Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Mauunawaan at matututuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.
Gaya sa ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag sa
iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na
dula ay yaong pinapanuod na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang
iskrip.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.
Simula- mamamalas ditto ang tagpuan, tauhan,at sulyap sa suliranin.
Gitna- metatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas- matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

SANGKAP NG DULA
Tagpuan- panahon at pook kung saan nagana pang mga pangyayaring isinaad sa dula
Tauhan- ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari.
Sulyap sa suliranin- bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin.
Saglit na kasiglahan- saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
Tunggalian- ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa
kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang saliri.
Kasukdulan- climax sa Ingles;dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na
ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa
pinakakasukdulan ang tunggalian.
Kakalasan- ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian.
Kalutasan- sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at
tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood.

ELEMENTO NG DULA
1. Iskrip o nakasulat na dula- ito ang pinakakaluluwang isang dula; lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor- ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin.
3. Tanghalan- anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng
isang dula.
4. Tagdireho o direktor- ang director ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; sira
ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng director sa iskrip.
5. Manonood- hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dula ay maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.

EKSENA AT TAGPO
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo naman ay ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.

You might also like