Professional Documents
Culture Documents
AP Africa Research
AP Africa Research
AP Africa Research
Sunni Ali Ber – Isa sa pinakamatapang na hari ng Songhai na namuno noong 1464. Siya
ang humati ng mga imperyo at lalawigan kasabay ng pagtatalaga ng Gobernador
Askia Muhhamad – Siya ay heneral na pumalit sa pagkamatay ni Sunni Ali ber. Siya ang
nagtaguyod ng relihiyong islam at isa sa pinakamagaling na pinuno ng imperyong songhai
Heograpiya ng Egypt
- Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaan na ang
tinutukoy na Lower Egpyt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantalang, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert, hanggang sa Abu Simbel. Ang nile na may 4,
160 milya ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
- Noon pa mang unang panahon, ang Egpyt ay tinatawag na bilang “Pamana ng
Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang
disyerto.
Pakinabang ng Pagbaha
• Ang taunang pag-apaw ng Nile noon ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga
magsasaka sa lambak-ilog.
• Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang
lupain na mainam pagtaniman.
• Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging
latiang tinatawag na DELTA.
• Ang lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon at mga hayop.
• Gumagawa ng mga imbakan ng tubig ang mga sinaunang Egpytian at naghukay ng mga
kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sakahan.
• Nagsilbi rin itong mahusay na ruta sa paglalakbay.
• Ang pagkakaroon ng disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbibigay ng
kaligtasan sa Egpyt dahil nahahadlang nito ang pagsalakay.
• Dahil dito, nakapamuhay ang mga Egyptian nang mapayapa at masagana sa loob ng
mahabang panahon.