Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Name: _Saberon, Marc Andre C._ Yr.

& Sec: _BEED 1A DAY_


Date: __May 6, 2022__

Panuto: Basahing at unawain ang bawat pahayag o tanong. Sagutin ang bawat aytem
at ilagay sa ibinigay na puwang.

1. Ipaliwanag ang kaibahan ng ponemang segmental at suprasegmental.

Ang ponemang segmental ito ang tawag sa tunog ng bawat titik (mga
patinig at katinig) sa buong salita at pagdudugtong nito, habang ang
ponemang suprasegmental ito ay tawag sa paraan ng pagbibigkas ng mga
salita. Binabatay ito sa tono o intonasyon, hinto o antala, haba at diin.

2. Ano ang kahalagahan sa ponemang suprasegmental at magbigay ng


halimbawa?

Mahalagag bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa


pakikipagtalastasam upang maging wasto ang baybay ng mga salitang ating
sinulat. Ito ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na
karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,
sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas.

Narito ang mga halimbawa ng ponemang suprasegmental:


• PAso - paSO
• PAso - Napakasakit ng PAso ko sa daliri dahil sa aksidenteng pagdikit ko sa
apoy ng kandila.
• paSO - Si Maria ay bumili ng mamahaling paSO para sa kanyang alagang
halaman.
• BUhay - buHAY
• BUhay - Ang mga anak ni Minda ay nagsikap ng mabuti sa pag-aaral, kaya
sila ngayon ay may magandang BUhay.
• buHAY - Kahit na namayapa na siya nananatili pa rin siyang buHAY sa
aking puso.

3. Bakit mahalaga ang pag-aaral sa mga uri ng bigkas at ang Pagpapantig ng


mga salita?

Mahalaga ang pag-aaral sa mga uri ng bigkas at ang pagpapantig ng mga


salita dahil sa paraang ito mas bibigyan tayo ng gabay sa pag gamit nito.
Importante ding malaman ang wastong bigkas ng mga salita para
maunawaan o maintindihan ng mabuti ng mga manonood o nakikinig.
4. Ano-ano ang mga kailangan linangin sa pakikipagkumonikasyon?

Marami ang kailangang linangin sa pakikipagkomunikasyon, dapat muna


nating pag-aralan ang iba't-ibang salita upang madali nalang natin itong
maibigkas. Alamin din natin ang iba't-ibang kasangkapan sa pagsasalita
upang matuto tayong gamitin ito sa pakikipagkomunikasyon. Kailangan din
nating linangin ang ating kaalaman sa mga uri ng bigkas at ang pagpapantig
ng mga salita dahil ito ang paraan upang maunawaan natin ang isa't isa.
Dapat rin nating pag-isipan ang ating sinasabi o binibigkas upang maiwasan
ang pagkalito ng mga nakakarinig nito. At ang huli, dapat nating pag aralan
ang iba't-ibang proseso nito dahil sa ganitong paraan mas magkakaunawaan
at magkakaintindihan ang lahat, mabisa din ito sa pakikipagkomunikasyon ng
isa't isa.

5. Bakit ang komunikasyon ay isang proseso?

Ito ay mabisang komunikasyon dahil ito ay higit pa sa pagpapalitan ng


impormasyon. Tungkol ito sa pag-unawa sa damdamin at hangarin sa likod
ng impormasyon. Pati na rin sa malinaw na paghahatid ng isang mensahe.
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga
simbolo.

You might also like