Imperyong Persian (MAKIPIG)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY

ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN
IKA-7 NA BAITANG

PAKSA: KABIHASNANG PERSIANO

Inihanda ni:
NINA MARIE D. MAKIPIG
(Gurong Nagsasanay)

Ipinasa kay:

Mrs. HANNA MAE MARTINEZ


(Gurong Tagapagsanaysay)
Republikang Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Tuguegarao City
Unibersidad ng Lambak Cagayan

MasusingBanghayAralinsaAralingPanlipunan7
(imperyong persia)

PamantayangPangnilalaman: naipapamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa kasaysayang


naganap impersyong persia.

PamantayangsaPagganap: ang mga mag-aaral ay kritikal na nasusuri ang mga kaganapan sa


pamumuno ng mga caliphate hanggang sa turkong seljuk.

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Niisa-isa ang mga kaganapan sa sa imperyong persia sa pamumuno ng mga caliphate
at pagtatak ng turkong seljuk;
b. Naibibigay ang paksa gamit ang simbolo sa bingo game; at
c. Nabubuo at nasasagutan ang isang katanungan gamit ang mga clue words.

II. NILALAMAN
A. Paksa: kabihasnang persiano (Ang pamumuno ng mga caliphate at turkong seljuk)
B. Sanggunian: grade 7 module page 117-120
C. Kagamitan :Laptop, PowerPoint Presentation (Larawan)
D. Integrasyon: mabibigyang halaga ng mga mag-aaral ang mga kaganapan sa
pamumuno ng caliphate at pag-usbong nga turkong seljuk.

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN:

 Pambungad na Panalangin
Magsi-ayos na at tayong lahat ay tumayo para sa
isang panalangin.
Panginoon, Maraming salamat po sa dakilang
araw na ito! Gabayan po Ninyo kami sa aming
pag-aaral sa pagtuklas ng bagong kaalaman na
magtataguyod sa amin upang maging mahusay
mong tagapaglingkod. Ang lahat ng ito ay aming
hinihiling sa pangalan po ng ating panginoong
Jesukristo, Amen.

 Pagbati
Magandang araw mga bata!
Magandang umaga rin po guro.

 Kamustahan
Kamusta kayo? Komportableba kayo ngayon sa
inyong inuupan?
Okay naman po kami guro at komportable po kami
saaming inuupuan.
 Pagtala ng Liban
Klas kapag narinig Ninyo ang inyong mga Apelyido
sabihin lamang ang salitang present kung kayo ay
narito sa ating klase.
Opo Guro
Salamat mga mag-aaral!
B. PAGGANYAK
BUUIN MO AKO GAMIT ANG SIMBOLO

Panuto: Gamit ang bingo cards hahanapin nyo ang


mga simbolic elements na tunutukoy ng bawat clue's
sa ibaba hanggang sa mabuo nyo ang salitang
tinutukoy rito. Sa pangalawa ay punan ninyo ng
tamang letra ang mga bakanteng linya gamit ang
mga gabay ba numero.

B I N G O
O Co2 B P At
Ca F He Ta Mg
Au N FREE Ne H
Al Ar Cs Li Be
Fe Na Te Ba La

2). 20, 21, R, 11, 15, G 19, E, 12,10, U ,11

C. PAGLALAHAD
Batay sa ating naging aktibidad ano sa palagay nyo
ang ating magiging paksa?

Tungkol po sa imperyong persia na karugtong po


ng tinalakay ni ma'am sheila.
Tama po, ang ating paksang tatalakayin ngayon ay
tungkol sa pamumuno ng mga caliphate, at ang
turkong seljuk na kaugnay parin sa impersyong
persia.
D. PAGTATALAKAY
Una nating tatalakayin ay ang pamumuno ng mga
caliphate. Ano nga ba ang caliphate klas?
Ang Caliphate po guro ay sistema ng pamahalaan
ng mga Muslim.
Mahusay, Ang caliphate o khilāfah ay isang
institusyon o pampublikong tanggapan na
namamahala sa isang teritoryo sa ilalim ng
pamamahala ng Islam. Ang taong humahawak sa
katungkulan na ito ay nagtataglay ng titulong caliph
at itinuturing na isang politiko-relihiyosong kahalili
ng propetang Islam na si Muhammad at isang pinuno
ng buong mundo ng Muslim .Ang salita ay nagmula
sa Arabic na khalifa na nangangahulugang "kahalili."

