Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao

Learning Delivery Modality Face-to-face

LESSON School GEANHS Grade Level 9


EXEMPL Name of Teacher Mark Joseph Escober Learning Area EsP
AR Teaching Date and Time Quarter
Sept. 26 - 30, 2022 First Quarter

MGA KLASE ORAS (A.M.) ARAW SEKSYON ROOM


5:50 – 6:45 Lunes/Martes Habakkuk DB2 202
Huwebes/Biyernes Joel PAGCOR 405
7:05 – 8:00 Martes/Biyernes Jeremiah PAGCOR 304
Miyerkules/Huwebes Zephaniah PPP2 101
8:00 – 8:55 Lunes/Martes Joshua PAGCOR 103
9:15 – 10:10 Lunes/Martes Nahum DB2 201
Huwebes/Biyernes Nehemiah PAGCOR 403
10:10 – 11:05 Lunes/Miyerkules Samuel PAGCOR 301
I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunang ekonomiya.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang ekonomiya sa isang
baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o
photo/video journal (hal.YouScoop).
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa 3.1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. (EsP9PL-
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat Ia- 3.1)
ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
MELC 3.2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya. (EsP9PL-
Ia- 3.2)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagtataya ng Kalagayan ng Ekonomiya
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Most Essential Learning Competencies with corresponding CG
Codes Edukasyon sa Pagpapakatao, Pg. 36
MELC PIVOT 4A Budget of Work (BOW), RM. NO 306 S. 2020 , pahina 224
Edukasyon sa Pagpapakatao 9, p. 21-25
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang mag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula
N/A
sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo Laptop
para sa mga Gawain sa Learning Activity Sheet
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan Powerpoint
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) UNANG ARAW:
ALAMIN:
Sa modyul na ito ay inaasahang malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
3.1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. (EsP9PL-
Ia- 3.1)
3.2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya. (EsP9PL-
Ia- 3.2)
LAYUNIN SA ARAW NA ITO:
a) Maisa-isa ang mga katangian ng mabuting ekonomiya (K)
b) Maibabahagi ang mga maidudulot ng magandang ekonimiya (S)
c) Makabubo ng mga paraan upang makatulong sa pagpapaunlad o pag-angat ng antas ng
kalagayang pang-ekonomiya ng pamilya o pamayanan. (A)

SUBUKIN
Part I: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at BILUGAN ang titik nito.

1. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?


a. lahat ay dapat mayroong pag-aari
b. lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman
c. lahat ay iisa ang mithiin
d. likha ang lahat ng Diyos
2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
3. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang
kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan,
kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kaliangan, dahil
karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-
anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang
bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang
labis na kasiyahan
d. Lahat ng nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan,
ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang
pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang
patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan,
patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan,
ang patas ay pangangasiwa ng mga yaman ng bansa ayon sa kaangkupan ng
pangangailangan ng tao.
6. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-
ekonomiya?
a. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa lahat ng pamilya.
b. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang
yaman ng bayan.
c. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi
angkop sa kakayahan.
d. Tinutulungan ng estado ang mga mangagawa na makahanap ng hanapbuhay sa
ibang bansa.
7. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
a. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng
bawat isa.
b. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
c. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
d. Pantay-pantay ang mga tao, kaya ibigay ang angkop para sa kanila.
8. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
a. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian
kaysa kaniyang sarili.
b. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi.
c. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.
d. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.
9. Bakit magjaugnay ang pag-unlad ng sarili sap ag-unlad ng bayan?
a. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.
b. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.
c. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sap ag-
unlad ng bansa.
d. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig
paunlarin ang sariling kakayahan.
10. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang
paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang
ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
b. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
c. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.
d. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.

Part II: Hula Salita

11. P _ _ P _ R T _O – angkop na pagkakaloob batay sa pangangailangan

12. O _ N _ _ S _ _ P – pag-aari (English word)

13. N _ M_ S - pamamahala (Griyegong salita)

14. O_ K _ S – bahay (Griyegong salita)

15. M _ X S C _ E _ E _ - pilosopong nagsabi na bahagi ng pagiging tao ng tao ang


pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.

BALIKAN

Balik-aral:

Tanungin ang mga mag-aaral: Paano maaring ihalintulad sa ating utak


ang prinsipyo ng subsidiarity at solidarity?

Tumawag ng mag-aaral na magbibigay ng eksplanasyon kung


paanong nakukuha ng ating katawan ang nutrients na kailangan nito
mula sa ating mga kinakain.
Ihalintulad ang Lipunang Pang-ekonomiya sa proseso ng Digestive at
Circulatory System. Katulad ng ating ekonomiya, ibinabahagi ito ng ating
pamahalaan sa kanyang mamamayan.

B. Development (Pagpapaunlad) TUKLASIN

GAWAIN 1. Panuto: Gumawa ng sariling pagsusuri kung magkano at saan


mo ginagastos ang baon sa bawat araw.

