Q2 - Week4 - Filipino 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

DAILY Quarter 2 Grade Level 6

LESSON
PLAN Date LUNES Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaa
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula
ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at tagpuan sa binasang kuwento (F6RC-1Ia-
4)

II. Nilalaman ng Pagkatuto


A. Paksang Aralin: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kwentong Binasa
B. Sanggunian: Filipino– Ikaanim na Baitang; Alternative Delivery Mode; Ikalawang Markahan
– Modyul 7: Paglalarawan sa Tauhan at Tagpuan sa Kuwentong Binasa Unang Edisyon, 2020
C. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao; Araling Panlipunan; DDRM
D. Pagpapahalaga: Paggalang sa magulang; Pagmamahal sa kapwa

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint;
bidyo ng maikling kwento Si Maganda at Ang Mapeklat na Mukha; larawan ng kagubatan

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
A. Isasama kita bukas kung naitawid mo ang abaka.
B. Ina, ito na po ang abaka, makakasama na po ako bukas.
2. Balik-aral
Piliin ang angkop na pang-uri sa loob ng saknong upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Ang mga mag-aaral ni Ginang Pilar ay (magalang, magagalang)
2. (Matamis, matatamis) ang hinog na manga sa punong nila Aling Rosa.
3. Si Lino ay (kasingsipag, masipag) ni Lito sa pagganap ang kanilang gawain sa
bahay.
4. Ang batang si Anna ay (masisinop, masinop).
5. (Magagandang, magandang) mga akting ang aking napanood sa paligsahan
kagabi.
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Panoorin ang bidyo ng kwentong Si Maganda at ang Mapeklat na Mukha
(https://www.youtube.com/watch?v=vfZfXdxLJps)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
b. Saan naganap ang kwento? Ilarawan ito.
c. Ano ang kalunos-lunos na nangyare kay Ruby?
d. Batay sa kilos at pananalita ng gwapong lalaki sa nakitang sisidlan na kanyang
ibinigay kay Ruby, ilarawan ang kanyang damdamin.
e. Paano nakabalik si Ruby sa kanyang damdamin?
f. Ilarawan ang pinangyarihan ng kwento.
2. Paghahawan ng Balakid
Ibigay ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salitang nakasulat sa meta card na
ipapakita ng guro. Kung ito ay magkasing kahulugan, pumalakpak ng isang beses at kung
ito ay magkasalungat, pumadyat ng tatlong beses.
1. luntian – pula
2. madamot – sakim
3. malago – malanta
4. pulot – dampot
5. sanga – katawan ng kahoy

3. Pagganyak na Tanong
Alamin mula sa kwento kung ano anng ginawa ng dalawang magtotroso sa gubat.
4. Pamantayan sa Panonood
1. Intindihing mabuti ang pinapanood.
2. Mata ang gamitin sa panonood.
3. Itikom ang bibig.
5. Pagbasa/Panonood ng Teksto
Panoorin ang bidyo ng maiksing kwento

https://www.youtube.com/watch?v=LIVcV700yiE

6. Pagsagot sa mga Tanong


1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento. Ano-ano ang katangian ng bawat isa?
2. Saan naganap ang kwento? Ilarawan ito.
3. Ano ang hindi magandang nangyari sap uno ng Igos ng dumating ang
dalawang magtotroso sa gubat?
4. Ano ang naramdaman ng bubuyog ng siya ay tanggihan ng puno ng Igos na
tumira sa puno? Ilarawan ito.
5. Ano ang naramdaman ng manga ng makitang nasa panganib ang puno ng Igos?
Ilarawan ito.
6. Batay sa kwento, anong katangian ang mailalapat kay punong Mangga? Kay
Igos?
7. Sa iyong pananaw, bakit pinamagatang “Ang Mayabang na Puno”ang kwento?
7. Pagsasanay
Pakinggan ang pabulang babasahin ng guro na “Gumapang ka Ahas”. Gawin ang
sumusunod na pangkatang gawain. Bibigyan ng 5 minuto ang bawat pangkat para sa paghahanda
ng gawain.

Gumapang Ka, Ahas!


