Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Sino ng aba ang mas sikat at higit na hahangaan?

Ang may angking talino o ang


isang mayaman?

LAKANDIWA:
Muli ang balagtasan ay sumasahimpapawid
Mga mag-aaral naming minamahal, ilakas ang radyo’t making
Dalawang magaling na makata, Balagtasa’y ihahatid
Magandang gabi po muna sa lahat ang bati naming matamis.

Kami po’y muling naghahandog sa inyo ng kasiyahan


Upang ang pagod ninyo sa pag-aaral’y maibsan
Ginaganap natin ito sa bawat unang Biyernes ng buwan
Ang tagisan ng katuwiran na kung tawagi’y balagtasan.

Para kay Ginang Jesyle M. Pargo ng Santiago City National High School
Tugon sa katanungan niya’y ugagawad naming ngayon
Marami pong salamat sa poanawagang kanyang tinugon
Ang paksang iminungkahi niya’y idadako sa kuwestyon.

Si Rogene Fermindoza po ito, ang inatasang maging Lakandiwa


Na siyang papagitna at hahatol sa dalawang maghihidwa
Para naman inspirado, ang kaba ko ay mawala
Maaari bang makahiling ng palakpakang masagana?!

Sa matunog niyong palakpak, ang sukli ko ay salamat


Dalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharap
Ang tagisan ng talion ngayong gabi’y magaganap
Pakinggan nating Mabuti nang maunawaan nyong tiyak.

Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan


Na ang tema’y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan?
Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman?
Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.

Matapos na maihayag ang katanungang tutunugin


Ang dalawang maghihidwaan ay atin nang palitawin
Si Zhian Lim ang siyang unang tatawagin
Sa matunog na palakpak siya’y ating suubin!

MATALINO:
Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbas
Kaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayag
Pero bago muna, hayaan niyo bati ko’y maigawad
Maligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat.
LAKANDIWA:
Taga-Santiago, Isabela po ang guwapong binata
Likas sa dugo’t lahi niya ang walang takot kung lumaban
Pakinggan naman natin ang makatang makakapingkian
Iniwan niya ang mag-iina upang tayo’y matugunan.

Taga-Santiago, Isabela rin po ang haharap na makata


Nakilalang magaling din sa larangan ng pagtula
Si Liah Nicolas po, marikit na may itsura pa
Salubungin natin siya ng palakpakang masagana!

MAYAMAN:
Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinig
Ako po ay bumabating buong galak, kinikilig!
Sa kalaban ko po naming madilim din yaong kutis
Kung siya po’y sa matalino, sa mayaman ako’y bibilib.

LAKANDIWA:
Sa pagpapakilala palang sa dalawang magpipingkian
Ay tila ba mainit na ang kanilang labanan
Para naman ang pananabik nyo ay hindi mabitin
Sila pong dalawa ay atin nang pagitnain.

UNANG TINDIG
MATALINO:
Musmos pa man tayong bata’y pangaral na ng magulang
Ang talino’y kabahagi sa magandang pamumuhay
Ito’y isang katangiang tataglayin habang buhay
Karunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay.

Ang bansa ay umuunlad kung dito’y nanunungkulan


Malawak ang nababatid, ‘di kapos ang kaalaman
Ngunit kung ang namumuno’y masalapi ngunit mangmang
Magagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan.

Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?


‘Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado?
At sa mga paaralan, nagsisilbi’y mga guro
Dunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto.
Sariwain naman natin sa gunita ang lumipas
Sa dayuhang mananakop lumaya ang Pilipinas
Ito’y dahil sa utak ng isang henyo at pantas
Kay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang itinumbas.

Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugon


Ang marapat na hangaan ay yung mga marurunong
Kahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurol
Kasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.

LAKANDIWA:
Ang panig po ni Zhian ay narinig Ninyo
Higit na sisikat at hahangaan ay itong matalino
Pakinggan naman po natin ang makatang si Liah
Ihatid po natin siya ng malakpakang masigabo!

MAYAMAN:
Kalaban kong guwapo ay masyado pong seryoso
Baka labis pong magdamdam kapag dito ay natalo
Yamang paksa nami’y tungkol sa mayama’t matalino
Hayaan niyong sa inyo po ako muna ay magkuwento.

