C. Impormasyong may kaugnayan sa pamilya o pag-ibig
D. Ambag sa larangang kinabibilangan
4. Alin sa sumusunod ang kabilang sa personal na impormasyong isa sa mga nilalaman
ng bionote?
A. Kursong natapos sa kolehiyo
B. Mga karangalang nakamit kaugnay sa kaniyang propesyon
C. Buong pangalan
D. Ilan ang anak sa kasalukuyan
5. Alin sa sumusunod ang kabilang sa kaligirang pang-edukasyong isa sa mga
nilalaman ng bionote?
A. Kursong natapos sa kolehiyo
B. Mga karangalang nakamit kaugnay sa kanyang propesyon
C. Buong pangalan
D. Ilan ang anak sa kasalukuyan

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Humanap ng isang taong propesyunal na hinahangaan mo sa isang

larangang nais mong tahakin sa hinaharap. Alamin ang kaniyang bionote. Hahanapin
sa bionote na ito ang mahahalagang bahagi nito.

You might also like