Kailan naitatag ni muhammad ang islam?


Noong taong 610 CE po guro.
Magaling! Noong 610 CE naitatag ni muhammad
ang islam. Sya ay nagsimulang mangaral sa mecca
ngunit kakaunti lamang ang naniniwala sakanya.
Maging ang kanyang tribong quraish ay hindi
nakinig skanya.

Saan sya nagtungo ng sya ay umalis sa mecca?


Sya po ay nagpunta sa medina.
Tama! Sya ay nagpunta sa medina. Doon marami
syang napasunod at lumakas ang islam. Noong 630
CE sinalakay ni muhammad ang meca at
nagtagumpay sya. Sya ang naging lider panrelihiyon
at pampolitika. Ang meca ang naging sentro ng dar
al islam.

Ng mamatay si muhammad sino ang humalili sa


kanya bilang pinuno?
Ama po ng kanyang asawa guro.

Mahusay! Ang ama ng kanyang asawang si Aisha na


isa sa mga una at masugid na tagasunod ang
piniling caliphate na ang ibig sabihin ay kapalit o
kahalili ni muhammad sya ay si abu bakr.

Sino naman ang pumalit sa pwesto ni abu bakr?


Si khalifa umar po guro.
Tama! Sinundan sya ni khalifa umar bilang pinuno
at naipagpatuloy ang gawain. Nasakop nya ang
mesopotamia at syria, at oagkatapos ay ang
jerusalem at palestine hanggang sa alexandria sa
egypt.

Sino ang sumunod na namuno pagkatapos ni khalifa


umar?
Sumunod po ay si khalifa uthman.
Mahusay! Si khalifa utham ang pinsan ni muhammad
ang sumunod sa pamununo ni khalifa umar, at
sumunod naman rito ay si khalifa Ali, manugang ni
muhammad, ngunit napatay sya ng isang coup d'etat.
Namatay na lahat ang apat na mabubuting khalifa.
Dahil dito nagkagulo ang mga muslim.
Nahati sa dalawang pangkat ang mga muslim at ito
ay ang?
Ang shi'ite at ang mga sunni.
Tama! Ang mga shi'ite ay mga taga sunod ni khalifa
ali at ang sunni naman ay mga tagasunod ng
umayyad. At hindi nagtagal nanalo ang umayyad
laban sa angkan ni khalifa ali.

Sino ang naging gobernador ng syria.


Si mu'awiya po guro.
Magaling! Si mu'awiyah ang syang gobernador ng
syria at mula sa angkan ng umayyad ang pumalit sa
pinuno ng islam. Naging dinastiya ang umayyad at
namuno sa imperyo hanggang 740 CE. Napalawak
nito ang sakop ng islam mula sa hilagang kanluran
ng india, iran anatolia, cyprus, at byzantium.

Ano ang nangyari noong 749 CE?


Naagaw ng khalifa ang Abassid ang
kapangyarihan at naging pinuno si abual-abbas.
Tama po, nagtatag ang Abassid ng sariling uri ng
pamahalaan. Naging khalifa si almansur. Nasa ilalim
nya ang vizir, ang kanang kamay at tagapangulo ng
mga pulong, at kung minsan ay namamahala sa
buong caliphate.

Ano ang ginagamit nila upang mapadali ang


komunikasyon?
Ginamit nila ang sistema ng koreo kasama ng
paggamit ng mga kalapati tagapagdala ng
mensahe. Gumawa rin sila ng mga mapa,
nangolekta ng datos, at bumuo ng sistema ng
pageespiya.
Mahusay! Gumamit sila ng koreo at kalapati para sa
mabilisang komunikasyon. Maliban sa
komunikasyon nangolekta rin sila ng datos, gumawa
ng mapa ,at bumuo ng sistema ng pag-eespiya.

