Kahirapan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano nga ba ang totoong dahilan ng kahirapan?

Baket marami sa ating mga


Pilipino ang naghihirap? Dapat nga bang isisi sa gobyerno kung bakit ang
karamihan sating mga Pilipino ay asa estado ng kahirapan? Maaari nga bang isa sa
mga dahilan kung bakit naghihirap ang isang indibidwal ay dahil sa kanilang
katamaran? Marahil nga ay isa na sa nagiging bunga ng katamaran ay ang
kahirapan.
Matagal ng isyu ang kahirapan sa ating bansa. Kahirapan na hanggang
ngayon ay hindi pa rin lubos mabigyan ng solusyon. Karamihan sa ating mga
Pilipino ay isinisisi ang kahirapan sa gobyerno, ngunit sa kabilang banda ay
kasalanan rin naman ito ng kanilang pagiging tamad. Hindi dapat natin i-asa lahat
sa ating pamahalaan, maari tayong magsikap upang hindi tayo maging mahirap.
Karamihan kase sa ating mg Pilipino ay mas inuuna pa ang mga bagay na hindi
kapaki-pakinabang at walang maganda maidudulot sa buhay natin. Ang iba ay sa
halip na magbanat ng buto ay mas inuuna pa ang pag-iinom, pagsusugal at iba
pang mga bisyo.
May punto rin naman ang ibang nagsasabi na maaring gobyerno rin ang may
dahilan kung bakit ang iba ay lubos na naghihirap. Sa halip kase na ang ibang
proyekto para sa mahihirap ay napupunta sa tama, ninanakaw ng ibang opisyales
ng gobyerno at sa sariling bulsa nila ito mapupunta. Kaya dapat ay maging wais rin
tayo sa pagpili ng mga opisyales na uupo at magpapatakbo sa ating gobyerno.
Kaya anon nga ba ang totoong dahilan ng kahirapan? Ang pagiging tamad
ng aba? O ang mga kurap na opisyales ng ating gobyerno?
Sa aking palagay ay parehong may punto ang sinasabi sa pahayag, at
maaaring magkaugnay ang dalawang dahilang nabanggit.

You might also like