Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sino po sa inyo mga kapatid ang mahilig kumain?

Opo, lahat tayo ay nag-


eenjoy lalo na kung masarap yung pagkain. Ngunit higit sa lasa ng mga ito,
alam din po natin na ang tamang dami at uri ng pagkain na ating kinakain
ay nagbibigay sa atin ng magandang kalusugan. At sa kabilang banda,
kung mali naman po ang dami o uri ng ating kinakain, ito naman ay
maaaring magdulot ng maraming problema at sakit pa nga sa kalaunan.
Bakit po ba natin pinag-uusapan itong tama at maling paraan ng pagkain?
Ito po ay dahil ganyang-ganyan din natin maipagkukumpara ang tama at
maling pagmamapuri, at ito po ang tatalakayin natin sa pahayag na ito.

1. Ngayon, ang unang tanong po, Ano ang tamang pagmamapuri?


Karaniwan na, kapag binabanggit po ang salitang ito, ang una nating
maiisip ay isa ito sa mga katangiang kinapopootan ni Jehova. Ngunit alam
niyo po ba na sa Bibliya, makakikita rin po tayo ng ulat tungkol sa tamang
antas ng pagmamapuri?
Basahin ang 2 Tesalonica 1:4
4 Kaya ipinagmamalaki namin kayo sa mga kongregasyon ng Diyos dahil
sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa kabila ng pag-uusig sa inyo at
mga problema.
Sa sinabing ito ni Apostol Pablo, ipinagmalaki, o ipinagmapuri niya ang
magagandang katangian ng mga kapatid sa Tesalonica, marahil upang sa
gayon ay masiyahan sila sa kanilang paglilingkod, at kasabay nito ay
makinabang ang ibang mga lingkod ni Jehova sa kanilang halimbawa.
Opo, ipinapakita po sa atin ng Bibliya na ang pagmamapuri, kung ito ay
ang pagkadama ng kasiyahan dahil sa magandang nagawa o pagtataglay
ng magandang bagay, ay hindi masama, at ang totoo niyan, nakakatulong
pa nga sa ating sarili at sa iba. Isa pa, ipinapakita pa nga ng ulat ng Bibliya
sa Gawa 21:39 na hindi rin natin dapat ikahiya ang ating pamilya, kultura, o
kinalakhang lugar.
2. Kaya ang tanong, kailan nagiging mali ang pagmamapuri?
Ang maling pagmamapuri ay maaaring ilarawan bilang “labis-labis na
pagpapahalaga sa sarili”, anupat umaabot sa puntong binabalewala na
natin ang ibang opinyon o payo, na nakakasira sa ating kaugnayan sa iba,
lalong-lalo na sa Diyos na Jehova. Kaya ganoon na lamang po ang
pagkapoot ng Diyos mismo sa ganitong katangian. Bilang patunay,
Basahin ang Amos 6:8
8 ‘Ipinanumpa ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ang sarili niya,’
ang sabi ni Jehova na Diyos ng mga hukbo, ‘“Nasusuklam ako sa
pagmamataas ng Jacob, Napopoot ako sa kaniyang matitibay na tore,
At ibibigay ko sa kaaway ang lunsod at ang lahat ng naroroon.
Mapapansin po natin sa tekstong nabasa na ganoon na lamang ang
pagkagalit ni Jehova sa ganitong pagmamapuri, anupa’t handa niyang
parusahan ang mga taong nagpapakita nito. Ang galit pong iyon ni Jehova
ay pinakita na niya sa maraming pagkakataon bago ito. Ang ilang pamilyar
na halimbawa po nito ay
- Una, noong nagpadala si Jehova ng sampung salot sa Ehipto dahil sa
pagiging mapagmataas ng Paraon,
- Ikalawa, halimbawa po ni Absalom na anak ni David, na dahil sa
pagiging mapandaya upang makuha ang tiwala ng mga tao, ay namatay
na kasama ng kaniyang mga nadaya
- Isa pa ay yung halimbawa rin po ni Cain, na dahil napatay niya ang
kaniyang kapatid dahil sa pag-iisip na mas tama siya, ay naiwala ang
pagsang-ayon ni Jehova.
Malinaw po na ang maling pagmamapuri ay nagdudulot ng hindi kaaya-
ayang mga resulta.

Opo, bilang konklusyon, katulad ng pagkain, gusto rin ni Jehova na ang


tamang antas ng pagmamapuri ay makatulong sa atin upang sumulong
tayo at masiyahan sa ating buhay. At katulad din ng pagkain na mali ang
uri at dami, ang maling pagmamapuri po ay maaaring sumira ng ating
buhay at kaugnayan sa iba, lalong-lalo na sa Diyos na Jehova.
Kaya, para po sa ating lahat na nandito sa ngayon, maganda pong
tanungin natin ang ating sarili, Ako ba ay nagpapakita ng pagmamapuri sa
tama o sa maling paraan?
Opo, bilang konklusyon, maihahalintulad po natin ang pagmamapuri sa
kutsilyo. Bilang orihinal na kagamitan nito, ang kutsilyo ay idinisenyo para
mapadali ang ating gawaing pangkusina at iba pa. Ngunit dahil sa
masasamang hangarin ng iba, maaari rin itong magamit sa karumal-dumal
na mga bagay tulad ng pananaksak at pagpatay.
Ganiyang-ganiyan din ang pagmamapuri. Nakita po natin sa pahayag na
ito na gusto ng ating Diyos na Jehova na ang tamang antas ng
pagmamapuri ay makatulong upang sumulong tayo at masiyahan sa ating
buhay, ngunit dahil sa impluwensiya ni Satanas, ang kalabisan sa ganitong
katangian ay nagdudulot sa ngayon ng pagkawasak ng mga pakikipag-
ugnayan, at pagkapahamak pa nga.
Kaya, maganda pong tanungin at suriin natin ang ating sarili mga kapatid,
Ginagamit ko ba ang pagmamapuri sa tama o sa maling paraan?
Nimrod – Si Nimrod ang unang tao na naging makapangyarihan sa lupa,
ngunit ginamit niya ito upang salansangin si Jehova at maging tanyag.
(Gen. 10:8, 9)
- Sa halip na magkamit ng kaluwalhatian at katanyagan, siya’y nakilala
dahil sa kabuktutan.
Paraon – Dahil sa awtoridad ng Paraon, hindi niya na kinilala si Jehova, at
hindi pa nga pinayagan ang mga Israelita para sa pagdiriwang ng
kapistahan (Ex. 5:1, 2)
- Dahil doon ay nagkaroon ng sampung salot
Absalom – Dahil sa pagmamapuri at tiwala na rin sa kagandahang lalaki ni
Absalom, patuloy niyang ninakaw ang puso ng mga tao sa Israel, upang sa
gayon ay makuha niya ang pagkahari mula sa amang si David (2 Sam.
15:4-6)
- ang pagmamapuri ni Absalom ay nauwi sa kaniyang kapahamakan. Ito
rin ang naging sanhi ng kamatayan niya at ng libu-libong nadaya niya.

You might also like