Professional Documents
Culture Documents
4th Quarter Filipino 07
4th Quarter Filipino 07
Simulan Natin
PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:
5. Ilang buwang nakipagsapalaran si Don Diego upang mahanap ang Ibong Adarna?
a. Dalawang buwan c. Apat na buwan
b. Tatlong buwan d. Limang Buwan
7. Anong kailangangang gawin ni Don Juan upang hindi siya makatulog sa pag-awit ng Ibong
Adarna?
a. Sagutan ang palad at pigaan ng dayap
b. Kurutin ng kurutin ang sarili upang hindi makatulog
c. magtatakbo ng magtatakbo upang magising
d. Sugatan ng sugatan ang sarili upang masaktan
1 || Filipino7
9.Sino ang nais pakasalan ni Don Juan sa mga anak ni Haring Salermo?
a. Donya Leonora c. Donya Maria Blanca
b. Donya Juana d. Donya Marites
b. Kwintas d. Sapatos
16. Ito ang lugar na hinahanap ni Don Juan upang matagpuan niya ang kanyang iibigin.
a. Piedras Platas c. Armenya
b. Berbanya d. Reino de los Cristales
17. Ilang taon ang ginugol ni don Juan upang marating ang Reino de los Cristales?
a. Isa c. Tatlo
b. Dalawa d. Apat
19. Ano ang mga nangyayari kapag may nagtatangkang manligaw kay Maria Blanca?
a Halaman c. Tubig
b. Buhangin d. Bato
2 || Filipino7
Aralin 1:
( - )
L Sa pagtatapos ng aralin inaasahan na:
A 1. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda
Y sa bisa ng binasang bahagi ng akda.
2. Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “Korido”.
U
3. Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral
N tungkol sa Ibong Adarna.
I 4. Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon
kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
N
Tulang Romansa
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring
nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito
naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa impremta at pagkatuto
ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng
pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na mapalaganap ng diwang Kristiyano.
Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan ang gantimpala ng langit sa mga
nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o
sa isang santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong
pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2) ang mga
tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na
karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa
pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1)
wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa
panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika;
at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal sa magulang,
pagtulong sa nangangailangan at iba pa. Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na
binihisan ayon sa katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at
prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang
katutubo.
Korido
3 || Filipino7
(5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay.
(6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.
Awit
Ang lbong Adarna ay isang korido na kinagigiliwang basahin ng marami dahil tinatalakay nito ang
pakikipagsapalaran ng mga prinsipe at prinsesa at ng mga kabalyerong mandirigma na łayuning palaganapin
ang relihlyong Kristyanismo.Ito ay binibigkas ng paawit bagamat patula ang pagkakasulat.
Binubuo ito ng tig apat na taludtod at ang bawat taludtod ay may tigwalong pantig. Nakapaloob sa aklat na ito
kung paano pinahalagahan ng ama ang edukasyon sapagkat kahit sila ay mayaman, iba pa rin ang mayroon
kang pinag-aralan. Ipinakita rin dito kung paano magmahal ang mga magulang sa kanilang mga anak at gayon
din ang mga anak sa kanilang mga magulang. Binigyang-diin dito ang pagpapatawad, pagpapasensiya,
pagtawag sa Manlilikha sa panahon ng kagipitan, pagpapakumbaba, pagmamahal at pag-ingat sa kapaligiran,
pagiging matulungin, pagtitiis, pagtitiyaga, pagsasagawa ng tamang desisyon sa buhay, pagiging tapat sa
ipinangako, pagpapahalaga sa karangalan, at paglilingkod nang tapat sa nasasakupan.
Marami ang nagtataka kung bakit hindi napalathala ang sumulat ng Ibong Adarna. Maaarjng ang
dahilanay kahigpitan ng Comision Permanente de Censura nang panahong iyon. Subalit may naniniwala na si
Jose dela Cruz ang sumulat ng koridong ito. Kabilang sa mga koridong napalathala ay ang sumusunod:
1. Ang Haring Patay
2. Don Juan Tinoso
3. " Rodrigo de Vilias" ni Jose dela Cruz
4 Dama Ines ni Ananias Zorilla S. Prinsipe Florino' ni Ananias Zorilla
Inaasahang sa puksain ang mga kahinaang maging mabuting anak ng ating Manlilikha, ng kanyang mga
magulang, at ng Inang bayan. Nagtalakay ng koridong ito ng mga natutuhan nila ay magsisilbing sandata
upang tuluyang maitaboy o maiwaksi ang mga ito upang maging mabuting anak ng ating Manlilikha, ng
kanyang mga magulang at ng Inang bayan.
4 || Filipino7
Payabungin natin
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
___________
B - Paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng awit at korido batay sa nabasang
teksto. Gamitin ang Venn diagram para dito.
AWIT KORIDO
Pagkakaiba Pagkakaiba
5 || Filipino7
6 || Filipino7
7 || Filipino7
Talakayin natin
Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don Fernando. Nakita
niya ang isa sa kaniyang mga anak na si Don Juan na pinaslang ng dalawang buhong at pagkatapos
ay inihulog sa balon. Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na pagkabalisa.
Isang medikong paham ang nagsabi na ang tanging lunas daw sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang
ibong tanging matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor partikular sa kumikinang na puno ng Piedras
Platas Agad namang inutusan ang panganay na anak na si Don Pedro na hulihin ang natatanging
lunas para sa sakit ng Hari.
Naglakbay ng tatlong buwan si Don Pedro bago natunton ang daan patungong Bundok Tabor.
Agad naman ay nahanap ng Prinsipe ang puno ng Piedras Platas. Nagtaka siya kung bakit wala ni
isang ibon ang dumadapo rito. Sa labis na paghihintay sa pagdating ng ibong adarna, siya ay
nakaidlip at hindi napansin ang pagdating ng ibon. Dumapo ang ibon sa sanga ng puno at umawit ng
pitong ulit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit. Dahil kinapamahasnan na ng
ibon na dumumi bago mamahinga, hindi nagtagal ay dumumi na ito at walang anu-ano’y natapat ito
sa natutulog na prinsipe at sa isang iglap ay naging isang bato.
