Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga bahagi ng Editoryal

1. Panimula

•Ito ay naglalaman ng batayang balita, isyu at reaksyon. Ang kawalan niyo ay nangangahulugangn ang
akda ay hindi editoryal kundi) isang sanaysay

Halimbawa:

Isang magandang panukalan batas ang inihain sa Kongreso Kinatawan Connie Dy ng Lungsod ng Pasay
tungkol sa pagpapadrug test ng mga estudyante na ang pamahalaan ang gagastos.

2. Katawan

Inilalahad dito ang mga detalye ng mga katotohanan. tungkol sa isyu, kalakip ang opinyon o prinsipyong
pinapanigan ng patnugutan.

Halimbawa

Bagama't nangangahulugan ito ng dagdag gastos para sa Kagawaran n Edukasyon na hirap na hirap na
matugunan ang sapin-saping pangangailangan sa kakarampot na badyet, isa itong mabisang hakbang
upang matukoy at matulungan ang mga kabataang nalululong sa droga na ayon sa pinakahuling survey
ay umabot na ang bilang sa mahigit 5.2 milyon

Hindi maikakailang ang karaniwang nabibiktima ng mga natutulak ng mga ipinagbabawal n gamot ay
mga kabataang wala o kulang sa kamuwangan sa masasamang dulot nito. Kapag natukoy na ang mga
kabataang ito sa pamamagitan ng drug test madali na lamang silang mabigyan Rg kaukulang lunas ng
mga kinauukulan.

3. Kongklusyon.

Ito ay naglalaman ng pinakamahalagang kaisipan direksyon na maaring payo, hamon o simpleng buod ng
akda.

Halimbawa:

Pabata nang pabata ang mga sangkot sa karahasan at kriminalidad na karaniwan ay lango sa mga
ipinagbabawal na gamot. Kapag naaprobahan at naipatupad na ang panukalang batas na ito, maaring
mabawasan na, kundi man) masusugpo nang tuluyan ang drug addiction sa bansa.

You might also like