Noong unang panahon, ang mga ahas ay nakalilipad at may apat na paaupang
makalakad. Madalas silang makitang namamasyal kasama ng karamihan ng tao
at maging ng mga kapwa hayop. Sila’y napakaamo at kaibigan ng lahat, masaya
silang naninirahan sa lugar na kahalubilo ang mga tao.
Palibhasa’y mababait at palakaibigan, kinagigiliwan ni Haring Hassan, ang
makapangyarihang hari ng mga hayop, ang mga ahas. Madalas itong imbitahan ng
harisa palasyo upng maging panauhin doon. Malayang nakapapasok ang mga ahas
sapalasyo ay ibinibigay ng hari ang ano mang hilingin nila.Isang araw, natuklasan ng
Mga Pangkat 1: Iguhit Mo
Ilarawan ang itsura ng ahas noong unang panahon at saan sila namumuhay kasama
ang mga tao? Iguhit ito.
Pangkat 2: Maalaala Mo Kaya
Ilarawan ang natuklasan ng mga ahas at ano ang ginawa nila dito? Ipakita sa isang
dula-dulaan
Pangkat3: Dear Watt Pad
Kung kayo ang nakatuklas ng isang paglabag o krimen, tulad ng ginawa ng ahas sa
palasyo, ano ang gagawin mo? Isulat ang inyong sagot.
Pangkat 4: Ano Sabi Mo
Anong aral o mensahe ang ipinahahatid ng kuwento?Bumuo ng islogan tungkol sa
kuwentong napakinggan. Basahin sa harap ng klase
8. Paglalahat
 Ang tauhan sa kwento ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng kanilang
pananalita, kilos o galaw, at damdamin. Mahalagang matutuhan ang
paglalarawan sa mga tauhan upang makilala sila bilang tao na gumaganap
sa kwento. Kailanga suriin at unawain ang kanilang pananalita, kilos o
galaw at damdamin upang matukoy ang kanilang mga katangian.
 Ang tagpuan ay pinangyarihan ng kwento. Ang tagpuan ay isang element
ng maikling kwento na tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang
mahahalagang pangyayari sa kwento. Mahalagang malaman ang tagpuan
upang higit na maunawaan ang nilalaman ang buong kwento. Nailalarawan
ang tagpuan sa tagpuan sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa bawat
pangyayari at detalye sa kwento. Tinutukoy ang bahaging nagpapahayag ng
paglalarawan sa lugar na pinangyarihan ng kwento gaya ng sumusaunod.
 maraming gusali, kalye at tulay ang nasira
 kalunos-lunos at nakakatakot ang pangyayari sa lugar na ito
 maraming tao ang nawalan ng bahay
 nagkalat sila sa daan at namamalimos

V. Pagtataya
Basahin ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan batay sa damdamin nila at tagpuan
sa binasang kwento. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
TAGPUAN TAUHANG SI LOYD
sa daan habang pauwi ang magkakaibigan Ang Magkakaibigan
Masayang naglalakad pauwi mula PAGLALARAWAN
PAGLALARAWAN sa paaralan ang magkakaibigan. Sila ay
nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Habang nasa daan may napansin silang isang asong
nakatingin sa kanila. Napahinto si Xian nanginginig siya sa takot samantalang ang kaniyang
mga kaibigan ay mabilis na nagsipagtakbuhan. “Aray!” “Anong nangyari sa iyo Loyd?
Nakagat ka ba ng aso?” May pag-alalang tanong ni Vince. “Hindi! umiiyak na sagot ni Loyd,
nasugatan ang tuhod ko, nadapa ako. Kung hindi sana ako tumakbo ay hindi ako nadapa,”
pagsisisi ni Loyd.
“Huwag kang umiyak Loyd kaya mo iyan maliit na sugat lamang iyan,” pinalakas nito
ang loob ng kaibigan. Tinulungan nila ito at sinamahang pauwi. “Inay narito na po ako.”
“Naku! ano ang nangyari sa iyo anak?” Nabigla ang ina sa nakitang dugo sa tuhod nito.
Alalang-alala ang nanay ni Loyd sa nangyari. Ginamot ang anak at pinagsabihang huwag na
muling tumakbo para hindi mapahamak.

