Professional Documents
Culture Documents
AralingPanlipunan8 - Q2 - Mod5 - Sistemang Piyudal at Manor Sa Gitnang Panahon Sa Eur
AralingPanlipunan8 - Q2 - Mod5 - Sistemang Piyudal at Manor Sa Gitnang Panahon Sa Eur
Araling Panlipunan
Quarter 2 – Module 5
Sistemang Piyudal at Manor sa
Gitnang Panahon sa Europa
Araling Panlipunan – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 5: Sistemang Piyudal at Manor sa Gitnang Panahon sa
Europa
First Edition, 2020
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Gingoog City
Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Management Team:
Paunang Salita................................................................................................................... i
Alamin................................................................................................................................ i
Pangkalahatang Panuto.....................................................................................................ii
Mga Icon ng Modyul........................................................................................................... ii
Subukin.............................................................................................................................. iii
Buod.................................................................................................................................. 10
Pagtatasa........................................................................................................................... 11
Susi sa Pagwawasto........................................................................................................ 12
Sanggunian....................................................................................................................... 13
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay magdadala sa iyo sa Gitnang Panahon sa Kanlurang Europa
kung kailan ang sistemang piyudal ang umiral. Kaakibat nito ang sistemang pampulitika,
panlipunan, at pang-ekonomiya noong mga panahong iyon. Ang sistemang pampulitika ay
makikita sa desentralisadong pamamahala. Ang sistemang pang-ekonomiya ay nailalarawan
ng sistemang manoryal na siyang sentro ng mga gawaing pangkabuhayan. Ang sistemang
panlipunan naman ay makikita sa pag-uuri ng lipunan sa tatlo: 1) uring maharlika; 2) mga
klerigo; 3) at mga pesante
Masisilayan sa modyul na ito ang pagkakatatag ng sistemang piyudal at ang
gampanin ng mga kabalyero sa sistemang ito. Dito makikita ang nagkakaibang lipunan sa
panahong piyudalismo at sistema ng kalakalan sa Gitnang Panahon kung saan dito lumago
at nagsimulang umusbong ang mga bayan at lungsod.
Sa bahagi ng modyul na ito, pag-aaralan ang mga mahahalagang pangyayari
tungkol sa buhay noong Gitnang Panahon sa Europa. Dito natin masisilayan ang pag-
usbong ng sistemang piyudalismo at manoryalismo at ang pag-usbong ng mga bagong
bayan at lungsod. Ating malalaman ang mga epekto at kontribusyon ng mahahalagang
pangyayari sa Europa sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.
Inaasahan na sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, masasagot mo
ang katanungang ito: Ano ang epekto at kontribusyon ng mahahalagang pangyayari sa
Europa sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan?
Alamin
Sa panibagong modyul na ito, ating tuklasin ang mga pangyayari na nagbigay daan ng
piyudalismo at manoryalismo at kung papaano ito umuusbong sa Panahong Medieval sa
Europe. Paano kaya ito nagsimula at gaano kaya kahalaga
ang mga sistemang ito sa kanilang panahon?
i
Pangkalahatang Panuto:
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang
mga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
ii
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
3. Ito ang tungkulin ng vassal kung ang mabihag ang kanilang Lord sa digmaan.
a. Fief c. Ransom
b. Homage d. Wala sa nabanggit
iii
Arali
n
Ang Piyudalismo
1
Alamin
Suriin
Basahin at Matuto
Basahin at suriin ang sumusunod na teksto.
Ang Piyudalismo
Pinakamalaking kayamanan ng Europa noong ikasiyam hanggang ika-14 na
siglo ang anyo ng lupa. Ang hari ang pangunahing nagmamay ari ng lupa at dapat niya
itong pangangalagaan.
Dahil sa lawak ng kanyang lupain, ibinahagi ng hari sa mga nobility o dugong
bughaw ang lupain, dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang mga ito. Sila rin ang
magiging vassal ng hari na isang dugong bughaw. Ang hari ay isang lord o panginoong
nagmamay ari ng lupa. Tinatawag din liege o suzerain ang lord habang fief naman ang
tawag sa lupang ibinibigay ng hari sa vassal. Ang vassal, na pwedeng may dugong
bughaw, ay isa ring lord dahil siya ay may ari ng lupa.
Nangangako ang vassal na magiging tapat na tauhan ng hari sa paraan ng
seremonya na “Homage”. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal ay isinasagawa ang
investiture o seremonya. Binibigyan din ng lord ang vassal ng isang tingkal na lupa
bilang sagisag nito na tinatawag na sumpang “oath of fealty”.
