Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II- Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
AGGUB ELEMENTARY SCHOOL
Aggub, Solano, Nueva Vizcaya

ARALING PANLIPUNAN 4
SUMMATIVE TEST
2ND QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Punan ng titik ang puzzle upang mabuo ang inaasahang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ang pangunahing hanap-buhay ng mga taong malapit sa dagat.

2. Ito ay mahabang panahon ng tag-init kaya natutuyo ang mga sakahan.

3. Pangunahing hanap-buhay sa bansa na patunay na isang agrikultural na bansa ang Pilipinas.

4. Ito ang kinakaharap na isyu ng gawaing pangkabuhayan ng bansa.

5. Tulong ng pamahalaan matugon sa suliranin sa pangkabuhayan.

II. Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

____6. Paano kaya matutugunan ang suliranin sa tubig ng mga sakahan sa bansa?
A. Hikayatin ang mga magsasaka magtayo ng sariling patubig para sa sakahan.
B. Umasa sa tubig ulan para magapagtanim.
C. Pagpapatayo ng pamahalaan ng mga irigasyon para sa mga lupang sakahan.
D. Lahat ng nabanggit.
____7. Ano kaya ang dahilan kung bakit naaantala ang pagdating ng mga isda sa palengke kung kaya ang
mga ito ay hindi na sariwa?
A. Kawalan ng maayos na daanan o imprastraktura upang makarating ng maayos at maaga ang mga
isda sa palengke.
B. Paggamit ng tamang paraan ng pangingisda.
C. Mahabang panahon ng tagtuyo.
D. Walang masasakyan ang mga mangingisda.
____8. Ano kaya ang posibleng solusyon sa pagpaparami ng ani ng mga magsasaka?
A. Pagpapautang ng puhunan sa mga magsasaka.
B. Pagbibigay ng impormasyon at pag-aaral ng sa tamang paraan ng pagsasaka.
C. Pagpapatayo ng mga kooperatiba.
D. Hindi pagsunod sa programa tungkol sa pagtatanim.
____9. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan ng panghuhuli ng isda sa dagat. Isa sa mga ito ay ang
dahilan ng pagkasira ng tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat. Alin ito?
A. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II- Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
AGGUB ELEMENTARY SCHOOL
Aggub, Solano, Nueva Vizcaya

B. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda.


C. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng isda.
D. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli.
____10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa gawaing
pangkabuhayan ng Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.
B. May kinakaharap na hamon sa gawaing pangkabuhayan ang bansa, may tugon ang pamahalaan at
ibinibigay ang oportunidad sa magsasaka at mangingisda.
C. Mayayaman ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
D. Nangunguna ang Pilipinas sa pangkabuhayang pangingisda at pagsasaka sa buong Asya.
____11. Kung ihahambing sa ibang mga bansa ang Pilipinas, masasabing higit itong pinagpala. Bakit kaya?
I. Mayaman ito sa mga likas na yaman
II. Magagaling ang ating mga yamang tao.
III. Madami at makapal ang populasyon ng Pilipinas
IV. Maraming bilang ng mga kapuluan ang Pilipinas
A. I at II B. I at III C. I at IV D. I lamang
____12. Ano ang tawag sa pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-alang
sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga pangangailangan.
A. Kayamanang likas
B. Likas kayang pag-unlad
C. Kakayahang manakop ng ibang bansa
D. Likas na kakayahang mag-angkin ng yaman ng iba
____13. Ang likas kayang pag-unlad ay kilala rin sa tawag na ________________.
A. Environmental Sustainment
B. Sustainable Development
C. Sustainable Environment
D. Environmental Development
____14. Bakit kailangan ang sustainable development o ang likas kayang pag-unlad?
A. Upang magkaroon ng isang alternatibong kaunlaran sa harap ng lumalalang krisis pangkalikasan
B. Upang maiwasan ang tuluyang pagkasira at pagkawasak ng kalikasan
C. Pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga
pangangailangan
D. Lahat ng nabanggit ay tamang sagot
____15. Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng iba’t ibang istratehiya upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao. Alin ang hindi kabilang dito:
A. Pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa paggawa ng desisyon
B. Pagsama ng mga isyung pampopulasyon at kapakanan ng nakararami sa pagpaplano ng pag-unlad
C. Pagbabawas ng paglaki ng mga rural na lugar,
D. Hindi pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan,

III. Piliin sa kahon ang uri ng hanapbuhay na ipinahihiwatig sa bawat sitwasyon. Isulat
ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
pagtatanim pagsasaka pangingisda
pagdadaing pag-aalaga ng hayop pagmimina
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II- Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
AGGUB ELEMENTARY SCHOOL
Aggub, Solano, Nueva Vizcaya

_________16. Ang Lungsod ng Baguio ay may malamig na klima. Marami ritong sariwang gulay, prutas, at
mga bulaklak. Anong uri ng hanapbuhay ang angkop dito?
_________17. Maraming bagoong at bangus sa lalawigan ng Pangasinan. Marami pang ibang uri ng isda
ang nahuhuli sa lugar na ito. Anong uri ng hanapbuhay ang angkop dito?
_________18. Malawak ang kapatagang taniman ng palay sa Gitnang Luzon. Anong uri ng hanapbuhay ang
angkop sa lugar na ito?
_________ 19. Malawak na bahagi ng Pilipinas ang katubigan. Kung pagyayamanin ito, maraming sariwang
isda at mga yamang dagat ang mapapakinabangan. Anong uri ng hanapbuhay ang angkop dito?
_________ 20. Ang lalawigan ng Bukidnon, Batangas at Mindoro ay may malawak na pastulan ng hayop
tulad ng kambing at baka. Anong uri ng hanapbuhay ang angkop sa lugar na ito?

1 Thessalonians 5:17 ”Pray continually”

Prepared by:

CHASTINE B. RAMOS
Adviser

KEY:

1. PANGINGISDA
2. EL NIÑO
3. PAGSASAKA
4. HAMON
5. OPORTUNIDAD
6. C
7. A
8. B
9. D
10. B
11. A
12. B
13. B
14. D
15. D

You might also like