VI. Takdang Aralin


Balikan ang kwentong Si Tipaklong at Si Langgam. Ilarawan ang tagpuan at
tauhan sa kwento. Humanda sa pag-uulat.
DAILY Quarter 2 Grade Level 6
LESSON
PLAN Date MARTES Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyob at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B. Pamantayan sa Pagganap
Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at
talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nakagagamit nang wastong aspekto at pokus ng pandiwa (aktor, layon, ganapan,
tagatanggap, gamit, sanhi, direksiyon) sa pakikipag-usap sa ibat- ibang sitwasyon. (F6L-
llf-j-5)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin:
Aspekto ng pandiwa;
B. Sanggunian: Filipino – Baitang 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan– Modyul
9: Aspekto at Pokus ng Pandiwa Unang Edisyon, 2020
C. Integrasyon: ESP
D. Pagpapahalaga: Pagtupad sa Pangako

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Mahusay umawit ang mag-anak na Santos.
b. Pupunta sa kami sa Tagaytay sa darating na Sabado.
2. Balik-aral
Basahin ang maiksing talata at ilarawan ang mga tauhan batay sa damdamin nila at
tagpuan sa binasang kwentobigay ang paksa nito.
1. Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito
hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa
tuwing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa
kapag may dumadating na problema.
2. Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung
ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una
kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa
ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na
kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Sa araw-araw ay gumagawa tayo ng iba’t ibang kilos o galaw. Sa buong maghapon
ay marami tayong nagagawa at magagawa. Ngayon araw, alamin pa natin kung paano
natin magagamit ang mga salitang kilos sa ating pakikipag-usap.
2. Paglalahad
Basahin ang maiksing usapan ng dalawang mag-kaibigan.
Carlo: Halika Ben. Tayo nang pumunta sa ilog.
Ben: Sa ilog ba 'kamo? Manghuhuli ba tayo ng isda?
Carlo: Bahala na! Basta sumama ka sa akin.
Ben: Sige! Pero sa isang kondisyon, hindi tayo maliligo.
3. Pagtalakay
1. Ano ang pinag-uusapan ng magkaibigan?
2. Anong mga salitang kilos ang ginamit sa pag-uusap ng dalawa?
3. Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Pansinin at suriin ang pagbabago ng pandiwa

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, galaw o kondisyon.