Dahil hindi na nasilayang muli ang panganay na si Don Pedro, inatasan ng Hari ang ikalawang
anak na si Don Diego upang hulihin ang ibong adarna. Naglakbay ng limang buwan ang nasabing
prinsipe. Naakit din siya sa kinang nito at napaisip kung bakit walang ibang ibon ang naaakit dito.
Nagpahinga muna siya habang matiyagang naghihintay sa mahiwagang ibon ngunit dahil sa lambing
ng pag awit nito, ay agad ding nakatulog. Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit kulay ng
mga balahibo nito, siya ay nanatiling bigo. Napatakan siya ng dumi nito at naging bato na rin.
Nagmistulang magkatabing puntod ang magkapatid.
Pagkalipas ng tatlong taon, lalong lumala ang karamdaman ng Hari. Masakit man para sa Hari
ang mawalay sa pinakamamahal niyang anak ngunit wala siyang magawa kundi ang bindisyunan ang
bunsong anak sa paglalakbay nito. Natakot si Don Fernando at baka magtanan si Don Juan. Siya ay
maglalakad lang papunta ng Bundok Tabor at may baong limang tinapay. Isang beses sa isang
buwan lang siya kumakain. Habang binabagtas ang daan patungo sa nasabing bundok, panay ang
sambit sa Birheng Inang marilag na nawa ay matagalan ang paghihirap na dinaranas. Sa ikaapat na
buwan, tumigas na ang baon niyang tinapay. Sa gitna ng paglalakbay ay may nakita siyang
ermitanyong sugatan.
8 || Filipino7
Alamin natin
A - Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa tauhan. Isulat ang iyong sagot sa
inihandang kahon sa ibaba.
9 || Filipino7
B - Pagpapaliwanag ng kaisipang nakapaloob sa mga piling saknong mula sa akda. Isulat ang
iyong sagot sa inihandang kahon.
Saknong 18
“Sa pag-ibig ng magulang
mga anak ay dumangal
maagang pinaturuan
ng dunong na kailangan”
Saknong 30
“Ngunit itong ating buhay
talinghagang di malaman
matulog ka nang mahusay
magigising nang may
lumbay”
Saknong 127
“Matibay na paniniwala
di hamak magpakababa,
pag matapat ka sa nasa
umaamo ang biyaya”
Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-iisang tirang tinapay. Sa
wakas ay nadatal na ni Don Juan ang puno at muntik nang makalimutan ang bilin ng matanda dahil
sa ganda ng puno. Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay na ibinigay niya sa
leprosong matanda. Nalaman niya na engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito masisilayan.
Pitong beses iyong umaawit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit. Sa oras
na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang kanyang palad at pipigaan ng dayap upang hindi
makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang sintas na Ginto upang gamitin sa paghuli ng
mahiwagang ibon.
Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig upang maging taong
muli ang mga kapatid niyang naging bato. Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni
Don Juan si Don Pedro at nabuhay itong muli at agad hinagkan ang bunsong kapatid. Sunod namang
binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na prinsipe, agad din nitong niyakap si
Don Juan. Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-alala sa amang
may sakit. Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo.
10 || Filipino7
A - Ilahad ang naidudulot sa kapwa at kahalagahan ng pagpapasalamat. Gamitin ang fan fact
organizer.
Pagtulong sa Kapwa
Pasasalamat sa Kapwa
11 || Filipino7
KABANATA 9: ANG KATOTOHANAN (SAKNONG 226-256)
Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang kaligayahan ng
Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe ngunit agad namang napawi ang ngiti
sa kanyang labi nang mapansin na wala si Don Juan. Labis itong nanibugho sa pagkawala ng
kanyang bunso at ninais nalang mamatay. Ang ibong adarna naman ay pumangit at ayaw nang
kumanta dahil taksil ang nag uwi sa kanya. Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala
ang dahilan kung bakit siya nagkasakit. Umaasa ang ibong adarna na buhay pa ang tunay na
nagmamay-ari sa kanya at malaman ng Hari ang kataksilang ginawa ng magkapatid.
May biglang sumulpot na ermitanyo. Nakita nito si Don Juan na nakahandusay sa lupa.
Ginamot niya sa muling pagkakataon ang prinsipe. Agad na naglaho ang mga sugat nito na parang
mahika. Labis ang pasasalamatan ni Don Juan sa ermitanyo at hinagkan ito. Nais sanang gumanti ng
utang na loob ang prinsipe ngunit tumanggi ito dahil ayon sa kanya, ito’y isang uri ng
pagkakawanggawa. Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na bumalik na sa Berbanya upang iligtas ang
Hari at agad naman itong sumunod.
Nakabalik na ang prinsipe sa Berbanya. Nasindak ang dalawang magkapatid nang nakitang
buhay pa si Don Juan. Magalak na hinagkan ni Don Juan ang kanyang ama ngunit hindi namukhaan
agad ng Hari ang anak. Bumalik ang ganda ng ibong adarna at ito ay muling umawit. Inawit nito ang
lahat ng nangyari kay Don Juan simula sa paghuli niya sa ibong adarna hanggang sa pagtataksil ng
dalawang prinsipe kay Don Juan. Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong
katotohanan. Walang anu-ano’y biglang tumayo ang Hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon ang
dalawang taksil na prinsipe, subalit nakiusap si Don Juan sa Hari na ‘wag na itong ipatapon. Agad
namang pumayag ang Hari sa hiling ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan ang dalawa. Bumalik ang
sigla ng kaharian dahil sa paggaling ng Hari.
12 || Filipino7
Subukin pa Natin
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
13 || Filipino7
Aralin 2:
-
L Sa pagtatapos ng aralin inaasahan na:
A
Y 1. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning
U narinig mula sa akda
N 2. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga
I suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon
N 3. Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi
ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay
Payabungin natin
Punan ang T-chart na nasa baba. Sagutan ang chart sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa loob
ng kahon.