Ang pulubing matalino ay mayamang ‘di marunong


Isang araw ay nagtagpo sa labas ng Mandaluyong
Mayaman ay walang kaya sa diskurso at diskursyon
Pagsapit ng tanghalian, matalino ang siyang nagutom.

Sa biyahe ng Contenental Airlines, minsan, nagkatabi


Matalinong contract worker at mayamang negosyante
Ang bitbit ng matalino’y diploma at pasaporte,
Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa Duty Free.

Matalino’y nag-aabroad, tinitiis yaong hirap


Mayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarap
Sino ng aba sa dalawa ang mas lamangat mas sikat?
Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po’y maliwanag.

May oras pa, katalo ko, upang ikaw’y makaatras


Balutin na ang dila mo habang ‘di pa nagkakalat
Balagtasa’y hindi lagging labanan ng mauutak
Kung minsan din, nagwawagi’y ang makatang may pambayad!
LAKANDIWA:
Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-Santiago rin
Lalo daw sigat at dapat hangaan ay yung mga mayayaman
At para naman lalo nating ito’y maunawaan
Magpatuloy po sila at atin naming palakpakan!

Ikalawang tindig
MATALINO:
Malabo po ang pananaw sa tunay na nagaganap
Nitong aking katunggaling panalo ang siyang hangad
Magagawa bang gutumin ang may utak at lakas?
O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak!

Marunong ang nalilingkod sa negosyo ng mayaman


Upang lalo pang lumago sa panahon mang daratal
Ano kayang mangyayari kung wala yaong may aral?
Baka itong masalapi’y hahantong sa basurahan.

Ang dalawa’y naisipang mag-aplay patunong langit


Ang marunong ay pumasa sa ginawang pagsusulit
Nang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro iginiit
Limpak-limpak niyang salapi, sa impyerno siya’s napiit.

Yaman pa ang magdadala sa tugatog ng pangarap?


Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay pambihag?
Dahil yata puro pera sa katalo’y nasa utak
Pati yaong baluktot na’y tuwid pa ring sinusulyap.

MAYAMAN:
Katalo ko’y kay-aga pong kasalana’y kinumpisal
Inamin pong ang may aral, lingjkod lamang ng may yaman
Pag nagsara ng negosyo ang mapera’t may puhunan
Ang kawawa’y ang marunong na kawaning swelduhin lang!

Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba’t Adan


Paraiso’y nakamtan na, wala pa ring kasiyahan
Sa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusan
Pati dunong sa Malikha ay nais na mapantayan!

Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karunungan


Yagit ka ring ituturing hangga’t ‘di ka yumayaman
Ang taginting ng salapi ay musika sa lipunan
‘Pag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang superstar!

Kayamanan, ‘pag labis na, marami ang natutuwa,


Matatag na ekonomiya, masagana itong bansa
Ang dunong ng isang tao, pag sumobra ay masama,
Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng tala!

LAKANDIWA:
Sandali muna akong sa labanan ay papagitna
Ang sagutan ng dalawa’y nagiging pabigla-bigla
Para bang mga teksas, sa kulunga’y nagwawala
Sa pagnanais na makasipa at makatuka!

Ang nais ko’t hiling sa dalawang naghihidwa


Sana ang hinahon sa inyo’y hindi mawala
Muli ay tumindig as sa labanan ay pumagitna
Ihatid naman natin sila sa palakpakang pampasigla!

Ikatlong tindig
MATALINO:
Mahirap pong umunawa ang makatang mukhang pera
Ang sabi ko, ang may aral, sa mayaman ang nagdadala
Kung sa mental humahantong ang may dunong na sumobra
Sa walang alam ‘pagkat mangmang, may ospital nga ba kaya?

Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasan


‘Pagkat walang itatangi kundi yaong kumikinang
Dahil dito’y nalilimot sa puso ang kabutihan
Nang dahil din po sap era, nandyan ang kapalaluan.

Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng finished contract


Kaluluwa ng mga dunong sa langit ay natitiyak
Dahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at pilak,
Na-cancel ang entry permit, inabot ay hanggang ulap.

MAYAMAN:
Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang isipan
Dahil hindi pa po sira, pwede pa ring pagtyagaan
Ang malungkot ay sila pang ignoranteng kababayan
Ang madaling nalkoloko ng rekruter na maalam!