Ito ay binubuo ng salitang –ugat at panlaping makadiwa.
Aspekto – nagsasaad kung ang kilos ay naganap, nagaganap, at magaganap pa
lamang. May tatlong aspekto ang pandiwa:
1. Aspektong Naganap
Ang aspektong naganap ay nagsasaad kung ang kilos ay nasimulan o natapos na.
Halimbawa: naglakad
2. Aspektong Nagaganap
Ang aspektong nagaganap ay nagsasaad ng kilos na kasalukuyang
ginagawa o nangyayari.
Halimbawa: naglalakad
3. Aspektong Magaganap
Ang aspektong magaganap ay nagsasaad ng kilos na pinaplano pa lamang o
gagawin pa lamang.
Halimbawa: maglalakad
4. Pagsasanay
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Kahunan ang salitang kilos sa bawat pangungusap.
1. Tumatahol ang aso ng kapitbahay.
2. Si Nanay ay nagtimpla ng kape.
3. Hinatid ni JB ang mga bata sa paaralan.
4. Naghuhugas ng mga pinggan si Ninong.
5. Sina Jen at Daisy ay nagbihis sa kanilang kuwarto.
b. Malayang Pagsasanay
Piliin ang angkop na pandiwa sa loob ng panaklong upang mabuo ang
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Labis na (natuwa, natutuwa, matutuwa) ang mga magulang ni Gloria nang
tumanggap siya ng medalya sa kaniyang pagtatapos.
2. (Uminom, Umiinom, Iinom) ng gamot si Aling Aida gabi-gabi.
3. Ang aming pamilya ay (nagbakasyon, nagbabakasyon, magbabakasyon) sa
Antipolo sa susunod na Linggo.
4. Ang lalawigan ng Quezon ay (itinuring, itinuturing, ituturing) na
pinakamahabang lalawigan sa PIlipinas.
5. (Umawit, Umaawit, Aawit) ang mga kinatawan ng bawat Sangguniang Kabataan
sa darating na pista ng bayan..
c. Pangkatang Gawain
PANGKAT 1: BALITAAN. Magsagawa ng isang simpleng balitaan kung saan
ilalahad ang mga bagong pangyayari sa paaralan.
PANGKAT 2: DULADULAAN. Gumawa ng isang duladulaan kung saan nag-uusap
ang mga magkakaibigan tungkol sa kanilang plano para sa darating na Christmas
Break.
PANGKAT 3: PAGSULAT NG TULA. Gumawa ng tula na may dalawang saknong
kung na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtupag ng pangako sa kaibigan.
5. Paglalahat
Ang pandiwa ay mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw.
Nagbabago ang anyo ng mga ito sa iba’t ibang panahunan o aspekto matapos ang
pagbabanghay sa pawatas na binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa.
Halimbawa:
1. Naluto ko na ang adobong manok.
2. Kabibili ko pa lamang ng kalderong iyan.
3. Tumutulong ka ba sa paghahanda ng pagkain sa mesa?
4. Nag-aral ako nang husto kagabi.
6. Paglalapat
Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pandiwa sa bawat pangungusap.
1. (Sumali, Isasali) ka namin sa timpalak ng Sulkastula 2020.
2. (Ipinaglaba, Maglaba) kita ng mga damit kahapon pa.
3. (Maghulog, Maihuhulog) mo ang pera sa bangko ngayong tanghali!
4. (Magbayad, Magbabayad) ng bills ng kuryente at tubig ang tatay mo mamaya.
5. Ang mga mag-aaral ay (nagpaalam, nagpapaalam) muna sa kanilang guro bago
umalis ng silid-aralan.
V. Pagtataya
Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pandiwa sa bawat pangungusap
1. (Naglinis, Maglinis) muna ng bahay ang nanay bago mamalengke.
2. Ang magkakapatid ay maayos niyang (nakita, makita) kanina.
3. (Nagkalap, Kumalap) ng pondo para sa kawanggawa ang kanilang
samahan.
4. Matiyagang (inipon, iniipon) nang matanda ang mga bote at lumang
diyaryo.
5. (Ipanalangin, Manalangin) natin ang kaligtasan ng lahat sa Covid 19.
VI. Takdang Aralin
Magtala ng limang pandiwa at gamitin sa pagbuo ng mga pangungusap.

DAILY Quarter 2 Grade Level 6


LESSON
PLAN Date MIYERKULES Learning Area Filipino

Regular Holiday
Bonifacio Day
DAILY Quarter 2 Grade Level 6
LESSON
PLAN Date HUWEBES Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyob at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B. Pamantayan sa Pagganap
Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at
talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nakagagamit nang wastong aspekto at pokus ng pandiwa (aktor, layon, ganapan,
tagatanggap, gamit, sanhi, direksiyon) sa pakikipag-usap sa ibat- ibang sitwasyon. (F6L-
llf-j-5)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin:
Pokus ng pandiwa;
B. Sanggunian: Filipino – Baitang 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan– Modyul
9: Aspekto at Pokus ng Pandiwa Unang Edisyon, 2020
C. Integrasyon: Araling Panlipunan
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kalayaan