Oo Siguro Hindi
14 || Filipino7
Talakayin natin
Nakabalik na ang prinsipe sa Berbanya. Nasindak ang dalawang magkapatid nang nakitang
buhay pa si Don Juan. Magalak na hinagkan ni Don Juan ang kanyang ama ngunit hindi namukhaan
agad ng Hari ang anak. Bumalik ang ganda ng ibong adarna at ito ay muling umawit. Inawit nito ang
lahat ng nangyari kay Don Juan simula sa paghuli niya sa ibong adarna hanggang sa pagtataksil ng
dalawang prinsipe kay Don Juan. Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong
katotohanan. Walang anu-ano’y biglang tumayo ang Hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon ang
dalawang taksil na prinsipe, subalit nakiusap si Don Juan sa Hari na ‘wag na itong ipatapon. Agad
namang pumayag ang Hari sa hiling ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan ang dalawa. Bumalik ang
sigla ng kaharian dahil sa paggaling ng Hari.
Madaling araw palang ay nagpasya nang tumakas si Don Juan dahil batid niyang magagalit
ang kanyang ama kapag natuklasan nitong nakawala ang ibong adarna. Agad na pinatawag ng Hari
ang tatlong prinsipe ngunit si Don Pedro at Don Diego lang ang humarap sa Hari. Gumawa na naman
ng panibagong kasinungalingan ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito, hindi na naniwala ang Hari
sa kanila. Sinambit nina Don Pedro at Don Diego na hahanapin nila ang taksil na si Don Juan upang
maparusahan. Naglakbay sila sa bukirin ngunit hindi nila matagpuan si Don Juan. Sa huli’y narating
din nila ang kabundukan ng Armenya na pinagtataguan ni Don Juan.
May natuklasang balon ang tatlong prinsipe, gawa ito sa marmol at gintong may mga ukit na
natatabunan na ng lumot. Nagdesisyong bumaba si Don Pedro gamit ang lubid na naroon ngunit
tatlong dipa lang ang naabot nito dahil sa sobrang takot sa dilim. Sunod na sumubok si Don Diego
ngunit ganun din ang kinalabasan. Si Don Juan lang ang nakatagal sa ilalim ng balon at hindi pa ito
bumabalik. Hinawa ang nararamdaman ni Don Pedro habang si Don Diego naman ay pag-aalala
dahil hindi pa umaahon ang kapatid mula sa balon.
Narating ni Don Juan ang pinakailalim na bahagi ng balon. Tumambad sa kanya ang isang
mabulaklak na paraiso at palasyo na gawa sa ginto’t pilak. Nakita rin niya ang isang magandang
dalaga na si Donya Juana. Namangha ang dalaga dahil narating ni Don Juan ang lugar na iyon.
Lumuhod ang prinsipe sa harap ng dalaga upang magpakilala. Humingi rin ito ng paumanhin dahil sa
15 || Filipino7
mapangahas na pagpunta sa lugar. Inamin ni Don Juan na may nararamdaman siyang pag-ibig sa
dalaga. Hindi naman siya nabigo dahil ganun din ang nadarama nito para sa prinsipe.
Sinabi ni Donya Juana na may higante na nagbabantay sa hardin. Dumating ang higante dahil
sa may naamoy siyang tao. Nung makita ng higante si Don Juan ay laking tuwa nito dahil hindi na
niya kinakailangang mamundok dahil mayroon na siyang makakain. Nagalit si Don Juan at kinalaban
ang higante gamit ang kanyang matulis na espada. Natalo ni Don Juan ang higante. Hiniling ni Donya
Juana na iligtas din ang kanyang kapatid na si Donya Leonora dahil ayaw nitong lumisan ng mag-isa.
Binalaan niya si Don Juan na mag-ingat dahil mas mabagsik ang bantay ni Prinsesa Leonora walang
iba kundi ang serpyentend may pitong ulo. Mahirap itong makalaban dahil kahit na tagpasin ang ulo
nito ay muling tutubo at mabubuhay. Matatagpuan si Prinsesa Leonora sa di kalayuang palasyo. Ito
ang palasyong may malaking hagdanang ginto.
Nakadungaw si Prinsesa Leonora sa bintana nang makita ng Prinsipe. Higit itong maganda
kaysa kay Donya Juana kaya mas nahumaling si Don Juan sa kanya. Nagalit ang prinsesa at
itinanong kung sino siya. Pinalayas ni Prinsesa Leonora si Don Juan sa lugar na iyon dahil alam
niyang malapit nang dumating ang serpyente. Nagtapat ng nararamdaman si Don Juan kay Prinsesa
Leonora dahil dito ay nakalimutan nya na hinihintay pala siya ni Donya Juana sa labas.
Nangangamba ang prinsesa at baka mapako ang pangako ng Prinsipe sa kanya. Naramdaman nila
ang malakas na pagyanig ng lupa.
Umakyat ng hagdanan ang serpyente at agad itong hinarap ng Prinsipe. Muntikan na siyang
lingkisin ng serpyente, buti nalang at maliksi ang prinsipe at naiwasan niya ito. Tinagpas ng Prinsipe
ang ulo ng tampalasang serpyente ngunit agad itong tumubo. Nakaramdam ng pagal ang prinsipe
kung kaya’t siya’y nanalangin. Agad namang bumalik ang lakas ng prinsipe. Nagtagal ng tatlong oras
ang laban. Inihagis ni Prinsesa Leonora ang balsamo kay Don Juan upang ihasik sa natagpas na ulo
ng serpyente upang hindi na ito muling tumubo. Nagapi ng Prinsipe ang serpyente. Inilabas ng balon
ni Don Juan ang dalawang prinsesa. Natuklasan ni Don Pedro at Don Diego ang pagpapakabayani ni
Don Juan sa dalawang prinsesa at sumidhi nanaman ang buhi ni Don Pedro dahil sa inggit lalo pa’t
nabighani ito sa ganda ni Prinsesa Leonora.
16 || Filipino7
Alamin natin
B - Ibigay ang kabutihan at di-kabutihang naidudulot ng inggit gamit ang fishbone map.
17 || Filipino7
Subukin pa Natin
SAKNONG SALOOBIN
B - Isulat ang iyong saloobin sa pinanood na isang bahagi sa Ibong Adarna sa loob ng kahon.