Hindi lahat ng may pera’y sumasamba sa salapi,


Tulad ni Job, mas maraming sa Diyos Ama’y nagpupuri
Kaluluwa ng may talinong kapwa ay nanduhangi
Made-deport sa impyerno ‘pagkat passport pala’y peke!

Tigilan na ang pagsabing matalino’y syang may dala


Sa mayaman, ‘pagkat baka makulitan si balana
Pasalamat ka na lamang, kaydami ng may diploma
Kinakalawang ang utak, walang trabahong makita!

MATALINO:
Katunggali ang nagsabing ang mangmang ay naloloko
Matuwid ang kahulugang dapat magpakatalino
Si Abraham at Isaac maging si Job ay may ulo
Kaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga estupido

Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka’t hinahangaan,


Kahit ikaw ay mahirap, talion mo’y sa bigkasan
Talo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal,
Marami sa ‘yong nakikinig dahil sa iyong kaalaman!

MAYAMAN:
Bakit ko ba hahangaring ako’y maging marunong pa
Gayong halos lahat naman, nabibili na ng pera
Talino ng abogado, doctor, hilot, kumadrona
Ay may presyong kagaya rin ng kakaning tinitinda!

Sa labanang pasikatan, sino’ng unang papansinin?


Sino nga ba’ng hahangaan kung dalawa’y pagtabihin?
Matalinong mukhang engot dahil pobre at gusgusin?
O mayamang mukhang henyo, ‘pagkat porma’y mamahalin?

MATALINO:
‘Di katumbas ng halaga ang magandang kalooban
Iyan naming salapi mo’y palamuti lang ng katawan
‘Di sa panlabas na anyo nakikita ang katinuan
Kund isa gawa ng taong may inaangking kaalaman.

MAYAMAN:
Ako yata ay naligaw sa labanang napasukan
Akala ko, paksa dito’y sino’ng sikat, hahangaan?
Kayamana’y panlabas nga, sapagkat ang kalooban
Ay ‘di tayo ang hahatol, ‘yan ay Diyos lang ang may alam!

MATALINO:
Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay naliligaw
Ang paghanga sa marunong, maingat sa daraanan!
MAYAMAN:
Ngayo’y di na mayaman ang binubugbog ng kalaban
Sa marunong versus mangmang napalihis ang usapan!

MATALINO:
Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoy
Mahirap makaintindi, kalaban ko’y nagmamaktol!

MAYAMAN:
Ako pa raw ngayon itong pang-unawa’y kinukulang
Magkano ka? Sabihin mo, matahimik ka lamang!

MATALINO:
Katalo ko’y ‘di lang estupido, abusado pa rin pala!

MAYAMAN:
Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket money ka pa!

MATALINO:
Marunong ang hahangaan, ‘di mayamang walang alam!

MAYAMAN:
Sa gobyermo ay kaydaming magnanakaw!

LAKANDIWA:
Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawa
Ako naming Lakandiwa ang papasok sa eksena
Ang hiling ko sa dalawang makata ay magkamay na
At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila!

Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawin


Sa katwiran ng dalawa na mahirap arukin
At sapagkat ang dalawang ito’y kapwa magagaling
Marahil ay mahihirapan akong matuwid nila’y limiin.

Sa panig ng matalino si Zhian Lim


Dahil daw sa talion, nakilala ang ating bansa
Talino raw ang puhunan sa buhay ay makikibaka
Matalino raw ang siyang sikat at hahangaang talaga.

At si Liah Nicolas po sa panig ng mayaman


Dahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaan
Ay kung mayman ka, magpakahirap ay ‘di na kailangan
Tila may katwiran din ang makata ng mga kababaihan.

Kung ang talino’y ginamit sa mabuting paraan


Walang pagsalang ito’y dapat nating hangaan
Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamang
Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan.

Hahangaan mo rin ba ang isang mayaman


Kung wala naming malasakit sa kapwang nahihirapan?
Datapwa’t kung ang yaman ay ginamit sa katuwiran
Walang pag-aatubili, sisikat siya at hahangaan.

Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailangan


Datapuwa’t kakailanganin din ng puhunan ng mayaman
Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan
Ngunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng negosyo ng mayaman.

Ang paksa ay sino ng aba ang higit na hahangaan


Ang may angking talion ba o isang ang mayaman?
Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan:
Patas po ang naging labas, sila’y ating palakpakan!

You might also like