Alinsog - Filipinolohiya - Pagbabago NG Klima

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Philippine Normal University


The National Center for Teacher Education
Mindanao
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

NAME: JENNY D. ALNSOG SECTION: OBTEC: M-1-5

1.Ano ang dahilan ng pagbabago ng klima?


Ang climate change o pagbabago ng klima ay maaaring dulot ng natural na salik o
proseso at prosesong likha mismo ng tao.
2. Ano ang greenhouse effect?
Ang greenhouse effect ay isa sa mga dahilan sa pagbabago ng klima at ang proseso kung
saan mas malaki ang iniaambag na init sa ibabaw ng isang planeta ng radyasyon mula sa atmospera
nito kumpara sa kung ang planeta ay walang atmospera.. Ito ay epekto ng GHG o greenhose gases
na nagsasanhi ng greenhouse effect, at may ibat-ibang ibinubuga ang greenhouse gases na nag
sasanhi ng mas mainit na klima at pagbabago nito, nangunguna dito ang Carbon dioxide (CO2),
Ito ang Halocarbons na binubuga sa pamamagitan ng pagsunog ng fossil fuels, katulad ng
karbon, langis at natural na gas para sa enerhiya, tranportasyon, at industriya.
Pumapangalawa naman ang methane na greenhouse gasses sa sanhi na nakapekto sa
pagbabago ng klima, ito ay ibibubuga kapag nagmimina, lumilikha o nagbib yahe ng
karbon,natural na gas at langis. At ang pangatlo na malaki rin ang ambag sa pagbabago ng klima
ay ang Nitrous Oxide (N20) nilikha ito ng ilang gawaing pang-agrikultura at pangindustriya,
pati ng pagsusunog ng fossil fuel at ng basura.

3. Ano ang mga nagungunang ugat ng pagbabago ng klima?


Ang nangungunang ugat ng pagbabago ng klima ay ang Greenhouse effect na sanhi ng
greenhouse gases. Nagsimulang tumaas ang pagbuga ng GHG na likha ng tao sa panahon ng
rebolusyong industrial noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo. Ang pangunahing nagbubuga
ng polusyon at GHG sa atmospera ay ula sa mga maunlad na bansa tulad ng Estados Unidos,
Japan, Canada, Australia, at mga bansa sa Europa.
4. Paano nakaapekto ito sa buhay ng mga tao?
Sa maraming sulok ng Pilipinas ay nadadama ang mga sumusunod na epekto ng
pagbabago ng klima sa hanay ng mga katutubo at sa ibat -ibang rehiyon ng bansa.
Ang epekto nito sa buhay ng tao ay ang pagkakaroon ng kakulangan sa supply ng
pagkain at pangkabuhayan dahil sa lumalalang epekto ng pagbabago ng klima katulad na
lamang ng pagkakaroon ng maraming pesti sa pananiman kaya naman marami ang bumibili ng
pesticide pero nagkakaroon parin ng failure dahil rin sa pa iba iba ang panahon na biglang uulan
tapos iinit na nakakaepekto sa paglaki ng mga pananim at sa pagiging masagana nito,
namamatay ang mga hayop sa kagubatan na piangkukunan ng pagkain ng naninirahan sa
kagubatan na nagsasanhi ng kagutuman, pagkakaroon ng mga sakit dulot ng polusyon at
pagkasira ng kagubatan na tinitirahan ng mga katutubo, pagkamkam sa lupain ng mga
katutubong ninuno para tayuan ng mga imprastraktura na nagbubuga ng GHG. Higit sa lahat ay
mga nararanasang matinding pagbagyo, pagbaha at landslide ng mga mamamayan dahil sa
illegal na pagputol ng mga kahoy at illegal o legal na pagmimina na nakakaubos ng likas yaman.

5. Sino ang dapat nating sisihin? Bakit?


Ang dapat nating sisihin sa pangyayaring ito ay ang mga transnational corporations
(TNCs) o mga dambuhalang korporasyong may monopolyo sa kapital at may mga operasyon
na mahigit sa isang bansa dahil nakakalikha sila ng malaking kontribusyon sa pagbuga ng GHG
sa atmospera na nagsasanhi ng greenhouse effect na isa sa dahilan ng pagbabago ng klima. Sila
rin ang komokontrol sa industriya ng enehiya, industriya ng langis at transportasyon sa mundo.
Dalawa sa kontrolado nilang industriya ay doon nagmumula ang pinakamalaking pagbuga ng
carbon dioxie at GHGs na lubhang nakakaapekto sa ating atmospera.
Sa kabila ng limpak limpak na tubo ng mga TNCs dahil sa malakihang kita ng
korporasyon ay tinagurian silang mga dambuhalang halimaw na umuubos ng likas yaman ng
mundo at direktang sumisira sa kalikasan.

You might also like