Gawaing Pagganap
18 || Filipino7
C - Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
1. Ano ang ikalawang pagtataksil na ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Ano ang naramdaman ni Don Juan nang magising siya at wala na ang Adarna?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
4. Saan napadpad ang magkakapatid at muling nagkita? Ilarawan ang lugar at tanawin na ito. Magbigay ng
patunay.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
5. Ano ang naging desisyon ng mga magkakapatid nang matagpuan nila si Don Juan sa Armenya? Sang-ayon
ka ba rito? Pangatuwiranan ang sagot.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
19 || Filipino7
Aralin 3:
-
Sa pagtatapos ng aralin inaasahan na:
L
A 1. Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa
Y binasa
2. Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na
U dulang pantelebisyon/pampelikula
N 3. Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
I pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda
N
Payabungin natin
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
Talakayin natin
Naabutan ng engkantadang lobo ang sugatang si Don Juan. Kumuha ito ng tatlong boteng
tubig sa ilog Jordan. Nilinlang ng lobo ang mahigpit na tagapagbantay ng ilog. Ipinahid niya ito sa
katawan ni Don Juan at agad nanumbalik ang lakas. Niyakap ni Don Juan ang lobo. Nagpatuloy na
sila sa palasyo upang kunin ang singsing ni Prinsesa Leonora. Sa tulong ng lobo ay madaling
nakaahon si Don Juan sa balon. Habang pauwi ng Berbanya ay nakaramdam ng pagod si Don Juan,
kaya nagpahinga muna siya sa isang mayabong na punongkahoy.
20 || Filipino7
KABANATA 24: MULING PAGPAPAKITA NG IBONG ADARNA (SAKNONG 758-794)
Nagising si Don Juan dahil sa pag-awit ng ibong adarna. Sa pag-awit nito, isinasalaysay niya
ang dahilan kung bakit siya tumakas at kung ano ang masamang balak ng dalawa niyang kapatid.
Sinabihan siya ng ibong adarna na magtungo sa Reyno De Los Cristales, ang kaharian na
matatagpuan sa dakong silangan. Ang hari dito na si Haring Salermo ay isang tuso at matalinong hari
at may tatlong magagandang dilag na supling na sina Prinsesa Isabel, Juana at Maria Blanca. Dapat
niyang pillin si Prinsesa Maria Blanca dahil walang kaparis ang ganda nito. Habang ang umaasang si
Prinsesa Leonora ay patuloy na tumatangis sa pagkawala ni Don Juan.
Tatlong taon nang naglalakbay at nawawala si Don Juan. Natagpuan siya ng isang matanda.
Binigyan ito ng matanda ng durog at bukbukin sa itim na tinapay. Inabutan din siya ng pulot-pukyutan
at bumbong. Inutusan ng matanda si Don Juan na pumunta sa ikapitong bundok at hanapin ang
isang ermitanyo. Iniabot ng matanda ang isang maliit na baro at sabihin daw na galing ito sa isang
matanda.
Walang tigil ang pagtangis ni Prinsesa Leonora habang si Don Juan naman ay naghahanap ng
ibang kapalaran. Patuloy na nagdurusa ang prinsesa at hindi pinagbubuksan ang sinumang kumatok
sa tuwing nalalaman niya na hindi iyon si Don Juan. Nagngingitngit sa galit si Don Pedro dahil si Don
Juan pa rin ang laman ng puso ni Prinsesa Leonora. Nagdaan pa ang limang buwan na paglalakbay
at natapos na ang pitong ulit na paghihirap ni Don Juan bago tuluyang nakarating sa dampa ng
ermitanyo na sinasabi ng matanda.
Sa wakas ay nakita na rin ni Don Juan ang ermitanyo sa ikapitong bundok. Nagalit ang
ermitanyo dahil binulabog ito. Iniabot ni Don Juan ang barong nagmula sa matandang tumulong sa
kaniya. Nabatid ng ermitanyo ang pakay ng prinsipe. Ngunit sa loob ng limang daang taon ng
paninirahan ay hindi pa rin nito batid ang Reyno delos Cristales. Pinatunog ng ermitanyo ang
kampana at nagdatingan ang mga hayop sa Armenya subalit wala pa ring nakakaalam kung nasaan
ang reyno. Ibinigay ng ermitanyo ang baro kay Don Juan at inutusan ang olikornyo na ihatid ito sa
bahay ng kapatid ng ermitanyo. Nakita ni Don Juan ang isa pang ermitanyo na may mahabang
balbas na sayad sa lupa. Nagalit ang ermitanyo dahil binulabog ito. Inabot ni Don Juan ang
ipinadalang baro ng pinanggalingan nito. Nalaman din ng ermitanyo ang balak ng prinsipe. Ngunit sa
walong daang taon ng paninirahan nito ay di rin niya batid kung nasaan ang hinahanap na kaharian.
Pinatunog din niya ang kampana at nagdatingan ang mga ibon, ngunit wala din sa mga ito ang
minsang nang nakarating sa nasabing kaharian.
May isang higanteng agila ang biglang dumating. Nagalit ang ermitanyo dahil bilin na bilin na
kapag narinig na ang tunog ng kampana ay dapat nakabalik na ang lahat ng ibon. Humingi ito ng
tawad at sinabing nanggaling pa siya sa malayong lugar. Na kahit mabilis na ang kanyang paglipad
ay hindi parin umabot ito. Sinabi ng ibon na siya ay nagtungo sa Reyno delos Cristales. Ikinuwento
ng agila kung gaano karikit ang kahariang gustong puntahan ni Don Juan. Inutusan ng ermitanyo ang
ang agila na dalhin doon si Don Juan. Sinabi ng agila na ang paglalakbay ay aabutin ng mahigit isang
buwan ng paglipad bago makarating sa banyo ni Maria blanca. Ipinasama din ng ermitanyo ang
laksa-laksang ibon upang may tagadala ng mga gamit at pagkain ni Don Juan.
21 || Filipino7
KABANATA 29: ANG KAHARIAN NG REYNO DE LOS CRISTALES
(SAKNONG 934-960)
Nakarating na rin sa wakas si Don Juan sa Reyno de los Cristales kahit na naubusan na sila
ng pagkain sa unang buwan pa lang ng paglalakbay. Lumapag ang agila sa banyo ni Maria Blanca.