Ano ang ginawa nila sa perang nila sa mga


mangangalakal?
Nakagawa sila ng karagdagang kalsada at
nakapagtayo ng moske sa buong imperyo.
May mga ilang nagawa ang khalifa, ito ay inyong
mababasa sa libro sa pahina 119.

Naunawaan nyo ba ang tungkol sa oamumuno ng


mga caliphate mga mag-aaral?
Opo guro.
Mabuti kung ganoon, Ngayon naman ay dumako
tayo sa ang mga turkong seljuk.

Klas, ano po ang turkong seljuk?


Ang Seljuks ay isang kumpanyang Muslim ng
Sunni Muslim
Tama! Ito ay isang kumpanyang Muslim ng Sunni
Muslim. Noong 1055, dumating ang mga turkong
seljuk sa baghdad upang manirahan sa caliphate .
Sila ay pumayag sa pamunuang muslim. Ng humina
ang Abassid caliphate ay lumakas ang pangkat ng
mga turko.

Sino ang namuno sa mga turko?


Pinamunuan sila ni toghrul beg, ang sultan.
Tama! Napalawak ni toghrul beg ang imperyo sa
malaking bahagi ng kanlurang asya hanggang sa
mediterranian sa kanluran at disyerto ng sinkjiang sa
silangan. Nagtayo rin sila ng mga kolehiyo na
tinawag na madrasa sa bawat lungsod. Pinakamalaki
sa mga itinayo ang nizamiya madrasa sa baghdad at
ito ang pinaka malaking unibersidad sa mundo
noong panahong iyon.
Naging pinakamalakas na ang imperyo noong
panahon ni sultan malik shah. Ano ang kanyang mga
nagawa o naipatayo?
Nagpagawa sya ng mga kalsada, paaralan, palasyo,
moske at mga kanal ng patubig.
Mahusay! At sa sining naman ay pinasigla nya ang
produksyon ng mga gawang sining na yari sa pilak.
Pinalaganap din nya ang wika at literaturang persian
gayundin ang pagsasaayos ng kalendaryong persian.

E. PAGLALAHAT
Klas naintindihan nyo ba ang ating tinalakay?
Opo guro.
Kung gayon maari mo bang sabihin sa klase ang
pagkasunud-sunod ng mga pinunong khalifa na
namuno sa islam?
Ang unang caliph po ay si Abu bakr, sumunod po
ay si khalifa umar na sinundan naman po ni khlaifa
uthman at ang oanghuli po ay si khalifa Ali.
magaling salamat sa iyong kasagutan.
Sino naman ang pinuno ng mga seljuk?
Si toghrul beg.
Bakit mahalagang malaman natin ang mga bagay na
nangyari sa panahon ng persiano?
Upang malaman po ang mga ganapan kung bakit
po nagkaroon ng hidwaan sa mga angkan at
onagkat ng mga tao noong unang panahon at kung
paano naging epektibo ang pamumuno ng kanilang
mga pinuno noon. Kung sila ba ay may nagawa
para sa kanilang pangkat o sila ay nagpabaya kaya
naman sila ay nasakop.
Maraming salamat sa inyo mga kasagutan klas, tunay
ngang kayo ay nakinig.
F. PAGLALAPAT
BREAK THE CODE!!!!

Panuto: sa loob ng 10 minuto gamit ang mga numero


buuin ang tanong na nakapaloob rito at sagutan sa
isang malinis na papel.

1-14-15 1-14-7 14-1-20-21-20-2114-1-14


14-9-14-25-15

2-3sentences sagutin.

IV. PAGTATAYA
Panuto: ibigay ang mga kasagutang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Sino nagtatag ng islam?
2-5. Ibigay ang apat na khalifa

V. KASUNDUAN
 Basahin at aralin ang tungkol sa "ang mga mongol at safavid" pati narin ang
"imperyong ottoman" para sa isang graded recitation sa susunod na talakayan.

You might also like