Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAMILYA

NI: RHONA MAE H. NUNEZ

Wala ng mas hihigit pa sa kanila


Tunay na pagmamahal ay taglay nila
Malasakit at pagdamay sa tuwina
Sa pamilya tunay na makaaasa

Pagbubuklod-buklod ang s’yang kalakasan


Dulot sa tuwina ay kaligayahan
Kapanatagan maging kapayapaan
Pagkakaisa na nagsilbing puhunan

Hindi mahalaga ang anumang bagay


Kung suporta ng pamilya’y hindi taglay
Bukas man sa isip maraming paraan
Ngunit sa huli patnubay kailangan

Hindi maiiwasang mga suliranin


Mga balakid na kailangang harapin
Pag-asang nararapat pang patibayin
Ugali’t kalakasa’y mas susulungin

Pamilyang kinagisnan at silang gabay


Sa bawat pagsubok at hamon ng buhay
Bukal sa loob ang tunay na pagdamay
Pagpapahalaga sa kanila’y alay

Di dapat sayangin ang pagkakataon


Pamilya na kailangan ay atensyon
Pagmamahal na nagsisilbing pundasyon
Sa bawat kilos at pangarap na layon

You might also like