Pinagkubli ng agila si Don Juan sa halaman upang hindi ito makita. Naaninag nila ang tatlong
magagandang dilag. Ngunit mas umangat ang mala-diyosang kagandahan ni Maria Blanca kung
kaya’t nabihag agad ang puso ni Don Juan. Naghubad si Prinsesa Maria Blanca at lumusong na sa
tubig. Sinamantala ni Don Juan ang pagligo ni Maria Blanca at agad kinuha ang saplot at hinalik-
halikan nito. Nagalit ang prinsesa sa pagkawala ng kanyang saplot at nagbanta na papatayin niya
ang sinuman kumuha nito.
Galit na galit na hinanap ni Maria Blanca ang lapastangang kumuha ng saplot niya. Agad na
inilantad ni Don Juan ang sarili at agad na humingi ng tawad. Dahil sa amo ng prinsipe ay humupa
ang galit ng prinsesa. Agad na nagkaibigan ang dalawa. Ipinakilala ni Don Juan ang sarili habang si
Maria Blanca naman ay agad na binalaan ang prinsipe na tuso at matalino ang ama niyang si Haring
Salermo. Dagdag pa niya, ang sinumang nabigo sa pagsubok ng kanyang ama sa mga nanliligaw ay
nagiging bato. Agad na inihanda ni Don Juan ang sarili.
Alamin natin
A - Paghambingin sina Juana at Leonora batay sa pinanood sa youtube na mga tauhan. Isulat
ang sagot sa loob ng bilog.
JUANA LEONORA
22 || Filipino7
Subukin pa Natin
A - Punan ang T-chart kung snong pagkakaiba ng psrssng ng panliligaw noon sa paraan ng
panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan.
Kung papapiliin ka, anong paraan ang nais mo ng taong nanliligaw sayo o ikaw mismo na
manliligaw? Bakit? Ipaliwanag
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
B - Gumawa ng isang malaking puso sa isang buong papel at magdikit o gumuhit ng iba’t-
ibang uri na nagpaakita ng pagmamahal mapa bagay, tao, hayop at pook man ito. Ipaliwanag
ang iyong gawa kung bakit ayon ang mga napili mong idikit o iguhit.
23 || Filipino7
Aralin 4:
-
L Sa pagtatapos ng aralin inaasahan na:
Payabungin natin
Ano ang matinding pagsubok na pinagdaanan mo sa buhay? Paano mo hinarap ang mga
pagsubok na ito? Ano ang natutuhan mo sa pagharap sa mga pagsubok na ito?
Talakayin natin
24 || Filipino7
KABANATA 32: PANGALAWANG PAGSUBOK NG HARI (SAKNONG 1060-1096)
Pinuntahan ni Haring Salermo si Don Juan sa hardin, inilabas ng tusong hari ang isang prasko na may
labindalawang negrito sa loob. Ikinalat ito ng hari sa karagatan at nais niyang ipahuli kay Don Juan bilang
isang pagsubok. Kailangan ay makita ng hari kinaumagahan ang prasko na kumpleto ang nasa loob upang
makaligtas sa kamatayan. Malungkot na namang lumapit si Don Juan kay Maria Blanca dahil sa pangambang
hindi niya mahanap lahat ang labindalawang negrito dahil sa lawak ng karagatan. Inutos muli ni Maria Blanca
kay Don Juan na siya’y pumayapa dahil siya na ang bahala. Pinagdala niya ng ilaw si Don Juan at nagtungo
sila parehas sa dagat pagsapit ng ikaapat ng madaling araw. Iniutos niya sa mga negrito na bumalik sa prasko
kung hindi ay matitikman nila ang galit ni Maria Blanca. Nagmadaling umahon ang mga negrito at agad na
bumalik sa loob ng prasko. Kinaumagahan ay dinatnan ng hari sa lamesa ang praskong may labindalawang
negrito. Naiinis ang hari dahil hindi niya mapatay-patay si Don Juan.
Iniutos ni Haring Salermo na itabon ang bundok sa gitna ng karagatan at tayuan ito ng
kastilyo. Ipinagkaloob kay Don Juan ang mga kasangkapang gagamitin sa pagbuo ng kastilyo gaya
ng palataw at bareta, piko, kalaykay, maso, at kutsara. Muling nagkita sina Maria Blanca at Don
Juan. Inutos ni Maria Blanca na magpahinga na lang muli ito dahil siya na ang bahala sa pinag-uutos
ng ama. Pinaandar niya ang bundok patungo sa gitna ng dagat at ito ay naging isang muog. Muling
inutos ng hari na alisin ang kastilyo at ibalik ang lahat sa dati. Ang lahat ng ito ay muling nagawa
dahil sa mahika ni Maria Blanca.
Ipinag-utos ni Haring Salermo kay Don Juan na hanapin umano ang nahulog na singsing sa ilalim ng
dagat. Pumalaot si Don Juan at Maria Blanca sa gitna ng karagatan. Inutos ni Maria Blanca na tadtarin siya ng
pinung-pino at ihulog sa tubig upang maging isang isda. Kailangan ingatan ni Don Juan na walang tumalsik na
piraso ng kanyang katawan dahil hindi na ito maibabalik kapag nabuo na ang prinsesa. Habang sumisisid ang
prinsesa ay nakatulog si Don Juan. Kaya walang kumukuha ng singsing pag nalitaw ang prinsesa. Sinubukan
ulit nilang gawin ito dahil sa sunud-sunod na kapabayaan ni Juan. Tinadtad niyang muli si Maria Blanca ngunit
dahil sa pagmamadali ay tumalsik ang dulo ng daliri nito. Nakuha na ang singsing ngunit nagkulang ang dulo
ng hintuturo nito. Bilin ng prinsesa na tandaan iyon bilang palatandaan ng kanyang pagkakakilanlan.
Kinaumagahan ay namangha ang hari dahil nakita niya ang singsing sa ilalim ng unan.
Muling tinawag ng hari si Don Juan upang bigyan ng panibagaong pagsubok. Hinamon niyang
paamuhin ang isang kabayong mailap at malupit. Batid ni Maria Blanca na ang kabayong iyon ay ang
kanyang ama. Tinuruan ni Maria Blanca si Don Juan ng mga paraan ng pagpapaamo ng kabayo.