Gagampanin ng vassal at lord ang kanilang tungkulin pagkatapos ng “oath of
fealty”. Ipagtanggol ng hari ang vassal laban sa mananalakay at maglapat ng nararapat
para sa alitan. Kapag nabihag naman ang lord sa digmaan, tungkulin niya na magbigay
bayad o ransom pantubos. Ang vassal ay tumutulong din sa paghanap ng dowry sa
panganay na dalaga ng hari at magbibigay gastusin para sa seremonya sa anak ng
hari bilang isang knight. Magiging mandirigma din ang knight at manumpa sa
katapatan ng hari. Itinuturing ang knight na mandirigma na nakasakay sa kabayo.
1
Ang Pagtatag ng Piyudalismo
Nag-ugat ang pagkahatihati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne sa gitnang
panahon ng piyudalismo ayon sa kasunduan sa Verdum. Humiwalay sa pamumuno ng
hari ang mga opisyal ng pamahalaan at nagmay-ari ng lupa dahil mahihina ang mga
tagapamahala ni Charlemagne. Ang mga konde at duke ang muling nagbangon ng lokal
na pamahalaan. Pumasok ang mga barbarong Vikings, Magmar at Muslim na
sumasalakay sa iba’t ibang panig ng Europa. Nakakuha ang mga Vikings ng lupain sa
Pransya, kilala ngayon na Normandy, kapalit ang pagtanggap nila sa Kristiyanismo.
Dahil sa madalas na pagsalakay nga mga barbaro, naitatag ang sistemang piyudalismo
sa Europa sa paghangad ng mga mamamayan ng proteksiyon.
Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module 9 (Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa, pahina 6
2
Pagyamanin
Isaisip
Gawain 2: Tara’t Mag-Isip!
Panuto: Ilarawan ang mga katangian at tungkulin ng tatlong uri ng lipunan sa panahon ng
Piyudalismo at sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Uri ng Lipunan Katangian Tungkulin
Pari
Kabalyero
Serf
3
Aralin Pagsasaka: Batayan ng
2 Sistemang Manor
Alamin
Nakasalalay sa pagsasaka ang sistemang manoryal sapagkat ang panggastos para
sa pagpapatakbo ng pamahalaang piyudal ay kinukuha dito. Sentro ng lipunan at ekonomiya
ang manor sa mga tao na nakatira dito. Nakapunta ka na ba sa isang hacienda? Makikita
mo na may pagkakahawig ang kaanyuan ng dalawa kung nakapunta ka na ng hacienda.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Mailalarawan ang manor; at
Maipaliliwanag ang sistemang umiiral dito.
Suriin
Sistemang Manoryal
Ang sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang Panahon ay ang sistemang
manoryal dahil galing sa manor ang mga produkto at serbisyong kinakailangan ng mga tao.
Pagsasaka: Batayan ng Sistemang Manor
Nakasentro noon sa lipunan ang kabuhayan at ekonomiya ng mga tao na nakatira sa
manor. Umaasa ang panginoon sa pagsasaka at kita ng manor na naging batayan sa
kanyang kayamanan. Ang panginoong piyudal ay nakatira sa kastilyo na pinakapusod ng
manor o palasyo at napapaligiran ng malaking bakuran. Lahat ng kanilang pangangailangan
gaya ng kamalig, panaderya, at kuwadra pati simbahan, pandayan, at pastulan ay makikita
na sa loob ng manor.
Isaisip
Gawain 2: Trabaho ko, Tungkulin ko!
Panuto: Punan ang tungkulin ng uri ng pinuno na hinihingi sa kolum. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
2. Bailiff
3. Reeve
Isagawa
Gawain 3: Tara’t Ating Gawin! (Venn Diagram)
Ihambing ang dalawang sistemang umusbong sa panahong Medieval sa Europa.
Manoryalismo
Piyudalismo
Pagkatutulad
Pagkakaiba Pagkakaiba
5
Aralin
Ang Pagsimula at Paglaganap
3 ng mga Bayan at Lungsod
Alamin
Panahon ng ika-sampu hanggang ikalabing-isang dantaon ng lumitaw ang mga
bagong bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap noong
ikalabintatlong dantaon. Ang lungsod ay lugar kung saan ang mga bagong uri ng tao ay
yumaman at naging makapangyarihan. Ito rin ang nagsilbing sentro ng edukasyon,
panitikan, at sining.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mailalarawan ang sitwasyon na naging salik sa pagsimula ng lungsod;
2. Matutukoy ang mga lugar sa Europa na naapektuhan sa pagkakaroon ng maunlad
na kalakalan; at
3. Mailalarawan ang mga bagong uri ng tao na siyang umusbong at umunlad.
Suriin
Paglago ng mga Bayan
Dahil sa paglakas ng kalakalan, lumago ang mga bayan at nagbago bunsod ng
agrikultura sa paglakas ng bagong teknolohiya sa panananim. Isa sa epekto nito ang
pagtaas ng ani at nagiging maganda ang buhay ng mga tao. Napaayos ang mga kalsada at
napadali ang pagdala ng mga produkto kaya, maraming tao ang nakatira malapit sa daan.