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Inaasam niyang makapagtapos upang makahanap ng magandang trabaho
b. Ang perang kinita niya ay ginamit para pangtustos sa kanyang mga
pangangailangan.
2. Balik-aral
Piliin at salungguhitan ang pandiwa sa aspektong ipinahihiwatig ng pangungusap.
1. Masayang (pinaglaruan, pinaglalaruan, paglalaruan) ngayon ni Roxanne
ang bago niyang manyika.
2. (Kabibili, Binili, Ibibili) ko pa lamang ng mga medyas mo, bakit wala
agad?
3. Ang dalaga ay (paglalabahin, ipaglalaba, maglalaba) ng kaniyang ina kapag
ito ay sanay na sanay na.
4. (Ipinanghiram, Ipinanghihiram, Ipanghihiram) kita ng damit na isusuot mo
sa palatuntunan sa Linggo.
5. Itinago, Itinatago, Itatago) ko ang kalahati ng aking kita tuwing araw ng
suweldo?
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Sa pakikipag-usap, mahalaga na alam natin kung sino ang pinatutunguhan ng kilos.
Ito ay makatutulong upang maging mas malinaw ang usapan. Ngayon araw, ipagpapatuloy
pa natin kung paano natin magagamit ang mga salitang kilos sa ating pakikipag-usap.
2. Paglalahad
Basahin ang maikling kwento.
Si Joaquin
Sa isang bayan may isang batang masipag na nakikilala sa pangalang Joaquin.
Inaasam niyang makapagtapos upang makahanap ng magandang trabaho at makatulong
sa kanyang magulang. Tuwing walang pasok pansamantalang naghahanap ng
trabahong mapagkakitaan tulad ng, nagtitinda ng mga gulay sa palengke, tagapagdilig
ng halaman at tagapaglinis ng bakuran sa kapitbahay. Ang perang kinita niya ay
ginamit para pangtustos sa kanyang mga pangangailangan.
Tiniis ni Joaquin ang lahat ng paghihirap para makamit ang kanyang pangarap sa
buhay at sa awa ng Panginoon siya ay nagkapagtapos at nakapagtrabaho ng magandang
posisyon.
3. Pagtalakay
1. Sino ang batang nasa kwento?
2. Paano siya inilalarawan sa kwento?
3. Ano ang kanyang pangarap sa buhay?
4. Paano ni Joaquin nakamit ang kanyang pangarap?
5. Sa mga pandiwang ginamit sa kwento, alin ang mga Pokus sa tagaganap o
aktor? Pokus sa layon o gol? Pokus sa ganapan?

Pokus ng Pandiwa
1. Pokus sa Tagaganap o aktor – ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap
kapag ang paksa ay gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Si Joaquin ay nagkapagtapos at nakapagtrabaho ng magandang posisyon.
2. Pokus sa Layon o Gol – ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang
layon ay ang paksa o binigyang diin sa pangungusap. Ang gumagawa ng kilos ay
nasa bahagi ng panaguri.
Halimbawa:
Ang makapagtapos ay iniaasam ni Joaquin.
3. Pokus sa Ganapan – ang pandiwa ay nasa pokus ng ganapan kung ang
paksa ay lugar o ganapan ng kilos.
Halimbawa:
Ang palengke ay pinagtindahan ng gulay ni Joaquin.
4. Pokus sa Gamit o Instrumental – ang kasangkapan o bagay ay ginagamit
upang maisasagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang paksa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ang perang kinita niya ay ginamit sa pangangailangan.

4. Pagsasanay
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bilugan ang paksa at ikahon ang pandiwa sa pangungusap at pagkatapos ay
isulat kung ang pokus ng pandiwa ay aktor, gol o ganapan.
______________ 1. Ang ilog ay pinaglaruan ng magkaibigan.
______________ 2. Ang selos ay nanahan sa puso ni Nenong.
______________ 3. Ang magkaibigan ay nagkaunawaan.
______________ 4. Ang paliwanag ay hindi pinakinggan ni Tisoy.
______________ 5. Tinahanan ni Dolor ang kagubatan.
b. Malayang Pagsasanay
Isulat sa tamang hanay ang bilang ng pangungusap ayon sa pokus ng
pandiwa na ito.
1. Ang ina ni Maki ay nagpapayo.
2. Pinaukulan ng panahon ni MJ ang kanyang problema.
3. Ang ama ay nag-aayos ng tahana.
4. Ang tahanan ay pinaghaharian ng pagmamahalan.
5. Hinangaan ng kadalagahan ang kakisigan ni Jay.

c. Pangkatang Gawain
PANGKAT 1: BALITAAN. Magsagawa ng isang simpleng balitaan kung saan ibibida
ang mga nagawa ng mga mag-aaral para mapataas ang kanilang marka. Gamitin ang
pokus sa tagaganap.
PANGKAT 2: DULADULAAN. Gumawa ng isang duladulaan kung saan nag-uusap
ang mga magkakaklase kung ano ang kanilang plano para sa Christmas party. Gamitin
ang pokus sa layon o gol.
PANGKAT 3: PAGSULAT NG TULA. Gumawa ng tula na may dalawang saknong
kung na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga bayani noong panahon ng Americano.
Gamitin ang pokus sa ganapan.
5. Paglalahat
Pandiwa – nagsasaad ng kilos
Mayroong pokus ang pandiwa. Ito ay ang:
❖ Pokus na Tagaganap/Aktor – ang paksa ang tagaganap ng kilos ng pandiwa
❖ Pokus sa Layon/Gol – ang gumagawa ng kilos ay nasa bahagi ng panaguri.
❖ Pokus sa Ganapan – ang paksa ay lugar o ganapan ng kilos
❖ Pokus sa Gamit o Instrumental – ang kasangkapan o bagay ay ginagamit upang
maisasagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang paksa sa pangungusap.
6. Paglalapat
Tukuyin ang paksa at kilalanin ang pokus ng pandiwa.
1. Ang basahan ay ipanlilinis ni Dan sa kanilang bahay.
2. Si Karla ay ibinili ko ng bagong facemask.
3. Ikanabahala ng marami ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
4. Taos-pusong nagpapasalamat ang mga tao sa mga tulong ng gobyerno.
5. Pinuntahan nila ang mga lugar na nakasaad sa mapa.