Nagawa ni Don Juan ang lahat ng sinabi Maria Blanca at nagtagumpay itong paamuhin ang kabayo.
Nakaratay ang hari kaya si Don Juan nalang ang papapasukin sa palasyo. Maaari nang makapasok
sa loob ng palasyo si Don Juan dahil sa wakas ay natapos na ang panganib na nagbabadya dito.
25 || Filipino7
KABANATA 37: ANG PAGPILI SA KAMAY (SAKNONG 1286-1333)
Muling pinapasok ng Hari si Don Juan at ibinalita na panahon na raw upang papiliin kung sino sa mga
anak niya ang nais nitong pakasalan. Mayroong tatlong silid na kung saan nandoon ang tatlong prinsesa at
ang mga hintuturo lamang nito ang nakalabas. Nilagpasan ni Don Juan ang una’t pangalawang silid. Pinili niya
ang ikatlong silid dahil sa palatandaan niya ang naputol na hintuturo ni Maria Blanca. Nagulat ang hari ng
napili ni Don Juan ang bunso nitong anak. Walang itong nagawa kundi pasamahin ang bunsong anak sa
prinsipe subalit ito ay may ibang binabalak. May kautusang nagsasad na ipapadala sa Inglatera si Don Juan
upang mapangasawa ang bunsong kapatid ng hari. Nagbanta si Haring Salermo na papatayin niya si Don
Juan kung lalabagin ang kautusang ito. Nalaman ni Maria Blanca ang lihim na plano ng ama kung kaya’t
nagpasiya silang tumakas ni Don Juan.
Inutusan ni Maria Blanca si Don Juan na kuhanin ang kabayong sasakyan sa pagtakas sa ikapitong
pinto, ngunit nagkamali ito at nakuha ang kabayo sa ikawalong pinto. Wala ng panahon upang magtalo ang
dalawa dahil kinakailangan na nilang tumakas. Ginamit ni Maria Blanca ang kaniyang mahika ng mapansin na
hinahabol siya ng hari. Naghulog siya ng ng mga karayom na agad naging bakal na tinik. Hindi makalabas si
Haring Salermo dahil sa tinik na nakaharang. Dalawang araw niyang hinawan ang mga ito upang ipagpatuloy
ang paghabol sa dalawa. Muling ginamit ni Maria Blanca ang kanyang mahika. Inilaglag ng prinsesa ang
kanyang sabon at naging bundok ang magandang daan. Humanap ng ibang daan ang hari para tuluyan na
itong mahuli. Ngunit sa huling pagkakataon ay ginamit na naman ni Mari Blanca ang kaniyang mahika. Inihulog
ng prinsesa ang dala niyang kohe upang maging
isang karagatan ang tuyong lupa. Hindi na naabutan ng hari ang dalawa ngunit isinumpa ng hari ang kanyang
anak. Isinumpa niyang makakalimot at magtataksil si Don Juan sa oras na makarating ito ng Berbanya.
Nagkasakit ang hari dahil sa matinding sama ng loob at tuluyan ng namatay. Sa pagkahaba-haba ng nilakbay
ay nakarating din ang dalawa sa kaharian ng Berbanya .
Iniwan muna ni Don Juan si Maria Blanca sa isang nayon dahil nais ni Don Juan na mag-isang
pumasok sa Berbanya upang makapaghanda ng engrandeng pagsalubong para sa prinsesa. Tinutulan ito ng
prinsesa dahil batid niya ang sumpa ng Hari na makakalimutan daw nito ang prinsesa. Ngunit hindi niya
napapayag ang prinsipe kaya ibinilin lang nito na huwag titingin sa sinumang babae. Dumating ang prinsipe sa
Berbanya at labis iyong ikinatuwa ng hari ngunit siya namang ikinagalit ni Don Pedro. Nagalit ang hari sa
nalamang kataksilang ginawa ni Don Pedro kaya hinayaan na lamang ng Hari si Prinsesa Leonora kung sino
ang pipiliin niya sa dalawa.
Nakatakda nang ikasal si Don Juan at Prinsesa Leonora. Nais naman ng hari na itakwil na si Don
Pedro ngunit hiniling ng Prinsesa na pagkatapos ng kasal na lamang ito itakwil. Si Maria Blanca naman ay
labis na nanibugho sa pagtataksil na ginawa ni Don Juan. Kaya umisip ito ng paraan kung papaano bawiin si
Don Juan. Naisip ni Maria Blanca na magpanggap biglang isang emperatris sa kasal at sumakay sa gintong
karosa na tangan ng labindalawang kabayo.
26 || Filipino7
KABANATA 42: ANG PAGLABAS (SAKNONG 1473-1641)
Sa isang iglap din ay nanumbalik ang mga ala-ala ni Don Juan at humingi ng tawad kay Maria Blanca.
Nangako ito na hindi na muling mauulit ang paglimot dito. Nalaman din ng hari ang buong katotohanan mula
sa pagtira ng tatlong prinsipe sa Armenya hanggang sa pagsubok na ginawa ni Haring Salermo kay Don Juan.
Naguguluhan ang Hari kung sino ang dapat piliin ni Don Juan kaya isinangguni niya ito sa isang arsobispo.
Ayon sa kanya ang piliin daw ni Don Juan ang mas nauna niyang inibig na si Prinsesa Leonora kung kaya’t
labis ang pagkagalit ni Maria Blanca. Binasag ni Maria Blanca ang prasko at bumaha sa buong kaharian.
Nakiusap si Don Juan na ihinto na ang pagbaha at ipinangako kay Maria Blanca na siya nalang ang iibigin
nito. Humingi ng tawad si Don Juan kay Prinsesa Leonora at ipinakiusap na tanggapin ang pag-ibig na laan ni
Don Pedro. Noon din ang hiniling ni Don Juan na ikasal na sila ni Maria Blanca.
Naging makatuwiran si Haring Fernando sa pagpili ng katotohanan at kung ano ang nararapat.
Nagpasya ito na ipakasal si Don Juan kay Maria Blanca habang si Prinsesa Leonora naman ay para kay Don
Pedro. Hangad sana ni Don Fernando na ipasa ang korona kay Don Juan upang maging susunod na hari.