1. Magkano ang baon mo sa loob ng isang araw?


2. Ano-ano ang pinagkakagastusan mo sa iyong baon?
3. Sapat ba o hindi ang iyong baon? Ipaliwanag.
4. Ano ang naidudulot ng kakulangan ng baon?
5. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano sinosolusyonan
ang kakulangang ito?

Gumawa ng ulat mula sa pangkalahatang resulta ng grupo at ibahagi ito sa


klase.

SURIIN

“ Ang lipunang pang-ekonomiya ay ang pagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng


bayan ayon sa kaangkupan nito sa pangangailangan ng tao.”

Matutuhan mo ang mga konseptong may kinalaman sa ekonomiya tulad ng katangian nito,
dulot sa mga mamamayan at kaunlaran, Bibigyang pansin at diin ang mga kaisipang kung
maganda ang ekonomiya ay maramiang makikinabang at bubuti ang kalagayan ng buhay.
Kung hindi naman ay magiging apektado ang buhay ng mga mamamayan.

Ito ang ikatlong sector, kabilang ang ekonomiya sa pagitan ng pribadong (negosyo) at
pampublikong sector (pamahalaan). Kabilang dito ang mga organisasyon tulad ng
kooperatiba, di-nagtutubong organisasyon, panlipunang negosyo at kawanggawa. Ang teorya
ng lipunang pang-ekonomiya ay susubok upang maglagay ng mga organisasyongito sa isang
mas malawak na pampolitikang konteksto ng ekonomiya.

Katangian ng Mabuting Ekonomiya:

1. Maunlad na bansa
2. Naibibigay ang mga pangangailangan ng tao
3. Maraming oportunidad at trabaho para sa mamamayan
4. Mataas na kita ng bawat indibidwal
5. May maayos na mga daan o imprastruktura
6. Magaling ang pangasiwaang publiko
7. Mataas na lebel ng teknolohiya
8. Mabuting kalusugan ng mamamayan

GAWAIN: Magbigay ng mabuting maidudulot ng magandang ekonomiya. Ipaliwang ang


sagot.

C. Engagement (Pagpapalihan) Ikalawang Araw: Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang


ekonomiya.
PAGYAMANIN

GAWAIN 2: PICTURE ANALYSIS


Rich vs Poor

Private School vs Public School

Matapos ang gawain kukuha ang guro batay sa kasagutan ng mag-


aaral na magiging halimbawa upang maiugnay sa bagong aralin.

Pangkatang Gawain: Paggawa ng Bahay

Layunin:
1. Masaksihan ang proseso ng palitan ng personal na kayamanan para sa mga
kakailanganin sa pagtupad ng tungkulin
2. Maipamalas ang kakayahang unahin ang grupo bago ang sarili
3. Mamulatan at matanggap ang hanggahan ng pagbibigay ng sarili
4. Matutuhang makipagtulungan sa iba sa pagtupad ng tungkulin
5. Makita ang papel ng estado sa lipunang pang-ekonomiya.
6. Matutuhang maging masinop sa mga kagamitan
7. Mamulat sa halaga ng pag-aari at panahon

Mga Gagamitin:
• barbecue sticks
• masking tape
• piraso ng papel (reusable bond paper)
• orasan
• pamaypay
• ruler
• pisara
• chalk

TG – p. 24-25
LM – p. 40-41
Gumawa ng mga hakbang/plano kung “ ano ang magagawa mo bilang isang kabataan sa
pagkamit ng mabuting ekonomiya?”

D. Assimilation (Paglalapat) Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng kanilang Journal Blog. Sa tulong ng mga gabay na
tanong, ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa aralin. Pagkatapos
makapagsulat ay maaring ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase.

1.Anu-ano ang mga konsepto at kaalaman ang pumukaw sa akin?

2.Ano ang maaari mong magawa o plano upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa
pamamaraang kaya mo ngayon?

3.Sa iyong palagay, ang lipunang pang-ekonomiya sa kasalukuyan ay napapangasiwaan ba


ang yaman bayan ayon sa kaangkupan nito sa pangangailangan ng tao? Ipaliwanag.

V. PAGNINILAY

Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha Habakkuk Jeremiah Joshua Nehemia


ng 80% sa pagtataya.

Joel Zephaniah Nahum Samuel

Bilang ng mga ma-aaral na Habakkuk Jeremiah Joshua Nehemia


nangangailangan ng iba pang Gawain
para sa remediation.

Joel Zephaniah Nahum Samuel


Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng Habakkuk Jeremiah Joshua Nehemia
mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

Joel Zephaniah Nahum Samuel

Bilang ng mga mag-aaral na Habakkuk Jeremiah Joshua Nehemia


magpapatuloy sa remediation.

Joel Zephaniah Nahum Samuel

Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punong
guro at superbisor?
Anong kagamitang panturo ang aking
naidubuho nan ais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by:

Mark Joseph B. Escober


Teacher I

Checked by:

Florly O. Pitogo
Master Teacher I

Recommending Approval:

Henry C. Donsol
Head Teacher VI

Approved by:
Arturo P. Rosaroso
Principal IV

You might also like