Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Philippine Normal University


The National Center for Teacher Education
Mindanao
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

NAME: JENNY D. ALNSOG SUBJECT: OBTEC: M-1-5


PROPESOR: FE A. QUISIL SUBJECT: FILIPINOLOHIYA

1.Ano ang ibig sabihin ng salitang Ciao! Ciao!?


Ang salitang Ciao! Ciao! ay inilarawan bilang Italyano na bersyon ng "aloha o “See
You”, na parehong ibig sabihin ay "hello" at "paalam”. Ang Ciao ay pinakaginagamit na
mga salita sa Venezia, ito ang salitang sinasambit kapag may nakakasalubong kang
kakilala o di kaya’y nagpapaalm sa kanya. Kung sa Wikang Filipino maaari itong
katumbas ng esensiya sa mga salitang “kamusta”, “paalam” o “sige”. Pero kapag Pilipino
ang iyong nakasalubong hindi lang isang ciao ang maririnig sa kanya kung hindi dalawa,
ciao, caio. Dahil ito ay gamit nila at isang uri ng pakikipagnegosasyon ng mga Pilipino sa
kanilang identidad.

2. Paano at bakit nakarating ang mga Pilipno sa Italya / sa ibang bansa?


Sa maraming taong nagdaan marami sa ating mga kababayang plipino ang
piniling mangibang bansa na tinatawag na mga (OFW) o Overseas Filipino Worker,
dahil sa oportunidad na makapagtrabaho at makasahod ng malaki. At sa kadahilanan
ring marami ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa na umasenso sa buhay at
nagkaroon ng mga ari-arian kaya nagkakaroon ang ating ibang mga kababayan ng
motibasyon at inspirasyon na mangibang bansa, particular na sa naroon sa
pinakamahirap na sitwasyon at umaasang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya
at matustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

3. Paano nila hinarap ang buhay sa ibang bansa?


Sa pakikipagsapalaran ng mga (OFW) Overseas Filipino Worker ay hinaharap
nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtitis at pagsasakripisyo ng kanilang
nararamdaman at pangungulila sa ibang bansa para sa kanilang pamilya upang
makatulong na makaahon sa kahirapan, kahit na nasasaktan sila at nalulungkot na
mawalay sila sa kanilang mga mahal sa buhay ay sinisikap parin nilang tibayan ang
kanilang loob dahil alam nila na kapag umuwi sila sa Pilipinas na wala silang naipundar
o naipon ay lalo lang silang maghihirap at hindi makaahon sa kahirapan.
4. Sa mga may mga anak at namumuhay at lumaki sa kapaligirang malayo sa
kultura ng Pilipinas, paano nila ito pinalaki?
Sa kadahilanang naninirahan ang ibang mga Pilipino sa ibang bansa at nalalayo
sila sa kultura ng Pilipi-nas ay nagkakaroon ang ibang bansa particular na sa bansang
Venezia ng mga programa o proyekto para mailapait uli ang kultura ng Pilipino sa mga
naninirahang kababayan natin sa Italya/ibang bansa. Katulad ng proyektong
Manunggul Jar na isang programang pang-edukasyon sa wika at kulturang Pilipino sa
bansang Italya. Ayon kay Gutierez, dahil malayo ang mga Pilipino sa kanilang mga
pamilya sa Pilipinas, ang Filipino Community ay nagsasagawa ng mga aktibidad at
proyekto para maaliw at hindi makalimutan ng mga Pilipino ang kanilang pagiging
Pilipino.

You might also like