Ngunit iminungkahi ni Maria Blanca na kay Don Pedro nalang ibigay ang korona dahil paghaharian na ni Don
Juan ang Reyno delos Cristales. Isinalin ng Arsobispo ang korona kay Don Pedro bilng hari at Prinsesa
Leonora bilang reyna ng Berbanya. Pagkatapos ng kasal ay muling bumalik sina Don Juan at Maria Blanca sa
Reyno delos Cristales.
27 || Filipino7
Alamin natin
A - Pumili ng dalawa sa limang gawain sa ibaba ang nais mong gawin. Isulat ang iyong
napiling gawain sa isang malinis na papel
1. Pagsunod-sunurin ang mga kahilingan o pagsubok ni Haring Salermo kay Don Juan. Gamitin ang step chart
sa pagtatala ng mga ito.
2. Gumuhit ng isang simbolo sa bawat tauhan batay sa katangiang ipinamalas nito sa aralin. (Donya Maria,
Haring Salermo, Don Juan).
3. Bumuo ng isang T-chart na nagpapakita ng kabutihan at di-kabutihang dulot ng mga pangyayari mula sa
araling binasa.
5. Gumuhit ng simbolismo o larawan na magpapakita ng mga katangiang ipinamalas ni Don Juan sa araling
ito.
1. Paano ipinagtapat ni Don Juan ang kanyang pag-ibig kay Donya Maria? Ano ang naging reaksyon
ni Donya Maria sa pagtatapat na ito?
________________________________________________________________________________
2. Kung ikaw si Donya Maria, tatanggapin mo ba ang pagsuyo ni Don Juan? Bakit?
________________________________________________________________________________
3. Bakit binigyan si Don Juan ng mga pagsubok ni Haring Salermo? Ano ang layunin ng hari sa
pagbibigay ng mahihirap na pagsubok kay Don Juan?
________________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, alin sa mga pagsubok ng hari kay Don Juan ang pinakamahirap? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________
6. Tama ba ang ginawa ni Donya Maria na pagtulong kay Don Juan? Pangatuwiranan ang sagot.
Anong katangian ang ipinamalas ni Donya Maria sa tagpong ito ng kuwento?
________________________________________________________________________________
C - Buuin ang cataloging upang na maging pamilyar sa mga salitang nakasulat nang pahilig.
28 || Filipino7
Subukin pa Natin
Pumili ng isang kabanata sa Ibong Adarna at gawan ng iskrip. Ilagay ito sa Microsoft word o di
kaya naman ay isulat sa malinis na papel.
29 || Filipino7
Tanyag – sikat Dampa – mas kilala sa tawag ngayon
Sagana – mayaman na bahay kubo
Malimit – madalas Piging – pista
Supling – anak Botelya – bote
Bangungot – masamang panaginip Kinumbinsi – hinimok
Pinaslang – pinatay Kahabag-habag – kaawa-awa
Buhong – kontrabida, taong madaling Binabagtas – nilalakad
matukso ni satanas Kasakiman – katangian ng tao kung
Paham – matalinong tao saan gusto niyang siya lang ang
Lunas – gamot nagmamay-ari ng lahat
Natunton – narating Tangay – dala
Nakaidlip – nakatulog Hinagkan – hinalikan
Kinapamihasnan – nakasanayan Nanibugho – nalungkot
Iglap – pikitmata, sandali Panaghoy – paghihinagpis
Pagkabigo – pagkatalo Kahabag-habag – kaawa-awa
Nasilayan – nakita Nagtaksil – nagtraydor
Inatasan – inutusan Sinariwa – inalala
Naglakbay – naglakad, lumibot Pananabik – pagkagalak
Lambing – karinyo, lamyos, suyo o alo Nakahandusay – nakahiga
na ipinahahayag sa pamamagitan ng Naglaho – nawala
mahinhing salita o kilos Hinagkan – hinalikan
Nasaksihan – nakita Pagkakawanggawa – kusang-loob na
Paglalakbay – paglalakad pagbibigay ng tulong
Pagkalipas – pagkatapos Sumulpot – nagpakita
Bendisyunan – basbasan Nasindak – nagulat
Magtanan – umalis ng walang paalam Hinagkan – hinalikan
Binabagtas – nilalakad Namukhaan – nakilala
Sambit – sabi Pagtataksil – pagtatraydor
Marilag – maganda Natuklasan – nalaman
Ermitanyo – taong nananahan ng Nawili – natuwa
hiwalay sa tao Pangamba – takot
Leproso – taong may ketong (leprosy) Dalawin ng antok – makaramdam ng
Nadatal – narating antok
Dampa – mas kilala sa tawag ngayon Nagbalak – nagplano
na bahay kubo Nakaidlip – nakatulog
Engkantado – uri ng nilalang na may Nagpasya – nagdesisyon
angking kakayahan na iba sa Batid – alam
ordinaryong tao o hayop Natuklasan – nalaman
Masisilayan – makikita Sinambit – sinabi
Dayap – isang uri ng punong kahoy na Taksil – traydor
maasim ang bunga Naklakbay – naglakad
Labaha – pang ahit o itak Sagana – mayaman
Dayap – isang uri ng punong kahoy na Sumang-ayon – pagpayag
maasim ang bunga Pagsulsol – pag-udyok, paghikayat,
Malabay – malago pagpapayag
Hawla – kulungan Magara – maganda, kaaya-aya
Dampa – mas kilala sa tawag ngayon Tuklasin – alamin
na bahay kubo Marmol – pinakinis na bato na
Ibinilin – humingi ng pabor, utos ginagamit sa paggawa ng sahig
Banga – uri ng lalagyan Natatabunan – natatakpan
Napawi – nawala
30 || Filipino7
Lumot – berdeng halaman na tumutubo Pulot-pukyutan – pulot na ginawa ng
sa matutubig na kapaligiran, pagkain ng mga pukyutan (bees), honey
mga isda Bumbong – silindrikong sisidlan
Dipa – isang metro Baro – damit
Kinalabasan – resulta Nagdurusa – naghihirap