Paggamit ng salapi
Nagsimula ang paggamit ng salapi noong unang taon ng gitnang panahon na kung
saan ang palitan ng mga produkto sa kalakalan ay nagaganap bawat linggo sa malawak na
lugar na malapit sa palasyo at simbahan. Gumagamit sila ng palitan ng produkto o barter
hanggang dumami ang sumali at nagkaisip ang panginoong piyudal na magtatag ng unang
perya. Sa perya mas dumami ang mga tao at madali lang makapagsingil ng buwis at multa
ang piyudal at kumikita pa sila ng mas malaki. Dito nakita ang halaga sa paggamit ng salapi
hanggang nagtatag sila ng mga bangko dahil mas delikado na mag iwan ng malaking halaga
pagkatapos ng perya. Dito nagsimula na magpautang ang bangko ng salapi na may tubo at
magdeposito ng pera sa ligtas na paraan.
Nalinang ang pagpapautang at pagbabangko sa lugar ng hilagang Italya na kung
saan ang paggamit ng pera ay nakatululong ng mga tao sa ibang lugar.
6
Ang paglitaw ng Bourgeoisie / Burgis
Nakikilala ang paglitaw ng mga burgis mula sa pag-unlad ng kalakalan at industriya
na nagpalawak ng mga bayan. Sila ang grupo ng mga mauunlad na negosyante at bangkero
at ang kanilang mga anak ay pinaaral sa magagaling na unibersidad. Mababa ang tingin ng
pangulong piyudal sa kanila dahil mga bagong yaman lang sila at hindi galing sa angkan
kaya nasa gitnang uri ang mga burgis. Unti-unting lumakas ang mga burgis at nakalinang ng
sariling uri sa lipunan ng pagkamaharlika. Dito nagsimula ang pag uuri ng tao batay sa
yaman at hindi sa angkang dugong bughaw.
Pagyamanin
Pag-unlad ng kalakalan
Pag-usbong ng mga
Bourgeoisie
Pagkakaroon ng sistemang
guild
7
Epekto at kontribusyon ng
ilang mahahalagang
Aralin
pangyayari sa Europa sa
4 pagpapalaganap ng
Pandaigdigang Kamalayan
Tuklasin
Gawain 1: Ating Balikan at Isaisip
Batay sa mga naganap sa talakayan at pagtupad sa bawat gawaing inihanda, ano-
ano ang kontribusyon ng sumusunod na pangyayari sa pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval?
Punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga nabanggit na pangyayari na
nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Isulat ito sa iyong
notebook.
Ang paglakas ng
Ang paglunsad ng mga Ang buhay sa Europe
Simbahang Katoliko Ang Holy Roman Empire
Krusada noong Gitnang Panahon
Bilang Isang Institusyon
sa Gitnang Panahon
Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN:978-9601-67-8/pahina 264
8
Isaisip
Gawain 2: Sariwain ang mga Pangyayari
Panuto: Sagutin ang sumusunod sa iyong notebook.
Isagawa
Gawain 3: Pagnilayan at Gawin
Panuto: Punan ang graphic organizer sa angkop na impormasyon batay sa iyong mga
naunawaan sa mga nakaraang aralin.
Pag-unlad ng
Pandaigdigang
Kamalayan
9
Buod
Dahil sa madalas na pagsalakay ng mga barbaro, naitatag ang sistemang
piyudalismo sa Europa sa paghangad ng mga mamamayan ng proteksiyon. Nag-ugat ang
piyudalismo sa paghina ng pamamahala ng tagapagmana ni Charlemagne na nagpasimula
ng sistema kung saan ang lokal na pamamahala ay lumakas. Nag-ugat ang pagkahatihati ng
Banal na Imperyo ni Charlemagne sa gitnang panahon ng piyudalismo ayon sa kasunduan
sa Verdum.
May tatlong pangkat ng lipunang Europeo – ang mga Pari na nanggaling sa hanay
ng mga maharlika, manggagawa, at mga alipin; ang mga Kabalyero na nabibilang sa unang
hanay ng mga maharlika, dahil sila ang magigiting na tagapagtanggol ng hari at
pinagmanahan sila ng mga lupain bilang kapalit sa kanilang paglilingkod at ang mga Serf na
hindi pwedeng umangat sa buhay at walang sariling gamit dahil lahat ay pag-aari ng
panginoon.
