Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Tacloban City
District Learning II
B. BULANTE ELEMENTARY SCHOOL
Tacloban City
S.Y. 2022-2023

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


FILIPINO 5

Pangalan:___________________________________________Baitang/Pangkat: _________________________
Pangalan ng Guro: _____________________________ Lagda ng Magulang: __________ Iskor: ____________

I.Panuto: Tukuyin ang uri ng pangngalang may salungguhit. Isulat ang PT kung ito ay pangngalang pantangi
at PB kung ito ay pangngalang pambalana. Tukuyin ang uri ng pangngalang pambalana gamit ang
mga sumusunod: PB-T (tahas), PB-B (basal), o PB-L (lansakan).

_________ 1. Ang mga anyong tubig at anyong lupa ay mga biyaya ng Panginoon sa atin.
_________ 2. Ang Bundok Apo na matatagpuan sa Davao del Sur ay ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
_________ 3. Binubuo ng higit sa pitong libong pulo, ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking kapuluan sa
mundo.
_________ 4. Maipagmamalaki nang husto ng mga Pilipino ang kagandahan ng bansa.
_________ 5. Ang mga Tsokolateng Burol ay isang pangkat ng mga burol na magkakalapit at kulay tsokolate
kapag tag-araw.
_________ 6. Sari-saring gulay ang itinatanim sa matabang lupa ng Lambak ng Trinidad sa Benguet.
_________ 7. Naaalala pa ni Alejandro ang pagputok ng Bulkang Pinatubo at ang pag-ulan ng abo sa
kanilang lalawigan.
_________ 8. Maglalakbay ang barkada ni Martin patungong Tagaytay upang makita nila ang Bulkang Taal.
_________ 9. May ilang tribu ng mga Igorot kaming natagpuan sa aming paglalakbay sa Cordillera.
_________ 10. Dinarayo ng maraming dayuhang turista ang magagandang tanawin sa Pilipinas.

II.Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangngalang may salungguhit ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
o pangyayari.

________________11. Nais maging isang magaling na doktor ang anak ni Ginang Lina.
________________12. Nakabili si Tatay ng murang gamot sa botika.
________________13. Itapon natin ang mga balat ng kendi sa tamang basurahan.
________________14. Nakipaglaban si Lapu-Lapu sa mga tauhan ni Ferdinand Magellan.
________________15. Pupuntahan namin si Tomas sa ospital ngayong umaga.
________________16. Sama-sama ang buong pamilya tuwing pagsapit ng Pasko.
________________17. Makikita ang tarsier sa mga lalawigan ng Bohol, Samar, at Leyte.
________________18. Maghanda tayo ng iba’t-ibang pagkain sa darating na pagdiriwang.
________________19. Magbabakasyon sa probinsiya ang mga bisita ni Jessie.
________________20. Napaiyak ang bata dahil sa narinig niyang malakas na kulog at kidlat.
________________21. Nakita mo ba ang mga itlog ng manok sa ilalim ng bahay?
________________22. Si Ginoong Garcia ang magtuturo sa atin kung paano magpalaki ng iba’t-ibang puno.

III.Panuto: 23-30 Basahin ang dayalog sa ibaba at piliin at bilugan ang angkop na panghalip sa loob ng
panaklong.
Fe: Ang (balana, bawat isa, iba) sa inyo ay makapagbibigay ng inyong mungkahi.
Tess: Puwede bang isulat sa pisara ang mungkahi para mabasa nating (balana, karamihan, lahat)?
Fe: (Sinomang, Alinmang, Saanmang) dako ng mundo, pagmamahal ang kailangan ng (bawat, lahat, ibang) tao.

Tess: Oo nga, ano? Maisasakatuparan kaya ang (alinmang, anomang, saanmang) binabalak nating gawin?
Fe: Halos ganyan din ang nasa isip ko. Heto, pakinggan ninyo. “Pagmamahalan ng (isa’t isa, bawat, isa) ay
mahalaga sa (balana, isa, ilan)”.
Tess: Kayang-kaya kapag tulong-tulong tayong (lahat, bawat, karamihan).

IV.Panuto: Basahing mabuti ang teksto at unawain ito nang mabuti. Sagutin ang sumusunod na mga
katangungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa
rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa
kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog.
Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo
noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kuwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay Datu
Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa
Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang
mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan.
Itinatag noong Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo. Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan
ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo,
niyog, mais, saging, mangga, kape at iba pang lamang-ugat na halaman. Ang pangingisda ay isa ring
mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking
kitang dolyar ng lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy. Ang Iloilo ay isa
sa mga yamang ipinagmamalaki ng Pilipinas hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa
makasaysayang pook na matatagpuan sa lalawigang ito.
- DepEd Region VIII Test Item Bank in Filipino 6, 1st Quarter

_______31. Anong lalawigan ang inilalarawan sa teksto?


A. Capiz B. Antique C. Guimaras D. Iloilo
_______32. Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
A. Kanlurang Bisaya B. Silangang Bisaya C. Gitnang Bisaya D. Timog Bisaya
_______33. Anong lugar sa Iloilo ang kilala sa masarap na batsoy?
A. Panay B. Irong-irong C. La Paz D. Capiz
_______34. Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
A. Marso 10, 1917 B. Marso 10, 1907
C. Marso 17, 1910 D. Marso 19, 1917
_______35. Anong bayan ang itinatag ng mga Espanyol sa lalawigan?

A. La Paz B. Iloilo C. Irong-irong D. Fuerza San Pedro

V. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong. Piliin ang angkop na kaisipan sa mga
sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang letra ng iyong sagot sa papel.
______36. Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong gagawin?
a. Tatanungin ang pangalan ng bata kung taga-saan siya.
b. Hahayaan ang bata sa paglalakad.
c. Ipagbibigay alam ang nakita sa kapitan ng barangay.
d. Ihahatid ang bata sa bahay ng kanyang mga magulang.
______37. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mag-aaral ng leksiyon.
b. Manonood na lang ng mga palabas.
c. Mag-aaral nang mabuti.
d. Mangongopya sa katabing kaklase.
______38. Oras na ng uwian at nakita mong inilagay lang ng kaklase mo ang kanyang mga basura sa ilalim
ng kanyang upuan, sa halip na itapon ang mga ito sa tamang lalagyan. Bilang isang mabuting mag-
aaral, ano ang nararapat mong gawin?
a. Isusumbong ko ang ginawa niya sa aming guro.
b. Sasawayin ko siya at pagsasabihan na itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
c. Hindi ako magsusumbong at hahayaan na lamang ang kaniyang ginawa.
d. Pupulutin ko na lamang ang basura at itatapon sa tamang lalagyan.
______39. Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?
a. Bibigyan ko siya ng pagkain.
b. Hahayaan ko siyang umiyak.
c. Pagsasabihan ko siya na huwag mag-ingay.
d. Bibigyan ko siya ng pera.
______40. Sinira ng nagdaang bagyo ang inyong bahay. Upang maiwasang maranasan niyo itong muli
ngayong may paparating na namang bagyo, ano ang magagawa mo bilang isang bata?
a. Maaari akong tumulong sa pamamagitan ng pag-abot ng kakailanganin sa paghahanda gaya ng
panali, martilyo at iba pa.
b. Uupo lang ako sa isang tabi kasi wala naman akong kayang gawin dahil maliit lang ako.
c. Makikipaglaro sa mga kaibigan sa labas ng bahay.
d. Ibalita sa buong barangay ang paparating na bagyo.

You might also like