Hinawa – inip Nagngingitngit – sobrang galit
Tumambad – lumantad Dampa – mas kilala sa tawag ngayon
Namangha – nagulat na bahay kubo
Paumanhin – tawad Bilin – utos
Mapangahas – matapang Nagtungo – nagpunta
Nabigo – palpak Karikit – kaganda
Lumisan – umalis Paglalakbay – paglalakad/paglipad
Mabagsik – mabangis Laksa-laksa – marami
Serpyente – ahas Lumapag – bumaba
Tagpasin – pinutol Pinagkubli – pinagtago
Matatagpuan – makikita Naaninag – nakita
Nakadungaw – nakasilip Nabihag – nahulog
Nahumaling – nabighani, nahulog Lumusong – bumaba
Nagtapat – umamin Saplot – damit
Nangangamba – takot, kaba Nagbanta – nagbabala
Pagyanig – pag-galaw Lapastangan – walang-hiya
Lingkisin – puluputan Saplot – damit
Tinagpas – pinutol Inilantad – ipinakita
Tampalasan – pasaway Humupa – kumalma, tumigil
Pagal – pagod Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
Balsamo – langis na ginagamit sa Batid – alam
paghihilot Pakay – balak, plano
Ihasik – ikalat Salop – takal
Nagapi – natalo Trigo – uri ng bigas na ginagamit sa
Sumidhi – lumakas, tumindi pag gawa ng harina
Kataksilan – katrayduran Ipinahain – ipinahanda
Pisi – lubid Pangamba – takot, kaba
Nanlumo – nanghina Pumayapa – mapanatag, itahimik ang
Pinabulaanan – nilinlang, loob
nagsinungaling Nagtungo – nagpunta
Dilag – magandang babae Pagsapit – pagdating
Panata – taimtim na pangako Durungawan – bintana
Engkantada – uri ng nilalang na may Makalangahap – makaamoy,
angking kakayahan na iba sa makalasap
ordinaryong tao o hayop Sumapit – dumating
Nilinlang – niloko Pinawi – tinanggal
Nanumbalik – bumalik Itabon – itakip, ibaon
Nakaahon – nakaakyat Kastilyo – matibay na gusaling tirahan
Isinalaysay – ikinuwento ng mga maharlika
Magtungo – magpunta Ipinagkaloob – ibinigay
Tuso – mapanlinlang, pamanlamang Kasangkapan – kagamitan
Dilag – magandang babae Patungo – papunta
Supling – anak Muog – masisilungan o bahay
Kaparis – katulad Pumalaot – lumusong
Tumatangis – umiiyak Tadtarin – hiwain
Pagtuklas – pag-alam Tumalsik – tumapon, lumipad o
Naglalakbay – naglalakad napaalis mula sa isang lugar o pwesto
Bukbukin – bulok Pagkakakilanlan – katangian ng isang
tao para maging iba sa iba, palatandaan
31 || Filipino7
Namangha – nagulat Emperatris – babaeng emperador o
Mailap – hindi sanay sa tao namamahala sa isang imperyo
Nakaratay – may sakit, nakahiga Nanibugho – nagalit
Panganib – piligro Nakatuon – nakalaan
Nagbabadya – nagbabanta Nakasilid – nakalagay
Silid – bahagi ng isang bahay o gusali Dula-dulaan – pagsasalaysay ng isang
Palatandaan – marka kwento gamit ang kilos at salita
Binabalak – pinaplano Isinalaysay – ikinuwento
Nagsasaad – nagsasabing Hamon – pagsubok
Lalabagin – susuwayin, hindi susundin Trigo – uri ng bigas na ginagawsng
Lihim – sikreto harina
Nagpasiya – nagdesisyon Hinahampas – pinapalo
Pagtakas – pag-alis ng walang paalam Magunita – maalaala
Hinawan – hinawi Nanghinawa – napagod, sumuko
Kohe – boteng lalagyan ng tubig Pagtakas – pag-alis ng walang pa
Engrande – magarbo Hinagkan – hinalikan
Tinutulan – pinigila Gunawin – sirain
Nakatakda – dapat na mangyari, Iglap – pikit-mata, saglit
walang makakapigil Nanumbalik – bumalik
Itakwil – paalisin Isinangguni – inilapit
Nanibugho – nagalit Arsobispo – pari
Emperatris – babaeng emperador o Namayapa – namatay
namamahala sa isang imperyo Malugod – masaya
Karosa – karwahe Piging – pista
Tangan – dala-dala Patid – tigil
Parangal – pagkilala, gantimpala
32 || Filipino7
Simulan Natin
PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:
5. Ilang buwang nakipagsapalaran si Don Diego upang mahanap ang Ibong Adarna?
a. Dalawang buwan c. Apat na buwan
b. Tatlong buwan d. Limang Buwan
7. Anong kailangangang gawin ni Don Juan upang hindi siya makatulog sa pag-awit ng Ibong
Adarna?
a. Sagutan ang palad at pigaan ng dayap
b. Kurutin ng kurutin ang sarili upang hindi makatulog
c. magtatakbo ng magtatakbo upang magising
d. Sugatan ng sugatan ang sarili upang masaktan
9.Sino ang nais pakasalan ni Don Juan sa mga anak ni Haring Salermo?
a. Donya Leonora c. Donya Maria Blanca
b. Donya Juana d. Donya Marites
33 || Filipino7
a. Donya Leonora c. Donya Maria
b. Donya Juana d. Donya Marites
6. Ito ang lugar na hinahanap ni Don Juan upang matagpuan niya ang kanyang iibigin.
a. Piedras Platas c. Armenya
b. Berbanya d. Reino de los Cristales
17. Ilang taon ang ginugol ni don Juan upang marating ang Reino de los Cristales?
a. Isa c. Tatlo
b. Dalawa d. Apat
19. Ano ang mga nangyayari kapag may nagtatangkang manligaw kay Maria Blanca?
a Halaman c. Tubig
b. Buhangin d. Bato
GINA P. CANLAS
ESTRELLA E. DE VERA
FELICIDAD Q. CUAŇO
www.google.com//252866342-Supplemental-Filipino-High-School-Grade-7-4rth-Q-Ibong-Adarna/
https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/
https://www.biblegateway.com/passage/?search=1%20Corinthians%2013%3A4-7&version=MBBTAG;FSV
34 || Filipino7