Ang sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang Panahon ay ang sistemang
manoryal dahil galing sa manor ang mga produkto at serbisyong kinakailangan ng mga tao.
May tatlong opisyales na pinagkatiwalaan ng panginoon, ito ay ang steward, bailiff, at reeve
at bawat isa ay may tungkuling ginagampanan.
Dahil sa paglakas ng kalakalan, lumago ang mga bayan at nagbago bunsod ng
agrikultura sa paglakas ng bagong teknolohiya sa panananim. Isa sa epekto nito ang
pagtaas ng ani at nagiging maganda ang buhay ng mga tao. Napaayos ang mga kalsada at
napadali ang pagdala ng mga produkto kaya, maraming tao ang nakatira malapit sa daan.
10
Pagtatasa
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang naging dahilan ng pagkakatatag ng Piyudalismo?
a. Dahil sa madalas na pagsalakay ng mga barbaro, hinangad ng lahat ang pagkakaroon
ng proteksiyon.
b. Dahil sa mga makasariling pinuno.
c. Dahil gusto ng mga mamamayan na magkaroon ng malayang pamumuhay.
d. Dahil ayaw na nila na pamunuan pa sila ng hari.
2. Ang samahan na binubuo ng mangangalakal at manggagawa na naglalayong protektahan
ang kanilang sarili sa di makatarungang paggawa, presyo, at suweldo.
a. Negosyante b. Guild c. Burgis d. Maharlika
3. Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at pagpapalawak ng mga bayan, isang makapang-
yarihang uri ng tao ang lumitaw. Ano ang tawag sa mga taong ito?
a. Serf c. Bourgeoisie
b. Dugong bughaw d. Panginoong-maylupa
4. Alin sa mag sumusunod ang HINDI salik sa pag-usbong ng piyudalismo?
a. Paglusob ng mga barbaro
b. Paghina ng kapangyarihan ng hari
c. Paglakas ng kalakalan
d. Pagsasamantala ng malalakas sa lokal na pamahalaan
5. Paano lumago ang mga bayan sa panahon ng Medieval?
a. Paglakas ng kalakalan
b. Pagkakaroon ng pagbabago ng agrikultura
c. Pagkakaroon ng mga maaayos na kalsada.
d. Lahat ng nabanggit.
6. Paano pinag-uuri ang tao sa lipunan sa panahon ng paglitaw ng mga burgis?
a. Batay sa yaman at hindi sa angkan
b. Batay sa pagkakaroon ng makapangyarihang angkan
c. Batay sa pagkakaroon ng kapasidad at magandang angkan
d. Wala sa nabanggit.
7. Isa sa mga salik sa pag-unlad ng bayan ay ang .
a. Pagbagsak ng Roma
b. Pag-usbong ng mga guild
c. Paglitaw ng mga kabalyero
d. Pagkakaroon ng mga magagandang daan
8. Ano ang kinahihinatnan ng mahinang uri ng pamumuno?
a. Sila ay sinalakay ng mga barbaro.
b. Humiwalay sa pamumuno ng hari ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng
lupain.
c. Sila ay napasakamay ng mga mananakop.
d. Wala sa nabanggit.
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pag-unlad ng mga kabayanan?
a. Bagong teknolohiya sa pagtatanim c. Bagong pamamaraan sa pagtatanim
b. Paglakas ng kalakalan d. Wala sa nabanggit
10. Ang isang mangangalakal ay maaaring magdeposito ng salapi sa isang lungsod. Ang
dineposito niya ay maaaring niyang kolektahin sa ibang lungsod. Bakit mas pinili ng mga
tao noon na gamitin ang uri ng sistema ng pagbabangko?
a. Dahil mas nakakaayang tingnan at panoorin.
b. Dahil mas patok ito sa kanilang lipunan na kanilang kinabibilangan.
c. Dahil sa ganitong paraan mas nagiging ligtas ang paglipat ng salapi.
d. Dahil sa ganitong paraan mas komportable ang mga negosyante.
11
Susi sa Pagwawasto
Subukin: Pagtatasa:
1. C 1. A
2. A 2. B
3. C
3. C 4. C
4. C 5. D
5. D 6. A
7. D
8. B
9. D
10. C
12
12
Sanggunian
A. Aklat
Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila
Philippines. 1999.
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo.
Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
B. Module
Project EASE Araling Panlipunan III –Module 9 (Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa
Europa)
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig- Aralin 3: Ang Daigdig sa
Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval
C. Sanggunian sa Internet
12
13