V. Pagtataya
Tukuyin ang pokus ng pandiwa batay sa paksa at pandiwang may salungguhit.
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Kumakain kami ng almusal araw-araw.
A. Pokus sa aktor
B. Pokus sa ganapan
C. Pokus sa layon
D. Pokus sa sanhi
2. Kinuha ni Lucy ang tinapay sa mesa.
A. Pokus sa aktor
B. Pokus sa ganapan
C. Pokus sa layon
D. Pokus sa sanhi
3. Pinaglutuan ng nanay ang bagong kaldero.
A. Pokus sa aktor
B. Pokus sa ganapan
C. Pokus sa layon
D. Pokus sa sanhi
4. Pinasyalan ni kuya ang bagong bukas na resort.
A. Pokus sa sanhi
B. Pokus tagatanggap
C. Pokus sa tagaganap
D. Pokus sa direksiyon
5. Ikinagulat ng ina ang pagsigaw ng kaniyang anak.
A. Pokus sa sanhi
B. Pokus tagatanggap
C. Pokus sa tagaganap
D. Pokus sa direksiyon
VI. Takdang Aralin
Sumulat ng isang pangungusap para sa bawat pokus ng pandiwa.
DAILY Quarter 2 Grade Level 6
LESSON
PLAN Date BIYERNES Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyob at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B. Pamantayan sa Pagganap
Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at
talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nakagagamit nang wastong aspekto at pokus ng pandiwa (aktor, layon, ganapan,
tagatanggap, gamit, sanhi, direksiyon) sa pakikipag-usap sa ibat- ibang sitwasyon. (F6L-
llf-j-5)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin:
Pokus ng pandiwa;
B. Sanggunian: Filipino – Baitang 6 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan– Modyul
9: Aspekto at Pokus ng Pandiwa Unang Edisyon, 2020
C. Integrasyon: Araling Panlipunan
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kalayaan

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Hinabol niya ang pusang tumakbo sa labas ng kanilang bahay.
b. Humalakhak ng malakas ang magpipinsan pagkatapos ng kanyang kwento.
2. Balik-aral
Basahin mo nang mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin ang mga salitang
nagsasaad ng kilos na ginamit dito.
1. Sasali sa paligsahan si Pepe.
2. Sumasayaw sa tuwa si Nena.
3. Marunong umawit ang anak niya.
4. Gabi-gabi ay nag-aaral si Pablo.
5. Nag-usap na ang guro at ang kaniyang ina.
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Ngayon araw, ipagpapatuloy pa natin kung paano natin magagamit ang mga
salitang kilos sa ating pakikipag-usap at kung nasaan ang pokus ng mga kilos na ito.

2. Paglalahad
Basahin ang maikling usapan ng mga magkakaklase tungkol sa kanilang karanasan sa
field trip.
Arrah: Naku, nabusog ako sa dami ng pagkain!
Danna: Iniuwi ko ang mga pagkaing natira.
Mark: Ibinili ko ng pasalubong na tinapay ang kapatid ko.
Jenny: Pinasyalan naming ang parke na maraming gumagalang hayop.
Anton: Pinagpaliguan naming ang ilog na nasa ibaba ng bundok.
3. Pagtalakay
1. Sino ang batang nasa kwento?
2. Ano ang pinag-uusapan ng mga magkakamag-aral?
3. Ano-ano ang mga naging karanasan nila sa field trip?
4. Sa mga pandiwang ginamit sa kwento, alin ang mga pokus ng mga salitang kilos
na ito?

