Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PSYCHOLOGICAL NOVEL

“Binago Ako Nang Pagmamahal Ko Sa Kanya”


ni
Rechie Ann V. Bebedor

Binago ako nang pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ganun
talaga siguro pag nasasaktan ako nakagagawa ako nang mga bagay na mali. Hindi ko alam kung bakit
ako napapaikot niya sa mga palad niya, aware naman ako, ngunit hinhayaan ko pa din. Naguguluhan na
ako mahal ko siya ngunit hindi ko maialis ang duda siguro dahil sa takot ko na masaktan. Hindi totoo na
wala akong pride, masyado kasi akong mapagkubli. Sa kataasan nga nang pride ko nakagagawa ako
nang bagay na mali. Kahit na sa matalik ka pang mga kaibigan.

Gusto kung sumugal sa kanya kaso naisip ko nawawala ako sa sarili ko pag dating sa kanya
nakagagawa ako nang kasalanan sa mga magulang ko, sa sarili ko, sa mga taong nakapalibot sa amin
lalo na sa diyos. Hindi ko macontrol ang selos ko. Hindi lang naman kasi ako nagseselos sa ibang babae
eh kundi sa sarili ko ding matalik na kaibigan. Minsan naiinis na din ako sa sarili ko kung bakit ko yun
nararamdaman.

Alam ko naman kasi na wala silang ginagawang masama kaso ako lang talaga tung tanga na
kung ano ano iniisip. Bunga na to nang insecurities ko. Nauungkat na naman ang matagal ko nang sakit.
Hindi ko na naman mapigilan na ikumpara ang sarili ko sa iba mas lumala pa nga ata ngayon. Ngunit
umaasa ako na sana malampasan ko to.

Alam ko sa sarili ko na kaya ko magpakatanga, kaya ko ibigay ang lahat kay ako natatakot at
baka sa maling tao ako mapunta. Ayoko ko sumuko sa paniniwalang mahal niya ako dahil siya ang
kasiyahan ko ngunit baka ang pagmamahal na yun ang mag hahatid sa akin sa kasawian ko.
Wag naman sana, sana mabuti ang bunga nang pagmamahal ko sa kanya, na sana hindi ko ikasira
pagdating nang araw.

You might also like