Pokus ng Pandiwa
1. Pokus sa tagatanggap kung ang pinaglalaanan o tagatanggap ng kilos ang
paksa ng pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay i at ipag.
Halimbawa:
Ana, igawa mo kami ng sandwich para ganahan sa paggawa ang dalawang
ito.
2. Pokus sa direksiyon, kung ang paksa ng pangungusap ay ang direksiyon
o tinutungo ng kilos. Ang panlaping ginagamit ay in, an/han.
Halimbawa:
Pinuntahan nila ang bagong bahay ng pinsan ni tatay sa kabilang baryo.
3. Pokus sa sanhi – kung ang paksa ay nagsasaad ng sanhi o dahilan. Ang
panlaping ginagamit ay ika at in.
Halimbawa:
Ikinabahala kaagad ang hindi niya pagkakita kina tatay at nanay.
4. Pagsasanay
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bilugan ang paksa at ikahon ang pandiwa sa pangungusap at pagkatapos ay
isulat ang pokus ng pandiwa.
______________ 1. Masisiglang gumagawa ang mga tao sa baranggay..
______________ 2. Nililinis nila ang bakuran at daan.
______________ 3. Ipinanglilinis nila ang mga dalang walis at kalaykay.
______________ 4. Ikinatutuwa ng kapitan ng baranggay ang paglilinis nila.
______________ 5. Nagdala ng pantanim ang mga kabataan.

b. Malayang Pagsasanay
Palitan ang pokus o paksa sa bawat pangungusap. Gawing paksa ang may salungguhit
na salita.
1. Nagulat ang bata dahil sa pagkakita sa ahas.
2. Humanga ang mga bisita sa palabas.
3. Pinadalhan niya ng regalo ang kaibigan.
4. Natuwa si Hector sa pagdating ng lolo.
5. Namasyal kami sa Luneta.
c. Pangkatang Gawain
Bumuo ng isang usapan gamit ang angkop na pokus ng pandiwa. Pumili ng
isang tauhan sa larawan at makipag-usap sa kanya. Tukuyin ang pokus ng pandiwa
sa inyong usapan.

PANGKAT 1: BALITAAN. Magsagawa ng isang interbyu sa elepante upang alamin


ang kanyang mga plano para makatulong sa pangangalaga ng kagubatan
PANGKAT 2: DULADULAAN. Gumawa ng isang duladulaan kung saan nag-uusap
ang mga matsing tungkol sa kanilang mga karanasan sa gubat.
PANGKAT 3: KANTAHAN. Gumawa ng maiksing tungkol sa mga hayop sa
kagubatan ang ang kanilang mga ginagawa.
5. Paglalahat
Pandiwa – nagsasaad ng kilos
Mayroong pokus ang pandiwa. Ito ay ang:
❖ Pokus sa tagatanggap - kung ang pinaglalaanan o tagatanggap ng kilos ang
paksa ng pangungusap
❖ Pokus sa direksiyon - kung ang paksa ng pangungusap ay ang direksiyon o
tinutungo ng kilos.
❖ Pokus sa sanhi – kung ang paksa ay nagsasaad ng sanhi o dahilan

6. Paglalapat
Tukuyin ang paksa at kilalanin ang pokus ng pandiwa.
1. Nagluto ang nanay para sa mga anak.
2. Napatalon ang matanda sa pagkakita sa palaka.
3. Humanga ang mga turista sa magandang tanawin.
4. Nilinis ng mga bata ang silid-aralan sa pamamagitan ng walis at basahan.
5. Sinulatan niya ng liham ang kaibigan.
V. Pagtataya
Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang pokus ng pandiwa sa bawat bilang.
1. Pinuntahan sila ng kapitan at binigyan ng maiinom at pagkain.
2. Hiningi nila ang mga pananim sa mga kapitbahay.
3. Ipinanghukay nila ang mga dalang piko at arasol.
4. Ang pagtulong ng mga kabataan ay ikinatuwa ng mga magulang nila.
5. Ipinagluto ng mga ina ang mga kabataan.
VI. Takdang Aralin
Sumulat ng isang pangungusap para sa bawat pokus ng pandiwa.

You might also like